Sinadya ni Georgia na lakasan ang kanyang boses para marinig ito ng lahat ng naroroon.Ang lahat ng atensyon ay nakay Gerald na ngayon, kaya napangiti si Justin at sinabing, “Ikaw pala ang cousin-in-law ko! Masaya akong makilala ka!" Wala siyang pinakita na interes kahit na gusto niyang makipagkamay kay Gerald, habang ang kanyang asawa ay nakatitig lang sa boyfriend ni Rita. Makikitang hinuhusgahan niya ito mula sa tabi ng kanyang asawa. Ordinaryo lang ang damit ni Gerald, ngunit naramdaman ng babae na parang may mali sa kanya. "Magaling kang tao, Rita, kaya naniniwala ako na ang iyong boyfriend ay mahusay din! Ipakilala mo siya sa amin!" sabi ni Georgia. "Pasensya na, Lady Walford, pero hindi ko siya boyfriend," sagot ni Rita nang lumingon siya sa miyembro ng kanyang pamilya na nakaupo pa rin sa mesa. Bumalik na sa katinuan ang isip ng pamilyang Smith pagkatapos nilang magulat at ang kanilang mga bibig ay nanatiling nakabuka habang patuloy silang nakatitig ng tahimik sa dalaw
Naantig ang puso ng mga mula sa pamilyang Smith nang marinig nila ito, kabilang na rin dito si Serenity. Sa wakas ay napagtanto nila na hindi pala ni naintindihan si Gerald at tama ang pagkakalarawan sa kanya ni Mila. Talagang nagbago ang kapaligiran ngayong nandito si Gerald. Kakaunti lang sa mga bisita ang nagbigay ng pansin sa pamilyang Smith kanina, ngunit parami nang parami ang papunta sa kanilang mesa upang mag-toast at makipag-usap sa kanila sa pag-asang mapalalim ang kanilang relasyon sa pamilyang iyon. Syempre, may mga tao rin na nagsimulang manghimasok sa pamilyang Smith. May ilang mga president ng kumpanya ang pumalibot kay Serenity at sinabing, “Hindi ba birthday mo kahapon, Madam? Bakit hindi ka nagpadala sa amin ng mga invitation card? Sayang at hindi ka namain nakasamang mag-celebrate... Sinisiguro namin ito ngayon na babawi kami!" Habang nangyayari ang lahat ng ito, ang taong sobrang nagdurusa ay walang iba kundi si Georgia. Kung tutuusin, una niyang inimbitahan
Mas determinado ngayon ang boses ni Yana. “Cla... Classmate?” sabi nina Justin at Georgia dahil nabigla sila sa sinabi niya. Naisip nila na hindi totoo ang sinabi ni Yana at may mga dahilan sila para magduda. Kung tutuusin, ngayon lang nila narinig ang coincidence na ito! Kahit na makapangyarihan ang background ng pamilya ni Yana, walang paraan para sa status niya na magiging kaklase niya si Gerald! “…Anong klaseng kaklase ang tinutukoy mo? Tandaan mo na hindi natin kayang magbiro tungkol sa mga ganyang bagay, Yana. Sinasabi ko sayo ngayon na may kaunting kaalaman ako tungkol sa boyfriend ni Mila, at masasabi ko na talagang napakalakas niya. Ito ang dahilan kung bakit maraming naniniwala na si Mr. Crawford talaga ang kanyang boyfriend pagkatapos niyang ibunyag ang kanyang pagkatao kanina! Kung babastusin natin siya ngayon, baka hindi na tayo makakaligtas sa Mayberry!” sabi ni Georgia habang hinahampas niya ang kanyang mga hita sa pagkabalisa. “Tama! Mas mabuting pag-isipan mo m
“…Anong pangalan mo?” tanong ni Gerald habang kaswal siyang nakatingin sa kanya. 'Baliw na ba ito… Hinampas niya ang ulo niya bilang pagbati…' Takot na takot sila Georgia at ang iba pa matapos nilang makita na hinampas ni Yana si Gerald sa likod ng kanyang ulo. Pagkatapos nito, ang lahat ng mula sa pamilya ni Georgia, gayundin ang mga bisita, ay mabilis na tumakbo at tumayo sa likuran ni Yana. “Nagpapanggap ka pa rin ba talaga sa harapan ko, Gerald?” tanong ni Yana. “Nagpapanggap? Magkakilala ba tayo?" sagot ni Gerald. Hindi niya talaga alam kung sino ang taong ito. “Haha! Ganyan pala ang ipapakita mo ngayon! Baka makatulong ito para matandaan mo ako! May itatanong ako sayo. Nag-aral ka ba sa Third Primary School sa Serene County noong bata ka?" ngumisi si Yana. “Oo... Paano mo nalaman iyon..” sagot ni Gerald sabay tango. “Hah! Section two ka ba noong grade three ka?" dagdag ni Yana. “…Oo…” sabi ni Gerald nang maramdaman niya na parang may mali, lalo na’t tama ang lahat
Gulat na gulat ang mga tao sa sinabi ni Yana habang nakatingin sila sa kanya. "Huwag kayong maniwala sa kanya! Alam ko na hindi siya ang totoong Mr. Crawford! Ang pangalan niya ay Gerald at galing siya sa isang village sa Serene County! SIya rin ay isang mahirap na talunan noong siya ay bata pa! Kung kailangan niyo ng ebidensya, maghahanap ako ng isang tao na hahanapin ang kanyang picture! Paniguradong maniniwala kayong lahat sa akin pagkatapos nito!” Ang picture na tinutukoy niya ay isang group photo na kinunan noong magkasama pa sila noong elementary. Nakagawian ni Yana na itago ang mga pictures niya at hindi nagtagal ay dinala ng isa sa kanyang mga tauhan ang eksaktong picture na iyon. Ipinakita niya ito sa lahat at nakita nila ang batang Gerald! “Totoo na siya ay kaklase ni Miss Shute noong elementary! Pero ang suot niya noon ay isang karumaldumal na damit!” Nabigla ang lahat nang makita nila ito, ngunit tumawa ng malakas si Georgia bago niya sinabing, “Naku, Serenity! Hi
Bago pa man makagalaw ang mga guards, biglang narinig ng lahat ang sigaw ng receptionist, "May bisita na nagpadala ng mga prestigious gifts para kay Lady Jordain mula sa gpamilyang Smith!" Tumahimik ang lahat nang marinig nila iyon. Makikita ang pagkadismaya sa mukha ni Yana at ng iba, ngunit nanginginig si Georgia habang lahat sila ay dahan-dahang lumingon para tumingin sa entrance. Puno ng pagtataka ang kanilang mga mata. Anong nangyayari? Mga prestigious gifts mula sa isang hindi kilalang bisita? At para pa ito sa elder ng pamilyang Smith! Makikita na ang mga ‘prestigious gifts’ na ito ay mas maganda kaysa sa mga regalo na natanggap ni Georgia. Kung tutuusin, hindi normal para sa kahit sinong tao na magbigay ng prestigious gifts. Malaki ang halaga ng mga regalong ito, ngunit sigurado na isang malakas at makapangyarihang tao ang makapagbibigay lamang ng mga ganitong uri ng mamahaling mga regalo. Noong unang panahon pa lang, meron na ang rules of gift giving sa anumang okasyon
Makikita sa mga kamay nila ang eighteen na regalo na sinabi kanina ng receptionist! Ang pinakamahal na regalo, isang villa na nagkakahalaga ng forty million dollars, ay ipinakita sa isang kontrata. “…P-paano… Paano ito nangyari…?” gulat na gulat na sinabi ni Georgia. “Dinala na namin ang mga regalo, Mr. Crawford! Ito ang listahan ng mga regalo!" sabi ng isa sa mga bodyguard matapos maglakad papunta kay Gerald at magalang itong yumuko sa harapan niya. "At bakit mo ipinapakita sa akin 'yan? Ibigay mo ito kay lola!" sagot ni Gerald habang nakangiting lumingon kay Serenity. "Ito ang mga regalo ko sayo dahil birthday mo kahapon at hindi ako nakadalo." Samantala, ang iba ay nanlaki ang mga mata sa sobrang gulat nang sinabi nila, “…M-Mr. Crawford…?” Narinig nilang lahat na tinatawag ng mga guwardiya si Gerald bilang si Mr. Crawford, at kasama sa mga nagulat si Yana. Tulala at halos hindi makapaniwala si Yana at ang iba pa nang sabay-sabay silang humarap kay Gerald. '..Im-imposib
Halos buong buhay na umasa si Yana sa background ng kanyang pamilya at iyon ang dahilan kung bakit ang taas ng tingin niya sa sarili niya. Dahil doon, minaliit niya si Gerald at ang kanyang mga aksyon ay magkakaroon ng masamang kahihinatnan. Isang babala ang huling pangungusap ni Gerald dahil gusto niyang sabihin kay Yana na hindi lang siya ang may kakayahan at makapangyarihan na tao sa mundo. Sa katunayan, marami pang mas makapangyarihan kaysa sa kanya. Si Georgia at ang iba pang miyembro ng pamilyang Sier ay takot na takot , kaya hindi sila nangahas na magbitaw ng kahit isang salita. Nawalan na ng kahulugan ang birthday party at makalipas ang ilang sandali, umalis na lang sina Gerald at ang pamilyang Smith sa kanilang villa. Kanina lang ito nangyari, ngunit naramdaman ni Serenity na parang nakaranas siya ng roller coaster ng mga emosyon. Sa oras na lumabas ang pamilyang Smith sa villa ni Georgia, naramdaman na ng matandang babae ang agos ng kanyang dugo at ang pagtibok ng kan