"Sino ka, sir?" tanong ni Gerald habang nakatingala at nanlilisik ang kanyang mga mata sa lalaking nakangisi. Naramdaman niya na ang training aura ng taong ito ay mas malakas kaysa kay Julian. Dahil dito ay mataas ang tingin niya sa taong nasa harapan niya. Mula nang umalis si Gerald sa manor ng pamilyang Waddys, naramdaman niya ang presensya ng isang taong nagsanay para makamit ang spiritual enlightening. Gayunpaman, masyadong maraming tao doon dahil sa underground festival at mukhang hindi interesado ang tao na ipakita ang kanyang sarili kaya hindi na lang siya pinansin ni Gerald. Gayunpaman, nilabas ng matanda ang kanyang essential qi kanina at mabilis na nahalata ni Gerald na gusto ng matanda na sundan siya. Dahil doon, gustong malaman ni Gerald kung ano ang kailangan ng taong iyon kaya sumunod na siya dito at humantong ito sa kasalukuyang sitwasyon. Hindi pinansin ng matanda ang tanong ni Gerald at tumawa siya ng malakas bago niya sinabing, “Hindi ko inasahan na makakatag
Umalingawngaw sa buong lugar ang kanyang tawa at nang matapos na si Carlos, inilagay niya ang kanyang dalawang kamay sa kanyang baywang na parang handa na siyang kainin ang kanyang pagkain... Gayunpaman, bigla siyang huminto nang makita niya si Gerald. Inakala niya na hindi mapipigilan ni Gerald ang kahanga-hangang kapangyarihan ng kanyang Roaring Laughter dahil ang ingay nito ay kayang sirain ang buong paligid. Ang inakala niya ay nabaliw na si Gerald sa puntong ito. Gayunpaman, maayos pa rin ang kalagayan ni Gerald at ang kanyang dalawang kamay ay nakalagay pa sa bulsa habang nakatitig siya kay Carlos! “…P-paano ito nangyari …?!” sabi ng matanda dahil hindi siya makapaniwala sa nangyari. Tiningnan ni Gerald ang matanda at sinamantala niya ang pagkakataong ito para magtanong, "Master Xenes, huwag ka munang tumawa diyan... Gusto ko lang itanong-" Gayunpaman, mabilis niyang pinutol ang sinasabi ni Gerald sa pamamagitan ng pagtawa ng malakas! "Baliw ka ba?!" galit na galit
'Nabubuhay ako nang walang kahirap-hirap sa buhay ko...! Kaya alam ko na hindi ako matatalo ng isang walang karanasan na binata! Imposibleng mangyari ito!’ naisip ni Carlos habang nakapinta ang takot sa kanyang mukha habang iniunat niya ang kanyang palad! Unti-unting lumabas ang limang mahahabang itim na kuko mula sa kanyang palad habang sumisigaw si Carlos, "T*ng-ina mo!" “Nabo-bore ako sayo,” sagot ni Gerald habang tinitignan ang paparating na atake ni Carlos bago siya umiling at nakangiti. Bago pa man masaktan ni Carlos si Gerald, tinitigan niya ang mga mata ni Gerald habang marahang pinitik ni Gerald ang isang daliri sa kanyang direksyon... umatake siya gamit ang sinag ng liwanag na lumilipad patungo sa matanda! Hindi agad nakaiwas si Carlos sa ginintuang liwanag nang tumama ito sa kanyang kadilimanat sinira ang atake ni Carlos nang marinig umalingawngaw ang malakas na pagsabog! Nagulat ang matanda nang makita niyang lumilipad siya pabalik na parang gusot na saranggola. A
Ang tunog ay nanggaling sa isang pagod na lalaki na tumayo mula sa lupa sa hindi masyadong kalayuan kay Gerald. Bumagsak siya pero sinubukan pa rin ng binata ang lahat para protektahan ang babaeng nasa kanyang mga kamay. Nakita ni Gerald ang buong eksena nang sumigaw ang binata at ngayon lang nito napansin si Gerald, “S-sir...! Huwag mo kaming patayin…! Nakikiusap ako sayo...! Tulungan mo kaming maghanap ng tutulong sa amin…!” Hirap na naglakad papunta kay Gerald ang lalaki nang bigla siyang sumigaw dahil masyado siyang natatakot sa humihinang paghinga ng babae. “Meghan? Meghan! Please, wag ka munang matulog!" sigaw ng binata habang ang liwanag ng buwan ay sumikat sa kanila at ito ang naging dahilan para makita ng mabuti ni Gerald ang mukha ng babae... ngunit biglang bumilis ang tibok ng puso niya nang makita niya kung sino iyon. Ang babaeng iyon... Kamukhang-kamukha niya si Mila sa unang tingin! Habang iniisip niya na talagang kamukha ni Mila ang babae, isang kakaiba at mala
Kinukutya siya ng mga lalaki ilang segundo lang ang nakalipas, ngunit napatahimik sila biglang naglabas ng gintong liwanag ang dahon habang pinagmamasdan nila itong lumilipad sa ere. Hindi lang iyon, unti-unti din itong lumaki! Maya-maya pa, narinig ang malakas na pagsabog at nagulat ang lahat nang bigla itong naging malaking leaf blade! “…A-ano?!” sigaw ng walong tao habang nakatitig sa leaf blade na may nakakatakot na aura. Gusto nilang sirain ito, ngunit huli na ang lahat para sa kanila. Mabilis itong gumalaw at hiniwa ng blade ang mga leeg nila... Sa isang sandali, lumaki ang kanilang mga mata at ang kanilang mga ulo ay nahulog sa lupa! Takot na takot si Yule nang makita niya ito at sumigaw siya ng malakas dahil sa mga nakapalibot na pugot na ulo! Gayunpaman, mabilis niyang pinigilan ang kanyang sarili bago siya napalunok. Mga mahusay na champion ang mga lalaki, ngunit ang mga ito ay pinuguran sa loob lamang ng ilang segundo... Kung hindi niya nakita ang eksena sa sari
Curious na tiningnan ni Gerald si Yule na nakaluhod lang sa harap niya at doon nagpaliwanag si Yule, “Hindi ka lang magiging benefactor namin ng kapatid ko, pero ikaw ay may kahanga-hangang kakayahan pa! Kaya nakikiusap ako sayo na protektahan at maging distinguished guest ng pamilyang Quantock!" Isang misteryosong pamilya ang pamilyang Quantock, ngunit wala silang patron noon at iyon ang dahilan kung bakit sila pinalayas sa Jenna City. Naalala ni Yule na narinig niya na mayroong isang maliit na grupo ng mga tao na nalampasan ang level ng pagiging champion at sigurado siya na gayundin si Gerald lalo na’t nang masaksihan niya ang lakas nito. Kapag may napakalakas na master ang kanilang pamilya, paniguradong magiging maunlad ang lakas ng pamilyang Quantock. Kung maging swerte sila, makakaroon ng malaki at positibong pagbabago sa kinabukasan ng kanyang pamilya. Nang marinig iyon, sumimangot si Gerald habang nagtatanong, “Isang distinguished guest…?” "Umaasa akong gawin mong mga
Biglang na-curious si Xylon, ang lalaking nakatayo sa harapan, nang makita niya kung gaano kabata si Gerald. Hindi maisip ni Xylon na nag lalaking iyon ay kakaiba kahit na paulit-ulit na tinatawag na 'master' ni Yule si Gerald. Hindi kaya nagkamali ang kanyang anak...? Nasa isip iyon ni Xylon pero nakipagkamay pa rin siya kay Gerald para ipahayag ang kanyang pasasalamat. Gayunpaman, unti-unting nainis si Xylon pagkatapos niyang makausap ng saglit si Gerald. Matapos siyang yayain para kumain at ipinasyal ni Xylon si Gerald at ang iba pa sa paligid ng asyenda para ipakita ang kanilang bagong master. Sa panahon ng pagkain, binanggit ni Xylon ang isang malaki at matibay na bato na tinatawag na Zekterite at gusto niya itong ipakita. Pagdating sa harap ng bato, tumawa si Xylon bago niya sinabing, “Ito ang Zekterite na sinasabi ko, Brother Gerald! Ito ang pinakamatigas na bato sa buong mundo! Kaya kahit saan man kami pumunta ay dinadala ko ito!" Nang marinig iyon, lalong nabalis
Biglang nanlaki ang mga mata ng pamilyang Quantock dahil sa matinding galit nang marinig nila ang kaswal na sagot ni Gerald. "Ikaw…!" Sabi ni Xylon nang biglang pumangit ang kanyang itsura. “…Ang ibig sabihin ba nito ay kaya mong hatiin ang bato, Gerald? Kung oo, gawin mo ito sa harapan namin…!” dagdag ng isa pang matanda habang siya at ang iba ay galit na galit na nakatingin kay Gerald. “Oo naman kaya ko. Ano namang espesyal sa paghati nito?" tanong ni Gerald habang nakatingin sa kanila bago siya umiling habang nakangiti. "Fun fact, immune ang Zekterite sa kidlat dahil mayroon itong mga katulad na katangian nito. Mayroong mga spiritual things na natural na ginawa sa pagitan ng langit at lupa. Ang mga spiritual items ay may immense rezistance laban sa ibang bagay. Pero pwedeng gamitin ang magic arts para hatiin ang Zekterite dahil mas malakas ang mga ito kaysa sa regular na kidlat!" paliwanag ni Gerald. “Wala kang alam, bata! Ang lakas ng loob mong magyabang tungkol sa mga ka