Matapos marinig ang sinabi ni Gerald, mabilis namang kinabahan at nabalisa si Hoyt. Ramdam na ramdam niya ang pagtulo ng malamig na pawis sa kanyang noo, kaya nahihirapan na siyang hawakan ang bead sa kanyang kamay. “Pinapayuhan ko kayong pag-isipan ito ng mabuti. Kapag naging careless ka, sisiguraduhin kong mababali ang buong katawan mo habang pinagmamasdan mong bumagsak ang iyong katawan bago mo pa man mag-activate ang formation... Hindi ako nagbibiro, baka sakaling nagtataka ka,” sagot ni Gerald. “…A-Ah…!” sabi ni Hoyt habang nakatitig siya sa mga bangkay na iniwan ni Gerald at masyado siyang kinakabahan na hindi na siya makapagsalita pa. Ang magkabilang kamay ni Hoyt ay nanginginig na ngayon habang pinagmamasdan niya na nilapit ni Gerald ang kanyang sariling kamay para tanggalin ang bead sa kanya. "Ito pala ang Thunderstorm Formation?" tanong ni Gerald habang pinagmamasdan ng mabuti ang bead. Naramdaman ni Gerald ang isang maliit na formation na makikita sa loob ng bead.
Ang dahilan kung bakit nakatakas si Hoyt ay dahil sinadya itong mangyari ni Gerald.Inisip niya noong una na magagamit niya si Hoyt para mahanap niya ang Yearning Island.Hindi niya inasahan na si Hoyt ay nagtatago pala.Dahil wala nang halaga sa kanya si Hoyt, paniguradong hindi hahayaan ni Gerald si Hoyt ng napakadali. Sa sandaling iyon, pinaandar niya ang kanyang spell para patayin si Hoyt hanggang sa naging ilang milyong piraso siya.Buti na lang at nahanap na niya si Master Ghost. Kapag lumakas na muli si Master Ghost, malalaman na niya kung saan makikita ang pamilya ni Gerald.Nitong mga nakaraang araw, hindi na napigilan ni Carlos at ng iba pa na hilingin kay Gerald na magtayo ng sariling cultivation sect upang pormal na maitatag ang kanyang superiority sa harap ng kanyang mga subordinates.Ang pagkakaiba sa pagkakataong ito ay ang declaration na ito ay inaprubahan ni Master Ghost.Sa sandaling ito, kahit si Master Ghost ay nagpaliwanag at nagpakita ng pagpapahalaga sa pa
Napakahirap para sa kanya na ipagpatuloy pa ito sa mga taon na lumipas.Sigurado dahil ipinanganak siya sa isang ordinaryong mortal na buhay. Gayunpaman, hindi man siya masyadong malakas para tumaas ang tingin sa kanya ni Gerald.Si Hubert naman ay napuno ng paggalang kay Gerald.“Ang sugat ko ay magaling na pagkatapos mo itong gamutin, Magnificent Master. Pumunta agad ako dito nang marinig kong tinawag mo ako!" Sabi ni Hubert habang nakayuko.“Narinig ko kay Master Ghost na ang Dragon Squad ay may napaka-systematic na underground resource network. Kaya gusto kong humingi ng tulong sayo para sa isang bagay, Mr. Younger!” sabi ni Gerald.“Utang ko sayo ang aking Magnificent Master. Bigyan mo ako ng kahit anong utos!"Sabi ni Hubert habang nakayuko.“Julian, Carlos...” Napatingin si Gerald sa dalawang lalaking ito.“Opo, Magnificent Master!”“Dahil napili na ang Sacrasolis Palace, itatalaga ko kayong dalawa na magtalaga ng mga gawain para makumpleto natin ang pagtatatag ng ating
Napakahalaga ng Soul Arch Compass na mula sa Dragon Squad, kaya hindi na pinatagal pa ni Gerald ang oras. Pagkatapos magtalaga ng ilang gawain, nagmamadaling pumunta si Gerald sa base ng Dragon Squad kasama si Master Ghost.Ang base ng Dragon Squad ay matatagpuan sa Tierson Mountain.Ang lugar na ito na makikita sa Tierson Mountain ay ipinagbabawal din sa labas ng mundo.Gayunpaman, ang sinumang makapasok sa base ng Dragon Squad ay mga first-class master na kailangang kumpletuhin ang iba't ibang mga restricted task upang matiyak ang kaligtasan ng kanilang partido.Ang Dragon Squad ay kilala bilang ang mga nakatagong dragon ng Weston.Ito ay nasa ilalim ng kontrol ng Weston.“Hubert Younger, nababaliw ka na ba?! Bakit mo dinala ang isang inexperienced young brat sa Dragon Squad base? Talagang nirekomenda mo pa siya na maging isang instructor sa ating base?!”Sa opisina ni Team Leader Lock.Sabik na sabik na pinag-uusapan ni Hubert ang bagay na ito at hindi makapaniwala sa kanya
Nag-aalala si Hubert.“Sige, tama na. Pagod na ako. Umalis na muna tayo."Tumalikod si Yeshua habang tinataas niya ang kanyang kamay para utusan silang umalis.Tama ang sinabi ni Burnard. Tama ba na hinihiling niya si Hubert na puntahan ang batang ito? Isang malaking kalokohan iyon!Pagkatapos nito, medyo sumama ang loob ni Yeshua kay Hubert. Naramdaman niya na walang kabuluhan ang kinikilos ni Hubert sa puntong ito at iyon ang dahilan kung bakit ayaw na niyang ipagpatuloy ang pakikipag-usap sa kanya.Tumango lang si Hubert habang nakatingin ng masama kay Burnard bago siya umatras.Mabilis ding lumabas ng opisina si Burnard.“Captain Jole, sa tingin mo ba ang lalaking ito na nagngangalang Gerald Crawford ay isang tao na kinuha lang ni Huber at binayaran? Kung tutuusin, malapit na ang halalan para sa vice chief caption ng Dragon Squad. Hindi na makakalaban sayo si Hubert at iyon ba ang dahilan kung bakit niya pinatawag ang taong iyon dito?"Pabulong na tinanong ng deputy ni Burn
Sa sandaling ito, sa cafeteria.May isang miyembro na may mga pasa sa buong kamay ang nanginginig habang hawak ang isang tray gamit ang kanyang dalawang kamay. Kasalukuyang siyang nakaupo sa isa sa mga upuan.“Hoy! Sinong nagsabi sayo na pwede kang umupo? Wala pang prutas si Kuya Yareth. Bilisan mo at kumuha ng mga prutas para kay Kuya Yareth!”Ilang kabataang nakaupo sa malapit ang masungit na nakipag-usap sa binatang ito.Ang mga taong ito ay may mapagmataas at dominanteng tingin sa kanilang mga mukha at halatang pinagtatawanan nila ang binatang ito.Makikita na nakaupo sa gitna ng karamihan ay walang iba kundi si Brother Yareth. Sa sandaling ito, pinikit niya ang kanyang mga mata at makikita ang mapaglarong ngiti sa kanyang mukha habang nasasaksihan ang eksenang nasa harapan niya."Sige! Kukunin ko ito ngayon!"Biglang napakagat labi ang binata. Nakakahiya pa rin ito sa kanya, pero tumayo pa rin siya habang kumukuha ng ilang prutas bago ito inilagay sa tabi ni Yareth.Pagkau
Kung hindi niya ito titingnan ng maigi, paniguradong hindi niya makikilala ang sugatang mukha ni Aiden.“Hmph? Captain Younger?"Sa sandaling ito, nakita ni Finnick at ng iba pa na papasok na si Hubert, kaya tumigil sila sa ginagawa nila dahil gusto nilang ibigay ang kanilang respects.“Mr… Mr. Crawford?”Si Aiden naman ay patuloy na nakahandusay sa lupa habang nanginginig ng husto ang buong katawan niya nang makita niya si Gerald.Sa isang iglap, bumuhos na parang malakas na baha ang kanyang mga luha."Mr. Crawford!”Malakas na sumigaw si Aiden.“Aiden! Bilisan mo at tumayo ka!"Tumakbo ng mabilis si Gerald para tulungan si Aiden na makatayo.Kung nasa ibang lugar lang siya, sisirain na niya ang mga katawan ng lahat ng mga taong ito. Gayunpaman, nandito si Hubert kaya naniniwala si Gerald na paniguradong maghihiganti ito para sa kanyang kaibigan.Syempre, hindi basta-basta matatapos ang usaping ito kahit nabigyan man niya ito ng hustisya o hindi.Ito na ang ugali ni Gerald
"Sino ka?!"Mabilis na sumugod ang isa sa mga binata nang bigla niyang tinanong si Gerald dahil nagalit siya nang makitang inatake ni Gerald si Finnick.Si Yareth naman ay kanina pa nakapikit hanggang sa wakas ay iminulat niya ang kanyang mga mata sa sandaling ito habang nakatingin kay Gerald.“Siya ang kapatid ko. Paano natin aayusin ito pagkatapos niyong saktan ang kapatid ko? Sino ang may kagagawan nito?!" malamig na tinanong ni Gerald.“Pfft! G*go ka! Sino ka ba sa tingin mo? Ako ang may kagagawan nito! Anong gagawin mo sa sa akin?" Sabi ng isang binata.“Sinaktan ko rin siya!"Sa sandaling ito, humigit-kumulang isang dosenang binata ang nakatayo sa harapan ni Gerald.Nakakrus ang kanilang mga kamay sa harap ng kanilang dibdib at ang ilan sa kanila ay may hawak pang mga armas.Para bang pinipigilan nila si Gerald gamit ang kanilang nakakasindak na aura."Ganoon ba? Parang wala kayong balak magsisi, ha?" Sabi ni Gerald habang walang pakialam siyang nakangiti.“Hahaha! Mag