Dahil doon, sinundan ni Gerald si Xaverie habang dinadala siya sa isang lugar... Nagulat siya nang mapagtanto niya na gusto lang niyang magpatulong sa pagbuhat ng parrot. Kadalasang ginagaya ng parrot ang pananalita ng tao, hindi ito kumibo pagdating doon para sa mga kakaibang dahilan. Naisip ni Xaverie na natalo ni Gerald si Yagrorok noon kailan lang, kaya siguro natakot rin ang ibon na magsalita sa harapan ni Gerald! Sa kadahilanang iyon, humihingi siya ng tulong kay Gerald para buhatin ito. Ayaw niyang mapatagal pa ang kanyang interaction kay Xaverie, kaya napailing na lang si Gerald sa komento bago siya pumayag na tumulong. "Hindi ko inasahan na makakasama ka sa pamilyang Quantock! Pero kailangan mo akong pasalamatan ngayon, Gerald! Ang parrot na ito ay hindi lamang ang rason kung bakit kita pinapunta dito…” dahan-dahan na sinabi ni Xaverie pagkatapos nilang pumunta sa underground area. “Oh? Ano ang iba pang rason?" tanong ni Gerald habang nakangiti. “Hindi mo alam it
Nag-aalalang bumulong si Yaakov sa kanyang sarili at nakita ni Xyrielle ang paghanga sa kanyang mga mata habang nakatingin kay Stetson. Matapos panoorin ang lahat ng mga laban na iyon, naramdaman na niya kung ano ang nasa isip ng lalaking iyon. Gaya ng hula ng manghuhula, si Stetson ay may malawak na sa martial arts skills at hindi malapit na maikukumpara sa kanya ang kahit sinong tao... Nakaramdam naman ng inis si Xaverie kay Gerald bago niya sinabing, “Totoo na mayabang si Stetson at gwapo pa! Hindi nakapagtataka kung bakit nahulog si Xyrielle sa kanya! Nagtataka ako kung nagseselos ka dahil sa mga sinasabi ko dahil alam ko na in love ka sa kanya! Nakalulungkot dahil nakay Stetson ang lahat ng lakas at kaluwalhatian sa mundo! Wala ka pagkakataon kay Xarielle!" Pagkatapos nito ay tumango lang si Gerald. Abala siya sa mga oras na iyon at pinagmasdan ang bawat labanan nang malapitan, iniisip niya kung meron pang mas malakas kaysa kay Stetson ang lalabas. Kung tutuusin, ito ay
“…S-sino ang taong iyon…?!” sigaw ng ilang tao na may pagkataranta habang ang iba ay patuloy na sumigaw. Biglang lumaki ang mga mata ni Stetson habang tinitingnan niya ang matanda mula ulo hanggang paa bago niya sinabing, “Ikaw... Ikaw! Buhay ka pa pala, Carlos?!" Nang marinig iyon, mabilis na hinawakan ni Yaakov ang kanyang namamagang pisngi nang tumayo siya at tinitigan ang matanda bago siya bumulong, "...Ca-Carlos...? Ang God of War...?!” Maging ang master ng Laidler na si Finnegan Laidler ay agad na tumayo nang mapagtanto niya kung sino ang matanda. Nabigla ang lahat at kinakabahang lumingon si Finnegan sa kanyang anak bago siya sumigaw, “S-Stetson! Masyadong delikado sa lugar na iyon! Retreat!” Si Xyrielle ay nakatingin din kay Stetson dahil nag-aalala siya sa kanyang kaligtasan. "Hindi mo kailangang mag-alala sa akin, pa! Pababagsakin ko ang g*gong iyon!" sagot ni Stetson habang unti-unting nagpakita ang ngiti sa kanyang mukha. Hindi niya maiwasang makaramdam ng kaun
Tumatawa na parang baliw si Carlos habang umiiling, “Tanga ka talaga! Hindi ko inasahan na may lakas-loob kang umatake sa akin sa umpisa pa lang! Sino ang nagbigay sayo ng lakas ng loob?" Pagkatapos nito, itinaas ng matandang lalaki ang kanyang kamay... at sinimulan niyang buhatin si Stetson sa hangin nang hindi man lang siya hinahawakan! Biglang sumigaw si Xyrielle habang nasa ilalim siya ng platform nang makita niyang nasa taas ng platform si Stetson, “Pa! Bilisan mo at maghanap ka ng paraan para labanan ang kontrabida na iyon!" Hindi alam ni Yaakov ang gagawin niya kahit na nasa harap siya ng pangyayari. Tumingin si Carlos para tingnan kung sino ang sumisigaw para sa kapakanan ni Stetson. Nakita niya na si Xyrielle iyon, kaya huminto siya ng saglit bago niya sinabing, "Mukhang magaling ka, dalaga! Sige, dahil napaka-loyal mo, papatayin ko na lang kayong dalawa!" Tumawa siya nang matapos ang kanyang pangungusap, ngunit hindi man lang nakapag-react si Xyrielle bago muling it
Nang tumama ang ilaw sa platform, nagkaroon ng malakas na putok hanggang sa nabuo ang mga bitak sa platform! Habang nakatitig ang lahat sa entablado na halos nahati, maririnig ang kakaibang tunog ng isang talim... Pagkatapos nito, lumabas sa nahuhulog na debris ang isang middle-aged na lalaking nakasuot ninja suit. Biglang tumawa si Stetson nang makita niya ang lalaki, "Ikaw pala ‘yan, Ghose!" Masasabi na kilala niya ang taong ito base sa kanyang sinabi... Nakita siya ni Stetson at naisip ng lalaki na may pagkakataon siyang makatakas ng buhay habang sumisigaw siya, “M-Master Ghose! Tulungan mo ako…!" Umatake ang ninja para palayin si Stetson at Xyrielle mula sa pagkakahawak ni Carlos, at mabilis na ginamit ni Stetson ang pagkakataong ito para tumakbo kay Ghose habang nakatingin ng masama kay Carlos at nakatayo siya sa likod ng middle-aged na lalaki. Nilagay ni Carlos ang kanyang mga kamay sa kanyang baywang bago siya tumawa ng malakas at sinabing, “Nakakatuwa naman ito! H
Umiling si bago siya lumingon kay Xaverie. Nangyari iyon sa kanya dahil biglang lumitaw muli ang limang disk sa kanyang katawan kanina. Dahil doon, hindi na kinaya ni Gerald na maging kalmado upang ipagpatuloy ang panonood ng mga laban nang buo ang kanyang concentration doon. Alam ni Gerald kung ano ang nangyayari sa kanyang paligid, ang kanyang isip ay abala sa mga disk at ito ang nagpapaliwanag kung bakit hindi siya gumagalaw. “Anong tinitingin-tingin mo sa akin? Tumingin ka doon! Malapit nang mamatay ang kaibigan mo!" sabi ni Xaverie dahil hindi na niya alam ang kanyang sasabihin. "Hindi ko siya kaibigan... disciple ko lang siya!" sagot ni Gerald habang banayad siyang nakangiti sa sobrang pagkabalisa. “…Disciple? Tulog ka pa ba?!” reklamo ni Xaverie habang ang kanyang mga kaibigan ay lumingon sa kanya na may kakaibang mga tingin. “Hindi naman, hindi ako tulog. Parang hindi ko yata ito nabanggit pero pinahahalagahan ko ang kabaitan mo kanina, Xaverie! Ngayon, tutulungan k
Nanlaki ang mga mata ng mga manonood nang makita nilang lumuhod si Carlos. Ano? Hindi ba siya ang napakalakas at masamang Third-Rank Master na si Carlos Xenes? Lumuhod ba talaga siya sa harap ng binatang ito na hindi man lang umaatake sa kanya? Paano ito nangyari? Sino... Sino ang lalaking ito...? Habang patuloy na nag-uusap ang mga tao sa crowd, si Xyrielle naman ay nakatitig kay Gerald na kalmadong naglalakad palapit sa nakaluhod na matanda habang ang kanyang mga kamay ay nasa kanyang mga bulsa. Hindi inasahan ni Xyrielle na mangyayari ito at gayundin ang iba. Sa oras na ito, hindi na niya itinatago ang kanyang nakaka-pressure at makapangyarihang aura na nakakakilabot sa mga taong nakakarinig nito. Gayundin ang nararamdaman ni Xyrielle. Nakabawi na si Ghose sa kanyang pagkagulat mula nang makita niyang lumuhod si Carlos sa harap ni Gerald at nagulat siya habang nakatitig sa papalapit na lalaki. Lumapit si Gerald sa harap ng matanda at hinawakan niya ang ulo ni Carlos na
Hindi pinansin ni Ghose ang tanong ni Gerald at ipinikit lang niya ang kanyang mga mata ng saglit... Nang buksan niya ang mga ito, makikita ang pagkislap ng apoy ang makikita sa kanyang mga mata habang sumisigaw siya, "Flaming Blades!" Pagkatapos nito, biglang nagliyab ang hilt ng kanyang katana at tumalsik ito patungo sa dulo na hawak pa rin ni Gerald! Nadismaya si Ghose dahil biglang napatay ang apoy habang papunta ito kay Gerald! “…A-ano…? Paano ito nangyari?!" nauutal na sinabi ni Ghose habang dilat ang kanyang mga mata na nakatitig sa binata. Naramdaman ni Gerald na hindi magbubunyag si Ghose ng anumang nauugnay na impormasyon kung patuloy niyang hahawakan ang kanyang talim, kaya binitawan na lamang niya ito at napaatras si Ghose ng ilang hakbang. Sa sandaling iyon, maririnig ang pitong natatanging tunog na nagmumula sa kinauupuan ng pamilyang Laidler... Pagkatapos nito, pitong figures ang lumukso mula sa shadows at mabilis nilang pinalibutan si Gerald habang sinasabi