“…Yume?” ‘…Siya nga talaga…! Hindi pa pala siya patay!' Nagkakilala sila noong hinahanap nila ang palasyo ng hari ng karagatan. Si Gerald ang nagligtas sa kanya sa maraming pagkakataon bago siya tuluyang mawala. Masyadong nakokonsensya si Gerald dahil nawala si Yume nang mahimatay siya sa entrance ng palasyo. Pagkagising niya, naalala niya ang naramdaman niya na para bang nawala siya sa mundong ibabaw. Inutusan niya pa ang kanyang mga tauhan na hanapin si Yume, kahit na patay o buhay pa siya, sa mga malapit na lugar na nakapalibot sa hari ng karagatan. Sa kasamaang palad, nabigo siya sa kanyang paghahanap. Doon pa lang naisip ni Gerald kung may iba nga bang nagligtas kay Yume. Sabagay, alam niyang hinahanap din nito ang babaeng nakaputi. Hindi niya alam na baka nakita niya na ang babaeng nakaputi! Kahit papaano ay nagkatotoo ang suspetya niya na buhay pa si Yume. 'Pero... bakit siya nandito...? Hindi ba parte rin siya ng pamilyang Gunter...?’ binabalot ng maraming katanun
Huminto ng saglit si Gerald bago siya huminga ng malalim at sinabing, “...Fine. Dahil wala ka nang Dead Annies, kahit papaano ay sigurado ako na papatumbahin kita kapag may ginawa ka!" Pagkatapos nito, hinawakan ni Gerald sa balikat si Yume bago siya tumalon ng mataas kasama niya! Nang makarating sila sa dalampasigan, sinabi ni Yume kay Gerald kung saan ang hiding spot niya at siniguro ni Gerald na mahigpit siyang kakapit sa kanya habang mabilis silang pumunta doon. Alam ni Gerald na kulang siya ng lakas para makipag-away laban kay Queena at sa King of Judgment Portal, kaya patuloy siyang nagiging maingat ngayong alam niyang may mataas na posibilidad na makakaharap niya ang mula sa pamilyang Gunter. Hindi nagtagal, nakarating sila sa isang kweba. Pagpasok nila, nilagyan ng seal ni Gerald ang ilang blood vessels sa katawan ni Yume! "…Seryoso? Hindi ka pa rin naniniwala na wala akong intensyon na saktan ka?" sabi ni Yume habang humihinga siya ng malalim para subukang pigilan ang
Sa oras na iyon, sinabi ni Yume ang buong sitwasyon. Lumalabas na lihim na target na pala si Gerald noong una pa lang. Sa ilalim ng utos ng kanyang pamilya, may dalawang pangunahing layunin si Yume. Ang una niyang layunan ay ang mahanap ang babaeng nakaputi sa palasyo ng hari ng karagatan. Ang isa naman ay ang hulihin si Gerald at dalhin siya sa pamilyang Gunter. Iyon ang dahilan kung bakit siya nagpanggap siya na mas mahina. Nagpanggap siya na sugatan siya para maawa sa kanya si Gerald. Kahit na naawa sa kanya si Gerald, hindi pa rin siya makagawa ng move sa kanya. Iyon ay dahil hindi niya inasahan na maantig siya sa mga kilos ni Gerald. Hindi niya kayang gawin ito sa kanyang sarili. Pagkatapos nito, pareho silang lumakbay patungo sa palasyo ng hari ng karagatan. SAng matandang babae na nakilala nila ay walang iba kundi ang lola ni Yume ay siya rin ang master ng pamilyang Gunter na si Lady Gunter. Alam na alam niya na kahinaan ni Gerald ang Dead Annies. Dahil doon, talagang
Base sa pagiging seryoso ng boses ni Yume, masasabi ni Gerald na totoo ang babala ng babaeng ito. “...Gayunpaman, bakit pumunta pa ang King of Judgment Portal para hanapin ang pamilyang Gunter? Na-anticipate na ba na pupunta ako?" nagdududang tinanong ni Gerald. “Siguro isa iyon sa mga dahilan, pero sa totoo lang ay hindi ako masyadong sigurado... Sa pagkakaalam ko lang ay meron silang ibang layunin. Sa narinig ko, mukhang balak nilang pumunta sa Ancient Mountain sa Ancient City! Kung hindi mo alam, kakaibang insidente ang nangyayari sa bundok na iyon kada ilang taon!" paliwanag ni Yume. "Anong klaseng kakaibang pangyayari...?" curious na tinanong ni Gerald. "Hindi ako masyadong sigurado," sagot ni Yume habang umiiling. Sa kabila nito, kahit papaano ay napagsama ni Gerald ang ilang pieces sa puzzle. Base sa kaalaman ni Gerald, may tatlong makapangyarihang grupo na humahabol sa kanya. Kahit na natanggap na niya ang baptism of heaven, alam niyang hindi pa rin siya nakakatakas
"Tama na yan! Ikulong siya sa kanyang kwarto at siguraduhing bantayan siya ng mabuti! Simula ngayon, ipinagbabawal na siyang lumabas ng kwarto niya!" sigaw ni Yreth. Tumakbo ang ilang guwardiya at agad na dinala si Yume sa kanyang kwarto ayon sa utos ni Lady Gunter. Ngayong hindi na makakawala ang kanyang apo, tiwala si Yreth na makakamit niya ang pinaplano niya kay Gerald. Si Gerald ay mabilis na tumakbo palayo sa kweba sa dilim ng gabi. Hindi na siya nagtangal pa matapos malaman ang plano ng mga grupong iyon. Ang plano niya ngayon ay hanapin muna si Chester saka umalis sa lugar na ito kasama niya. Gayunpaman, nang malapit na siyang makalayo sa suburb papunta sa city, biglang nakarinig si Gerald ng mga kaluskos na nagmumula sa mga kagubatan. Base sa bilis ng kaluskos, maiisip na ito ay isang mabilis na hayop. Gayunpaman, may kutob si Gerald na hindi iyon hayop. Huminto si Gerald sa pagtakbo niya, ngunit siya ay naging alerto upang malaman kung ano—o kung sino—ang humahabol s
Hindi kinaya ni Gerald na makatakas sa mga atake na iyon. Makalipas ang ilang segundo, lumipad ang buong katawan ni Gerald habang pumipintig ito sa matinding sakit! Nang bumagsak siya, nalasahan ni Gerald ang isang bagay na matamis sa kanyang bibig bago siya sumuka ng dugo! Nang bumagsak siya sa lupa, gumulong muna siya ng ilang beses bago tuluyang huminto. Kung kailangan niyang ilarawan kung ano ang kanyang kasalukuyang nararamdaman, para bang napunta sa ibang posisyon ang kanyang internal organs mula sa impact na naramdaman niya. Gayunpaman, hindi pa ito ang tamang oras para tanggapin ang lahat ng sakit na ito. Buong loob niyang inipon ang kanyang inner-strength at agad na napagtanto ni Gerald na hindi niya ito magagawa dahil masyadong malala ang kanyang mga pinsala sa katawan! 'Ito na ba talaga ang katapusan ko? Matatalo ba ako dito sa Qerton City? Jade pendant, kung nandiyan ka, tulungan mo ako...!' Umaasa si Gerald na ang jade pendant ay magliligtas sa kanyang buhay dahil
Maya-maya pa ay biglang nagsalita ang isang babae na nasa edad na nineteen years old, “Nahanap mo talaga siya, tito!” Ang babae ay nakatayo sa may pintuan ng isang bahay na matatagpuan sa loob ng isang shantytown sa western part ng suburb. Mukhang matagal na siyang naghihintay doon. Ang kausap niya ay isang middle-aged na lalaki na minaneho ang kanyang tricycle papunta sa compound ng bahay. Sa likod ng tricycle ay nakahiga ang isang duguan at walang malay na lalaki. Pagkatapos nito ay agad siyang tumayo para lapitan ang lalaki matapos niya itong batiin. Magugulat ang sinuman na makakita sa duguan na lalaki dahil masyadong malala ang mga pinsala na natamo nito. Ang babaeng ito ay hindi natatakot sa kanyang itsura. Sa katunayan, ilang beses niyang tinapik ang walang malay niyang mukha ng ilang beses bago siya lumingon para tingnan ang middle-aged na lalaki! "Swerte ang lalaking ito! Humihinga pa rin siya kahit na masyadong malala ang mga pinsala na natamo niya! Masyado rin mala
Pilit na ngumiti ang lalaki at mabilis niyang sinimulan ang muling pagdugtong sa mga naghiwa-hiwalay na buto ni Gerald bago niya mabilis na na-bandage ang kanyang mga open wounds. “Aaminin ko na hindi ako masyadong interesado noon, pero naiintriga na ako ngayon! Talagang nakakagulat ang mga bagong nalalaman ko tungkol doon!" sagot ng babae. “Hah! Ang martial arts na interesado kang matutunan ay hindi isang bagay na madaling matututunan ng mga ordinaryong mandirigma! Masyadong mahirap maabot ang Nebula realm! Kahit na nararapat ang dugo mo para doon ay hindi magbibigay sayo ng karapatang makapasok ng madali sa realm na iyon! Dapat malaman mo ngayon na marami sa mga pamilya dito ay may mga kakaibang dugo kumpara sa karaniwang tao, at iyon ay dahil bahagi sila ng mga secret society. Ang mga tao mula sa mga secret society ay umaasa sa kanilang mga pambihirang pangangatawan at sila ay mas malakas kumpara sa ordinaryong tao. Pero ang mga taong marunong kontrolin ang ganoong kalakasan an