‘…Hindi kaya… mali ang narinig ko…? Imposible ito, hindi ba...?’ naisip ni Giya habang dahan-dahan tumingin sa paligid niya at sinusubukan niyang hanapin ang pinagmulan ng sigaw na iyon. Gayunpaman, nakaramdam siya ng matinding pagkagulat na parang nagkatotoo ang kanyang panaginip! Marami siyang gustong sabihin, pero parang may bumara sa kanyang lalamunan na pumipigil sa kanyang magsalita... Si Sia ay tumingin kay Gerald na naglalakad na papunta sa stage bago siya sumigaw sa sobrang gulat, “Huh? Kilala mo ang babaeng iyon, Gerald?” “Hah! Sa tingin ko ang talunan ay sobrang naakit sa kanya na kusa siyang naglakad papunta sa stage! Mukhang hindi siya ang uri ng tao na may pera para bilhin siya sa pamamagitan ng auction!" Mapanuya na sinabi ni Beau. “Sino ba talaga siya? Napaka bastos! Kapag nasaktan niya si Young Master Turnbull, paniguradong mamamatay siya sa lalong madaling panahon! Kailangan natin siyang ilayo!" Sabi ni Yosef habang nakakunot ang kanyang noo. Gusto ni Sia
Makikita ang mapanlait na tingin sa mukha ng pitong lalaki nang bigla silang yumuko na parang mga mababangis na wolf na gustong sugurin si Gerald! Nakakatakot ang kanilang mga itsura kaya takot na takot ang lahat nang makita sila! "Jusko, mukhang pinupuwesto nila ang kanilang mga sarili para patayin ang walang kaalam-alam na lalaking ito!" “Humph! Kasalanan niya ito dahil hinayaan niyang mangyari ito! Pero iniisip ko kung hindi niya alam ang kapangyarihan ng pamilyang Turnbull sa Yanam. Ang lakas ng loob niyang saktan si Young Master Turnbull sa lahat ng tao! Pagkatapos siyang patayon, paniguradong susunod na ang mga miyembro ng pamilya niya!" Karamihan sa mga tao sa labas ng stage ay nangangasar kay Gerald, pero kasalukuyan namang hindi mapalagay si Sia. Lumingon siya sa gilid niya at nagmakaawa, “Young Master Jenks! Fia! Bilisan niyo at gumawa ng paraan para iligtas siya! Gamitin niyo ang kapangyarihan ng inyong pamilya o kung ano pa man! Gusto lang naman niyang iligtas ang
Pinakita ni Gerald ang kanyang mapahamak na ngiti at hiniwa niya ang hangin gamit ang kanyang blade of light sa kamay! Lumipad ito patungo kay Baelfire at sinubukan ni Lenox na pigilan ito. Gayunpaman, nanatili siya sa kanyang kinatatayuan niyang mapagtanto niya ang lakas ng blade na ito. Walang makakapigil sa pwersang ito!“Y-young master…!” takot na takot na sumigaw si Lenox habang pinagmamasdan niya si Baelfire na hiniwa ng walong piraso! Naging mahigpit ang pakiramdam sa paligid pagkatapos mapanood ng mga tao ang kanyang pagkamatay... Si Lenox naman ay napahinto dahil hindi siya makapaniwala sa nangyari... Hindi siya masisisi sa naging reaksyon niya. Ngayon lang niya nasaksihan ang nakakakilabot na pagkamatay ng nag-iisang anak ng pinakamayamang tao sa Yanam! Kontrolado ng lalaking iyon ang kalahati ng ekonomiya doon! Pagkatapos mangyari ang lahat ng ito, nahihirapan na si Lenox na isipin kung ano ang mangyayari kaya nagpanting ang kanyang mga tainga. Ang maputlang muk
Ang iba naman ay nanlaki ang mga mata at hindi makapaniwala nang mapagtanto nila na ang tao na nasa stage ay walang iba kundi ang nag-iisang Mr. Crawford ng Sacrasolis Palace! Nang pansamantalang nabigla ang lahat, binasag ni Carlos ang katahimikan habang sinasabi, “Mr. Crawford, ano ang dapat nating gawin sa taong ito?” Maririnig na walang pakialam si Carlos sa mga kahihinatnan pagkatapos niyang sabihin ito at ganoon din para sa iba pang mga tauhan ni Gerald na nasa entablado. Nag-alangan lang si Yeshua dahil plano niyang payuhan si Gerald na huwag pakialaman ang pamilyang Turnbull. Pagkatapos ng lahat, sila ay isang nangungunang pamilya na nagmamay-ari ng higit sa kalahati ng kayamanan ng Yanam! Ang mga miyembro ng pamilyang Turnbull ay mga kamag-anak din ng Hari ng Yanam! Sa madaling salita, ang pamilyang iyon ay may malalim na roots sa kanilang posisyon... Naghihintay ang isang malaking kapahamakan para kay Gerald pagkatapos niyang patayin ang nag-iisang anak na lalaki ng p
Nagulat ang babae at sumigaw nang makita niyang hinawakan ni Gerald ang kanyang kamay, "Ikaw...! Bakit mo ako hinawakan…?!” Pagkatapos nito, makikita sa kanyang braso ang isang layer ng draconic scales na kumikinang ng scarlet red! Habang lumalakas ang liwanag, naramdaman ni Gerald lalong uminit ang kanyang palad at ito ang nag-udyok sa kanya na bitawan ang kanyang pagkakahawak bago siya umatras ng dalawang hakbang. Galit na galit na tumingin ang babae kay Gerald at ang kanyang kaakit-akit na mukha ngayon ay namumula sa galit habang siya ay nakasimangot, "Bakit napakamanyak mo?!" Tiningnan ng maigi ni Gerald ang kanyang mukha at huminga siya ng mabilis at makikita na mas emosyonal kaysa dati! 'Kaboses at kamukha mo rin siya! Masasabi ko na sa wakas ay natagpuan na kita, Mila...!' "Pakiusap, tingnan mo ako nang matagal, Mila! Nakalimutan mo na ba talaga kung sino ako? Ako si Gerald! Walang sawa kitang hinanap sa loob ng apat na taon mula nang mawala ka sa excursion na iyon!"
Naistorbo siya sa kanyang iniisip nang biglang may tumawag sa kanya, “Xoie? Xylina! Saan kayo pumunta?" Nang marinig iyon, mabilis namang sumagot si Xylina, “Ah! Mila! Pumunta kami sa-" Nakahinga ng maluwag si Xoie nang maalala ni Xylina ang kanilang naunang pangako nang pigilan niya ang kanyang bibig. Mabilis na siniko ni Xoie si Xyline kaya mabilis siyang natauhan habang nagpapatuloy siya, “…Pumunta kami dito para… tumingin sa paligid! Hindi ba ang ganda ng dagat ngayong gabi?" Ngumiti lang si Mila habang tumatango bago siya sumagot, "Mahirap makipag-negotiate sa King in the North, pero ang ating adoptive father ang nag-utos sa atin na gawin ito. Nakakainip talaga ang ginagawa natin ngayon, pero kailangan nating sundin si papa hangga’t maaari at huwag sana tayong gumala!" “Alam namin Mila... Dala ko na pala ang gamot na inutos ko sa ilang subordinates ko na kunin para sayo. Parang sobrang lala ng headache mo tuwing gabi kaya naisip kong kumuha ka ng isang bagay na makakatul
Ang pamilyang Turnbull ay isang pamilya na nabubuhay sa loob ng daan-daang taon, mayroong maraming katangi-tangi at makapangyarihang mga tao sa loob ng pamilyang iyon na may influential backgrounds. Dahil doon, palagi silang walang ingat dahil alam nilang walang makakalaban sa kanila. Dahil doon, hindi kailanman naisip ni Hooper na ang kanyang anak na lalaki ay magkakaroon ng masakit na kamatayan. Yakap niya ngayon ang mga piraso ng bangkay ng kanyang anak, kaya naramdaman ni Hooper ang kalungkutan at poot sa kanyang puso... Nang makita ang kanyang reaksyon, lahat ng may tamang pag-iisip ay agad na napaatras ng ilang hakbang. Nanginginig pa rin si Hooper nang tumingin siya kay Lenox habang sinasabi, "...Sino... Sino ang pumatay sa anak ko...?!" Nanginginig sa takot si Lenox nang sumagot siya, “A-ang taong gumawa nito... ay ang taong matagal nang hinahanap ng pamilya ko! Si Gerald ang may kagagawan nito!" "…Ano?! Si Gerald?!” sigaw ni Hooper habang ang kanyang mga mata ngayon
“Ano iyon, master? Hindi mo inasahan na siya ay napakalakas?" tanong ni Greyson. “Oo, hindi ko ito inaasahan. Humph. Masyado kong minaliit ang kapangyarihan ng Herculean Primordial Spirit na kaya pala nitong magdulot ng matinding pagbabago sa mga tao... Nakapasok na si Gerald sa Rune Realm sa loob lang ng ilang taon! Masasabi ko na kapantay na ng lakas ko ang training level niya! Imposible itong makamit ng isang ordinaryong tao!" "Ang nakakainis sa lahat ay masyadong pinapalakas ng taong sumusuporta kay Gerald ang kanyang kakayahan! Kung hindi dahil sa kanya, hindi rin magde-develop si Gerald hanggang sa punto na hindi ko na siya makontrol! Dahil doon, kailangan kong magtago para lang masubaybayan siya!" paliwanag ni Daryl. Nang marinig iyon, parehong napabuntong-hininga sina Hooper at Greyson. "Ang pitong pinakamakapangyarihang tao mula sa Ringmasters of Obliteration ang nangunguna sa lahat... Kung si Gerald ay napakalakas tulad ng sinabi mo, ang ibig sabihin ba nito ay kapant