"Hin-... hindi ko talaga alam!" sigaw ni Sierra nang bigla siyang binuhat ni Felton. Gayunpaman, patuloy ang pagtanggi ni Sierra habang lalo siyang pinipilit ni Felton. Naintindihan niya na wala siyang makukuhang kahit ano sa kanya, kaya itinuon niya ang kanyang malamig na mga mata sa mga magulang ni Sierra bago siya nagtanong, "Kayong dalawa? Alam niyo ba ang tungkol dito?" Nakita niyang hindi sasagot ang dalawa, kaya hinawakan niya ang leeg ni Sierra bago niya dahan-dahang hinigpitan ang pagkakahawak niya dito. Nang makita iyon, si Elias at ang kanyang asawa ay umiiyak na habang nakatingin siya sa kanyang anak na sinasakal habang nagngangalit ang kanilang mga ngipin sa kanilang pagkataranta. Alam nilang dalawa na hinahanap ni Felton si Gerald, masyado silang tapat sa lalaking nagligtas kay Gerald na hindi nila ito kayang pagtaksilan. Ang dalawang mag-asawa ay parehong umiiling sa oras na iyon. “…Humph! Ganyan pala ang gusto niyo! Hindi kayo matatakot hanggang sa maramdama
Ang taong iyon ay ang taong tumulong kay Gerald. Naramdaman na niya ang panganib bago pa man siya pumasok sa shantytown. Alam niyang hindi siya makakarating doon sa tamang panahon, kinuha niya ang divine thought at hinagis ang kanyang kutsilyo para tanggalin ang kutsilyo ni Felton na muntikan nang hiwain ang leeg ni Sierra. Nang makarating siya doon, napagtanto niyang hiniwa na ni Felton ang braso ni Sierra! “Ibigay mo siya sa akin at susubukan kong ibalik ang kanyang braso! Kaya ko siyang iligtas!" utos ng lalaki habang hawak niya ang walang malay na bata bago siya tumakbo ng mabilis pauwi. Medyo malayo ang pagitan ng bahay niya at ni Sierra, kaya alam niyang hindi niya pwedeng sayangin ang kanyang oras. Pagdating sa kanyang bahay, nabigla sina Gerald at Monica nang makita nila ang kalagayan ni Sierra. Gayunpaman, mabilis silang umalis dito at sinimulang tulungan ang sugatan na bata. May kaalaman si Gerald tungkol sa art of setting bones at mahusay ang medical mastery ng kan
Nakipagdaldalan si Gerald sa lalaking iyon hanggang gabi. Gayunpaman, hindi pa rin nakatulog si Gerald kahit pa nasa loob lang siya ng kanyang kwarto. Matapos ang pakikipag-usap sa lalaking iyon, alam na ngayon ni Gerald kung gaano kahalaga ang tamang pagsasanay sa kanyang sarili. Kung tutuusin, alam niyang babalik si Felton kahit natakot ito sa nangyari kanina. Dahil dito, umupo si Gerald na naka-dekwatro sa kanyang kwarto habang sinusuri niya ang maraming alaala ng deity na itinanim sa kanyang isipan. Nakuha niya ang mga ito noong nasa loob siya ng sinaunang libingan sa loob ng palasyo na matatagpuan sa disyerto. Sa kalaunan, nakita niya ang mga alaala ng ancient breathing techniques. Naalala ni Gerald ang isang pagkakataon kung saan sinubukan niyang isagawa ang mga technique na iyon, ngunit hindi siya nagtagumpay. Hindi niya ito nagagawa ng maayos kahit na ilang beses niya itong sinanay. Na-master lang ni Gerald ang Soul Eater technique noong nakaraan, ngunit sinabi sa kanya
Nagulat siya doon, ngunit mas nagulat siya sa itsura ni Gerald. Tinakpan ang kanyang bibig na para bang nakatingin siya sa isang halimaw at pagkatapos nito ay sinabi ni Monica, "Ge-... Gerald, nabawi mo na ang lakas mo...?" “Oo! Hindi ko inasahan na magiging kapaki-pakinabang ang breathing technique na iyon! Mga kayamanan sa mundo ang mga iyon!" medyo excited na sumagot si Gerald habang nakatingin sa magkabilang kamay niya. "Sa... Sa tingin mo kaya mo akong turuan ng technique na tulad niyan?" tanong ni Monica habang nagningning ang kanyang mga mata. Malinaw na interesado siya sa breathing technique na ginagamit ni Gerald at ng middle-aged na lalaki. "Oo naman! Kung magkakaroon ng pagkakataon sa susunod, pipili ako ng bagay na angkop na technique na pwede mong matutunan!" nakangiting sinabi ni Gerald. Sa puntong ito, tinatrato na siya ni Gerald bilang isang kaibigan, kaya hindi siya tutol sa pagtuturo sa kanya ng ilang simpleng techniques. Sinabi niya na mga simpleng techniques
Ang may-ari ng King Valley ay nagngangalang Rupert Yateman. Hindi kilala ng mga ordinaryong tao ang pangalang iyon, ngunit siya ay sikat sa mga world-class na powerhouse circle. Masasabi niya ito dahil habang patuloy niyang sinusundan si Myles, makikitang naka-display sa paligid ng valley ang iba’t ibang klase ng signs. Ang mga signs na ito ay ang mga kilalang tao mula sa buong mundo. Hula ni Gerald na minsan nang pumunta ang mga taong nasa signs para humingi ng gamot. Habang naglalakad sila, ipinaliwanag pa ni Myles kung paano nakilala ng lalaking iyon ang master of the valley. Tulad ng kaninang sinabi ni Myles, siya ang dating personal driver ng master of the valley at madalas silang magkasamang bumabiyahe noon. Isang araw, nakatagpo sila ng isang kaaway na balak silang patayin! Napakasama ng mga pangyayari kaya kinailangan pang buhatin ni Myles ang kanyang master sa kanyang likuran habang sila ay tumatakas para iligtas ang kanilang buhay! Sa kabutihang palad, naabutan nila
Para naman sa refining at heating process, may mga alaala si Gerald sa isang technique na tinatawag na fire control. Ito ay mas madaling gawin kaysa sa proseso na makikita sa bangin. Gayunpaman, hindi pa natutunan ni Gerald ang pill-making technique noon kaya mahirap para sa kanya na matukoy ang maliliit na pagkakaiba. Pabalik na sana si Gerald pagkatapos niyang tumingin sa mga carvings, ngunit bigla niyang narinig ang isang matamis na boses mula sa kanyang likuran na nagsasabing, “Hello, gwapo! Pwede mo ba akong tulungan? Ang saranggola ko ay naipit sa isang puno at talagang magpapasalamat ako sayo kung tutulungan mo ako!" Lumingon si Gerald para makita kung sino ang nagsalita at agad na sinalubong si Gerald ng isang napakaganda at inosenteng dalaga na nakasuot ng puting sportswear at nakatali ang buhok. Nakatingin ito sa kanya mula sa ilalim ng isang puno at medyo balisa ang itsura niya. Dahil sa sobrang pagkabalisa niya, nahirapan si Gerald na tanggihan ang kanyang kahilinga
"Pwede ko bang malaman kung saan mo ako dadalhin?" tanong ni Gerald. “Humph! Mas makakabuti para sayo na itikom mo ang iyong bibig kung alam mo kung ano ang makakabuti para sayo! Kung magiging maayos ang lahat at susundin mo ang lahat ng utos ni Sister Fleur, sinisiguro ko sayo na makakabuti ito para sayo! Pero kung may ginawa kang pagkakamali, magpaalam ka na lang rin sa buhay mo!" ngumisi si Yenny. Dahil dito, mabilis na binaba ng mga guards ni Yenny si Gerald na nasa loob ng net. Matapos itali ng mahigpit ang mga pulso at binti ni Gerald gamit ang mga bakal, itinulak nila ang lalaki sa loob ng kotse. 'Ano ba kasing meron sa mga batang ito? Kung hindi lang ako pumunta doon para humingi ng gamot, kanina ko pa sila nabugbog pagkatapos nilang gawin ang kalokohan na iyon!’ naisip ni Gerald. Iritable si Gerald ngunit mabilis niyang pinakalma ang kanyang sarili at sumabay na lang sa kanilang ginagawa. Pinapanood lamang niya ang linya ng mga sasakyan papunta sa labas ng valley...
“Oh? Ganoon ba! Haha! Akala ko pa naman ay hindi ka pupunta dahil natatakot kang matalo!" sagot ng lalaking maputi ang buhok. "Ang kapatid ko? Takot sayo? Seamus Fairleigh, sana alam mo na hindi ka makapagyarihan dahil lang nakuha mo ang pangit na cannibal na yan! Paniguradong ipapakita namin sayo ang kapangyarihan ng King Valley! Walang kwenta ang iyong God of War bullsh*t!” ungol ni Yenny na walang filter sa kanyang mga salita. “Sige, sige, huminahon ka... Maghintay lang tayo at tingnan kung anong mangyayari. Speaking of which, sana hindi ka magsisi sa ipinangako mo sa akin, Fleur!” sagot ni Seamus na may nakakalokong ngiti. “Ikaw ang magsisisi sa totoo lang. Humanda ka para tawagin akong ‘kapatid’!" sabi ni Fleur nang hindi man lang nakatingin habang inaakay ang grupo niya patungo sa VIP area. Makikita na hinihila nila si Gerald. Tumingin si Gerald sa paligid at nakita niyang near-perfect replica ng ancient colosseum ang lugar dahil meron itong malawak na space sa gitna. Nap