“Ano iyon?” tanong ni Gerald "Kahit na kinulong ako ng King of Judgment Portal sa secret room ng pamilyang Gunter, alam ko na gising pa rin ako. Dahil doon ay napakinggan ko kung ano ang pinaplano ng pamilyang Gunter sa buong panahong ito at sa naaalala ko na mukhang binihag ng pamilyang Gunter ang dalawa sa iyong mga kaibigan. Ang isa sa kanila ay may apelyido ng Tindall, habang ang isa ay may apelyido na Baker. Paniguradong nasa ilalim pa rin sila ng secret underground room ng Gunter manor!" “Kaya pala hindi ko mahanap si Chester! Pinapahanap siya sa akin ni Gerald at naisip ko na kakaiba ito dahil wala pa rin akong clue kung nasaan siya, kahit ilang araw na akong mag-imbestiga! Nasa pamilyang Gunter pala siya!" sabi ni Peter habang umiiling. Nang marinig iyon, napagtanto ni Gerald na ang kanyang pinakamalaking kinakatakutan ay nagkatotoo. Hindi pa nagtagal, muntik na siyang mahulog sa bitag ng pamilyang Gunter, isang bitag kung saan halos muntikan na siyang patayin ni Hogan.
Habang naghahanap ang grupo sa paligid ng masukal na kagubatan, sila ay nahati sa mas maliliit na grupo at si Hogan mismo ay kasalukuyang namumuno sa isang grupop ng limang tao. Habang patuloy silang naghahanap, biglang sumigaw ang isa sa mga tauhan ni Hogan, "May tao doon, Hogan!" Nang marinig iyon, ang ibang miyembro ng maliit na grupo ay agad na sumugod at maya-maya ay nakatayo sila sa gilid ng taong iyon. Habang tumatakbo, napansin nila na paika-ika ang lakad ng taong ito at ang kanyang mga damit ay magulo. Nang makarating sila sa tabi ng lalaki, nanlaki ang mga mata ni Hogan sa sobrnag gulat nang sabihin niya, "...Young... Young Master Gunter...?" Ilang araw na mula nang huling narinig ng sinuman ang tungkol kay Felton matapos siyang ipadala sa Dordwell Heights upang hanapin si Gerald. Walang sinuman ang maaaring makipag-ugnayan sa kanya hanggang sa puntong ito. Sobrang nag-alala si Yreth, kaya nagpadala siya ng ilang tao sa kabundukan para hanapin siya, ngunit hindi i
Hindi sinisisi ni Yreth ang kanyang apo sa kanyang naging aksyon. Kung tutuusin, inakala lamang ni Felton na si Gerald si Yreth. Nagkaroon ng matinding pagbabago sa ugali ang kanyang apo pagkatapos siyang pahirapan. 'Paano ka na-trauma ng ganito...? Sobra kang sinaktan ni Gerald...! Sisiguraduhin kong papatayin ko siya kung ito ang huling bagay na kailangan kong gawin! Maghihiganti ako para sayo...’ naisip ni Yreth habang makikita sa kanyang mga mata ang kagustuhang pumatay. Galit na galit siya pero ito ay isang masayang okasyon pa rin para sa pamilyang Gunter dahil si Felton ay ligtas na nakabalik sa kanilang puder. Ang mga miyembro ng Judgment Portal at ng pamilyang Gunter ay kasalukuyang abala sa paghahanap kay Gerald, alam ni Yreth na ito ang kanilang pinakamagandang pagkakataon na mahuli siya muli. Dahil doon, hinayaan niyang magpagaling si Felton sa Gunter Manor habang siya ay umalis din para hanapin si Gerald. Nakatuon ang lahat sa paghahanap kay Gerald, kaya ang Gunter
“Please, alam ko kung bakit gustong-gusto mong pumunta doon... Alam ko na dinakip ni lola ang dalawang kaibigan ni Gerald.Gusto mo lang ilabas ang iyong galit kaya gusto mo silang saktan, di ba?" Hindi nagdalawang si Yume na sabihin ito. Pagkatapos ng lahat, naiintindihan niya ang personalidad ni Felton. “Bullsh*t! Sinusubukan kong iligtas sila at dalhin sila sa ligtas na lugar!" Sagot ni Felton. “…Bakit mo gagawin iyon…?” “Nagtanim si Gerald ng napakalakas na lason sa loob ng katawan ko. Kung hindi ko nailigtas ang mga kaibigan niya, papatayin niya ako! Sapat na ba sayo ang dahilan na iyon?!" sagot ni Felton, maririnig sa boses niya ang takot. “…Kaya pala malaki ang pinagbago ng ugali mo mula nang umuwi ka! Sige! Dahil kami lang ni lola ang may susi sa underground dungeon, dadalhin kita doon!" sabi ni Yume. Kung tutuusin, iniisip na ni Yume kung paano niya pakakawalan ang mga kaibigan ni Gerald. Nang makarating sila Yume at Felton sa mga main doors ng pintuan, agad silang s
“…Nandito na si boss?” tanong ni Chester, hindi sigurado kung ano ang magiging reaksyon niya sa sinabi nito. “Hahaha! Makakatakas na tayo dito! Maghintay lang kayo mga Gunter! Kapag nakalaya na kami, paniguradong susunugin ko ang lugar na ito!" galit na sumigaw si Aiden. Ilang sandali pa, dumating sina Felton at Yume sa kwarto ni Yreth. Pumasok siya at nalaman niyang hindi masyadong komplikado ang layout ng kwarto. Medyo minimalistic ang itsura nito. Ang tanging kapansin-pansing mga bagay doon ay isang mesa sa isang gilid ng kwarto at isang shelf sa likod nito. “…Dito ba ang secret room…?” tanong ni Felton. “Dito dapat… Sa pagkakaalam ko, dapat may dalawang secret room si Lola. Hindi ako sigurado kung alam mo ito o hindi, pero may secret room si lola na naa-access sa pamamagitan ng kanyang special study. Doon niya ikinulong ang babaeng nakaputi... Minsan ko siyang naabutan na lumalabas mula sa likod ng shelf na ito noong bata pa ako... Dahil doon, dapat mayroong ilang kagamit
“…S-sino ka…? At bakit ka nandito sa aming manor…?” gulat na tinanong ni Yume. “Hahaha! Ang iyong manor? Ito ang aking manor! Ako ang nagtatag ng pamilya Gunter, bata! Kayong dalawa ay ang aking mga descendant!" sagot ng itim na liwanag sa umuugong na boses bago siya dahan-dahang naging isang matandang lalaki. Nakatali ang kanyang buhok at isang balbas na nalaglag hanggang sa kanyang dibdib, mahirap itanggi na ang matanda ay nagbigay ng dating na siya ay parang isang mahusay na martial artist. Gulat na gulat na sumagot si Yume, "...A-anong sabi mo...?" Si Gerald naman ay nakatingin na ngayon sa matanda nang may pagtataka. Sa masasabi ni Gerald, ang anyo ng matanda ay halos kapareho ng thought of the soul ng babaeng nakaputi. Gayunpaman, mayroong isang malinaw na pagkakaiba sa pagitan ng dalawa. Makikita ang kapangyarihan at lakas na tinataglay ng matanda ay mas malakas kumpara sa maaaring makamit ng babaeng nakaputi. Habang ang babaeng nakaputi ay hindi hihigit sa isang ord
“Tama! Kapag nakuha ko na ang katawan ni Gerald, siguradong makakabalik na ako! Pagkatapos nito, ang pamilya natin ay makakapunta sa Jaellatra ng magkakasama sa isang perpektong mundo kung saan mabubuhay ang pamilyang Gunter bilang mga masters! Sa oras na iyon, ang pamilya natin ay may ganap na kontrol sa langit at lupa!” dagdag pa ng matanda habang humahagalpak sa tawa. “… Pinapunta mo ba kaming dalawa dito dahil gusto mong sabihin sa amin ang lahat ng ito…?” tanong ni Yume. "Iyan ay isang magandang katanungan! Medyo mahina ang utak ni Yreth at ng iba dahil ang alam lang nila ay kailangan ko ang katawan ni Gerald. Pagkatapos ng mahabang paghihintay dito, hindi na ako makapaghintay pa! Dagdag pa ang katotohanan na medyo nag-aalala ako na baka mapahamak ni Yreth ang katawan na kailangan ko, kaya nagpaplano akong bumalik ng maaga! Para magawa ko ito, kailangan ko muna ng angkop na katawan para sa akin at ang inyong mga katawan ay mukhang nagtataglay ng sapat na aura…” sagot ng matand
Nang marinig iyon, tumalikod si Yume kay Felton at agad niyang naramdaman na parang may mali. Una, hindi pa niya nakitang ganoon ang mga mata ni Felton. Ngumiti si Gerald bago siya sumagot, “…Tama ka. Hindi ako si Felton." Sa totoo lang, kahit siya ay hindi alam kung ano ang kasalukuyang nangyayari. Nakaramdam siya ng matinding pagkahilo matapos matamaan ang kaluluwa ng matandang iyon kanina, pero hindi nagtagal ay biglang nagsimulang mapuno ang kanyang katawan ng essential qi! Para bang bumangga ang god of water sa isang bundok na naging dahilan upang bumulwak ang lahat ng essential qi na nasa loob sa sandaling lumitaw ang isang bitak! Sa madaling salita, ang katawan ni Gerald ay kasalukuyang nag-uumapaw sa kapangyarihan at kasama dito ang isang mapanirang aura. Napagtanto ni Gerald na hindi na siya kailangang matakot sa matandang ito at bigla namang sumigaw ang gulat na gulat na si Yume, “…H-huh…? Kung... Kung hindi ka si Felton... Sino ka...?!" "Ako ang pumatay sa kanya!"