Nanlaki ang mga mata ng mga manonood nang makita nilang lumuhod si Carlos. Ano? Hindi ba siya ang napakalakas at masamang Third-Rank Master na si Carlos Xenes? Lumuhod ba talaga siya sa harap ng binatang ito na hindi man lang umaatake sa kanya? Paano ito nangyari? Sino... Sino ang lalaking ito...? Habang patuloy na nag-uusap ang mga tao sa crowd, si Xyrielle naman ay nakatitig kay Gerald na kalmadong naglalakad palapit sa nakaluhod na matanda habang ang kanyang mga kamay ay nasa kanyang mga bulsa. Hindi inasahan ni Xyrielle na mangyayari ito at gayundin ang iba. Sa oras na ito, hindi na niya itinatago ang kanyang nakaka-pressure at makapangyarihang aura na nakakakilabot sa mga taong nakakarinig nito. Gayundin ang nararamdaman ni Xyrielle. Nakabawi na si Ghose sa kanyang pagkagulat mula nang makita niyang lumuhod si Carlos sa harap ni Gerald at nagulat siya habang nakatitig sa papalapit na lalaki. Lumapit si Gerald sa harap ng matanda at hinawakan niya ang ulo ni Carlos na
Hindi pinansin ni Ghose ang tanong ni Gerald at ipinikit lang niya ang kanyang mga mata ng saglit... Nang buksan niya ang mga ito, makikita ang pagkislap ng apoy ang makikita sa kanyang mga mata habang sumisigaw siya, "Flaming Blades!" Pagkatapos nito, biglang nagliyab ang hilt ng kanyang katana at tumalsik ito patungo sa dulo na hawak pa rin ni Gerald! Nadismaya si Ghose dahil biglang napatay ang apoy habang papunta ito kay Gerald! “…A-ano…? Paano ito nangyari?!" nauutal na sinabi ni Ghose habang dilat ang kanyang mga mata na nakatitig sa binata. Naramdaman ni Gerald na hindi magbubunyag si Ghose ng anumang nauugnay na impormasyon kung patuloy niyang hahawakan ang kanyang talim, kaya binitawan na lamang niya ito at napaatras si Ghose ng ilang hakbang. Sa sandaling iyon, maririnig ang pitong natatanging tunog na nagmumula sa kinauupuan ng pamilyang Laidler... Pagkatapos nito, pitong figures ang lumukso mula sa shadows at mabilis nilang pinalibutan si Gerald habang sinasabi
Habang sumisigaw ang lahat at nakatitig sa madugong eksena, ang isa sa mga family heads ay nagawang makawala dito at mabilis itong yumuko kay Gerald para ipakita ang kanyang pagkamangha at paggalang sa pamamagitan ng pagsigaw, "Master Crawford...!" Nang makita iyon, sabay-sabay na yumuko ang ibang mga family heads habang umaalingawngaw ang mga salitang 'Master Crawford' sa buong underground area. Si Finnegan naman ay lumingon kay Stetson, na nanatili sa gitna ng stage, at sinenyasan itong tumakas kasama niya. Nakita at naunawaan ni Stetson ang senyas ni Finnegan at ito ang nag-udyok sa kanilang dalawa na dahan-dahang magsimulang maglakad palayo sa lugar. Ilang beses na sinigaw ang pangalan ni Gerald, pero mukhang wala siyang pakialam at lumingon lang siya kay Carlos bago niya sinabing, “Carlos Xenes... Naalala kong may tinanong ako sayo bago ka tumakas... Dahil wala akong nakuhang sagot, uulitin ko na lang. Sinabi ko na bigyan mo ako ng isang magandang dahilan kung bakit hindi ki
Medyo maliit pa ang bagong pwersa ni Gerald kaya pinag-usapan nila ang tungkol dito. Bandang huli, naisip nila kung mas mabuti kung magtatayo sila ng isang sect. Kapag ginawa nila ito, makakakuha nila ang paggalang ng lahat at makikilala lalo ang kanilang pangalan. Sa kasamaang palad, pagkatapos nilang ihatid ang kanilang mga alalahanin kay Gerald, tinanggihan na lamang niya ang kanilang kahilingan at sinabing hindi pa ito ang tamang oras para gawin nila ito. Pagkatapos nilang ipagpaliban ang anumang karagdagang talakayan tungkol sa paksang iyon, ginamit ni Gerald ang pagkakataong iyon para sabihin sa kanila na mananatili siya sa ibabaw ng Tierson Mountain sa loob ng ilang araw. Idinagdag din niya na hindi pwedeng pumasok ang sinuman sa kanila sa loob ng bundok sa buong panahong iyon... Samantala, makikita si Perla at ang kanyang pinsang babae na naghahanda para umalis sa isa sa mga luxury clothing mall ng Jenna City. “Sigurado ka ba dito, Perla...? Hindi ba sinabi sa atin ni
Mabilis na sumugod ang mga lalaki at pinalibutan si Perla, ang lider ng grupo ay biglang nagtanong, “Anong nangyari, Jenny?” Sa masusing pagsisiyasat, napagtanto ni Perla na kilala niya ang lider na ito. Siya si Benson, ang bastos na lalaki na sinubukang lampasan ang lakas ni Gerald ngunit ginawa lamang siyang kalokohan! “Sinampal niya ako, Benson! Natatandaan mo ba ang lalaking nakilala natin sa paradahan ng Heartstone Manor? Mukhang malapit sa kanya si Perla!” exaggerated na sumagot si Jenny. “P*ta! Matagal ko nang hinahanap ang g*go na iyon! Papatayin ko siya kapag nahanap ko na siya! Ang lakas ng loob mo para saktan si Jenny! Sawa ka na bang mabuhay?!" atungal ni Benson habang nakataas ang palad bilang paghahanda na saktan si Perla. “Tumigil ka!” sigaw ng malamig na boses sa sandaling iyon. Lumingon si Benson sa pinanggalingan ng boses at nakita niya na ang sumigaw ay isang middle-aged na lalaki na may tag sa itaas ng kanyang bulsa na nagsasabing, 'manager'. Kasunod niya
"Kaya pala!" sagot ni Perla sabay tango. "…Ano? Hanson Luwie? Sino siya? Makapangyarihan ba siya? Hindi naman siguro kilala ni Perla ang sinumang makapangyarihan, tama ba?" gulat na sinabi ni Jenny na nakatayo pa rin sa gilid. "Hinaan mo ang boses mo! Ang taong iyon ay si Chairman Hanson Luwie, ang dating driver ni Lord Yahto mula sa pamilyang Yahto ng Jenna Province! Hindi lamang siya isang kilalang tao na may pambihirang abilities, pero siya rin ang kasalukuyang general manager ng ilang shopping mall!" bulong ni Benson na gulat na gulat rin tulad ni Jenny. Iyon ang dahilan kung bakit napakalakas ng mga bodyguard ni Chairman Luwie! Sa sandaling iyon, seryosong nagtanong si Henson, "Pwede mo bang sabihin kung ano ang nangyari dito kanina, Miss Sherwin?" Alam ng lahat ng pwersa sa Jenna City ay nasa ilalim na ngayon ng kontrol ng hindi misteryosong Master Crawford. Alam ito ni Hanson, at alam din niya na si Perla ang pinakamamahal na disciple ni Master Crawford. Alam niya na
Mabilis na napatumba si Jenny nang walang kahirap-hirap. Kasalukuyan naman ngayon kay Gerald, napakaraming tao ngayon na naghahanap ng pagkakataon para lapitan siya. Umabot na sa punto na naging abala na ito sa kanya, pero nagpapasalamat pa rin si Gerald na mananatili siya sa miracle cave sa Tierson Mountain sa mga susunod na araw. Ang Tierson Mountain ay isang lugar na kilala sa mga himala nito at nakita ni Gerald ang ilang mga magic artifact sa loob. Gayunpaman, inabot ng tatlong buong araw si Gerald bago niya mahanap ang eksaktong sinabi ni Master Ghost na hanapin niya. Isa itong blue elite crystal na halos kasing laki ng kuko ng isang adult... Masaya siya dahil natagpuan na niya ito, ngunit walang idea si Gerald kung paano ito gagamitin. Pagkatapos ng ilang sandali, napagtanto niya na meron itong napakalakas at espesyal na energy sa loob nito. ‘Bakit kaya pinilit ni Master Ghost na hanapin ang specific gem na ito…’ naisip ni Gerald bago niya pinagpatuloy ang pagtingin d
Lalo lang siyang nahihiya habang naiisip niya ito. Sa kabila nito, masyadong pinapahalagahan ni Xyrielle ang nakatakdang kasal na ito kaya kailangan niya itong pahalagahan. Bandang huli, sumuko na siya at sinabi na lang kay Gerald ang tungkol sa manghuhula na hinulaan ang kapalaran ng kanyang buhay pag-ibig. “…Hmm? Isang manghuhula? Ano ang itsura niya?" Excited na tinanong ni Gerald. Base sa paglalarawan na ito... Ang taong nanghula ba sa kanya ay si Master Ghost? Nagtago kaya si Master Ghost sa Sacrasolis Mountain mula nang mawala siya? Kung iyon nga ang nangyari, hindi na niya kailangang mag-aksaya ng panahon para hanapin ang taong matagal na niyang hinahanap! Matapos mag-isip ng ilang sandali, pumayag si Gerald na samahan siya sa bundok. Isa itong pagkakataon para makasama niyang muli si Master Ghost at hindi niya iyon pwedeng tanggihan. Nagulat at natuwa si Xyrielle nang makita niyang pumayag si Gerald sa kanyang kahilingan. Fast forward sa ilang oras, pareho silan