"Masyadong gwapo si Young Master Laidler...! Mamamatay akong masaya basta't maging girlfriend niya ako...!" sigaw ng isa sa mga babae mula sa crowd. Kaswal namang nagsalita si Stetson, “Sa tingin ko may misunderstanding tungkol sa insidente tungkol sa biglaang pag-alis ko, Xyrielle... Hindi ko lang naisip na may panganib na mangyayari sayo. Ang una kong plano ay akayin ang demonyong bull palayo sa eksena para iligtas ang lahat!” "…Alam ko ang sinusubukan mong gawin noon!" sagot ni Xyrielle. 'Oo nga naman... Bakit ko siya minasama noon? Hindi pa nga ako nailagay sa mataas na platform na iyon nang umalis si Stetson... Imposible na malalaman niya ang tungkol sa panganib na malapit ko nang kaharapin...' naisip ni Xyrielle nang gumaan ang kanyang pakiramdam matapos marinig ang paliwanag ni Stetson. Dahil doon, ipinagpatuloy ang night birthday party at hindi na muling napansin si Gerald at ang iba pa… Ilang sandali pa nang dahan-dahang pumasok sa lugar ang isang middle-aged na lala
Tumayo si Gerald para tingnan si Yaakov, bigla namang napatingin ang lahat kay Stetson na tumayo rin habang sinasabi niya, “Ah, Mr. Waddys! Gusto kitang kamustahin sa ngalan ng aking ama!" Si Yaakov ay lumapit kay Stetson nang nakangiti at hindi man lang nag-aalala tungkol sa ibang mga tao habang tinatapik-tapik niya si Stetson sa balikat nito habang sinasabing, “Lalo ka nang lumaki sa paglipas ng mga taon, Stetson! Ipakita mo sana muli ang iyong pambihirang talento sa underground festival ngayong taon!" Nakipag-usap ang dalawa ng sandali at nagsimula nang magpakilala sa kanila ang ibang mga lalaki mula sa crowd. Gayunpaman, halata na si Yaakov ay parang walang pakialam sa kanila dahil wala sa kanila ang mahalaga tulad ni Stetson sa kanyang paningin. Si Xyrielle naman ay nakaramdam ng awa kay Gerald matapos niyang malaman na walang balak magpakilala ang lalaki. Kung tutuusin, may mga lalaki na mas mahusay pa kumpara kay Gerald. Alam ni Xyrielle na kaya niyang ibahagi ang mundo sa
Walang nakakaalam kung bakit gustong makipagkita ni Master Waddys kay Gerald nang mag-isa, pero halata na ayaw niya si Gerald. Gayunpaman, guminhawa ang loob ng ilan sa mga tao doon nang maisip nila ito. Pagkatapos ng lahat, nangyari ang mga bagay tulad ng inaasahan nila. Si Yakoov ay karaniwang solemne at seryoso sa tuwing hinaharap niya ang mga bagay-bagay, pero mayroon siyang isang kilalang pagkukulang at ito ay may kinalaman sa trato niya sa kanyang mga anak. Gusto niyang ikasal ang kanyang mga anak sa mga pamilyang na may pantay na ranggo sa lipunan. Para sa kanya, si Stetson lamang ang karapat-dapat sa kanyang anak na babae. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi niya mapigilan ang kanyang sarili na subukang tanggalin ang sinumang hindi angkop na manliligaw na sinusubukang mapanalo ang puso ng kanyang anak na babae. Dinala ni Yakoov si Gerald sa isang lake sa backyard bago niya sinabi, "Ano ang iyong mga kondisyon?" “Kondisyon?” tanong ni Gerald habang nakatingin kay Ya
Kahit na malayo sa inaasahan niya ang mga nangyayari, hindi pa rin masyadong nag-aalala si Gerald. Worst case scenario, kailangang makipaglaban ni Gerald para lang makapasok siya sa festival. Gayunpaman, may kaunting kumpiyansa pa rin si Gerald na magiging maayos ang lahat sa huli. Habang iniisip niya ang susunod niyang gagawin, biglang iminulat ni Gerald ang kanyang mga mata habang nakaupo siya bago siya nag-utos, “...Perla, ihinto mo ang sasakyan!” “…Huh? Anong problema, master?" gulat na tinanong ni Perla. Sandaling sinuri ni Gerald ang kanyang paligid bago siya sumagot, "...Tina-target tayo ng isang tao... at malapit na siya sa atin!" "Ano? Nagpadala kaya si Yaakov ng mga tao para patayin tayo? G*go talaga iyon!” singhal ni Perla. “Sa tingin ko hindi siya iyon. Masyadong malakas ang aura ng sumusunod sa atin. Sinuri ko ang lahat ng mga exceptional people na nakita ko sa Waddys manor kanina, at napansin ko na walang sinuman sa kanila ang exceptional para magkaroon ng napak
"Sino ka, sir?" tanong ni Gerald habang nakatingala at nanlilisik ang kanyang mga mata sa lalaking nakangisi. Naramdaman niya na ang training aura ng taong ito ay mas malakas kaysa kay Julian. Dahil dito ay mataas ang tingin niya sa taong nasa harapan niya. Mula nang umalis si Gerald sa manor ng pamilyang Waddys, naramdaman niya ang presensya ng isang taong nagsanay para makamit ang spiritual enlightening. Gayunpaman, masyadong maraming tao doon dahil sa underground festival at mukhang hindi interesado ang tao na ipakita ang kanyang sarili kaya hindi na lang siya pinansin ni Gerald. Gayunpaman, nilabas ng matanda ang kanyang essential qi kanina at mabilis na nahalata ni Gerald na gusto ng matanda na sundan siya. Dahil doon, gustong malaman ni Gerald kung ano ang kailangan ng taong iyon kaya sumunod na siya dito at humantong ito sa kasalukuyang sitwasyon. Hindi pinansin ng matanda ang tanong ni Gerald at tumawa siya ng malakas bago niya sinabing, “Hindi ko inasahan na makakatag
Umalingawngaw sa buong lugar ang kanyang tawa at nang matapos na si Carlos, inilagay niya ang kanyang dalawang kamay sa kanyang baywang na parang handa na siyang kainin ang kanyang pagkain... Gayunpaman, bigla siyang huminto nang makita niya si Gerald. Inakala niya na hindi mapipigilan ni Gerald ang kahanga-hangang kapangyarihan ng kanyang Roaring Laughter dahil ang ingay nito ay kayang sirain ang buong paligid. Ang inakala niya ay nabaliw na si Gerald sa puntong ito. Gayunpaman, maayos pa rin ang kalagayan ni Gerald at ang kanyang dalawang kamay ay nakalagay pa sa bulsa habang nakatitig siya kay Carlos! “…P-paano ito nangyari …?!” sabi ng matanda dahil hindi siya makapaniwala sa nangyari. Tiningnan ni Gerald ang matanda at sinamantala niya ang pagkakataong ito para magtanong, "Master Xenes, huwag ka munang tumawa diyan... Gusto ko lang itanong-" Gayunpaman, mabilis niyang pinutol ang sinasabi ni Gerald sa pamamagitan ng pagtawa ng malakas! "Baliw ka ba?!" galit na galit
'Nabubuhay ako nang walang kahirap-hirap sa buhay ko...! Kaya alam ko na hindi ako matatalo ng isang walang karanasan na binata! Imposibleng mangyari ito!’ naisip ni Carlos habang nakapinta ang takot sa kanyang mukha habang iniunat niya ang kanyang palad! Unti-unting lumabas ang limang mahahabang itim na kuko mula sa kanyang palad habang sumisigaw si Carlos, "T*ng-ina mo!" “Nabo-bore ako sayo,” sagot ni Gerald habang tinitignan ang paparating na atake ni Carlos bago siya umiling at nakangiti. Bago pa man masaktan ni Carlos si Gerald, tinitigan niya ang mga mata ni Gerald habang marahang pinitik ni Gerald ang isang daliri sa kanyang direksyon... umatake siya gamit ang sinag ng liwanag na lumilipad patungo sa matanda! Hindi agad nakaiwas si Carlos sa ginintuang liwanag nang tumama ito sa kanyang kadilimanat sinira ang atake ni Carlos nang marinig umalingawngaw ang malakas na pagsabog! Nagulat ang matanda nang makita niyang lumilipad siya pabalik na parang gusot na saranggola. A
Ang tunog ay nanggaling sa isang pagod na lalaki na tumayo mula sa lupa sa hindi masyadong kalayuan kay Gerald. Bumagsak siya pero sinubukan pa rin ng binata ang lahat para protektahan ang babaeng nasa kanyang mga kamay. Nakita ni Gerald ang buong eksena nang sumigaw ang binata at ngayon lang nito napansin si Gerald, “S-sir...! Huwag mo kaming patayin…! Nakikiusap ako sayo...! Tulungan mo kaming maghanap ng tutulong sa amin…!” Hirap na naglakad papunta kay Gerald ang lalaki nang bigla siyang sumigaw dahil masyado siyang natatakot sa humihinang paghinga ng babae. “Meghan? Meghan! Please, wag ka munang matulog!" sigaw ng binata habang ang liwanag ng buwan ay sumikat sa kanila at ito ang naging dahilan para makita ng mabuti ni Gerald ang mukha ng babae... ngunit biglang bumilis ang tibok ng puso niya nang makita niya kung sino iyon. Ang babaeng iyon... Kamukhang-kamukha niya si Mila sa unang tingin! Habang iniisip niya na talagang kamukha ni Mila ang babae, isang kakaiba at mala