Pagkatapos pumunta doon ni Queena, hindi si Gerald kung nandoon pa rin si Zenny... Makalipas ang ilang araw, sa wakas ay nakarating na si Gerald sa Langvern Mountain. Inakala niya noon na wala siyang matatagpuan na tao pagdating niya doon, ngunit laking gulat niya nang may mahabang pila paakyat sa bundok! Dahil sa sobrang sikip, naalala ni Gerald kung ano ang dating ng lugar noon bago pa umalis si Master Ghost. 'Anong nangyayari...? Nakabalik na kaya si Master Ghost...?’ tanong ni Gerald habang natataranta siyang umakyat ng bundok. Nagulat siya sa kanyang nakita. Maraming mga tao ay magalang na nakatayo sa buong lugar at marami pa sa kanila ang nakaluhod sa direksyon ng Langvern Church. Ang mga ito ay mga deboto at mukha silang sumailalim ng isang millennia ng baptism. Naaaliw na umiling si Gerald habang pilit siyang nakangiti. Bago pa siya makapagpatuloy, may biglang sumigaw, “Ikaw! Tumigil ka sa kinatatayuan mo!" Nang lumingon kung sino ang tumawag sa kanya, sinalubong
"Ano? Gusto mo ba akong atakehin?" tanong ni Gerald habang nakangiti. Sa tulong ng middle-aged na lalaki, mabilis na bumangon ang matanda bago siya yumuko habang sinasabing, “Hindi namin ito sinasadya, sir! Isa kang makapangyarihang tao na tinatago ang kanyang tunay na kapangyarihan… Bakit sasaktan ka ng mga taong tulad namin?" Bata ang kutis ng matanda kahit pa may edad na siya. Pero hindi makapaniwala si Gerald na mapagpakumbaba siya sa kanyang pananalita kahit pa siya ay isang tao na may mataas na katayuan. “…Lolo, ano po ang sinasabi ninyo? Bakit ang galang mo sa g*go na ito? Sumablay lang yung suntok ko kanina, pero sigurado ako na sa susunod ay sisirain ko ang mukha niya!" galit na sinabi ng babae kahit na nagulat siya sa kaninang pangyayari. Biglang sumimangot ang matanda nang makita niya na aatake ulit ang babae, "Tumigil ka dyan, Perla! Huwag kang bastos!” Nag-atubili si Perla Sherwin na sundin ang utos na iyon, pero sumunod na lamang siya nang makita niyang malalim
Pagkasabi niya nito, nagpatuloy si Gerald sa paglalakad at hindi man lang siya nag-abalang lumingon. "May balak ka bang pumunta doon, master...?" tanong ng matanda. “Oo!” “Mahusay ka pero maraming mga patakaran sa Langvern Mountain... Kung gusto mo pa ring pumunta doon, bakit hindi ka muna maghintay dito ng sandali? Malapit nang pumasok ang pamilyang Sherwin, ang pamilya ko! Bakit hindi ka sumama sa amin?" Sabi ng matanda. Nang marinig iyon, biglang nag-isip si Gerald, ‘Hindi masamang suggestion iyon. Mas mabuti nang sumama ako sa kanila dahil pupuntahan naman na nila si Master Crawford. Kung tutuusin, mas madaling gawin iyon kaysa makipaglaban pa ako. Pero gaano kaya kahusay ang master na iyon…' Tumango si Gerald para sumang-ayon kaya sinabi ng matanda, “Okay, sige! Ang pangalan ko pala ay Terrance Sherwin! Masaya akong makilala ka, master!" Masaya siyang nakipag-usap kay Gerald tungkol sa ilan pang mga bagay at sabay na pumasok si Gerald at ang tatlo sa Langvern Church.
“…Oh? May isang tao ba na naglalakas-loob na pagdudahan ako?" sabi ni Master Crawford habang naniningkit ang kanyang mata sa direksyon kung nasaan si Gerald at ang iba pa. Pagkatapos nito, marami sa mga tao sa malaking hall ang nalilitong nakatitig kay Gerald. Parang gusto ni Gerald na mamatay pagkatapos niyang sabihin ang mga ganoong bagay. Isang mapait na ngiti lang ang pinakita ni Gerald. Umabot na sa ganitong estado ang sitwasyon, kaya wala nang saysay na makipagtalo pa. Dahil doon, napagpasyahan niya na mas mabuti para sa kanya na sabihin ang kanyang tunay na saloobin. “Oo. Pasensya na sa pagiging prangka, pero ang iyong mga kahanga-hangang abilities ay... walang iba kundi mga panlilinlang na halos walang anumang function, Master Crawford!" sagot ni Gerald. Pagkatapos niyang magsalita, isang nagkaroon agad ng malaking kaguluhan! Mukhang gusto na talaga niyang mamatay! Naramdaman ni Master Crawford na kumibot ang kanyang mga eyelids. Hindi niya inasahan na mapapahiya siya
Halos lahat ng tao sa hall ay nagsigawan sa sobrang takot. Mulat na mulat ang mga mata ng matatanda dahil sa nakakagulat na eksena, habang si Perla naman ay gulat gulat at halos hindi siya nakaimik sa kasalukuyang pangyayari. Ang eksenang nangyayari sa harapan nila ngayon ay mahirap paniwalaan...! “…Nakakamangha…!” nauutal na sinabi ni Master Crawford habang nanghihina siyang bumagsak sa sahig, basang-basa siya ngayon ng pawis. Pinitik ni Gerald ang kanyang kamay at dahil dito ay nawala ang gintong liwanag at naging mapayapa muli ang buong lugar. Tumingin siya sa compass at Gerald na isa lamang itong simpleng magic artifact na may kakayahang magpakita ng mga nakakatakot na larawan. Hindi sinanay ni Master Crawford ang kanyang isip para mapatatag ito, kaya hindi niya nagamit ang compass mula nang umatake siya. Dahil dito ay nadagdagan lamang ang kahihiyan ni Master Crawford. Ngumiti si Gerald at pagkatapos ay itinapon niya ang compass sa isang tabi bago siya tumingin sa m
Namula ang kanyang mga mata, maraming mga tao ang bumababa sa bundok habang pinapanood nila si Perla na ginagaya ang isang aso na tumatahol ng tatlong beses! Hindi talaga inaasahan ni Gerald na mangyayari ang lahat ng ito. Kung tutuusin, noong una ay naisip niya na si Perla ay walang iba kundi isang mayamang binibini na hedonistic at sobrang sensitibo sa tingin sa kanya ng iba. Hindi nila inasahan na talagang handa siyang ipahiya ang sarili niya para lang maging apprentice ni Gerald! Sa katunayan, sinabi niya na tumahol siya na parang aso dahil alam ni Gerald na ang kahihiyan mula sa kanyang aksyon ay mabigat para kay Gerald. Dahil doon, kumbinsido siya na hindi magagawa ni Perla ang gawain. Pero mukhang nagkamali siya… “...Ginawa... ko na ang sinabi mo... Pwede na ba akong maging apprentice mo...?” tanong ni Perla habang nakatayo sa harapan ni Gerald. “… Ah…” medyo nag-aalangan na sumagot si Gerald. Napansin ni Gerald na nakatingin din si Terrance sa kanya habang pinipigilan
"Okay... huwag na tayong mag-aksaya pa ng oras at pumunta na tayo sa Jenna Province sa lalong madaling panahon!" sabi ni Gerald sabay tango. Maraming bagay ang gumugulo sa isip sa kanyang isip at isa na dito ang tunay na pagkatao ng kanyang lolo. Bukod pa doon, hindi niya pa rin alam kung nasaan ang kanyang pamilya at si Zyla. Kailangan rin niyang pumunta sa Jaellatra para hanapin din si Mila... Sa kabutihang palad, kasama na niya ngayon ang kanyang tito na maaasahan upang malutas ang ilan sa mga alalahanin niya. Dahil doon, alam ni Gerald na kailangan din niyang magmadali at hanapin si Master Ghost sa lalong madaling panahon upang mas malutas ang mga misteryong iyon. “Sasama ka sa akin, di ba?” tanong ni Gerald. “Oo naman! Matatapos lang ang misyon ko kapag nagsama na kayo ni master! Mayroong isang bead sa loob ng aking katawan na pwede mong makuha at ilagay sa loob ng isang napakagandang rag doll! Mapapadali para sayo na dalhin ako sa kahit saang lugar bilang isang dekorasyon
"Tama ang judgement mo, Master Crawford... Halos kalahating taon na ang nakalipas nang makasalubong ko ang isang pambihirang tao... Laging iginagalang ng pamilya ko ang mga taong mahusay sa martial arts at marami akong mga disciples na nagsisilbing mga subordinates ko... Ang pambihirang tao ay mula sa kaaway ng aming pamilya at naatasan siya na patayin ako nang palihim. Kapag wala ako, ang aking pamilya ay mapapahamak! Pero masyadong malakas ang taong iyon... Meron akong halos twenty na mahuhusay na subordinates noong panahon na iyon, pero wala ni isa sa kanila ang nakalaban sa napakahusay na lalaking iyon!" “Pagkatapos nito ay kinailangan ng aking anak at dose-dosenang mga bodyguard na itataya ang kanilang buhay para hayaan akong makatakas nang buo ang aking buhay. Nakatakbo ako ng malayo noon, pero marami na ang mga sugat ko at na-injure pa ang aking essential qi! Parang dumampi lang ang esssential qi niya sa akin, pero muntikan na akong mamatay!" paliwanag ng matanda at makikita s