Ang unang pumasok ay si Xyrielle at ang isa sa mga pari ay agad na nagsimulang manguna sa kanya papunta sa likod ng bundok. Si Gerald naman ay dinala ng ibang pari patungo sa isa pang bundok. Mabagal siyang naglakad habang nasa bulsa ang kanyang mga kamay at narinig ni Gerald na biglang tumawa ang pari bago niya sinabing, “Swerte ka talaga, kuya! Ang ganda talaga ng girlfriend mo, alam mo ba iyon? Parang kasama siya sa top one hundred na pinakamagandang tao sa buong mundo!" Ngumiti si Gerald bago niya sinabi, “Talaga ba? Hindi ko akalain na ganoon siya kaganda!" “Sayang! Parang wala naman sayo kahit na my magandang babae ka sa tabi mo, kaya bakit hindi mo siya ibigay sa amin?" nakangiting sinabi ng pari habang pinapakita niya ang mapahamak na ngiti. Sa wakas ay ipinakita na ba niya ang kanyang tunay na kulay? Saa oras na ito, nagkunwaring nagulat si Gerald bago sita galit na sumagot ng, “Ano? Anong klaseng pananalita yan? Hindi ka ba pari?! Hindi ka ba natatakot na hanapin k
Sa oras na iyon, tumalsik sa ere ang pari... hanggang sa sumabog ng ilang milyong piraso ang kanyang katawan! Nakatitig si Xyrielle sa madugong eksena at ang unang reaksyon niya ay sumigaw sa sobrang takot.Kumalma si Xyrielle at tumitig sa kanyang palad. Natatakot siya pero curious rin siya kung saan nanggaling ang lahat ng kapangyarihang iyon. Sa oras na iyon, dumating ang pari at nasaksihan ang resulta ng hindi sinasadyang pag-atake nito. Nabigla siya sa eksena na nasa harapan niya kaya napasigaw siya, “P-P*ta! Sobrang lakas mo ba talaga?!" Nakita ni Xyrielle na nandoon rin ang ibang pari, kaya umatras siya habang sumisigaw ng, "I-Ikaw... Huwag kang lalapit...!" Ginagamit ni Xyrielle ang isang kamay niya para maging hadlang ito sa paglapit sa kanya! Dahil dito ay naihi sa sobrang takot ang pari. Gayunpaman, napagtanto agad ng pari na wala na siyang matatanggap na atake. Takot pa rin ang pari pero sumigaw siya, "A-Ano? Huwag mong sabihin sa akin na nawala ang powers mo!"
Nang magising ang pari, sinalubong siya ng likod ng isang lalaki. Naalala niya na hinila siya ng invicible force kanina kaya sinabi niya, "S-sino ka...?" “Hindi mahalaga kung sino ako. Ang importante ay kung sino kayo at ano ang plano niyong gawin sa Sacrasolis Mountain,” sagot ni Gerald habang dahan-dahang tumalikod bago niya tinitigan ang lalaki. Biglang nanginig ang buong katawan nang lalaki at nautal siya nang makita ng lalaking iyon si Gerald,“Y-young Master?!" Nakita ni Gerald na takot na takot ang lalaki na lumuhod sa kanyang harapan, kaya sumimangot habang curious na bumulong, "...Young Master?" “Oo nga! Kailan ka dumating dito, Young Master?" tanong ng pari "Kaya kong pumunta dito at umalis kahit kailan ko gusto, hindi ba?" nakangiting sumagot si Gerald. Hindi siya sigurado kung bakit siya tinutukoy ng pari bilang 'Young Master,' pero naramdaman ni Gerald na ito ang perpektong pagkakataon upang makakuha ng ilang impormasyon mula sa lalaki. "At saka, hindi mo p
Plano niyang tumakas ngunit hindi siya nakalagpas dahil bigla siyang binuhat ng malakas na puwersa mula sa lupa! Sa pagkakataong ito, ang lahat ng kanyang internal organs ay parang sabay-sabay na napunit! Nanginig ang buong katawan ng pari at sumigaw siya ng malakas, “P-please! Huwag mo akong patayin! Huwag mo akong patayin…!” "Pag-iisipan ko kapag nasagot mo ang tanong ko. Gusto kitang tanungin kung bakit mo ako tinawag na young master,” sagot ni Gerald. “W-well, ang itsura ni Young Master ay pareho ng mukha mo! Akala ko ikaw ang kanyang doppelgänger! Ito ang dahilan kung bakit hindi agad kita nakilala! Ikaw ba ay miyembro rin ng pamilyang Crawford..?. Kung tutuusin, wala nang ibang dahilan kung bakit magkamukha kayo!" paliwanag ng lalaki kahit na nakakaramdam siya ng matinding sakit. “…Oh? Ang pamilyang Crawford?" sagot ni Gerald habang nagningning ang kanyang mga mata. Inobserbahan ni Gerald ang pari at mukhang master-in-training ito, pero malayo pa siya bago nakamit ang k
"…Ikaw…! Ang yabang mo pa rin kahit na malapit ka nang mamatay!" galit na sumigaw ang pari. Gayunpaman, napahinto ang pari bago pa man siya makapagsalita. Nakatitig na siya ngayon kay Gerald, pero kahit papaano ay naaninag ng pari ang apoy na makikita sa mga mata ni Gerald. Sa isang sandali, biglang nakaramdam ang pari ng nasusunog na pakiram sa mga talampakan niya... Pagkatapos nito, napahiyaw ang pari bago siya naging alabok humigit kumulang isang segundo! "Ang buhay ng mga langgam ay hindi mahalaga sa akin!" Sabi ni Gerald habang nakangiting umiiling bago niya inilagay ang mga braso niya sa kanyang likuran. Pagkatapos nito, dahan-dahang umalog ang katawan ni Gerald hanggang sa lumipad siya! Dahil doon, mabilis siyang nakabalik sa kweba kung saan huling dinala si Xyrielle. Maraming nagbabantay sa loob ng kweba at napansin ng mga guwardiya ang presensya ni Gerald, kaya mabilis nilang pinigilan siyang pumasok. Gayunpaman, tulad ng sinabi ni Gerald kanina, silang lahat ay mg
Sa sandaling iyon, lumabas ang leader ng tatlong lalaking nakamaskara na kanina pa nakatayo sa likod ni Xyrielle, “Salamat sa pagligtas sa amin, sir! Ang pangalan ko ay Hubert Younger!" “Oh? Nandito ka rin pala Mr. Hubert?" Sigaw ng matandang pari na agad ding binati ang tatlong lalaking nakamaskara. Makikita na magkakilala ang mga ito. “Tama! Matapos matanggap ang iyong secret message na nagsasaad na ang Sacrasolis Mountain ay may problema, mabilis naman kaming sumugod para mag-imbestiga. Hindi namin inasahan na si Hoyt ay magiging malakas sa loob lamang ng ilang dekada mula noong huli ko siyang makita... Sa totoo lang, nahirapan akong labanan ang kahit isang suntok niya. Kung hindi ko inilabas ang aking Dragon Zone, hindi ko talaga kayang makipaglaban sa kanya at sa kanyang mga tauhan! Bukod sa lahat ng iyon, may ginawa akong nakamamatay na pagkakamali ngayon dahil inisip kong iligtas ang buhay ng babaeng ito! Dahil sa aksyong iyon, nahuli kaming tatlo ng kanyang mga tauhan!” pal
“Humph! Isa kang eksperto pagdating sa pagmamayabang, Gerald! Mukhang hindi mo naiintindihan kung gaano kalawak ang pinagkaiba natin hangga't hindi ko naipapakita sayo ang lakas ko!" ganti ni Luther bago siya tumawa ng malakas. "Ikaw ay isang Second-rank master, hindi ba?" tanong ni Gerald. “Oh? Nakakagulat! May alam ka pala sa mga bagay tungkol sa mga nagsasanay para makamit ang spiritual enlightening!” sagot ni Luther habang nakatitig ng masama kay Gerald. "Ano pala ang rank ni Hoyt?" tanong ni Gerald. “Hah! Ang leader namin ay isang legendary master na malapit sa isang Fifth-rank master! Isang realm na hindi kayang maintindihan ng mga ordinaryong tao!” sabi ni Luther habang napupuno ng paghanga ang kanyang mga mata. "Mukhang marami talagang mga eksperto sa pamilyang Crawford... Meron pa kayong Fifth-rank!" sagot ni Gerald habang nakapatong ang kanyang mga braso sa likod niya. "Nagtataka nga ako kung bakit ang dami mo pang tanong. Hindi na ito importante! Huhulihin na lan
Pagkatapos ng kanyang pangungusap, nilakasan ni Gerald ang pressure ng kanyang paa! Makalipas ang ilang segundo, isang nakakasakit na tunog ang narinig habang ang ulo ni Luther ay sumabog na parang isang pakwan! Nakita ng ibang miyembro ng pamilyang Crawford ang nangyari kaya hindi nila napigilan na sumigaw, “Bi-bilisan mo! Tumakbo ka at sabihin sa leader ang tungkol dito…!” Dahil diyan, ilang daang takot na takot na tao ang kumalat sa apat na direksyon dahil umaasa sila na makakatakas nang buo ang kanilang buhay! “Oh? Seryoso ba na sinusubukan niyong tumakas ngayon?" sabi ni Gerald sabay ngiti bago siya pumikit... Nang gawin niya ito, isang gintong mata ang biglang lumitaw sa kanyang noo! Mabilis namang lumabas ang isang malakas na liwanag sa mata! Ang liwanag ay madaling tumama sa lahat ng mga kalaban at sa tuwing ang liwanag ay tumagos sa isang tao, ang kanilang mga katawan ay sasabog sa isang nakakatakot na tunog! Habang nagaganap ang lahat ng ito, ang mga nakatayo sa lik