"Oo naman sasama ako! Kung tutuusin, ito ang unang pagkakataon na sinabi mo na manatili ako sa tabi mo!" sagot ni Queena na may nakakaakit na ngiti. Nang marinig iyon, tumango lang si Gerald sa kanya sabay ngiti. Naturally, hindi niya sasabihin sa kanya na ililigtas niya ang babaeng nakaputi sa hatinggabi. Gayunpaman, alam din niya na kung hindi siya handang gumawa ng kaunting compromise, paniguradong magdurusa siya kung sakaling sirain ni Queena ang kanyang mga pagsisikap kapag na-summon niya ang babaeng nakaputi... Makalipas ang isang oras ay nagtanong si Gerald, “Seth, naaalala mo ba talaga kung saan ang snake cave…?” Ang tatlo na sumusunod kay Seth ay binubuo ni Rosie na curious tungkol sa snake cave, si Queena na pumayag na sumama mula nang imbitahan siya ni Gerald at si Gerald. “Malamang alam ko! Pero medyo secluded ang lugar na ito, kaya kailangan kong bilisan!” sagot ni Seth habang napakamot sa likod ng kanyang ulo bago humakbang sa kalapit na malaking bato. Makali
Bukod doon, mayroon ding ilang mga paglalarawan ng napakalaking mga ibon at hayop, hindi nila alam kung sinasadya nilang i-drawing ito ng ganitong paraan. Sinuri pa ito ni Gerald at nakita niya ang isang medyo pamilyar na imahe ng isang napakalaking nilalang na parang isang paniki. Napa-isip ni Gerald habag tinitingnan niya pa ito, ‘... Hindi ba nakita ko ang isang nilalang na tulad niya sa minahan kung saan ko iniligtas si Yume at kung saan ko nakuha ang water repellent stone...? Isang malaking paniki na may ulo ng isang tao... Inakala ko noon na ito ay isang paniki na demonyo na sumailalim sa matinding pagsasanay, pero dahil ito ay nasa mural na ito, malamang ito ay isang uri ng sinaunang nilalang na buhay pa rin hanggang ngayon... Pero... Paano ito nangyari...? Napakaraming kakaibang bagay ang nangyayari ngayon…'Lumingon siya kay Queena, na kanina pa nabibighani sa loob ng kweba at nagtanong si Gerald, “…Sabihin mo sa akin kung anong uri ng mundo ang inilalarawan sa mga dingding…
Tumango si Queena saka sumagot, “Oo, ang Immortal Body ay isang realm na dati ay nabubuhay lamang sa mga legends. Sinasabi noon na kung ang isang tao ay nakapasok sa ream na iyon, pwede silang mabuhay sa pagitan ng langit at lupa. Sa madaling salita, walang sinuman ang makakapatay sa kanila. Isang alamat lamang ang sabi-sabi na may isang tao na nakapasok sa realm na iyon!" “… Kung totoo ang alamat, sinasabi nito na ang makapangyarihang tao na iyon ay buhay pa, tama ba? Pero hindi iyon totoo? Malamang kasama na niyang namatay ang ancient civilization!" medyo curious na sinabi ni Gerald. “Sa tingin ko lang naman ay patay na siya. Ang hula ko ay hindi talaga siya nakapasok sa realm ng Immortal Body. Pero siya pa rin ay isang napakahusay na tao na may lakas na malinaw na sumasalungat sa natural order. Ano pa ba ang dahilan kung bakit ang daming gumagalang at humahanga sa kanya...” paliwanag ni Queena. “Ganun ba... Speaking of Jaellatra, may alam ka ba tungkol sa Sun League? Malamang
Maingat na nakatingin si Queena kay Gerald bago nagsalita ang lalaki, “Marami pa akong kailangang aralin. Makikipagkita ako sayo kapag natapos ko nang ayusin ang mga problemang iyon!" “Mahusay! Maghihintay na lang ako!" nakangiting sinabi ni Queena. Kasunod nito, saglit na umindayog ang kanyang katawan… Hindi niya agad ito napansin nang biglang nawala ang babae. Lumapit si Rosie at tumingin kay Gerald bago niya sinabing, “Tao ba siya o multo…?” "Kalahati siguro ng dalawang sinabi mo!" sagot ni Gerald nang lumingon siya sa direksyon kung saan umalis si Queena bago siya bumuntong-hininga. Dahil doon, dinala niya si Rosie pabalik sa shantytown para makipagkita kay Leo at sa iba pa. Napansin ni Gerald na walang tao kaya tinanong niya si Monica kung nasaan siya. Sinabi ni Monica na hindi pa uuwi ang lalaki, kaya hindi mapalagay ang pakiramdam ni Gerald nang maisip niya, 'Saan siya pumunta? Bakit ang tagal niyang hindi pa umuuwi...?' Ilang sandali pa nang tuluyang bumalik si Quee
"…Ano? Nawala siya...?!" galit na sumigaw si Queena. “P-please, huwag mo akong patayin, master...! Nasa kwarto pa talaga niya kanina! Meron siyang kausap kanina, pero hindi ko na ito dahil sa tingin ko ay kausap niya lang si Hattie! Pumasok ako para suriin muli siya, pero wala na siya at si Hattie ay may coma na!” Gaya ng sinabi ng katulong noon, si Hattie ang personal maid na itinalaga ni Queena para kay Jasmine at totoo sa sinabi ng katulong. Pumasok si Queena para tingnan ito ng kanyang sarili at nalaman niyang wala talaga doon si Jasmine at nakahiga pa rin si Hattie ng walang malay! Pagkatapos nito, pumikit si Queena para mag-concentrate sa paligid. Ilang sandali pa, binuksan niya muli ang mga mata niya bago niya sinabi, “…May nagligtas sa kanya. Hindi pa sila nakakalayo kaya maglunsad ng mabilis na search party para sa kanila sa paligid ng lugar!" Nanginginig sa sobrang takot ang lahat nang agad silang sumugod at tumakbo para tuparin ang utos ni Jasmine. Samantala, ang
Natandaan niya rin ang sinabi niya kanina at biglang nanginig si Jasmine at nagtanong, "...Hindi kaya... Hindi kaya ikaw ang nawawalang asawa ng tita ko...? Ang tito namin ni Gerald...?" Nakangiti namang sumagot ang lalaki, “Talagang kasing talino mo ang tita mo, Jasmine...” “…Totoo…?!” sigaw ni Jasmine habang nakatakip ang kanyang bibig nang magulat siya. “…Sir- Hindi, Tito... Hindi ba nawala ka ng ilang taon...? Bakit ngayon mo lang pinakita ang sarili mo... At saka, paano naging ganito ang hitsura mo…?” Batay sa minsang sinabi sa kanya ng kanyang tiyahin, si Peter Crawford, ang tito na nawawala, ay medyo gwapo at isang matikas na lalaki. Kaya talagang nakakabigla ang kanyang nakakatakot na itsura! “Sabihin na lang natin na nangyari ito sa akin dahil naghahanap ako ng paraan para makatakas! Hindi na masama ang itsura na ito dahil pinapayagan akong itago ang aking tunay na pagkatao. Sa katunayan, salamat sa hitsura ko kaya madali kong naimbestigahan ang ilang insidente!" sag
Ayon kay Peter, ang grupo ng mga tao ay tumatakbo ng mabilis at hindi nagtagal ay narinig ni Jasmine ang kanilang mabilis na papalapit na mga yapak! Hindi nagtagal bago ang isang dosena o higit pang mga tao ay nagsilabasan mula sa gubat at sa pangalawang pagkakataon na nakita ng leader ng grupo ang dalawa. Dahil dito ay sabik na sabik siyang sumigaw, “Nahanap na namin sila! Palibutan niyo sila kaagad!” Excited siya dahil paniguradong makukuha ng kanyang grupo ang karangalan na gumawa ng malaking kontribusyon dahil sila ang unang nakahanap kay Jasmine. Maging ang mga mata ng labing-isang lalaki ay nagningning, dahil akala nila na ang kanilang premyo ay nakatayo sa harapan nila. “A-anong gagawin natin tito?! Ang lakas nilang lahat!” medyo nag-aalalang sinabi ni Jasmine. Matagal siyang nanatili kay Queena, kaya alam na niya kung gaano kalakas ang mga tauhan niya. “Haha! Hindi nila tayo masasaktan kung mapapatumba ko sila, Jasmine!" sagot ni Peter na may pilit na ngiti habang binub
“…Hindi ba maganda kung mag-host tayo ng reunion dinner lalo na’t dahil nakauwi kami ng ligtas ni sir at dahil nakahanap ka ng maayos na helper...? Tinatrato ko na itong si sir na parang pamilya simula nang iligtas niya ako!" sabi ni Jasmine nang muntikan nang madulas ang kanyang dila. Mabuti na lang at gumana ang paliwanag niya habang natatawa si Gerald bago siya sumagot, “Tama ka! Iniligtas niya rin ang buhay ko! Mula nang magkamalay ako, tinuring ko na rin siyang parang pamilya! Maganda ang suggestion mo! Mag reunion dinner tayo mamayang gabi! Ako na ang magluluto!" "Tutulong ako!" halos magkasabay na sumigaw sila Monica at Rosie na kania pa nananahimik sa gilid. Nakaramdam sila ng kaunting awkwardness nang makita nila kung ano ang nangyari Sabik na sabik na tumulong si Monica dahil matagal na niyang hinahangaan si Gerald. Iginagalang niya ang kanyang lakas at ang kanyang matibay na karakter. Siyempre, kasama na rin doon ang kanyang kagwapuhan. Para naman kay Rosie, hindi pa