Si Master Ghost ay isang kalmadong tao na may kahanga-hangang kakayahang hulaan ang hinaharap. Dahil doon, imposible para sa kanya na itapon lamang ang isang mahalagang magic artifact nang ganoon lang. Pero ano kaya ang kanyang intensyon...? Habang nag-iisip si Gerald, naisipan ni Zenny na magsalita, "May gustong sabihin kaya si Master Ghost sa atin, Gerald? Ito kaya ang paraan niya para humingi ng tulong?" Tumango si Gerald bago siya sumagot, “Baka nga. Halos perfect kung paano niya hulaan ang future, kaya malamang nahinulaan na niya na hahanapin natin siya. Kung tutuusin, hindi mahirap sabihin na alam na niya kung kailan tayo darating para kunin siya! Bakit pa niya hinayaang mapunta sa auction na iyon ang kanyang pinakamamahal na artifact nitong mga nakaraang araw? Kailangan muna nating pumunta sa Jenna Province University. Kapag nahanap na natin si Yul, tatanungin natin siya kung ano ang alam niya!" “Nag-aaral din ako sa university na iyon, master! Bakit hindi kita sinamahan d
Nang makita iyon, agad na hinawakan ni Gerald ang baywang ng dalaga bago niya ito tinulungang makatayo! "Diyos ko! Anong ginagawa mo?! Sinasamantala mo ba si Xyrielle sa harap mismo namin?!” galit na galit na sumigaw ang babae. Ang lakas ng loob niya para gawin ang lahat ng iyon! "Hin-hindi ito tulad ng iniisip mo, Xaverie...!" sabi ni Xyrielle habang sinusubukan niyang pigilan ang mga kaibigan niya sa pagsasabi ng hindi kinakailangan na bagay. “Wala kang dapat ikatakot, Xyrielle! Nandito kami para ipagtanggol ka! May tatawagan ako ngayon para pagbayaran ng batang ito ang kanyang ginawa!" sabi ni Xaverie habang galit na galit silang nagkakampihan para labanan ang common enemy nila. "Nagkamali kayong lahat! Pinipigilan niya akong mahulog kanina! Hindi niyo ba nakikita na may hukay doon?" paliwanag ni Xyrielle. “…Huh?” sagot ng mga kaibigan niya at nagulat sila sa kanilang narinig. Matapos mapagtanto kung ano ang tunay na nangyari, biglang naging malambot ang kanilang mga m
“Isang manghuhula...? Teka, naalala ko yata ang tinutukoy mo. Siya yung matanda, tama ba? Yung nakilala natin nung nasa outing tayo?" "Siya nga!" sagot ni Xyrielle sabay tango. “Hahaha! Nakakatawa ang lalaki na iyon... Natandaan ko na sinabi niya na, ‘Bibilis ang tibok ng puso mo at nakilala mo ang mahal mo sa buhay!’” sabi ni Xaverie nang maalala niya ang pangyayaring iyon. Ilang segundo lang ang lumipas nang biglang nanlamig ang kanyang katawan. Nalaglag ang kanyang panga bago siya tumingin kay Xyrielle at sinabi, "Nagloloko ka lang, hindi ba...? Iyon ang lalaking nagpaantig sa puso mo?" Tumango siya sa kanyang mga kaibigan habang nakatingin silang lahat sa kanya na may pagtataka, ngunit si Xyrielle ay huminto ng saglit bago siya umiling at sinabi, “... Tumibok ng malakas ang puso ko pero hindi ko akalain na siya ang taong tinutukoy ng matanda… Kung tutuusin, sinabi ng manghuhula na iyon na ang taong magmamahal sa akin ay magkakaroon ng mga kakaibang karanasan sa buhay. Ang b
Patuloy na pinag-uusapan ng mga mula sa crowd ang tungkol sa training boy, habang si Xyrielle at ang iba ay nakikinig lang sa kanilang mga pag-uusap habang nakatingin sila kay Stetson. Sa nakikita nila, si Stetson ay may malamig na pagkatao. Hindi niya pinapansin ang lahat ng mga taong gumagalang sa kanya. Sa halip, umalis lamang siya at mukhang wala siyang pakialam... Naturally, mabilis na natapos ang mga usapan dahil si Stetson ay wala na doon. Habang unti-unting umaalis ang mga tao, biglang napaisip si Xyrielle, 'Siya ba talaga ang taong magmamahal sa akin...?' Nakay Stetson ang lahat ng kundisyon na binanggit ng manghuhula, ngunit wala siyang nararamdaman para sa kanya. Napatingin si Xaverie kay Xyrielle ay ngumiti siya habang dinuduro ang kanyang braso, “Ano, Miss Xyrielle Waddys? Anong iniisip mo?” "Wala akong iniisip!" “Nahuhulaan ko na kung ano ang nasa isip mo, kaya wala kang dapat sabihin! Mukhang binabalot ng kadiliman si Stetson, pero sigurado akong malapit na
“Salamat!” sagot ni Yul habang humihigop ng juice bago siya nagsimulang kumain. Makikita na nag-iingat pa rin siya sa kanyang mga kilos at salita... Nang mapansin iyon, ngumiti lang si Gerald bago niya sinabing, “Hindi ba three hundred thousand dollars lang ang natanggap mo...? Bakit mo pa pinapahirapan ang sarili mo? Ang tinutukoy ko ay nang kumakain ka ng steamed buns na may pickles nang makita ka namin ni Perla!” "Ah... Ayokong gamitin ang pera. Walang problema sa akin na iabot ang pera sayo, kung iyon ang gusto mo…!" sagot ni Yul. Nakangiting umiling si Gerald, “Wala kami dito para sa pera, Yul. Nandito kami para tanungin ka kung paano mo nakuha ang Heavenly Horsetail Whisk. Mukhang wala ka naman planong i-auction ito noong una!" Saglit na napaisip si Yul at unti-unti niyang inangat ang kanyang ulo bago niya sinabing, “...Pa-Pasensya na, pero hindi ko ito pwedeng sabihin sayo… Kung pera ang habol mo, kunin mo na lang ito…! May nagpagawa lang sa akin nito!" Sa puntong ito,
Agad na sumagot si Gerald nang marinig niya ang sinabi ni Zenny, “…Ano? Magiging master ako ni Master Ghost? Pwede mo bang i-elaborate iyon?" “Sige! Ilang beses na itong nabanggit sa akin ni Master Ghost, pero matagal na niyang hinihintay na may kumuha sa kanya para turuan siya ng ilang abilities. Base sa mga nangyayari, ikaw pala ang taong hinihintay niya. Pinadalhan ka pa niya ng pasalubong at napakagandang regalo pagdating mo sa Jenna Province! May hinala ako na pagkatapos mo sa underground festival, paniguradong magiging malaki ang development ng iyong lakas, Gerald! Master pala!" sabi ni Zenny. “Kalokohan yan! Marami pa akong dapat malaman kay Master Ghost kapag nahanap ko na siya. Kaya bakit niya sasabihing na kikilalanin niya ako bilang master?" sagot ni Gerald. "May nakatagpo ako na ilang mga himala, pero pakiramdam ko ay wala silang pakinabang sa akin!" dagdag ni Gerald. "Kailangan mo munang tapusin ang pagbabasa ng sulat... Sa tingin ko hindi mo napansin ang five elem
"Matagal nang nagaganap ang underground festival at sa tuwing gaganapin ang pagdiriwang na ito, kasabay nito ang pagdating ng ilang makapangyarihang resources!" paliwanag ni Julian. "Makapangyarihang resources? Ang tinutukoy mo ba ay ang mga training resources na kinakailangan para sa mga gustong magsanay sa kanilang sarili para makuha ang spiritual enlightening?” nakangising tinanong ni Gerald na parang naiintindihan kung ano ang sinusubukang sabihin ni Julian. "Ang dahilan kung bakit gaganapin ang celebration ay hindi lamang para sa training resources, sir! Minsan, ginaganap din ang celebration kapag natagpuan ang mga magic artifact na nakakasira ng mundo! Maraming mga tao ang gusto bumili at ipagmalaki ang mga ito, ang mga iyon ay mahalaga para sa mga nagsasanay na makamit ang spiritual enlightening!" “Maraming mga tao ang naglalaban para makuha ang mga resources na ito. Ito ang dahilan kung bakit pinipili ng mga nagsasanay na makamit ang spiritual enlightening na huwag pansin
“Sa Heartstone Manor sa Jenna City! Malamang marami nang tao ang nagsasanay para makamit ang spiritual enlightening doon!” sagot ni Julian. "Okay, naiintindihan ko. Pupunta ako doon para tingnan muna ang sitwasyon!" sabi ni Gerald sabay tango. "Payagan mo akong samahan ka, sir!" sagot ni Julian. “Hindi mo na kailangang gawin iyon. Agaw pansin ka na target at naniniwala ako na madali kang matutuklasan ng iba na nagsasanay para makamit ang spiritual enlightening. Kaya kong gamitin ang aking breath-holding technique at iyon ang tutulong sa akin na magmukhang isang ordinaryong tao. Dahil doon, si Perla ang sasama sa akin,” sabi ni Gerald bago siya lumingon kay Terrance. "Mr. Sherwin, pasensya na pero may kailangan akong ipagawa sayo..." "Sabihin mo sa akin ang kailangan mo, sir!" "Kailangan ko ng admission ticket para makasali sa underground festival!" "Walang problema diyan, sir!" sagot ni Terrance. Sa puntong ito, si Terrance at Julian ay nagkaroon ng matinding paghahanga