Maingat na nakatingin si Queena kay Gerald bago nagsalita ang lalaki, “Marami pa akong kailangang aralin. Makikipagkita ako sayo kapag natapos ko nang ayusin ang mga problemang iyon!" “Mahusay! Maghihintay na lang ako!" nakangiting sinabi ni Queena. Kasunod nito, saglit na umindayog ang kanyang katawan… Hindi niya agad ito napansin nang biglang nawala ang babae. Lumapit si Rosie at tumingin kay Gerald bago niya sinabing, “Tao ba siya o multo…?” "Kalahati siguro ng dalawang sinabi mo!" sagot ni Gerald nang lumingon siya sa direksyon kung saan umalis si Queena bago siya bumuntong-hininga. Dahil doon, dinala niya si Rosie pabalik sa shantytown para makipagkita kay Leo at sa iba pa. Napansin ni Gerald na walang tao kaya tinanong niya si Monica kung nasaan siya. Sinabi ni Monica na hindi pa uuwi ang lalaki, kaya hindi mapalagay ang pakiramdam ni Gerald nang maisip niya, 'Saan siya pumunta? Bakit ang tagal niyang hindi pa umuuwi...?' Ilang sandali pa nang tuluyang bumalik si Quee
"…Ano? Nawala siya...?!" galit na sumigaw si Queena. “P-please, huwag mo akong patayin, master...! Nasa kwarto pa talaga niya kanina! Meron siyang kausap kanina, pero hindi ko na ito dahil sa tingin ko ay kausap niya lang si Hattie! Pumasok ako para suriin muli siya, pero wala na siya at si Hattie ay may coma na!” Gaya ng sinabi ng katulong noon, si Hattie ang personal maid na itinalaga ni Queena para kay Jasmine at totoo sa sinabi ng katulong. Pumasok si Queena para tingnan ito ng kanyang sarili at nalaman niyang wala talaga doon si Jasmine at nakahiga pa rin si Hattie ng walang malay! Pagkatapos nito, pumikit si Queena para mag-concentrate sa paligid. Ilang sandali pa, binuksan niya muli ang mga mata niya bago niya sinabi, “…May nagligtas sa kanya. Hindi pa sila nakakalayo kaya maglunsad ng mabilis na search party para sa kanila sa paligid ng lugar!" Nanginginig sa sobrang takot ang lahat nang agad silang sumugod at tumakbo para tuparin ang utos ni Jasmine. Samantala, ang
Natandaan niya rin ang sinabi niya kanina at biglang nanginig si Jasmine at nagtanong, "...Hindi kaya... Hindi kaya ikaw ang nawawalang asawa ng tita ko...? Ang tito namin ni Gerald...?" Nakangiti namang sumagot ang lalaki, “Talagang kasing talino mo ang tita mo, Jasmine...” “…Totoo…?!” sigaw ni Jasmine habang nakatakip ang kanyang bibig nang magulat siya. “…Sir- Hindi, Tito... Hindi ba nawala ka ng ilang taon...? Bakit ngayon mo lang pinakita ang sarili mo... At saka, paano naging ganito ang hitsura mo…?” Batay sa minsang sinabi sa kanya ng kanyang tiyahin, si Peter Crawford, ang tito na nawawala, ay medyo gwapo at isang matikas na lalaki. Kaya talagang nakakabigla ang kanyang nakakatakot na itsura! “Sabihin na lang natin na nangyari ito sa akin dahil naghahanap ako ng paraan para makatakas! Hindi na masama ang itsura na ito dahil pinapayagan akong itago ang aking tunay na pagkatao. Sa katunayan, salamat sa hitsura ko kaya madali kong naimbestigahan ang ilang insidente!" sag
Ayon kay Peter, ang grupo ng mga tao ay tumatakbo ng mabilis at hindi nagtagal ay narinig ni Jasmine ang kanilang mabilis na papalapit na mga yapak! Hindi nagtagal bago ang isang dosena o higit pang mga tao ay nagsilabasan mula sa gubat at sa pangalawang pagkakataon na nakita ng leader ng grupo ang dalawa. Dahil dito ay sabik na sabik siyang sumigaw, “Nahanap na namin sila! Palibutan niyo sila kaagad!” Excited siya dahil paniguradong makukuha ng kanyang grupo ang karangalan na gumawa ng malaking kontribusyon dahil sila ang unang nakahanap kay Jasmine. Maging ang mga mata ng labing-isang lalaki ay nagningning, dahil akala nila na ang kanilang premyo ay nakatayo sa harapan nila. “A-anong gagawin natin tito?! Ang lakas nilang lahat!” medyo nag-aalalang sinabi ni Jasmine. Matagal siyang nanatili kay Queena, kaya alam na niya kung gaano kalakas ang mga tauhan niya. “Haha! Hindi nila tayo masasaktan kung mapapatumba ko sila, Jasmine!" sagot ni Peter na may pilit na ngiti habang binub
“…Hindi ba maganda kung mag-host tayo ng reunion dinner lalo na’t dahil nakauwi kami ng ligtas ni sir at dahil nakahanap ka ng maayos na helper...? Tinatrato ko na itong si sir na parang pamilya simula nang iligtas niya ako!" sabi ni Jasmine nang muntikan nang madulas ang kanyang dila. Mabuti na lang at gumana ang paliwanag niya habang natatawa si Gerald bago siya sumagot, “Tama ka! Iniligtas niya rin ang buhay ko! Mula nang magkamalay ako, tinuring ko na rin siyang parang pamilya! Maganda ang suggestion mo! Mag reunion dinner tayo mamayang gabi! Ako na ang magluluto!" "Tutulong ako!" halos magkasabay na sumigaw sila Monica at Rosie na kania pa nananahimik sa gilid. Nakaramdam sila ng kaunting awkwardness nang makita nila kung ano ang nangyari Sabik na sabik na tumulong si Monica dahil matagal na niyang hinahangaan si Gerald. Iginagalang niya ang kanyang lakas at ang kanyang matibay na karakter. Siyempre, kasama na rin doon ang kanyang kagwapuhan. Para naman kay Rosie, hindi pa
Samantala, si Gerald mismo ay umiilaw din at talagang nakatakot si Peter sa kakaibang itsura nito. Ang jade pendant na kasalukuyang nasa mga kamay ni Gerald ay isang pambihirang bagay... Kahit si Peter ay walang ideya kung anong uri ng nakakatakot na kapangyarihan ang tinataglay nito... Pero alam niya na ang jade pendant ay compatible talaga kay Gerald. Tahimik na nanonood ang iba at hindi nagtagal ay nanlaki ang mga mata nila habang ang liwanag mula sa pendant ay biglang sumikat sa kalangitan sa ilalim ng gabay ng Thunder Eruption ni Gerald. Bigla namang lumitaw ang isa pang liwanag na naglalabas din ng kaunting puwersa at isang nakakatakot na bagay ay dahan-dahang nabubuo habang umiihip ang mabangis na hangin, na nagpapadala ng alikabok na lumilipad sa buong lugar. “Napaka makapangyarihan…!” sabi ni Leo na may bakas ng takot sa kanyang boses habang nakatingin siya sa buong eksena. Makalipas ang ilang sandali, dahan-dahang bumaba ang liwanag mula sa langit hanggang sa kalaun
Matamis na nakangiti si Zyle kay Gerald habang kinukuha ng lalaki ang pendant at sinabi, “Gusto mong tumira sa loob ng pendant?” “Oo, Gerald. Habang hinahanap mo ako, pakiramdam ko may nagsabi sayong dalhin mo ang bangkay ko para ilibing kasama si Liemis, tama ba? Ang layunin niyan ay nasa loob ng dragon blood jade pendant. May puro at natural space na lugar para sa akin sa loob ng pendant. Sa madaling salita, kaya kong sanayin ang sarili ko doon!" paliwanag ni Zyla. "…Naiintindihan ko! Oo nga pala, Zyla, alam mo ba kung sino ang misteryosong tao...?" "May idea ako kung sino ito, pero na hindi ako sigurado tungkol dito. Para sa karagdagang detalye, pwede kang maghintay hanggang sa mahanap ko si Liemis. Kapag sumanib na kayo sa bawat isa sa tulong ng kapangyarihan ng dragon blood jade pendant, manunumbalik na ang iyong totoong kalakasan," sagot ni Zyla. “…Ibalik ang isa sa aking totoong kalakasan?” tanong ni Gerald habang medyo nalilito kahit na may makatarungang ideya siya kung
“Ano iyon?” tanong ni Gerald "Kahit na kinulong ako ng King of Judgment Portal sa secret room ng pamilyang Gunter, alam ko na gising pa rin ako. Dahil doon ay napakinggan ko kung ano ang pinaplano ng pamilyang Gunter sa buong panahong ito at sa naaalala ko na mukhang binihag ng pamilyang Gunter ang dalawa sa iyong mga kaibigan. Ang isa sa kanila ay may apelyido ng Tindall, habang ang isa ay may apelyido na Baker. Paniguradong nasa ilalim pa rin sila ng secret underground room ng Gunter manor!" “Kaya pala hindi ko mahanap si Chester! Pinapahanap siya sa akin ni Gerald at naisip ko na kakaiba ito dahil wala pa rin akong clue kung nasaan siya, kahit ilang araw na akong mag-imbestiga! Nasa pamilyang Gunter pala siya!" sabi ni Peter habang umiiling. Nang marinig iyon, napagtanto ni Gerald na ang kanyang pinakamalaking kinakatakutan ay nagkatotoo. Hindi pa nagtagal, muntik na siyang mahulog sa bitag ng pamilyang Gunter, isang bitag kung saan halos muntikan na siyang patayin ni Hogan.