“…At nasaan nga ba ang ibang miyembro ng pamilyang Crawford…? May nabanggit ka kanina tungkol sa ibang pwersa... Anong klaseng mga pwersa sila?" tanong ni Peter. Inasahan na niya na hindi kasing simple ng inaakala niya ang insidenteng ito... “Walang nakakaalam kung nasaan ang ibang mga miyembro ng pamilyang Crawfords. Ang alam ko lang ay dapat matagal nang patay ang pamilya ko ilang taon na ang nakalipas kung hindi pumasok ang King of Judgment Portal. Ang iba pang mula sa pamilyang Crawford ay masyadong malakas at hindi mo inaasahan ang lakas na tinataglay nila...! Tungkol naman sa iba pang pwersa na humahabol sa inyo... Sabihin mo sa akin, sino sa palagay mo ang nakatayo sa tuktok ng mundo?" sagot ni Yreth habang nakatingin kay Peter. "Hindi ko alam. Pero kahit papaano ay sigurado ako na ang ganoong posisyon ay hindi para sa isang misteryosong pamilya na tulad niyo! May mga nakilala akong ilang makapangyarihang tao sa mundo at sigurado akong marami pang iba ang pareho ng kapangyar
“…Gerald…!” sigaw ni Yreth, namumula ang kanyang mga mata habang gulat siyang nakatitig kay Gerald. 'Paano... Paano ito nangyari...?! Hindi ko na siya kayang labanan!’ Napaisip si Yreth habang hindi siya makapaniwala sa pangyayaring ito. “Balita ko kanina mo pa ako hinihintay na lumabas, Yreth! Ito na ako!" sagot ni Gerald. “Mukhang lumakas ka, Gerald... Mabuti...! Sapat na ebidensya ito para maipakita ang kapangyarihan sa iyong katawan…!” dagdag ni Yreth habang tumatawa ng malakas kahit na nag-aapoy siya sa sobrang galit. “Mag-ingat ka sa bead sa kamay niya, Gerald! Isang formation yan!" sigaw ni Peter nang sinimulan ni Yreth na i-activate ang bead! Tama nga si Peter dahil mabilis na inihagis ni Yreth ang formation patungo sa itaas ni Gerald habang sumisigaw, “Bilisan mo at magpahuli ka na lang nang hindi lumalaban!" Ang formation ay mabilis na lumawak sa taas ni Gerald at nasabik si Yreth ngunit biglang bumaluktok at naging nakakatakot ang kanyang itsura! Mabilis siyang
Pagkatapos nito, nagsimulang bumalot ang mga matrix formation sa lahat sa mga miyembro ng pamilya Gunter at ang sinuman sa kanila na nakapasok sa loob nito ay makakaramdam ng matinding kamatayan. Kahit na alam ni Gerald na natatakot, puno ng pagsisisi, at galit ang mga mula sa pamilyang Gunter, wala pa rin siyang pakialam. Kung hindi niya sila papatayin ngayon, paniguradong babalik sila para pabagsakin siya sa lalong madaling panahon. Dahil doon, hindi na magiging mabait si Gerald sa kanila. Ilang segundo lamang bago sila mahuli sa loob ng matrix formations na lumabas mula sa ginintuang mata ni Gerald, ang lahat ng mga miyembro ng pamilyang Gunter ay naging alikabok. Takot na takot si Peter dahil hindi siya makapaniwala sa mga pangyayari. Ang transformation ni Gerald ay masyadong…nakakatakot… Pagkatapos niyang iligtas sila Jasmine, Leo, at ang iba pa, tinawag ni Peter si Gerald sa secret room ng manor. Sinabi ni Peter sa kanya ang lahat ng nalaman niya kanina kay Yreth, kaya g
Pagkatapos pumunta doon ni Queena, hindi si Gerald kung nandoon pa rin si Zenny... Makalipas ang ilang araw, sa wakas ay nakarating na si Gerald sa Langvern Mountain. Inakala niya noon na wala siyang matatagpuan na tao pagdating niya doon, ngunit laking gulat niya nang may mahabang pila paakyat sa bundok! Dahil sa sobrang sikip, naalala ni Gerald kung ano ang dating ng lugar noon bago pa umalis si Master Ghost. 'Anong nangyayari...? Nakabalik na kaya si Master Ghost...?’ tanong ni Gerald habang natataranta siyang umakyat ng bundok. Nagulat siya sa kanyang nakita. Maraming mga tao ay magalang na nakatayo sa buong lugar at marami pa sa kanila ang nakaluhod sa direksyon ng Langvern Church. Ang mga ito ay mga deboto at mukha silang sumailalim ng isang millennia ng baptism. Naaaliw na umiling si Gerald habang pilit siyang nakangiti. Bago pa siya makapagpatuloy, may biglang sumigaw, “Ikaw! Tumigil ka sa kinatatayuan mo!" Nang lumingon kung sino ang tumawag sa kanya, sinalubong
"Ano? Gusto mo ba akong atakehin?" tanong ni Gerald habang nakangiti. Sa tulong ng middle-aged na lalaki, mabilis na bumangon ang matanda bago siya yumuko habang sinasabing, “Hindi namin ito sinasadya, sir! Isa kang makapangyarihang tao na tinatago ang kanyang tunay na kapangyarihan… Bakit sasaktan ka ng mga taong tulad namin?" Bata ang kutis ng matanda kahit pa may edad na siya. Pero hindi makapaniwala si Gerald na mapagpakumbaba siya sa kanyang pananalita kahit pa siya ay isang tao na may mataas na katayuan. “…Lolo, ano po ang sinasabi ninyo? Bakit ang galang mo sa g*go na ito? Sumablay lang yung suntok ko kanina, pero sigurado ako na sa susunod ay sisirain ko ang mukha niya!" galit na sinabi ng babae kahit na nagulat siya sa kaninang pangyayari. Biglang sumimangot ang matanda nang makita niya na aatake ulit ang babae, "Tumigil ka dyan, Perla! Huwag kang bastos!” Nag-atubili si Perla Sherwin na sundin ang utos na iyon, pero sumunod na lamang siya nang makita niyang malalim
Pagkasabi niya nito, nagpatuloy si Gerald sa paglalakad at hindi man lang siya nag-abalang lumingon. "May balak ka bang pumunta doon, master...?" tanong ng matanda. “Oo!” “Mahusay ka pero maraming mga patakaran sa Langvern Mountain... Kung gusto mo pa ring pumunta doon, bakit hindi ka muna maghintay dito ng sandali? Malapit nang pumasok ang pamilyang Sherwin, ang pamilya ko! Bakit hindi ka sumama sa amin?" Sabi ng matanda. Nang marinig iyon, biglang nag-isip si Gerald, ‘Hindi masamang suggestion iyon. Mas mabuti nang sumama ako sa kanila dahil pupuntahan naman na nila si Master Crawford. Kung tutuusin, mas madaling gawin iyon kaysa makipaglaban pa ako. Pero gaano kaya kahusay ang master na iyon…' Tumango si Gerald para sumang-ayon kaya sinabi ng matanda, “Okay, sige! Ang pangalan ko pala ay Terrance Sherwin! Masaya akong makilala ka, master!" Masaya siyang nakipag-usap kay Gerald tungkol sa ilan pang mga bagay at sabay na pumasok si Gerald at ang tatlo sa Langvern Church.
“…Oh? May isang tao ba na naglalakas-loob na pagdudahan ako?" sabi ni Master Crawford habang naniningkit ang kanyang mata sa direksyon kung nasaan si Gerald at ang iba pa. Pagkatapos nito, marami sa mga tao sa malaking hall ang nalilitong nakatitig kay Gerald. Parang gusto ni Gerald na mamatay pagkatapos niyang sabihin ang mga ganoong bagay. Isang mapait na ngiti lang ang pinakita ni Gerald. Umabot na sa ganitong estado ang sitwasyon, kaya wala nang saysay na makipagtalo pa. Dahil doon, napagpasyahan niya na mas mabuti para sa kanya na sabihin ang kanyang tunay na saloobin. “Oo. Pasensya na sa pagiging prangka, pero ang iyong mga kahanga-hangang abilities ay... walang iba kundi mga panlilinlang na halos walang anumang function, Master Crawford!" sagot ni Gerald. Pagkatapos niyang magsalita, isang nagkaroon agad ng malaking kaguluhan! Mukhang gusto na talaga niyang mamatay! Naramdaman ni Master Crawford na kumibot ang kanyang mga eyelids. Hindi niya inasahan na mapapahiya siya
Halos lahat ng tao sa hall ay nagsigawan sa sobrang takot. Mulat na mulat ang mga mata ng matatanda dahil sa nakakagulat na eksena, habang si Perla naman ay gulat gulat at halos hindi siya nakaimik sa kasalukuyang pangyayari. Ang eksenang nangyayari sa harapan nila ngayon ay mahirap paniwalaan...! “…Nakakamangha…!” nauutal na sinabi ni Master Crawford habang nanghihina siyang bumagsak sa sahig, basang-basa siya ngayon ng pawis. Pinitik ni Gerald ang kanyang kamay at dahil dito ay nawala ang gintong liwanag at naging mapayapa muli ang buong lugar. Tumingin siya sa compass at Gerald na isa lamang itong simpleng magic artifact na may kakayahang magpakita ng mga nakakatakot na larawan. Hindi sinanay ni Master Crawford ang kanyang isip para mapatatag ito, kaya hindi niya nagamit ang compass mula nang umatake siya. Dahil dito ay nadagdagan lamang ang kahihiyan ni Master Crawford. Ngumiti si Gerald at pagkatapos ay itinapon niya ang compass sa isang tabi bago siya tumingin sa m