Ito ay walang iba kundi si Quera, na sinipa siya palabas ng kanyang live broadcast room kanina lang. Nagkataon pa talaga. Napaisip si Gerald. Ang isang babaeng anchor na may popularity na umaabot sa sampung libong mga tagahanga, ay hindi karaniwang makikilala ang isang bagong dating na tulad ni Felicity. Gayunpaman, ang popularity ni Felicity sa live broadcast ay umabot na sa halos seven thousand na mga tagahanga. Malinaw na halos hindi sila magkatugma sa isa't isa. Sa katunayan, ganap na may kamalayan si Felicity sa mga kasanayan ni Quera. Kung tutuusin, siya ang nangungunang babaeng anchor sa kanilang parehong live na broadcast sa lungsod. Sa oras na ito, talagang nasa mahirap na posisyon siya. Gayunpaman, hindi masyadong natatakot si Felicity. Kahit na ano man ang kalabasan ng kompetisyon, tiyak na magtatrabaho siya ng husto sa oras na ito. "Damn, ang bagong dating na nagbo-broadcast ng live ay talagang maganda rin. Pero paano siya maikumpara sa dyosa na si Quera? Mg
Ngayon lamang natuklasan ni Cassandra na ang iba ay nakaupo sa mga stool at si Gerald ay masayang nakaupo sa kanyang bagong biling sofa. Ang sofa na ito ay medyo mahal at nagkakahalaga ito ng higit sa one thousand five hundred dollars para sa buong set. Hindi niya matiis na payagan ang isang tulad ni Gerald na umupo sa kanyang sofa! Ang malakas na boses ni Cassandra ang bumulaga kay Gerald. Hindi ba siya nakaupo lamang sa kanyang sofa? Ano ang big deal? Alam ni Gerald na talagang kinamumuhian siya ni Cassandra, hindi mapigilan ni Gerald na makipagtalo sa kanya. Tumayo siya habang naghahanda na umupo sa gilid. "Hmm... Layla, pwede ka nang bumalik kasama si Ywain at ang iba pa. Ang susunod naman nating gagawin ay maglilinis. Sa palagay ko malulutas ito ni Gerald nang mag-isa." "Gerald, 'wag kang magalit at isiping target kita. Talagang ginagawa ko ito para sayong sariling kabutihan. Isipin mo na lang yan. Kahit na mayroon kang maraming pera ngayon dahil nagwagi ka sa lo
Fifteen million dollars! Tingnan ang opisyal na sliding news! Seryoso! Nagulat ang lahat. Si Quera ay nagsisikap na aliwin ang kanyang sarili at akitin si Brother Champion na tulungan siya ulit. Kung sabagay, sa naunang laban, gumastos lang si Brother Champion ng two thousand two hundred dollars. Ang lahat ng mga regalo dito ay naidagdag hanggang sa hindi hihigit sa four thousand five hundred dollars. Gayunpaman, si Ordinary Man ay nag-swipe ng fifteen thousand dollars ng ganoon na lang. Nag-invest pa siya ng fifteen million dollars sa live broadcast platform. Ang live broadcast platform ay opisyal na binanggit at nagbigay ng shoutout kay Mr. Ordinary Man. Sino pa ito, bukod sa Ordinary Man na na-kick out ng kanyang live broadcast room kanina? Sino pa kaya ito! Nanghinayang ang mukha ni Quera. Ito ay fifteen million dollars. Siya ay isang ganap na lokal na tycoon na may malakas na impluwensya! Pumunta si Gerald sa live room ni Quera ngayon at gusto niyang
Siguro ay nasa kolehiyo palang siya, pero nagawa niya na mag-invest ng fifteen million dollars. Sobrang lakas ng loob niya!“Nga pala, naalala mo ba yung two million six hundred dollars na Lamborghini sa may gate ng school? Sa tingin mo ba kay Ordinary Man yung kotse na yun?”“Oo! Oo! Malamang sa kanya nga ‘yon!”“Matagal ng iniisip ng lahat yan dati pa. Pero ngayon sa tingin ko halos tiyak na na studyante siya sa Department of Language and Literature. At sa malamang nasa third year na siya ngayon.”“Ahh! Ahh! Ahh! Sino kaya siya?”Nagsimulang magtilian ang mga babae sa kanilang mga dorm sa mga sandaling iyon.Karamihan sa mga babaeng ito ay nagmula sa literature department. Hindi nila kailanman naisip na mayrong isang napakayaman sa kanilang department.Bukod dito, maaring nabibiliang siya sa kahit anong klase. Nagsimulang masabik silang lahat kapag naiisip ang tungkol dito!Ang ilang sa mga babae ay tinawagan pa ang kanilang mga boyfriend at paulit-ulit na kinwestyon ang kani
Ang taong sumampal sa kanya ay walang iba kung hindi si Cassandra. Hindi niya alam kung kailan siya nakalapit at tinitigan siya ni Cassandra ng masama at sinabi:Gerald, anong gusto mo sabihin ko sayo ngayon? Lalo kang nagiging walang kwenta sa paglipas ng araw. Sinabihan kita na maglinis pero naglalaro ka lang sa cellphone mo. Porket nanalo ka lang sa lotto ganyan ka na? Yung mga mayayaman talaga nagsisikap parin na magtrabaho sa mga sandaling ito. Alam mo ba Gerald. Wala kang kapital na maikukumpara sa ibang tao pero ang mga iniisip mo yung mga nakasanayan mo na! Alam mo ba na dahil dyan hindi ka uunlad kahit kailan?”Pagkatapos masampal, nasundan ito ng maraming kuda at walang katapusang sermon mula kay Cassandra.Bwisit na yan!Kung hindi siya in-add ni Cassandra sa kanyang WeChat account, sa malamang hindi na nagawang pigilan ni Gerald na magwala sa mga sandaling iyon.Hindi niya maisip kung bakit ganito siya itrato ni Cassandra sa realidad, ngunit kabaliktaran ang trato sa
Ang lokasyon ay sa Rivington City!Biglang tumunog ang cellphone ni Gerald.Sa gilid ng kanyang mga mata, nakita niya na si Elena iyon."Mr. Crawford, natanggap mo na ba ang tiket sa pagpasok? ""Oo nakuha ko. Dapat ay ibinigay mo lang ito sa akin nang personal kapag may pagkakataon kang gawin ito. Bakit mo kailangan pang puntahan at guluhin ang iyong sarili upang maipadala lamang ito sa akin? "“Hehehe. G. Crawford, kaya ito ang nangyari. Dumating na ako kahapon sa Rivington City upang bisitahin ang aking tiyahin. Bigla ko rin namang naalala kagabi, na wala kang tiket sa pagpasok. Kaya't napagpasyahan kong ipadala ito sa iyo sa magdamag! "Matapos malaman ang pagkakakilanlan ni Gerald, naging magalang si Elena sa kanya.Si Elena ay una nang pinilit ng kanyang mga magulang na kalugdan si Gerald sa simula pa lamang.Matapos ang paggastos ng ilang araw na makasama si Gerald, natuklasan ni Elena na talagang mayroon siyang isang napaka-espesyal na alindog tungkol sa kanya.Siya ay
"Niloloko mo ba ako? Hindi ba nakita ko na hawak mo ito?" Dumating sila sa pasukan at sinabihan siya ng iba pang mayamang binata. "Oo, pero kailangan kong umihi, hindi ba? Huminyo ang kotse sa daan at umihi ako sa gubat. P*ta, hawak ko na ang admission ticket kanina at pagkatapos kong umihi, parang wala akong natatandaan na may hawak ako, hula ko nawala na lang ito bigla!" Sinimulan siyang pagtawanan ng grupo, ngunit malinaw na nagbibiro lamang sila bilang magkaibigan. Lahat sila ay nag-alala. "Hahanapin natin ulit ito, pero kung hindi natin magawa, babalik tayo at kukunin ito..." "Medyo malayo 'yon dito!" Pinag-usapan at ipinaliwanag nila sa babaeng receptionist tungkol sa ticket na meron siya kanina ngunit nawala ito, at kung pinapayagan pa rin siyang pumasok kahit na ganoon ang nangyari. Direktang itinanggi ng babaeng receptionist ang kanilang pagpasok. "Anong problema?" Sa sandaling ito, isang lalaki na may gulang na at naka-suit ang naglakad patungo sa grupo ng mg
Nagulat si Gerald. Huminto siya upang tingnan kung ano ang kanilang ginagawa. "Ikaw! Ipakita mo sa akin ang iyong entrance ticket ngayon din!"Sobra ang galit ni Ted Lopez. Sa totoo lang, si Gerald ay hindi mukhang isang mayamang binata. Duda siya kanina na maaaring ito ay isang pagkakamali, ngunit pagkatapos tingnan ang damit ni Gerald, tiyak na hindi ito isang pagkakamali! Hanggang sa buto ang galit sa kanya si Ted. "Hindi mo ba tiningnan ang aking entrance ticket kanina!" Turo ni Gerald sa babaeng receptionist. "Kung hindi ko ito tiningnan, paano ko malalaman na ang isang loser na tulad mo ay lumusot lang dito!" "Mr Zimmerman, ito ang taong sinasabi ko sayo, sa palagay ko kinuha niya ang iyong entrance ticket!" Sigaw sa kanya ni Hadley. Matapos sabihin iyon, lumapit siya kay Gerald at inagaw ang ticket mula sa kanyang mga kamay. "Geez, ang mundo ay talagang malaki at maraming uri ng mga tao, ang mga taong tulad mo ay talagang nakaisip na pwede kang sumali sa cruise