“Salamat!” sagot ni Yul habang humihigop ng juice bago siya nagsimulang kumain. Makikita na nag-iingat pa rin siya sa kanyang mga kilos at salita... Nang mapansin iyon, ngumiti lang si Gerald bago niya sinabing, “Hindi ba three hundred thousand dollars lang ang natanggap mo...? Bakit mo pa pinapahirapan ang sarili mo? Ang tinutukoy ko ay nang kumakain ka ng steamed buns na may pickles nang makita ka namin ni Perla!” "Ah... Ayokong gamitin ang pera. Walang problema sa akin na iabot ang pera sayo, kung iyon ang gusto mo…!" sagot ni Yul. Nakangiting umiling si Gerald, “Wala kami dito para sa pera, Yul. Nandito kami para tanungin ka kung paano mo nakuha ang Heavenly Horsetail Whisk. Mukhang wala ka naman planong i-auction ito noong una!" Saglit na napaisip si Yul at unti-unti niyang inangat ang kanyang ulo bago niya sinabing, “...Pa-Pasensya na, pero hindi ko ito pwedeng sabihin sayo… Kung pera ang habol mo, kunin mo na lang ito…! May nagpagawa lang sa akin nito!" Sa puntong ito,
Agad na sumagot si Gerald nang marinig niya ang sinabi ni Zenny, “…Ano? Magiging master ako ni Master Ghost? Pwede mo bang i-elaborate iyon?" “Sige! Ilang beses na itong nabanggit sa akin ni Master Ghost, pero matagal na niyang hinihintay na may kumuha sa kanya para turuan siya ng ilang abilities. Base sa mga nangyayari, ikaw pala ang taong hinihintay niya. Pinadalhan ka pa niya ng pasalubong at napakagandang regalo pagdating mo sa Jenna Province! May hinala ako na pagkatapos mo sa underground festival, paniguradong magiging malaki ang development ng iyong lakas, Gerald! Master pala!" sabi ni Zenny. “Kalokohan yan! Marami pa akong dapat malaman kay Master Ghost kapag nahanap ko na siya. Kaya bakit niya sasabihing na kikilalanin niya ako bilang master?" sagot ni Gerald. "May nakatagpo ako na ilang mga himala, pero pakiramdam ko ay wala silang pakinabang sa akin!" dagdag ni Gerald. "Kailangan mo munang tapusin ang pagbabasa ng sulat... Sa tingin ko hindi mo napansin ang five elem
"Matagal nang nagaganap ang underground festival at sa tuwing gaganapin ang pagdiriwang na ito, kasabay nito ang pagdating ng ilang makapangyarihang resources!" paliwanag ni Julian. "Makapangyarihang resources? Ang tinutukoy mo ba ay ang mga training resources na kinakailangan para sa mga gustong magsanay sa kanilang sarili para makuha ang spiritual enlightening?” nakangising tinanong ni Gerald na parang naiintindihan kung ano ang sinusubukang sabihin ni Julian. "Ang dahilan kung bakit gaganapin ang celebration ay hindi lamang para sa training resources, sir! Minsan, ginaganap din ang celebration kapag natagpuan ang mga magic artifact na nakakasira ng mundo! Maraming mga tao ang gusto bumili at ipagmalaki ang mga ito, ang mga iyon ay mahalaga para sa mga nagsasanay na makamit ang spiritual enlightening!" “Maraming mga tao ang naglalaban para makuha ang mga resources na ito. Ito ang dahilan kung bakit pinipili ng mga nagsasanay na makamit ang spiritual enlightening na huwag pansin
“Sa Heartstone Manor sa Jenna City! Malamang marami nang tao ang nagsasanay para makamit ang spiritual enlightening doon!” sagot ni Julian. "Okay, naiintindihan ko. Pupunta ako doon para tingnan muna ang sitwasyon!" sabi ni Gerald sabay tango. "Payagan mo akong samahan ka, sir!" sagot ni Julian. “Hindi mo na kailangang gawin iyon. Agaw pansin ka na target at naniniwala ako na madali kang matutuklasan ng iba na nagsasanay para makamit ang spiritual enlightening. Kaya kong gamitin ang aking breath-holding technique at iyon ang tutulong sa akin na magmukhang isang ordinaryong tao. Dahil doon, si Perla ang sasama sa akin,” sabi ni Gerald bago siya lumingon kay Terrance. "Mr. Sherwin, pasensya na pero may kailangan akong ipagawa sayo..." "Sabihin mo sa akin ang kailangan mo, sir!" "Kailangan ko ng admission ticket para makasali sa underground festival!" "Walang problema diyan, sir!" sagot ni Terrance. Sa puntong ito, si Terrance at Julian ay nagkaroon ng matinding paghahanga
Nang marinig iyon, nagkasundo ang tatlo na pumunta muna sa Heartstone Manor nang magkakasama. Hinanap ni Yul si Perla dahil ang pamilyang Sherwin ay isang prestihiyoso at influential family sa Jenna City. Gayunpaman, dahil sa mga masasamang balak ng pamilyang Dun, mabilis na dumating ang pagbagsak ng pamilyang Sherwin. Kahit pa nagmamaneho noon si Perla ng mamahaling mga kotse na nagkakahalaga ng hindi bababa sa seven hundred fifty thousand dollars, siya ngayon ay nagmamaneho lamang ng isang ordinaryong BMW 7 Series. Siyempre, hindi iyon pinansin ni Gerald. Nang makarating sila doon, sinimulan ni Perla na sabihin kay Gerald ang tungkol sa Heartstone Manor. Ang manor na ito ay may history na higit sa isang libong taon at sinasabi noon na ang asyenda ay unang itinatag ng isang prinsipe at nobleman mula noong sinaunang panahon. Sa paglipas ng panahon, ang manor ay naatasan sa pamilyang Waddy para kumilos bilang developer ng manor. Pagkatapos nito, nagsimula silang magsagawa ng mar
Pagkatapos nito, tinakpan ni Jenny at ng iba ang kanilang mga bibig habang tumatawa. Hindi niya nakumpirma kung si Gerald ang mahirap na tinutukoy, pero hinulaan niya na siya ang tinutukoy dahil mukhang hindi mukhang kahanga-hanga ang background na pinagmulan niya. Iyon ang dahilan kung bakit wala siyang ingat sa kanyang mga salita. “Jenny! Pwede mo akong insultuhin sa abot ng makakaya mo, pero hindi kita pinapayagang insultuhin ang master ko!" galit na galit na sinabi ni Perla. "…Ano? Siya ang master mo?!" sigaw ni Jenny at bigla namang tumawa ng malakas ang iba niyang mga kasama. “Speaking of masters... Nabalitaan ko sa nanay ko na wala nang pakialam ang lolo mo sa negosyo niya. Nabanggit niya noon na may hinahanap siyang isang sikat na master na magtuturo sayo ng martial arts o kung ano pa man... Hindi kaya... Ang lalaking iyon ang sikat na master na nakuha ng lolo mo na magtuturo sayo?!" dagdag pa ni Jenny nang napatakip siya sa kanyang bibig sa sobrang tawa. Ilang segund
“Be-Benson…! Tumigil ka…!” sigaw ni Jenny, punong-puno ng luha ang kanyang mukha habang siya ay gumulong-gulong sa lupa sa sobrang sakit. Nakita ni Benson na masyadong nasasaktan si Jenny, kaya agad na binitawan ni Benson ang kamay ni Gerald bago siya tumakbo sa gilid ni Jenny. “Anong nangyari?!” tanong ni Benson habang nakatitig sa namumutlang mukha ni Jenny na hindi na kayang itago ang matinding sakit na nararamdaman niya ngayon. “M-masakit…! Parang mamamatay na ako sa sobrang sakit…!” sigaw ni Jenny. Nakita ni Gerald na hindi na siya pinipigilang umalis, kaya napailing na lang siya habang nakangiti bago siya umalis kasama sina Perla at Yul. Samantala, bigla namang nagtanong si Poppy, "Paano ito nangyari? Bakit ka nasaktan ng walang dahilan?" “Hindi ko alam! Hindi niyo ba napansin na nagsimulang sumakit ang dibdib ni Jenny habang pinipisil ni Benson si Gerald kanina?" “Nakakatakot! Eto na, tahan na. Nasaan na pala sila?" tanong ni Benson habang basang-basa siya ng pawis
Hindi naman kalayuan ang sigawan at may daanan pa rin sa gitna ng mga nagkukumpulan na mga tao. Ang kinagigiliwan nilang lahat ay walang iba kundi si Stetson, ang lalaki na napansin ni Gerald noong nasa university siya noon at ngayon ay nasa Heartstone Manor siya... Hindi nakakagulat ang kanilang mga reaksyon dahil ang mga taong nagsasanay para makamit ang spiritual enlightening ay dumadagsa sa manor sa iba't ibang paraan. Gayundin ang ginagawa ni Stetson o kilala bilang ‘training boy,’ para makamit ang spiritual enlightening. Mula sa narinig ni Gerald, nabuksan na ni Stetson ang kanyang spiritual roots sa edad na three years old at dito niya masasabi na si Stetson ay isang talentadong tao. Naisip ni Gerald na si Stetson ay kasinglakas ni Julian, isang taong nagsanay para makuha ang kanyang spiritual enlightening! Dahil dito ay maituturing siyang isang Rank-one Master. Kaya hindi nakakagulat na ang kanyang pagdating ay magdudulot ng kaguluhan sa loob ng Heartstone Manor. Masasa