Maya-maya pa ay biglang nagsalita ang isang babae na nasa edad na nineteen years old, “Nahanap mo talaga siya, tito!” Ang babae ay nakatayo sa may pintuan ng isang bahay na matatagpuan sa loob ng isang shantytown sa western part ng suburb. Mukhang matagal na siyang naghihintay doon. Ang kausap niya ay isang middle-aged na lalaki na minaneho ang kanyang tricycle papunta sa compound ng bahay. Sa likod ng tricycle ay nakahiga ang isang duguan at walang malay na lalaki. Pagkatapos nito ay agad siyang tumayo para lapitan ang lalaki matapos niya itong batiin. Magugulat ang sinuman na makakita sa duguan na lalaki dahil masyadong malala ang mga pinsala na natamo nito. Ang babaeng ito ay hindi natatakot sa kanyang itsura. Sa katunayan, ilang beses niyang tinapik ang walang malay niyang mukha ng ilang beses bago siya lumingon para tingnan ang middle-aged na lalaki! "Swerte ang lalaking ito! Humihinga pa rin siya kahit na masyadong malala ang mga pinsala na natamo niya! Masyado rin mala
Pilit na ngumiti ang lalaki at mabilis niyang sinimulan ang muling pagdugtong sa mga naghiwa-hiwalay na buto ni Gerald bago niya mabilis na na-bandage ang kanyang mga open wounds. “Aaminin ko na hindi ako masyadong interesado noon, pero naiintriga na ako ngayon! Talagang nakakagulat ang mga bagong nalalaman ko tungkol doon!" sagot ng babae. “Hah! Ang martial arts na interesado kang matutunan ay hindi isang bagay na madaling matututunan ng mga ordinaryong mandirigma! Masyadong mahirap maabot ang Nebula realm! Kahit na nararapat ang dugo mo para doon ay hindi magbibigay sayo ng karapatang makapasok ng madali sa realm na iyon! Dapat malaman mo ngayon na marami sa mga pamilya dito ay may mga kakaibang dugo kumpara sa karaniwang tao, at iyon ay dahil bahagi sila ng mga secret society. Ang mga tao mula sa mga secret society ay umaasa sa kanilang mga pambihirang pangangatawan at sila ay mas malakas kumpara sa ordinaryong tao. Pero ang mga taong marunong kontrolin ang ganoong kalakasan an
“Pero, tito! Hindi ako nagloloko sayo! Tingnan mo kung hindi ka naniniwala sa akin! Sinasabi ko sayo na ang mga mata ng magandang babaeng ito ay kahawig ng mga mata mo!" Pilit na sinabi ng babae. Nakita niya na desperadong sumesenyas ang babae na tingnan niya ang picture, kaya tumingin lang sa kanya ang lalaki bago siya sumuko at kinuha iyon sa kanya. Sa pangalawang pagkakataon na nakita nkya ng mas malinaw ang taong nasa litrato, talagang napahinto siya sa kanyang kinatatayuan. Laking gulat niya na hindi man lang niya mahawakan ng maayos ang litrato hanggang sa bumagsak na lang ito sa sahig. Ang babae sa larawan ay si Queta. Ito ang unang pagkakataon na makita niyang nanginginig ng ganoon ang lalaki. Nakita niyang nagbago ng husto ang ekspresyon ng middle-aged na lalaki nang tingnan niya ang larawan. Dahil dito ay hindi naiwasan ng babae na magtanong ng may pag-aalala, “…Tito? May problema ba…?" Mabilis na kinuha muli ng lalaki ang litrato at pagkatapos ay sumagot siya, "...
“Siya ay nailigtas ng isang taong napakalakas! Kung naging mabagal lang ako, patay na siguro ako ngayon!" paliwanag ni Hogan nang maramdaman niya ang matinding kahihiyan. "Sino ang taong nagligtas sa kanya?" tanong ni Yreth habang nakakunot ang kanyang noo. "Masyado akong nakatutok sa pag-iwas sa kanyang pag-atake, kaya hindi ko siya nakita ng maayos!" “…Hindi kaya may iba pang makapangyarihang pwersa na palihim na tumutulong kay Gerald…?” bulong ni Yreth sa kanyang sarili habang malalim ang iniisip. Ang taong nagpatumba kay Hogan ay nakasampa na sa final stage ng Spirit Earth Realm. Iyon lang ang kayang mahulaan ni Yreth at hanggang ngayon ay hindi niya alam kung anong uri ng puwersa ang tutulong kay Gerald. Sa sandaling iyon, bigla siyang nakarinig ng boses na nagsasabing, “Si Gerald ba ang nagdudulot ng gulo sayo, Lady Gunter?” Inangat niya ang kanyang tingin at nakita niya ang isang napakagwapong binata na pumasok sa pintuan habang ang kanyang dalawang kamay ay nasa lik
Dahil diyan, napagkasunduan ng pamilyang Gunter at ng Judgment Portal na magtulungan para hulihin si Gerald. Mahalaga para kay Yreth at sa King of Judgment Portal ang mahanap si Gerald. Kasabay nito, alam din ng magkabilang pwersa na maging si Queena, na nagmamay-ari ng Squat of Divine Grimness, ay hinahanap rin si Gerald. Hindi tulad nila, ang layunin ni Queena kung bakit niya hinahanap si Gerald ay para pakasalan ito. Kahit pa iba ang kanilang mga dahilan sa paghahanap kay Gerald, parehong siniguro ni Lady Gunter at ng King of Judgment Portal na bantayang mabuti ang mga aksyon ni Queena. Ang pangunahing trabaho na ibinigay kina Felton at Hogan ay ang hanapin si Gerald. Kontrolado ng pamilyang Gunter ang Ancient City, ngunit ang kanilang tunay na impluwensya ay nasa kabuuan ng Querton City. Dahil doon, inutusan kaagad ng pamilyang Gunter ang pamilyang Simes, mula sa Querton city, na tulungan sila sa kanilang paghahanap kay Gerald sa pamamagitan ng paggamit ng malalaking gru
“Sa sobrang cute niya ngayon, sigurado ako na magiging magandang babae siya kapag tumanda na siya,” nakangiting sinabi ni Monica. "Oo. Sigurado akong magiging katulad mo siya pagdating sa kagandahan!" nakangiting sumagot si Gerald. Makalipas ang ilang segundo, agad niyang tinakpan ang kanyang bibig gamit ang puting towel na kanina pa niya hawak nang bigla siyang umubo ng matindi. Napakunot si Monica nang makita niyang nabahiran ng dugo ang towel, “Huwag ka munang maglakad-lakad pa. Hindi pa naghilom ang mga sugat mo. Sa totoo lang, hindi pa rin ako makaget-over sa pagiging abnormal ng katawan mo!" Kasunod nito, lumingon siya kay Gerald at nakita niyang nakatitig ito sa dibdib niya at medyo awkward ang pakiramdam niya, “…Bakit ganyan ka nakatitig sa dibdib ko…?” "Huwag mong bigyan ito ng ibang kahulugan! Nakatingin lang ako sa jade pendant mo! Kumikinang ulit ito, hindi mo ba alam? Mula noong dinala ka rito, kumikinang ito sa eksaktong oras tuwing umaga at gabi. Isang dosenang
"Hin-... hindi ko talaga alam!" sigaw ni Sierra nang bigla siyang binuhat ni Felton. Gayunpaman, patuloy ang pagtanggi ni Sierra habang lalo siyang pinipilit ni Felton. Naintindihan niya na wala siyang makukuhang kahit ano sa kanya, kaya itinuon niya ang kanyang malamig na mga mata sa mga magulang ni Sierra bago siya nagtanong, "Kayong dalawa? Alam niyo ba ang tungkol dito?" Nakita niyang hindi sasagot ang dalawa, kaya hinawakan niya ang leeg ni Sierra bago niya dahan-dahang hinigpitan ang pagkakahawak niya dito. Nang makita iyon, si Elias at ang kanyang asawa ay umiiyak na habang nakatingin siya sa kanyang anak na sinasakal habang nagngangalit ang kanilang mga ngipin sa kanilang pagkataranta. Alam nilang dalawa na hinahanap ni Felton si Gerald, masyado silang tapat sa lalaking nagligtas kay Gerald na hindi nila ito kayang pagtaksilan. Ang dalawang mag-asawa ay parehong umiiling sa oras na iyon. “…Humph! Ganyan pala ang gusto niyo! Hindi kayo matatakot hanggang sa maramdama
Ang taong iyon ay ang taong tumulong kay Gerald. Naramdaman na niya ang panganib bago pa man siya pumasok sa shantytown. Alam niyang hindi siya makakarating doon sa tamang panahon, kinuha niya ang divine thought at hinagis ang kanyang kutsilyo para tanggalin ang kutsilyo ni Felton na muntikan nang hiwain ang leeg ni Sierra. Nang makarating siya doon, napagtanto niyang hiniwa na ni Felton ang braso ni Sierra! “Ibigay mo siya sa akin at susubukan kong ibalik ang kanyang braso! Kaya ko siyang iligtas!" utos ng lalaki habang hawak niya ang walang malay na bata bago siya tumakbo ng mabilis pauwi. Medyo malayo ang pagitan ng bahay niya at ni Sierra, kaya alam niyang hindi niya pwedeng sayangin ang kanyang oras. Pagdating sa kanyang bahay, nabigla sina Gerald at Monica nang makita nila ang kalagayan ni Sierra. Gayunpaman, mabilis silang umalis dito at sinimulang tulungan ang sugatan na bata. May kaalaman si Gerald tungkol sa art of setting bones at mahusay ang medical mastery ng kan