Nakaramdam ng tunay na kahihiyan si Yareth.Nakatuon sa kanya ang mga mata ng maaraming tao at umaasang gagawa sila na gagawa siya ng hakbang para labanan ang taong ito.Sa hindi inaasahang pagkakataon, sumuko siya sa harapan ni Gerald.Ito ay napakasakit para kay Yareth.Gayunpaman, wala na siyang ibang paraan dahil ayaw niyang mangyari sa kanya ang nangyari sa grupong iyon.“Hindi ‘yan ang tinutukoy ko. Pinagtulungan niyo ang kapatid ko, kaya paano ka makakabawi sa kapatid ko pagkatapos ng lahat ito? Kung hindi mo ito gagawin, papatayin kita ngayon din kahit ano pa ang iyong background!" Sabi ni Gerald habang nakatitig ng masama sa kanya.Pagkatapos nito ay pinagpawisan ang buong katawan ni Yareth."Pwede bang kalimutan na lang natin ito?"Alam ni Aiden ang background ni Yareth. Kaya naman, hindi niya napigilang sumagot habang naglalakad patungo sa gilid ni Gerald.Tinapik ni Gerald ang balikat ni Aiden bago siya tumawa.“Aiden, nakalimutan mo na ba? Naaalala mo ba na ikaw
“Siya ba si Mr. Gerald Crawford na inimbitahan ni Captain Younger dito para maging chief instructor?”Sabi ni Burnard habang nasa likod ang kanyang mga kamay at nakangisi siya habang nakatingin kay Gerald."Tama iyan!"Tumango si Gerald.“Hahaha! Mukhang hindi natin pwedeng husgahan ang isang tao sa itsura nito! Hindi ko akalain na napakalakas mo sa murang edad. Totoo na kahanga-hanga ito!”"Pero madalas kong naririnig na sinasabi ng mga tao na ang isang tao ay madalas na nagpapahalaga sa kanilang sarili kapag mayroon silang higit na lakas at kakayahan. Hindi ko inalagaang mabuti ang kapatid mo noong nagtraining siya sa amin. Pero hindi mo dapat sisihin lamang si Yareth sa lahat ng ito. Kung gusto mong sisihin ang isang tao, dapat mong sisihin ang iyong kapatid na ito dahil hindi niya alam ang kanyang lugar! Hahaha!”Tawa ng tawa si Burnard habang winawagayway ang kanyang kamay.Mabilis na bumangon sa lupa si Yareth bago siya tumakbo sa likod ni Burnard."Tito, kung hindi ka du
Sa sandaling pumutok ang ginintuang ilaw, tumusok ito sa leeg ni Yareth na parang isang kutsilyo.Dilat na dilat ang mga mata ni Yareth, ngunit hindi nagtagal, bumagsak siya kaagad sa lupa.“Yareth!!!”Nanlaki ang mga mata ni Burnard sa sobrang gulat.Mabilis na namula ang eye socket niya.Ito ay dahil hindi niya nagawang pigilan ang malakas na suntok na iyon.“Pinatay mo ang pamangkin ko!!!” Galit na sinabi ni Burnard."Pinatay mo siya kahit na maliit na bagay lang naman ang ginawa niya!"Hindi akalain ni Burnard na ang taong ito na nakatayo sa harapan niya ay isang tao na napakalupit.“Malinaw ang sinabi ko kanina at pwede namang maiwasan ang pagkamatay niya. Ang kailangan lang niyang gawin ay gumapang, pero sinabihan mo siyang tumayo. Kaya, kailangan niyang pagbayaran ang presyo para sa kanyang mga aksyon at desisyon!” walang pakialam na sinabi ni Gerald.“T*ng-ina mo ka! Wala ka bang respeto sa Promissory Sect?!"Sobrang nalungkot at nabalisa si Burnard.Napalunok din a
"…Ano? Sinasabi mo ba na dumating na si Gerald sa Rune Realm?" tanong ng nalilitong Yeshua nang biglang nanginig ang buong katawan. "Tama iyan! Ang kanyang lakas ay walang hangganan! Ang kailangan lang ni Gerald ay isang suntok para durugin si Burnard! Napakasamang paraan para mamatay... Hindi natatakot si Gerald sa kahit sinong lumaban sa kanta!" sagot ng third team leader habang nanginginig siya sa takot. “…Hindi ko inasahan na may makapangyarihang tao sa Weston... Motivated na ako dahil dumating tayo sa puntong ito! Kung tutuusin, isang karangalan kung pumayag siyang maging head coach natin!" Sabi ni Yeshua. Hindi na isinasapuso ni Yeshua ang pagkamatay ni Burnard. Alam niya ngayon na wala nang mas mahalaga pa kaysa sa katotohanan na may isang taong nakapasok na sa Rune Realm! Habang iniisip niya iyon, tumingin si Yeshua kay Gerald, na nakapasok ang dalawang kamay sa bulsa habang dahan-dahan siyang lumabas sa crowd. Pagkatapos nito, mabilis na lumapit sa kanya si Yesha ba
"Mr. Crawford, masyadong nakakahanga na nakapasok ka sa Rune Realm sa murang edad! Ano nga pala ang rank mo sa realm na iyon…?” tanong ni Yeshua. “Hindi ako sigurado tungkol diyan. Pero natatandaan ko na sinabi sa akin ng isa sa aking mga subordinates na kailangan ko ang Sceolium ng Ringmaster of Obliteration para makita ang rank,” sagot ni Gerald. “Ah, May Sceolium ang Dragon Squad. Kung nagtataka ka kung paano ito ginagamit para malaman ang rank ng isang tao, ang ginagawa talaga nito ay malaman ang essential qi ng isang tao. Doon malalaman ng isang tao kung ano ang kanilang rank. Bakit hindi mo ito subukan, Mr. Crawford?” tanong ni Yeshua na parang sabik siyang pasayahin si Gerald sa kabila ng pagtupad ng mga kahilingan ni Gerald. Nang makuha niya ang approval ni Gerald, pumunta si Yeshua sa isang bookshelf sa kanyang opisina bago niya pinindot ang isang nakatagong switch sa likod nito. Makalipas ang isang segundo, isang mechanism ang maririnig na 'kumakatok' habang dahan-dahan
Sa nakalipas na ilang araw, naging abala si Master Ghost sa paggamit ng kanyang Nine Dragons Calculation Technique sa tulong ng Soul Arch Compass upang makuha ang pinakatumpak na impormasyon na kailangan niya. Sa buong panahon niya gamit ang compass, naramdaman ni Master Ghost na siya ang pangunahing karakter sa ilang nobela ng martial arts. Nakakuha siya ng access sa impormasyon tungkol sa mga kakaibang insidente na makikita ng detalyado sa loob ng Soul Arch Compass na naganap sa mga nakaraang taon. Halimbawa, nalaman ni Master Ghost na ang Dragon Squad ay mabubuhay nang mahigit sampung libong taon, pero hindi ito ang pangalan nila noon. Gayunpaman, ang mahalaga ay nagmula pa rin ito sa parehong bloodline. Nalaman niya na ang Dragon Squad noon ay kadalasang gumagawa din ng mga underground deal. Doon niya nakumpirma ang mga reading na ginawa niya sa pamamagitan ng Nine Dragons Calculation Technique at sa pamamagitan ng fact-checking sa historical accuracy details gamit ang naital
Dahil doon, maraming magagaling na master ang kinuha ng mga mangingisda ngunit sila ay pinatay ng nasabing Devil Incarnate. Maging ang mga mangingisda na nakaligtas ay agad na namatay sa kamay ng halimaw na iyon... Ang tanging nabubuhay ngayon ay walang iba kung hindi ang baliw... Gayunpaman, pagkatapos masaksihan ang lahat ng mga pagkamatay na iyon, parang bumalik sa normal ang isip ng baliw. Naintindihan na niya ngayon ang nangyari at nagalit siya tulad ng mga namatay na mangingisda, hanggang sa umabot ang punto na gusto niyang maghiganti. Nang maibalik ang kanyang kakayahang mag-isip, naalala ng lalaki ang isang pangyayaring nangyari sa kanya noong siya ay mas bata pa. Sa totoo lang, nakilala niya ang isang pambihirang tao na nagbabala sa kanya na may isang taong mala-demonyo ang darating sa kanyang village balang araw. Meron siyang tatlong mata, malalaking paa, at medyo mahaba rin ang kanyang buhok, ang pambihirang lalaki ay nagsabi rin na sa pagdating ng halimaw, maraming
"Sino?" tanong ni Gerald. “…Si Daryl mismo. Pinatay niya sa loob ng isang gabi ang mga miyembro ng kanyang pamilya na parehong ipinanganak at nagpalaki sa kanya gamit ang hindi nalalaman na tactic... Simula noon, tumira siya sa Yearning Island habang itinatatag ang iba pang pamilyang Crawford. Mahalaga na banggitin ko na ang iba pang mga Crawford ay tumagal lamang ng ilang dekada para umunlad sila. Sa katunayan, masasabi na ang lakas ng ibang pamilya Crawford ay ilang beses na mas mataas kaysa sa mga nakaraang Crawford!" “Nagsimulang magsagawa ng isa pang plano si Daryl pagkaraan ng pamahon at ang plano ay tinatawag na Plan of Insights. Malamang na matagal na siyang naghahanda para sa planong iyon at lumalabas na kasangkot sa pagtagumpay ng planong iyon. Mukhang may hawak din siyang sikreto na hindi ko pa nabubunyag…” paliwanag ni Master Ghost. "… Just to clarify, sinabi mo na marami sa mga pangyayaring ito ay may koneksyon sa lolo ko, hindi ba?” hindi makapaniwalang sinabi ni Ge