"…Ikaw…! Ang yabang mo pa rin kahit na malapit ka nang mamatay!" galit na sumigaw ang pari. Gayunpaman, napahinto ang pari bago pa man siya makapagsalita. Nakatitig na siya ngayon kay Gerald, pero kahit papaano ay naaninag ng pari ang apoy na makikita sa mga mata ni Gerald. Sa isang sandali, biglang nakaramdam ang pari ng nasusunog na pakiram sa mga talampakan niya... Pagkatapos nito, napahiyaw ang pari bago siya naging alabok humigit kumulang isang segundo! "Ang buhay ng mga langgam ay hindi mahalaga sa akin!" Sabi ni Gerald habang nakangiting umiiling bago niya inilagay ang mga braso niya sa kanyang likuran. Pagkatapos nito, dahan-dahang umalog ang katawan ni Gerald hanggang sa lumipad siya! Dahil doon, mabilis siyang nakabalik sa kweba kung saan huling dinala si Xyrielle. Maraming nagbabantay sa loob ng kweba at napansin ng mga guwardiya ang presensya ni Gerald, kaya mabilis nilang pinigilan siyang pumasok. Gayunpaman, tulad ng sinabi ni Gerald kanina, silang lahat ay mg
Sa sandaling iyon, lumabas ang leader ng tatlong lalaking nakamaskara na kanina pa nakatayo sa likod ni Xyrielle, “Salamat sa pagligtas sa amin, sir! Ang pangalan ko ay Hubert Younger!" “Oh? Nandito ka rin pala Mr. Hubert?" Sigaw ng matandang pari na agad ding binati ang tatlong lalaking nakamaskara. Makikita na magkakilala ang mga ito. “Tama! Matapos matanggap ang iyong secret message na nagsasaad na ang Sacrasolis Mountain ay may problema, mabilis naman kaming sumugod para mag-imbestiga. Hindi namin inasahan na si Hoyt ay magiging malakas sa loob lamang ng ilang dekada mula noong huli ko siyang makita... Sa totoo lang, nahirapan akong labanan ang kahit isang suntok niya. Kung hindi ko inilabas ang aking Dragon Zone, hindi ko talaga kayang makipaglaban sa kanya at sa kanyang mga tauhan! Bukod sa lahat ng iyon, may ginawa akong nakamamatay na pagkakamali ngayon dahil inisip kong iligtas ang buhay ng babaeng ito! Dahil sa aksyong iyon, nahuli kaming tatlo ng kanyang mga tauhan!” pal
“Humph! Isa kang eksperto pagdating sa pagmamayabang, Gerald! Mukhang hindi mo naiintindihan kung gaano kalawak ang pinagkaiba natin hangga't hindi ko naipapakita sayo ang lakas ko!" ganti ni Luther bago siya tumawa ng malakas. "Ikaw ay isang Second-rank master, hindi ba?" tanong ni Gerald. “Oh? Nakakagulat! May alam ka pala sa mga bagay tungkol sa mga nagsasanay para makamit ang spiritual enlightening!” sagot ni Luther habang nakatitig ng masama kay Gerald. "Ano pala ang rank ni Hoyt?" tanong ni Gerald. “Hah! Ang leader namin ay isang legendary master na malapit sa isang Fifth-rank master! Isang realm na hindi kayang maintindihan ng mga ordinaryong tao!” sabi ni Luther habang napupuno ng paghanga ang kanyang mga mata. "Mukhang marami talagang mga eksperto sa pamilyang Crawford... Meron pa kayong Fifth-rank!" sagot ni Gerald habang nakapatong ang kanyang mga braso sa likod niya. "Nagtataka nga ako kung bakit ang dami mo pang tanong. Hindi na ito importante! Huhulihin na lan
Pagkatapos ng kanyang pangungusap, nilakasan ni Gerald ang pressure ng kanyang paa! Makalipas ang ilang segundo, isang nakakasakit na tunog ang narinig habang ang ulo ni Luther ay sumabog na parang isang pakwan! Nakita ng ibang miyembro ng pamilyang Crawford ang nangyari kaya hindi nila napigilan na sumigaw, “Bi-bilisan mo! Tumakbo ka at sabihin sa leader ang tungkol dito…!” Dahil diyan, ilang daang takot na takot na tao ang kumalat sa apat na direksyon dahil umaasa sila na makakatakas nang buo ang kanilang buhay! “Oh? Seryoso ba na sinusubukan niyong tumakas ngayon?" sabi ni Gerald sabay ngiti bago siya pumikit... Nang gawin niya ito, isang gintong mata ang biglang lumitaw sa kanyang noo! Mabilis namang lumabas ang isang malakas na liwanag sa mata! Ang liwanag ay madaling tumama sa lahat ng mga kalaban at sa tuwing ang liwanag ay tumagos sa isang tao, ang kanilang mga katawan ay sasabog sa isang nakakatakot na tunog! Habang nagaganap ang lahat ng ito, ang mga nakatayo sa lik
Napagtanto nila na pareho ang kanilang mga narinig, kaya napalingon silang lahat sa pintuan... Pagkatapos nito, isang batang pari na nanginginig sa takot ang pumasok sa kwarto... Nakatitig sa kanya si Hoyt bago niya sinabi, "Ano ito-" Bago pa man matapos ang kanyang tanong, isang tao na nagtago sa likod ng pari ang dahan-dahang nagpakita at iyon ay walang iba kundi si Gerald. Ilang sandali pa, napagtanto ni Hoyt kung sino ang lalaking ito at bigla siyang bumulong, "...Ikaw... Ikaw si Gerald mula sa pamilyang Crawford, hindi ba?" “Bingo!” sagot ni Gerald sabay ngiti. “M-master Crawford…! Dinala na kita dito! Nangako kang ililigtas mo ang buhay ko kapag ginawa ko iyon, tama ba...?" nauutal na sinabi ng pari sa sobrang takot. Pagkatapos ng kanyang pangungusap, inilapat lamang ni Gerald ang likod ng kanyang palad sa ulo ng pari... hanggang sa sumabog ang ulo nito! Kung hindi pa iyon sapat, ang buong katawan ng pari ay mabilis na nawala sa isang madugong mist sa ere! Kalokoh
“Oo naman! Perfect na ang lahat ngayon! Naghintay ako ng halos isang dosenang henerasyon at sa wakas ay matutupad na ang hula ng imahe ng araw! Kung tutuusin, ikaw ang tunay na nagdadala ng Herculean Primordial Spirit!" natatawang sinabi ni Hoyt. "Dahil kumpleto na ang misyon, ang ibig sabihin nito ay hindi na dapat mabuhay ang pamilya namin, tama ba?" tanong ni Gerald. “Tama. Mukhang marami kang alam tungkol sa nangyayari, pero kailangan mo nang mamatay ngayon. Ang iyong kapalaran ay natukoy na mula nang sinilang ka! Nakatakda kang mapunta sa aming mga kamay!" ganti ni Hoyt, puno ng panunuya ang kanyang mapanuksong itsura. Tumawa lamang si Gerald bago siya sumagot, "Pinagmamalaki mo pa talaga ang kakayahan mo na manipulahin ang iba at magpanggap na isang diyos." “Oo naman! Wala nang mas exciting pa doon!" ngumisi si Hoyt bago tumawa ng malakas. "Bukod sa lakas ko, lahat ng iba pang naranasan ko hanggang sa puntong ito ay maaaring artificial lamang! Sa kabila nito, napakadali
"Mataas ang mga rank niyo kaya sa tingin niyo kaya niyong gawin ang lahat... Ang pagiging matatag ba ang dahilan kung bakit sa tingin ninyong lahat ay kaya niyong manipulahin ang buhay ng iba? Alam niyo bang walang kwenta ang mga buhay niyo sa akin?!" sabi ni Gerald. “Maghanda kayong lahat! Sabay-sabay nating susugurin si Gerald!” utos ni Hoyt habang nanginginig ang talukap ng kanyang mga mata. Isa lamang ang kaaway ng lahat ng naroroon at silang lahat ay binigay ang kanilang pinakamalakas na atake bago nila sinalakay si Gerald! Nanginig ng malakas ang buong lugar dahil sabay-sabay na lumabas ang napakalakas na essential qi... Makikita ang napakaraming dumi at alikabok na lumilipad sa buong paligid at ang pitong lalaki ay malapit nang umatake kay Gerald nang bigla siyang nawala sa hangin! Bago pa man makapag-react ang sinuman, maririnig ang matinding hiyaw… at pagkatapos ay narinig ang isa pa… at isa pa… Nang tuluyang mawala ang alikabok, pitong putol-putol at duguang bangkay
Matapos marinig ang sinabi ni Gerald, mabilis namang kinabahan at nabalisa si Hoyt. Ramdam na ramdam niya ang pagtulo ng malamig na pawis sa kanyang noo, kaya nahihirapan na siyang hawakan ang bead sa kanyang kamay. “Pinapayuhan ko kayong pag-isipan ito ng mabuti. Kapag naging careless ka, sisiguraduhin kong mababali ang buong katawan mo habang pinagmamasdan mong bumagsak ang iyong katawan bago mo pa man mag-activate ang formation... Hindi ako nagbibiro, baka sakaling nagtataka ka,” sagot ni Gerald. “…A-Ah…!” sabi ni Hoyt habang nakatitig siya sa mga bangkay na iniwan ni Gerald at masyado siyang kinakabahan na hindi na siya makapagsalita pa. Ang magkabilang kamay ni Hoyt ay nanginginig na ngayon habang pinagmamasdan niya na nilapit ni Gerald ang kanyang sariling kamay para tanggalin ang bead sa kanya. "Ito pala ang Thunderstorm Formation?" tanong ni Gerald habang pinagmamasdan ng mabuti ang bead. Naramdaman ni Gerald ang isang maliit na formation na makikita sa loob ng bead.