"Mr. Crawford mula sa Mayberry City?" Pati si Matilda ay natigilan din."Imposible! Hmph! Nagpapanggap ka lang na si Mr. Crawford mula Mayberry City kasi alam mong mamamatay ka na dito, di ba?” nagmamadaling sinabi ni Matilda pagkatapos niyang makapag-desisyon.Ang mga babaeng kasama ni Aiden ngayon ay nagkaroon ng bagong tingin kay Gerald.“Sa tingin ko, napilitan siyang magpanggap bilang si Mr. Crawford mula sa Mayberry dahil nasaktan niya si Miss Sime. Iyon lang siguro ang paraan para mailigtas niya ang sarili niyang buhay ngayon. Kung hindi, sa malamang ay pilay na siya ngayon!"Napakaraming talakayan ang nagaganap sa oras na ito.Habang paalis na si Gerald, si Yuno ang nanguna sa paglalakad at tumayo siya sa mataas na plataporma habang nakatingin siya ng masama kay Gerald.“Bata! Kung lalaban ka ngayon, sisiguraduhin kong tatalsik ang mga dugo mo sa buong lugar!" Malamig na sumigaw si Yuno.“Si Yuno ay master din ng Martial Arts Association. Malamang ay hindi niya hahayaan
Importante para sa kahit sinong tao na magkaroon ng self-awareness. Hindi naging maingat si Gerald sa kanyang mga salita ngayon, kaya talagang bumaba ang tingin sa kanya ng maraming tao.“Simulan ang laban! Turuan mo siya ng leksyon!" May sumigaw mula sa gitna ng mga manonood."Mukhang gusto mo nang mamatay!" Galit na sumigaw si Yuno bago siya sumugod kay Gerald.Ang skills ni Yuno ay talagang napakatalas kumpara sa isang ordinaryong tao. Kahit pa ito ay isang flying kick o isang side kick, lahat ng kanyang mga galaw ay napaka-simple ngunit masyadong malakas. Kung tamaan niya ang isang tao nang direkta sa kanyang ulo, ang taong iyon ay paniguradong mako-comatose.Mabilis na nagtago at umiwas ang mga tao dahil natatakot sila na masaktan sila ni Yuno.Gayunpaman, kalmadong ipinasok ni Gerald ang kanyang mga kamay sa kanyang mga bulsa habang ilang beses niyang iniiwasan ang maraming flying kicks at side kicks ni Yuno.Nakita ni Gerald na todo ang mga atake ni Yuno, kaya hindi niya n
"Ikaw…! Magsimula na tayo! Patutumbahin kita sa unang sampung suntok mo!" Sigaw ni Fernando habang nakatingin siya kay Gerald bago siya nakangiting umiiling. Pagkatapos nito, ipinatong ni Fernando ang kanyang mga braso sa kanyang likuran at ipinikit pa ang kanyang mga mata bago siya humarap kay Gerald. Nakikita sa kanyang aksyon na ito na siya ay nasa isang uri ng kakaibang kapaligiran. Ang lahat ng iba pang tao sa buong mundo ay walang kabuluhan sa kanya. “…Wala bang plano si Fernando na umatake…? Masyadong masama ang mga lumabas sa labi ng lalaking iyon! Sa palagay ko, ito ang paraan ni Fernando para harapin siya!" "Ginagawa niya iyon dahil may dahilan siya! Alam mo bang eksperto ang pamilyang Dawson sa isang sikretong martial art technique na tinatawag na Art of Counter Injury?" “Ano? Anong ginagawa nito?” "Mula sa narinig ko, ang mga practitioner ng martial art na iyon ay hahayaan kang umatake sa abot ng makakaya mo. Para sa tuwing bumibigat ang bawat atake nila, mas bu
Nang makalabas sila sa malaking hall, may ilang mga babae na nagsimulang pumalibot kay Gerald at medyo excited sila. Naging kaakit-akit siya sa kanila, kaya ilan sa kanila ay masigasig na tinanong siya tungkol sa ilang bagay para mas makilala siya. "Napakalakas mo, Gerald!" “Oo nga! Gerald, ikaw ba talaga ang legendary Mr. Crawford na mula sa Mayberry...? Hindi ito sinabi sa amin ni Aiden!" “Paano kung ako nga? Importante ba yun?" kaswal na tinanong ni Gerald. Bumuka ang bibig ng mga babae nang sabihin niya iyon. Makikita na hindi interesado si Gerald sa kanila kahit kaunti. Gamit lamang ang isang sipa ni Gerald, naging paralisado na si Fernando. Sa madaling salita, napagtanto ni Fernando na hindi niya magagamit ang kanyang braso nang magising siya. Ilanh henerasyon nang may magandang relasyon ang pamilyang Sime at Dawson, kaya paniguradong nagdulot ng malaking kaguluhan sa pamilyang Sime ang insidente. Kung tutuusin, si Fernando ay isang sumisikat na bituin sa Martial Arts
Nang marinig iyon, napalingon si Gerald sa mesa. Nakita niyang totoo ang sinabi ni Chester, saka siya lumapit para kunin ang note. Nakalagay doon ang isang row ng mga salita na nagsasabing, 'Magkita tayo sa Sky Bridge sa Qerton City sa eksaktong hatinggabi!' Bukod sa message na iyon, wala nang iba pang nakasulat dito. Wala man lang itong pirma para ipahiwatig kung sino ang nagpadala nito. “…Si Matilda kaya ang nagpadala nito…? Hindi niya na tayo hinanap noong una pa lang... at hindi rin niya tayo inimbitahan, kaya sa malamang ay siya ang naglagay nito dito,” sabi ni Chester. Umiling si Gerald bago siya sumagot, “Kilala ko siya, malamang ay mababaliw siya sa kakahanap hanggang sa tuluyan niya na tayong mahanap. Hindi ugali ng taong tulad niya ang mag-iwan ng ganitong bagay!” Gayunpaman, ito ay isang kakaibang pangyayari… ‘Wala akong kakilala sa Ancient City... Sino kaya ang gustong makipagkita sa akin...?’ naisip ni Gerald sa kanyang sarili. Napagpasyahan ni Gerald na pupunta
Sinalo lang ni Gerald ang bakal na kadena at hinila ang tao patungo sa kanya! Nahulog ang taong iyon pagkatapos siyang hatakin ng biglaan at nagpupumiglas siya habang hinihila siya ni Gerald palapit sa kanya! Nang malapit na siya, ipinwesto ni Gerald ang kanyang paa bago niya ito sinipa sa mukha! Umatras ang lalaki at sumabog ang kanyang ulo na parang isang pakwan na sumabog habang ang kanyang katawan ay humampas sa halos sampung guardrails ng tulay. Pagkatapos nito, maririnig ang malakas na hiyaw ng mga tao habang isa-isa silang pinatumba ni Gerald. Hindi masyadong malakas si Gerald sa ngayon, ngunit ang kanyang kasalukuyang lakas ay lampas pa rin sa kanyang lakas bago siya sumailalim sa baptism of heaven. Kakaiba para sa kanya nang makita niya na ang mga lalaking ito ay katulad ni Tiara sa paraan na ang kanilang inner-strength ay sumailalim sa ilang mabilis at napakalaking pagbabago. Masasabi niya na magkatulad sila dahil may kaunting pagkakaiba sa pagitan ng mga lalaking ito at
“…Yume?” ‘…Siya nga talaga…! Hindi pa pala siya patay!' Nagkakilala sila noong hinahanap nila ang palasyo ng hari ng karagatan. Si Gerald ang nagligtas sa kanya sa maraming pagkakataon bago siya tuluyang mawala. Masyadong nakokonsensya si Gerald dahil nawala si Yume nang mahimatay siya sa entrance ng palasyo. Pagkagising niya, naalala niya ang naramdaman niya na para bang nawala siya sa mundong ibabaw. Inutusan niya pa ang kanyang mga tauhan na hanapin si Yume, kahit na patay o buhay pa siya, sa mga malapit na lugar na nakapalibot sa hari ng karagatan. Sa kasamaang palad, nabigo siya sa kanyang paghahanap. Doon pa lang naisip ni Gerald kung may iba nga bang nagligtas kay Yume. Sabagay, alam niyang hinahanap din nito ang babaeng nakaputi. Hindi niya alam na baka nakita niya na ang babaeng nakaputi! Kahit papaano ay nagkatotoo ang suspetya niya na buhay pa si Yume. 'Pero... bakit siya nandito...? Hindi ba parte rin siya ng pamilyang Gunter...?’ binabalot ng maraming katanun
Huminto ng saglit si Gerald bago siya huminga ng malalim at sinabing, “...Fine. Dahil wala ka nang Dead Annies, kahit papaano ay sigurado ako na papatumbahin kita kapag may ginawa ka!" Pagkatapos nito, hinawakan ni Gerald sa balikat si Yume bago siya tumalon ng mataas kasama niya! Nang makarating sila sa dalampasigan, sinabi ni Yume kay Gerald kung saan ang hiding spot niya at siniguro ni Gerald na mahigpit siyang kakapit sa kanya habang mabilis silang pumunta doon. Alam ni Gerald na kulang siya ng lakas para makipag-away laban kay Queena at sa King of Judgment Portal, kaya patuloy siyang nagiging maingat ngayong alam niyang may mataas na posibilidad na makakaharap niya ang mula sa pamilyang Gunter. Hindi nagtagal, nakarating sila sa isang kweba. Pagpasok nila, nilagyan ng seal ni Gerald ang ilang blood vessels sa katawan ni Yume! "…Seryoso? Hindi ka pa rin naniniwala na wala akong intensyon na saktan ka?" sabi ni Yume habang humihinga siya ng malalim para subukang pigilan ang