Sa sandaling iyon, binuksan ang mga pinto sa villa at pumasok ang ilang bodyguards habang hinihila nila si Rita. Hirap na hirap si Rita na makawala sa kanila habang sumisigaw siya ng, “Pakawalan mo ako! Pakawalan mo ako ngayon din!” "Tumigil kayo!" sigaw ni Gerald nang maglakad siya palapit sa kanila. “…Gerald?” gulat na sinabi ni Rita nang makita siya nito. Simula nang mawala ang kanyang pinsan, wala na siyang nakilala o narinig na balita tungkol kay Gerald. Mabilis na nawala sa kanyang pagkabigla nang maisip ni Rita, 'Humph... Gerald Crawford... Ang mayamang tagapagmana ng pamilyang Crawford na may walang katapusang kayamanan... Sa sobrang kapangyarihan, iniisip ko pa rin ang nangyari sa aking pinsan... P*ta, hindi mo man lang kami kinausap mula noong araw na nawala siya! Malamang wala ka nang pakialam kung patay na ba o buhay pa ang pinsan ko!' Nang mangyari ang insidenteng iyon, pinapunta lang ni Gerald si Zack para patahimikin ang pamilyang Smith. Base sa utos sa kanya
“…Totoo ba…?” tanong ni Rita. Pinakinggan ni Rita ang kanyang paliwanag at nang makita niya muli ang sachet, medyo nagsisimula na siyang maniwala sa kanya. Nakatulong din ito na alam niya kung ano ang pagkatao ni Gerald, kahit noon pa man. Regardless, hindi siya yung tipo ng tao na kakalimutan na lang ang taong minahal niya ng sobra. “Sinasabi ko sayo ngayon na hindi kita kinausap sa loob ng dalawang taon na ito dahil nahihiya akong tumayo sa harap ng sinuman na mula sa pamilyang Smith. Sa tingin mo bakit ko pinapunta si Zack para tulungan ka? Pero sa huli, sinabi sa akin ni Zack na wala sa inyo ang tumanggap sa mga regalo ko. Totoo ba iyon?" tanong ni Gerald nang hindi man lang kinukuwestiyon ang desisyon nila. "Totoo ito. Ang pamilyang Smith ay may sariling dignidad na dapat panatilihin, hindi mo ba alam iyon? Dahil nawala si Mila at dahil hindi kayo kasal, anong karapatan naming kunin ang mga gamit mo? Kahit papaano… iyon ang paulit-ulit na sinasabi ng lola ko!" sagot ni Rita
Kinagat ni Rita ang ibabang labi niya sa pagtatapos ng kanyang paliwanag. "Bakit pa rin siya pumupunta kung alamm niya naman na hindi maganda nag intensyon niya?" tanong ni Gerald. “Sinabi ni lola na hindi dapat kami panghinaan ng loob dahil wala namang ginawang masama ang pamilyang Smith. At saka, maayos ang pag-imbita ni Georgia sa pamilya namin. Kaya wala kaming rason para hindi kami pumunta,” sagot ni Rita. “Lalong tumigas ang ulo ni lola sa loob ng dalawang taon... Birthday niya kahapon, alam mo ba? Pero… miss na miss niya si Mila kaya sinabi niyang hindi niya ito ipagdi-diwang hanggang sa makabalik si Mila!” "…Naiintindihan ko, gusto kong sumama sayo dahil sinabi mong pupunta ka sa birthday mamaya!" sagot ni Gerald. Ang Georgia ay kabilang sa pamilyang Sier, at masasabi na halos katulad ito ng pamilyang Smith. Kung tutuusin, pareho silang may mga ordinaryong kumpanya sa Mayberry noon. Hindi tulad ng pamilyang Smith, ang pamilyang Sier ay napakabilis na umuunlad sa nakal
Maayos na ang buhay nila ngayon. Alam naman ng lahat na ang kanyang apo ay nawala at paniguradong nakalimutan na ng mayamang tagapamana ang pamilyang Smith. "Tandaan mo ba na minahal ng apo kong iyon si Mila noon, Serenity? Siguro kung nagsisisi ka na pinayagan mo si Mila na tanggihan siya ngayon... Pero alam ko naman na wala kang masasabi doon... Kung tutuusin, ito ay isang bagay na may kinalaman lamang sa mga bata! Bilang head ng inyong pamilya, hindi ba dapat ikaw ang nagdedesisyon para sa kanya? Kung ikaw lang sana ang nanguna sa kanila, hindi sana kikilos si Mila nang hindi nag-iisip at hindi sana siya nagpatuloy sa pag-aaral sa Hong Kong! Hindi sana nangyari iyon at sa malamang ay pinakasalan niya ang apo ko, baka magsimula pa sila ng sarili nilang kumpanya! Ang ganda sana ng kahihinatnan kung ikaw ang nasunod!" dineklara ni Georgia at narinig ito ng ilang mga bisita. “Oo nga! Nakakaawa talaga!” Namula ang mga mukha ng mula sa pamilyang Smith habang pinag-uusapan ito ng mal
Sinadya ni Georgia na lakasan ang kanyang boses para marinig ito ng lahat ng naroroon.Ang lahat ng atensyon ay nakay Gerald na ngayon, kaya napangiti si Justin at sinabing, “Ikaw pala ang cousin-in-law ko! Masaya akong makilala ka!" Wala siyang pinakita na interes kahit na gusto niyang makipagkamay kay Gerald, habang ang kanyang asawa ay nakatitig lang sa boyfriend ni Rita. Makikitang hinuhusgahan niya ito mula sa tabi ng kanyang asawa. Ordinaryo lang ang damit ni Gerald, ngunit naramdaman ng babae na parang may mali sa kanya. "Magaling kang tao, Rita, kaya naniniwala ako na ang iyong boyfriend ay mahusay din! Ipakilala mo siya sa amin!" sabi ni Georgia. "Pasensya na, Lady Walford, pero hindi ko siya boyfriend," sagot ni Rita nang lumingon siya sa miyembro ng kanyang pamilya na nakaupo pa rin sa mesa. Bumalik na sa katinuan ang isip ng pamilyang Smith pagkatapos nilang magulat at ang kanilang mga bibig ay nanatiling nakabuka habang patuloy silang nakatitig ng tahimik sa dalaw
Naantig ang puso ng mga mula sa pamilyang Smith nang marinig nila ito, kabilang na rin dito si Serenity. Sa wakas ay napagtanto nila na hindi pala ni naintindihan si Gerald at tama ang pagkakalarawan sa kanya ni Mila. Talagang nagbago ang kapaligiran ngayong nandito si Gerald. Kakaunti lang sa mga bisita ang nagbigay ng pansin sa pamilyang Smith kanina, ngunit parami nang parami ang papunta sa kanilang mesa upang mag-toast at makipag-usap sa kanila sa pag-asang mapalalim ang kanilang relasyon sa pamilyang iyon. Syempre, may mga tao rin na nagsimulang manghimasok sa pamilyang Smith. May ilang mga president ng kumpanya ang pumalibot kay Serenity at sinabing, “Hindi ba birthday mo kahapon, Madam? Bakit hindi ka nagpadala sa amin ng mga invitation card? Sayang at hindi ka namain nakasamang mag-celebrate... Sinisiguro namin ito ngayon na babawi kami!" Habang nangyayari ang lahat ng ito, ang taong sobrang nagdurusa ay walang iba kundi si Georgia. Kung tutuusin, una niyang inimbitahan
Mas determinado ngayon ang boses ni Yana. “Cla... Classmate?” sabi nina Justin at Georgia dahil nabigla sila sa sinabi niya. Naisip nila na hindi totoo ang sinabi ni Yana at may mga dahilan sila para magduda. Kung tutuusin, ngayon lang nila narinig ang coincidence na ito! Kahit na makapangyarihan ang background ng pamilya ni Yana, walang paraan para sa status niya na magiging kaklase niya si Gerald! “…Anong klaseng kaklase ang tinutukoy mo? Tandaan mo na hindi natin kayang magbiro tungkol sa mga ganyang bagay, Yana. Sinasabi ko sayo ngayon na may kaunting kaalaman ako tungkol sa boyfriend ni Mila, at masasabi ko na talagang napakalakas niya. Ito ang dahilan kung bakit maraming naniniwala na si Mr. Crawford talaga ang kanyang boyfriend pagkatapos niyang ibunyag ang kanyang pagkatao kanina! Kung babastusin natin siya ngayon, baka hindi na tayo makakaligtas sa Mayberry!” sabi ni Georgia habang hinahampas niya ang kanyang mga hita sa pagkabalisa. “Tama! Mas mabuting pag-isipan mo m
“…Anong pangalan mo?” tanong ni Gerald habang kaswal siyang nakatingin sa kanya. 'Baliw na ba ito… Hinampas niya ang ulo niya bilang pagbati…' Takot na takot sila Georgia at ang iba pa matapos nilang makita na hinampas ni Yana si Gerald sa likod ng kanyang ulo. Pagkatapos nito, ang lahat ng mula sa pamilya ni Georgia, gayundin ang mga bisita, ay mabilis na tumakbo at tumayo sa likuran ni Yana. “Nagpapanggap ka pa rin ba talaga sa harapan ko, Gerald?” tanong ni Yana. “Nagpapanggap? Magkakilala ba tayo?" sagot ni Gerald. Hindi niya talaga alam kung sino ang taong ito. “Haha! Ganyan pala ang ipapakita mo ngayon! Baka makatulong ito para matandaan mo ako! May itatanong ako sayo. Nag-aral ka ba sa Third Primary School sa Serene County noong bata ka?" ngumisi si Yana. “Oo... Paano mo nalaman iyon..” sagot ni Gerald sabay tango. “Hah! Section two ka ba noong grade three ka?" dagdag ni Yana. “…Oo…” sabi ni Gerald nang maramdaman niya na parang may mali, lalo na’t tama ang lahat