"Ano?! Dapt nakipaglaban na ako sa kanila at matagal na dapat nawala ang pamilyang Gunter!" Sabi ni Gerald habang nakasara ng mahigpit ang kanyang kamao.“Saan nila dinala si Jasmine? Kamusta naman si second uncle, si Leo, at ang iba pa?” tanong ni Gerald.Bago ang kanyang teleportation, ipinaliwanag na ni Gerald ang mga bagay na ito kay Zack kaya kilala sila nito.Biglang namang sumagot si Zack, "Si Miss Jasmine ay dinala sa Emperor's Tavern sa Hong Kong! Si second master at ang iba pa ay nakulong sa loob ng Crawford Manor. Ang pamilyang Gunter ay gumawa na ng napakalaking preparation doon at naghihintay sila na mahulog ka sa trap nila!"Mahigpit na nakasara ang kamao ni Gerald sa oras na ito.“Gusto kong humanap ka ng isang lugar kung saan titira ka. Ililigtas ko muna si Jasmine. Kailangan mong kontakin ang iba pang miyembro ng pamilyang Crawford at kapag nakaganti na ako sa pamilyang Gunter, ang iba sa inyo ay magkakaroon ng pagkakataong magplano para sa future!” bilin ni Geral
Kaya ang karamihan sa mga tao sa loob ng kwarto ay tumayo at nagpasya silang lumabas ng kwarto."Anong ginagawa niyo?! Kayong lahat ay mga mahuhusay na masters, kaya bakit kayo naduduwag?!"Ngumuso si Mr. Sime habang pinapagalitan na sila.Wala nang may gustong lumabas ng kwarto pagkatapos niya itong sabihin.“Ano naman ang kinakatakutan mo? Nandito ako!""Raion, ano ba talaga ang nangyayari?!"Tanong ni Mr. Sime habang nakatingin sa bodyguard.Gayunpaman, biglang nanginig ang buong katawan ng guard bago siya bumagsak sa lupa at nagsimulang bumubula ang kanyang bibig. Namatay siya makalipas lamang ang ilang segundo!“Ahhh!”Bigla namang sumigaw ang babae na nasa loob ng kwarto nang makita niya ito.Medyo namutla din ang mukha ni Mr. Sime.“Sino? Sinong gumawa nito?! Guards! Sumama kayo sa akin!" Galit na sigaw niya.“Malakas ang loob mo! Kayo ay isang maliit na pamilya lang, pero hindi pa kayo nakuntento at sinubukan niyo pang kunin ang hindi niyo makukuha sa buong buhay ni
Mabilis na kumalat ang kadiliman sa buong private room at talagang kinilabutan ang mga young masters na naroroon. Kahit sinong mapupunta sa sitwasyon na ito ay mapupuno ng desperasyon. “I-I’m sorry, Gerald...! Kasalanan ko ang lahat ng ito…!” bulong ni Jasmine. Hinila siya ni Gerald para tumayo siya sa likuran niya, “Okay lang, manatili ka muna sa likuran ko!” Sa lalong madaling panahon, kumalat ang kadiliman at nag-iwan ito ng tatlong liwanag sa lugar nito... Ang lahat ay nanood habang ang mga ilaw ay nagsimulang lumaki hanggang sa kalaunan ay nabuo ang silhouette ng mga tao. Nang mamatay ang mga ilaw, dalawang lalaki at isang babae ang biglang humarap kay Gerald. Ang isa sa mga lalaki ay may kahanga-hangang aura at ang kanyang buong katawan ay nabalot ng itim na armor. Ang isang lalaki naman ay nakasuot ng tailcoat sa kanyang slim na katawan. Ang babae naman ay may matalas na baba na may napakagandang hitsura, meron siyang kakaibang charm na lumalabas sa bawat butas ng k
"Hindi mo na ito kailangang sabihin pa sa kanya, Young Master Sime. Hayaan mo muna akong baliin ang lahat ng kanyang mga paa bago natin ipagpatuloy ang usapan natin!” sabi ni Hogan habang lumalakas ang kanyang nakakahangang aura! Itinaas niya ang kanyang steel claws at pagkatapos ay mabilis siyang sumugod kay Gerald, na lumikha ng malakas na pwersang sumira sa maraming gamit na nakapaligid sa lugar! Masasabi na malakas na ngayon si Hogan kumpara noong una niyang nakilala si Gerald! Palapit na sana ang palad ni Hogan sa katawan ni Gerald nang biglang narinig ang isang malakas na putok...! Gayunpaman, nanatiling nakatayo pa rin si Gerald. Sa katunayan, hindi siya nahawakan ni Hogan! Hindi makagalaw si Hogan sa kinatatayuan niya dahil sa sobrang takot, "...Ano?" May napakalaking pwersa na pumipigil kay Hogan at dahil dito ay nabigla ang babaeng nakaitim at ang lalaking may tailcoat. "Hindi kita natalo noon, pero langgam ka na lang sa akin ngayon!" sagot ni Gerald nang biglang
Samantala, ang lalaking naka-tailcoat ay lumilipad pa rin sa langit at ang kanyang puso ay tumibok nang malakas habang iniisip niya, 'Masyadong nakakatakot...! Kailangan kong makalayo sa kanya hangga’t maaari...! Hindi ko inaasahan na ang ability ng lalaking iyon ay mas mabangis pa kaysa sa aking master! Salamat sa diyos mabilis akong umatras!' Pagkatapos niyang mag-isip, naramdaman niya na parang hinihila siya! Paglingon niya sa kung ano ang pumipigil sa kanya, laking gulat niya nang malaman niya na hindi lang isang nakakapaso na liwanag ang tumama sa kanya na pumipigil sa kanyang lumipad, ngunit isang shockwave na may napakalakas na kapangyarihan ay tumama patungo sa kanya! Nanlaki ang kanyang mga mata nang sumigaw ang lalaki habang pilit niyang pinapakawalan ang kanyang sarili. Sa kasamaang palad, hindi iyon gumana at sa isang paputok na tunog, ang shockwave tumama sa kanyang katawan na nag-iwan lamang ng pinong alikabok sa kanyang likod...! Noon ay tuluyang iminulat ni Gerald
Ang boses ay mula kay Peter at siya ay kasalukuyang nakabitin sa plaza habang ang ilang mula sa pamilyang Gunter ay nakakunot-noo na nakatingin sa kanya. Hindi kayang indahin pa ng isang disciple ng pamilyang Gunter ang kahihiyan kaya sumigaw siya, "Talagang makakapagsabi ka ng ganyang mga bagay habang nasa ganoong kalagayan ka... Nakapag-desisyon na ako! Tatanggalin ko ang lahat ng ngipin mo sa sandaling ito! Tingnan natin kung kaya mo pang magmayabang sa sandaling ito!" Malapit na sanang gumalaw ang disciple nang bigla siyang huminto sa kanyang kinatatayuan at biglang sumigaw ang isang kakaibang boses, "Tumigil ka!" "Lady Gunter!" magalang na sinabi ng iba pang disciple. "Huwag kayong gumalaw!" sabi ni Yreth habang naglalakad siya papunta kay Peter na may kasamang grupo ng mga tao sa likod niya. Ang mga kamay ni Yreth ay nasa likuran niya at tumingin siya kay Peter ng nakangiti habang sinasabi, "May narinig ako na may isang misteryoso at bukod-tanging lalaki ang biglang nag
“… Isang sikreto?” tanong ni Peter. “Oo. Hindi ko rin alam ang tungkol dito noon... Bago pa man ako magpatuloy, nalaman ko ang tungkol sa kayamanan ng Crawford na kilala bilang imahe ng ang araw sa loob ng matagal na panahon. Hindi lang nito kayang manghula ng mga bagay, pero marami rin itong training techniques! Ito ang tinay na kayamanan sa lahat ng mga kayamanan! Sa tingin ko noon ay may nalaman siya tungkol dito.” “Pagkatapos namin siyang bugbugin, nagulat kami nang malaman namin na nakatakas siya nang hindi namin napapansin! Hindi namin siya makita kahit pa sa tulong ng maraming mga champion at ilang miyembro ng pamilyang Gunter. Makalipas ang halos twenty years nang biglang lumitaw muli ang pamilyang Crawford at nang mangyari ito, sila na ang may-ari ng mahigit kalahati ng yaman sa planeta! Kinokontrol ng pamilyang Crawford ang economic lifeline ng mundo!” “Marami sa amin ang nag-alinlangan na ang pamilyang Crawford na muling lumitaw ay itinatag ni Daryl. Nawawala si Daryl
Narealize ni Peter na hindi niya nakita ang bangkay ng kanyang ama, kaya naintindihan na niya ngayon ang bigger picture. Gayunpaman, may bumabagabag pa rin sa kanya. Bakit gagawin ng kanyang ama ang malupit na bagay na ito? Ano ang nagtulak sa kanya para gawin ang lahat ng iyon? “Ano? Ano kaya ang nararamdaman mo ngayong alam mo na kung anong klaseng tao ang iyong ama! Pansin ko sa mukha mo na naramdaman mo na parang may mali kanina, tama ba? Hahaha!” sabi ni Yreth sabay tawa. “… Inaamin ko na napansin ko nang may mali. Pero may hindi ako naiintindihan. Ang pamilyang Gunter ay gumawa ng maraming pakana para gawin ang lahat ng ito, pero para saan ang lahat ng iyon? Sana alam niyo na maraming inosenteng buhay ang namatay dahil sa inyo! Bakit mo pinaglaruan at minanipula ang buhay ng napakaraming tao?" Galit na galit na sinabi ni Peter. Kung tutuusin, isa rin siya sa mga biktima ng grand scheme na ito. “Sinabi mo na hindi mo masyadong alam ang mga sikreto ni Gerald... pero hindi