Kasalukuyan sa lobby, ang lahat ng mga staff ay nakabihis ng maayos at mukhang naghahanda sila ng mataimtim at may paggalang. Hindi exemption doon ang hotel staff.Silang lahat ay nagtipon sa unang palapag ng hotel kung saan makikita ang lobby.Tuwang-tuwa ang lahat nang mabalitaan nilang personal na pumunta ang chairman dito. Hindi pa kailanman nangyari ang bagay na iyon.Ang manager na nagngangalang Hazen ay nakasuot din ng suit sa oras na ito habang siya ay nakatayo sa isang tabi bilang paghahanda upang batiin at para makipagkita sa chairman.Kinakabahan siya ng sobra sa oras na ito.“Aunt Wauter, Uncle Shadwell, marami akong kakilala na uncles mula sa Longthorne Group. Papunta na sila dito, kaya gusto kong bumaba at batiin sila. Kung hindi, baka akalain nilang hindi ko sila nirerespeto kung hindi ako bababa para batiin sila!Sa oras na ito, ibinaba ni Preston ang baso ng alak sa kanyang kamay at nagsalita habang nakatingin kay Gracie sa loob ng private room.“Oo naman! Maram
“Chairman Wadder, napakahina na ng katawan mo ngayon. Bakit ka lumuluhod sa harap ng talunan na iro?! Hahanap ako ng taong haharap sa kanya ngayon din!" Mariing sabi ni Hazen.Nagalit agad ang chairman habang hindi siya makapaniwalang nakatingin kay Hazen.Pagkatapos nito, sinigawan niya si Mr. Zillan, “Bugbugin mo siya! Gusto kong bugbugin mo siya hanggang sa mamaga ang bibig niya!"Nagmamadaling sumagot si Mr. Zillan, “Yes, sir!”Iwinagayway niya ang kanyang kamay at ang ilan sa mga personal na bodyguard ng chairman ay dali-daling lumapit bago nila idiniin si Hazen sa lupa.May bodyguard pa na nagdala ng mga batuta para lumaban.“Chairman! Ano ang maling nagawa ko?!" Galit na nagulat si Hazen habang sumisigaw ng malakas.Boom!Isang malakas na tunog ang umalingawngaw at tinamaan ng baton ng bodyguard ang bibig ni Hazen.Sa oras na ito, ang ilong at bibig ni Hazen ay napuno na ng dugo.Napuno na rin ng maraming luha ang mga mata ni Hazen.Kinalibutan ang lahat mga taong nak
“Gerald? Busog ka na ba?” tanong ni Noelle habang pinipigilan niyang umalis si Gerald. Masyadong mabilis ang mga pangyayari sa kaninang birthday, dahil nga naman sa nangyari kanina. Gayunpaman, walang sinuman ang nangahas na magsalita, lalo na si Gracie na nanatiling masunurin sa buong oras na ito. "Oo, busog na ako!" “Ah, ganun ba... By the way, Gerald, gusto ipatanong ni mama kung ano ang hanap buhay mo…” tanong ni Noelle sa malambing na tono dahil mukhang curious siya. Nakita kasi ng lahat kung ano ang trato ni Chairman Wadder kay Gerald. “Ako? Magandang tanong ‘yan! Hindi ko rin alam kung ano ang hanap-buhay ko, eh!" Tumawa lang si Noelle nang marinig niya iyon. Lalong nagiging misteryoso si Gerald habang lumilipas ang oras... "Gusto ko lang malaman kung... ikaw ang legendary at misteryosong Mr. Crawford mula sa Mayberry City...?" malumanay na tinanong ni Noelle. Sa puntong iyon, si Gracie at ang iba pa ay nagkukumpulan sa likod ni Noelle. Silang lahat nagpipigil ng
Walang tao sa loob ng itim na helicopter na mukhang falcon, kasalukuyan itong lumilipad patungo sa kinaroroonan ni Gerald sa pamamagitan ng autopilot system nito. Nabigla ang lahat nang makita nila ito. Ang helicopter na iyon... ay nagkakahalaga ng hindi bababa sa fifteen million dollars, hindi ba...? Pag-aari ba ito ni Gerald? Tinakpan ni Noelle ang kanyang bibig sa sobrang pagkagulat. Ibinigay na ni Gerald sa kanilang lahat ang kanyang sagot nang hindi niya direktang sinasabi ito. Maya-maya pa ay bumaba na ang helicopter at pumasok sa loob si Gerald. Tumingin siya kay Noelle at ngumiti bagi niya sinabing, “Ayan ang sagot mo. Kung may kailangan ka pa sa susunod, hanapin mo na lang si Zack!" Kumislap ang kanyang banayad na ngiti at pagkatapos nito ay pinalipad niya ang helicopter nang hindi man lang lumilingon sa kanyang likuran. “…Oh... my… God. Siya... siya talaga si Mr. Crawford mula sa Mayberry! Si Mr. Crawford ay si Gerald! Diyos ko, magiging mayaman na tayo! Magiging
Hindi nagtagal, dumating ang ilang libong manggagawa at handa na sila para sa kanilang trabaho. Ang kanilang gawain ay ang maghukay sa loob ng bundok, kaya wala silang ibang mapagpipilian kundi ang unang gibain ang Mountain Top Villa. Siyempre, napansin ng mga tao kung ano ang nangyayari nang makita nila ang malaking operasyon. Dahil doon, nagsimulang kumalat ang balita tungkol dito sa internet na parang kumakalat na wildfire at nagdulot ito ng mainit na talakayan sa mga mamamayan ng Mayberry. “Balak ba talaga nilang gibain ang Mountain Top Villa?” "Oo nga! Talagang gigibain nila ang villa na iyon na nagkakahalaga ng mahigit one hundred twenty million dollars… Sobrang yaman naman nila!” nag-usap ang mga tagahanga ng building. Kahit pa kumalat sa internet ang tungkol dito, ang administrative department ng Mountain Top Villa ay parang hindi pa nakatanggap ng anumang balita tungkol sa demolisyon. Hindi kailanman sinabi ni Zack sa kanyang mga subordinates ang kanyang mga plano, l
Sa sandaling iyon, binuksan ang mga pinto sa villa at pumasok ang ilang bodyguards habang hinihila nila si Rita. Hirap na hirap si Rita na makawala sa kanila habang sumisigaw siya ng, “Pakawalan mo ako! Pakawalan mo ako ngayon din!” "Tumigil kayo!" sigaw ni Gerald nang maglakad siya palapit sa kanila. “…Gerald?” gulat na sinabi ni Rita nang makita siya nito. Simula nang mawala ang kanyang pinsan, wala na siyang nakilala o narinig na balita tungkol kay Gerald. Mabilis na nawala sa kanyang pagkabigla nang maisip ni Rita, 'Humph... Gerald Crawford... Ang mayamang tagapagmana ng pamilyang Crawford na may walang katapusang kayamanan... Sa sobrang kapangyarihan, iniisip ko pa rin ang nangyari sa aking pinsan... P*ta, hindi mo man lang kami kinausap mula noong araw na nawala siya! Malamang wala ka nang pakialam kung patay na ba o buhay pa ang pinsan ko!' Nang mangyari ang insidenteng iyon, pinapunta lang ni Gerald si Zack para patahimikin ang pamilyang Smith. Base sa utos sa kanya
“…Totoo ba…?” tanong ni Rita. Pinakinggan ni Rita ang kanyang paliwanag at nang makita niya muli ang sachet, medyo nagsisimula na siyang maniwala sa kanya. Nakatulong din ito na alam niya kung ano ang pagkatao ni Gerald, kahit noon pa man. Regardless, hindi siya yung tipo ng tao na kakalimutan na lang ang taong minahal niya ng sobra. “Sinasabi ko sayo ngayon na hindi kita kinausap sa loob ng dalawang taon na ito dahil nahihiya akong tumayo sa harap ng sinuman na mula sa pamilyang Smith. Sa tingin mo bakit ko pinapunta si Zack para tulungan ka? Pero sa huli, sinabi sa akin ni Zack na wala sa inyo ang tumanggap sa mga regalo ko. Totoo ba iyon?" tanong ni Gerald nang hindi man lang kinukuwestiyon ang desisyon nila. "Totoo ito. Ang pamilyang Smith ay may sariling dignidad na dapat panatilihin, hindi mo ba alam iyon? Dahil nawala si Mila at dahil hindi kayo kasal, anong karapatan naming kunin ang mga gamit mo? Kahit papaano… iyon ang paulit-ulit na sinasabi ng lola ko!" sagot ni Rita
Kinagat ni Rita ang ibabang labi niya sa pagtatapos ng kanyang paliwanag. "Bakit pa rin siya pumupunta kung alamm niya naman na hindi maganda nag intensyon niya?" tanong ni Gerald. “Sinabi ni lola na hindi dapat kami panghinaan ng loob dahil wala namang ginawang masama ang pamilyang Smith. At saka, maayos ang pag-imbita ni Georgia sa pamilya namin. Kaya wala kaming rason para hindi kami pumunta,” sagot ni Rita. “Lalong tumigas ang ulo ni lola sa loob ng dalawang taon... Birthday niya kahapon, alam mo ba? Pero… miss na miss niya si Mila kaya sinabi niyang hindi niya ito ipagdi-diwang hanggang sa makabalik si Mila!” "…Naiintindihan ko, gusto kong sumama sayo dahil sinabi mong pupunta ka sa birthday mamaya!" sagot ni Gerald. Ang Georgia ay kabilang sa pamilyang Sier, at masasabi na halos katulad ito ng pamilyang Smith. Kung tutuusin, pareho silang may mga ordinaryong kumpanya sa Mayberry noon. Hindi tulad ng pamilyang Smith, ang pamilyang Sier ay napakabilis na umuunlad sa nakal