“Ano ito?” "Sabi ni lolo nakahanap siya ng mahalagang clue!" “…Oh?” sabi ni Gerald habang mulat ang kanyang mga mata. Mabilis na lumapit si Gerald nang marinig niya na tungkol ito kay Master Ghost. Mabilis na sumagot si Terrance nang marinig niya ang sinabi ni Gerald, "Tingnan mo ang mga litrato na ito na nakuhanan ng mga subordinate ko, Master Crawford!" Kinuha ni Gerald ang mga litrato mula sa kamay ni Terrance at nakita niya na ang isa sa mga ito ay naglalaman ng isang mamahaling glass cabinet. Naningkit ang kanyang mga mata at nakita niya ang isang medyo pamilyar na horsetail whisk na nakahiga sa loob nito... Hindi siya pwedeng magduda tungkol dito. Sigurado siya na kay Master Ghost ang horsetail whisk na iyon! Napansin ni Zenny ang kislap ng pag-asa sa mga mata ni Gerald at ito ang nag-udyok ito kay Zenny na magtanong, "Pag-aari ito ni master!" “Pagkatapos mong ipakita sa amin ang mga litrato ni Master Ghost, napansin ng ilan sa mga subordinate ko na ang horsetail wh
“…Pumunta lang ako dito para palawakin ang kaalaman ko at makipagkita sa mga kakilala ko, Young Master Dun. Hindi ko intensyon na sirain ang kasiyahan mo!" sagot ni Terrance at makikita na nahihirapan siya. “Hahaha! Masaya na marinig yan mula sayo! Pero may nagsabi sa akin na pagkatapos mong ma-bankcrupt kalahating taon na ang nakalipas, naghahanap ka sa iba’t ibang lugar ng mga mahuhusay na master! Nagtataka tuloy ako kung may nahanap ka na ba... Sa totoo lang, tinutulungan ka rin ng pamilyang Dun na hanapin ang totoong kriminal mula pa nang mangyari ang insidente na iyon! Kapag nahanap na namin ang mga salarin, panigurado na ipaghihiganti namin kayo!" malamig na sinabi ni Federico. "Salamat at nag-abala ka pang gawin ang lahat ng iyon!" sagot ni Terrance habang pilit niyang pinipigilan ang kanyang galit at ang mga sulok ng kanyang bibig ay kumikibot. "Hindi mo kailangang magpasalamat sa akin! Ito lang ang dapat gawin ng isang junior para sa kanyang senior!" sabi ni Federico bag
Masyado silang humahanga kay Federico na ang tingin nila sa ibang tao na nandoon ay pawang mga tanga. Gayunpaman, galit na sumagot si Perla matapos niyang marinig ang mga babae na sinungitan ang kanyang lolo, "At sino ka para sabihin sa ibang tao na tumabi?" "Sino ako? Sino ka ba? Tumabi ka! Hindi kami makakuha ng litrato ni Young Master Dun mula dito! Hindi mo ba kayang gawin yun?!" “Oo! Ano, sa tingin mo ba mayaman ka o ano? Makipaglaban ka sa aming Young Master Dun kung malakas ang loob mo!" nagagalit na sinabi ng fanatic na babae. "Ikaw…!" sigaw ni Perla na habang punong-puno siya ng galit. “Hayaan mo silang sabihin ang gusto nila. Tulungan mo muna akong sumigaw ng presyo, Mr. Sherwin,” sabi ni Gerald nang lumingon siya kay Terrance nang makita niyang walang ibang nagtatangkang mag-bid. "Sige, Master Crawford. Magkano ang balak mong i-bid?" tanong ni Terrance. Nang marinig iyon, itinaas ni Gerald ang isang daliri. Sumimangot si Terrance nang makita niya iyon, "Mawal
Nang marinig iyon, tumigil ng sandali si Federico bago siya ngumisi, “…Naiintindihan ko, Master! Alam ko na ang dapat kong gawin pagkatapos nito!" Meron siyang nakahandang plano. Wala nang handang makipag-kumpitensya kay Gerald dahil masyadong malaki ang halaga na binigay niya. Maging ang mga fans ni Federico ay gulat na nakatingin kay Gerald. Kung tutuusin, wala ni isa sa kanila ang nag-expect base sa itsura ng taong ito na magmamay-ari siya ng ganito kalaking pera! Pagkatapos nilang malaman kung gaano siya kayaman, ang ilan sa kanila ay kumindat sa kanya at desperadong sinusubuka na mahulog ang loob ng lalaking ito sa kanila. Syempre, kailan pa ba gumana kay Gerald ang ganitong mga taktika? Walang problema si Gerald kapag kailangan niyang maglabas ng malaking pera, pero hindi rin siya gagastos ng malaking pera para sa wala. Handa lang siyang gumastos ng malaki para sa Heavenly Horsetail Whisk dahil gusto niyang tanungin ang organizer ng auction kung saan at paano niya nakuh
Pagkabukas ng pinto ng kwarto, pumasok sina Gerald, Terrance, at ang iba pa. Nang pumasok sila, sinalubong agad sila si Federico na nakaupo sa main seat. Makikita ang malawak na ngiti sa kanyang mukha nang tumayo siya at nagsalita si Federico, "Hello, Uncle Sherwin! Hindi ko inaasahan na magkikita tayo muli ng napakabilis!" "Ikaw pala ang may kagagawan nito, Federico!" galit na sumigaw si Terrance. “Hindi mo kailangang magalit, Uncle Sherwin! Maliban sa gusto kong mag-usap tungkol sa nakaraan, tinawagan din kita ngayon dahil gusto kitang batiin at ipaabot ang aking mainit na pagtanggap kay Mr. Crawford!” sagot ni Federico. Pagkatapops nito, ipinalakpak niya ang kanyang mga kamay bago niya inutusan ang mga tauhan, "Ihain ang tsaa sa mga bisita!" Maya-maya pa ay may lumapit na waitress na may hawak na teapot. Gayunpaman, sa sandaling matanggal ang takip ng teapot, makikita na meron lamang pulbos ng tsaa sa loob! Ang masama pa doon ay masyadong mabaho ang amoy ng nasabing powder
Pagkatapos nito ay tumawa ng malakas sina Federico at Manager Wafarer. Maging ang waitress na naghain ng mga pinggan ay nakatingin ng masama sa kasalukuyang sitwasyon. Kapag naging target ka ni Federico, ito ay parang pinili ka ng diyablo para pahirapan hanggang sa tuluyan ka nang bumagsak... “Parang nagbibiro ka, Young Master Dun. Seryoso ka ba na gusto mo itong bilhin ng ten dollars lang?" sagot ni Gerald habang nagtataka siya kung saan kinukuha ni Federico ang lahat ng kumpiyansa na ito. Dahil ba sa utusan niya lang ang lalaking naka-itim...? "Sinisigurado ko sayo na seryoso ako tungkol diyan! Walang hihigit at walang kulang!" sabi ni Federico. "…Magaling! Papayag ako sa isang kondisyon!" nakangiting sinabi ni Gerald. "Ano ito!" “Simple lang naman. Kung gusto mo pa ring matuloy ang deal na ito, kailangan mong isakripisyo ang buhay ng mga miyembro ng pamilya mo! Kapag sumang-ayon ka diyan, ibebenta ko sayo ang Heavenly Horsetail Whisk sa ten dollars, tulad ng sinabi mo. H
Tinawag niya si Gerald sa kanyang pangalan na parang kilala niya ito at alam niya ang background nito noon pa man... "…Nagkakilala na ba tayo dati? Parang wala naman akong kilala na mga master na nagsanay para makamit ang spiritual enlightening!" gulat na sinabi ni Gerald. Nang marinig iyon, tumawa ng malakas ang lalaking naka-itim at si Federico. "Mahina pa rin ang utak mo gaya ng dati...! Hindi ko inasahan na magiging kalmado ka pa rin pagkatapos mong umarte na parang wala kang alam! Gusto mo ba talagang malaman kung sino ako? Baka mabigla ka kapag nalaman mo ang tunay kong pagkatao!" sagot ng lalaking nakaitim na may matagumpay na ngiti. Tiningnan ni Gerald ang nanunuya na mukha ni Federico bago siya humarap sa lalaking naka-itim na kasalukuyang kinukutya siya. Hindi niya talaga alam kung ano ang nakakatawa para sa kanila. Pwedeng gamitin ni Gerald ang kanyang divine insight para malaman kung sino talaga ang taong ito dahil masyado nang makulit ang lalaking nakaitim, nguni
"Isa kang mapalad na tao base sa mga sinabi mo sa akin. Pero paano ka naging Yin Yang Master?" medyo curious na tinanong ni Gerald. "Ang mga title namin ay kadalasang binibigay base sa mga katangian ng isang tao. Kaya sa tingin mo ba ay makapangyarihan ka pa rin, Gerald?" nakangising sinabi ni Yin Yang. "Hindi ko iisipin ang mga ganoong bagay!" sagot ni Gerald habang umiiling. “Tumigil ka sa pagpapanggap mo! Alam ko na malakas at makapangyarihan ka noong huli tayong nagkita, pero dapat mong malaman na hindi ko pa nakakatagpo ang mga sikreto ng mundo noon! Ang mga tunay na diyos na kumokontrol sa mundo ay ang mga nagsasanay para makamit ang spiritual enlightening! Walang kapantay ang kanilang kapangyarihan at kapag ginamit nila ito, madali nilang masasakop ang mundo kung gugustuhin nila! Meron isang tao sa bawat bansa na nagsasanay ng spiritual enlightening!” “Kahit pa isa na ako sa kanila at nabigyan na ako ng titulong Yin Yang Master, alam ko pa rin ang aking limitasyon kahit