Ang Warhill Mountain, ang gumuhong estatwa ng babaeng nakaputi at ang hula ng imahe ng araw. Naisip niya na ang babaeng nakaputi ay lumitaw noong namatay siya.Pero ang babaeng nakaputi na naman?Posible kayang iisang tao ang mga ito?‘Lalong nagiging magulo ang sitwasyon na ito. Kailangan kong umuwi dahil kailangan kong malaman ang tungkol sa hula ng imahe ng araw!’ naisip ni Gerald sa kanyang sarili.Sa pagkakataong ito, muling isinara ni Gerald ang kabaong.Kasabay nito, inihanda niya ang seal formation sa paligid ng kabaong base sa kanyang memorya.Kailangan niyang ingatan ang katawan na ito."Salamat sa tulong mo. Hindi ko ito hahawakan ng pangmatagalan at babalik ako kapag may sagot na ako sa katanungan ko!" Sabi ni Gerald habang tinatapik ang ulo ng anaconda.Tumango ang anaconda.Pagkatapos nito, umalis na si Gerald.Sa totoo lang, hindi ito napansin ni Gerald pero kahit na siya pa rin ang dating Gerald, ibang klase ng ugali pa rin ang ipinakita niya.Dahan-dahang lu
Itinuon ang lahat ng kanyang lakas sa isang atake at maririnig ang malakas na pagsabog nang sumugod si Christopher patungo kay Gerald! Ang kanyang atake ay nakatuon sa dibdib ng binata. Ilang segundo bago tuluyang bumangga ang kanyang atake kay Gerald, isang malakas na narinig niya ang malakas na buzzing sound. Ilang pulgada na lang ang layo nang napagtanto ni Christopher na isang segundong huli na nang biglang naubos ng isang misteryosong puwersa ang kanyang lakas. Alam ni Christopher na hindi niya mapapatigil sa tamang oras ang momentum ng kanyang suntok, kaya agad na sinubukan ni Christopher na palakasin muli ang kanyang puwersa. Nang sa wakas ay bumangga ang kanyang kamao sa dibdib ni Gerald, bigla niyang napagtanto na parang kasing lakas lang ng sanggol ang pwersang inilabas niya. Nalito siya at bigla na lamang siyang lumipad paatras, hindi niya na makontrol muli ang kanyang mga galaw! Naramdaman niya na parang bumagsak siya sa matarik na bundok, hindi niya na namalayan hu
Pagkatapos sabihin iyon, dahan-dahang itinaas ni Gerald ang kanyang isang kamay... Gamit lamang ang kanyang inner strength, dahan-dahang binuhat ni Gerald ang matanda mula sa lupa. Hindi man lang nakayanan ni Christopher na makalaban dahil sa hindi nakikitang puwersa na nakahawak sa kanyang buong katawan. “P-please, huwag mo akong patayin, Gerald! Ma-malapit na ang pledge ng holy water! Kapaki-pakinabang pa rin kami sayo, kaya sana huwag mo akong patayin! M-May alam akong malaking sikreto, alam mo ba iyon?!" gulat at takot na sumigaw si Christopher habang namumuo sa kanyang noo ang berdeng ugat. “Anong sikreto?” malamig na tinanong ni Gerald. “A-Alam ko na matagal mo nang ini-imbestigahan ang pamilya mo ang Sun League. Sasabihin ko sayo ang totoo na ko na kasama ang pamilyang Moldell at ang lahat ng iba pa na mula sa secret society, tulad ng pamilyang Naplocks at Ferguson, ay hindi kailanman sumuko sa pag-imbestiga sa Sun League kahit na makalipas ang maraming taon... Mayroon ako
“Bayani ng maraming tao ang tatay ko sa buong buhay niya, at siya rin ang bayani ko... Nagulat ako dahil siya ang pinakamalakas na taong nakilala ko, pero ang totoo… siya ay isa sa mga pinaka-mahina. Iyon ang unang beses na nakita ko siyang umiyak at umasta na parang baliw noong gabing iyon... Sa sandaling iyon, nagsimula akong mag-dalawang isip. Ano nga ba ang naranasan ng tatay ko para mabaliw siya sa sobrang takot? Anong nangyari noong pledge of the holy water? Ito ang dahilan kung bakit kailangan kong maging agresibo sa pag-imbestiga tungkol sa pledge! Hinuhugot ko ang lakas ko sa takot na mabigo ako sa aking misyon!” dagdag ni Christopher habang namumula na ang mga mata niya. “...Sinasabi mo na ayon sa tatay mo… hindi namatay ang mga hindi bumalik mula sa pledge? Sinasabi mo bang dinala sila sa ibang lugar?" natatarantang sumagot si Gerald. Ang insidente ay katulad ng pagkawala ni Mila. Ang mga biktima ay nakatanggap rin ng parehong bagay, ang token ng holy water, bago sila tu
Nakita siya ni Giya at napaiyak ito habang sinasabi, “Gerald! Masaya ako na makita ka ulit!" “Bakit nandito ka pa, Giya? Sinabi ko na sayo na hindi Gerald ang pangalan ko! Xadrian ang pangalan ko!" sagot ni Gerald, gumaan ang kanyang pakiramdam na makita niyang maayos ang kalagayan ni Giya. Gayunpaman, hindi inaasahan ni Gerald na pinili niyang manatili dito. "Sinusubukan mo pa bang magsinungaling sa akin? Tumigil ka, alam ko na ikaw si Gerald! Binago mo ang iyong ugali at katawan, pero hindi mo mababago ang iyong mga mata! Ikaw si Gerald!" sagot ni Giya habang nilalapag ang mga plato na hawak niya bago siya tumakbo papunta kay Gerald. Saglit na tumingin si Gerald sa mga plato bago iniwas ang kanyang tingin kay Giya habang sinasabi niya, “Bakit mo pipiliin na maging waitress dito kaysa manatili sa research team? Sigurado ako na makakakuha ka ng mas magandang trabaho kaysa dito…” “Wala akong pakialam doon... Mas mahalaga kung hihintayin ko ang pagbalik mo. Kahit na abutin pa ako
"Anong problema, ganda? Wala ka bang dalang pera?" sabi ng isang tambay habang naglalakad siya papunta kay Giya kasama ang iba pang tambay. Sinubukan ng isa sa kanila na hawakan ang baba ni Giya, ngunit agad siyang umiwas. Nang makita iyon, agad na hinawakan ng iba pang mga tambay ang mga braso ni Giya, may masamang intensyon sa kanyang mga mata. Napagtanto ni Giya na hindi niya kayang pwersahin ang kanyang sarili na tumakas, ngunit nakahanap siya ng pagkakataon na kagatin nang husto ang isa sa mga daliri ng tambay! Narinig na sumigaw sa sakit ang isa sa mga tambay habang nakahawak ito sa kanyang daliring nasugatan nang husto. Nang makita iyon, walang sinuman sa mga tambay ang nangahas na sumugod sa kanya. Ito ay dahil nakita nilang lahat sa kanyang mga mata ang hangarin na pumatay. Gayunpaman, dahil pagod siya at nagkaroon siya ng kanyang biglaang adrenaline rush. Dahil dito, hindi nagtagal ay bumagsak siya sa lupa at nawalan ng malay. Napagtanto ng mga tambay na kaya na n
Ang tanong ay nanggaling kay Giya. "…Mahabang kwento ito. Magpahinga ka muna at ituon ang atensyon mo sa pagpapagaling sa ngayon… Sasabihin ko sayo ang lahat sa ibang pagkakataon…” Tama lang na bumalik si Gerald sa kanyang pamilya sa lalong madaling panahon lalo na't nahanap na niya ang eternal coffin. Kung tutuusin, marami pa ring mga misteryo na hindi pa nalulutas. Ito ang pangalawang dahilan kung bakit niya pinatawag ang helicopter. Ang pangunahing dahilan ay dahil labis siyang nag-aalala sa kalagayan ni Giya. “Malapit na tayo sa isla, Mr. Crawford. Pero parang may nangyayari sa isla. Napakaraming tao ang kasalukuyang nasa baba…” sabi ng isa sa mga bodyguard ng pamilyang Crawford na kasama niya sa helicopter. “…Hmm?” sabi ni Gerald at agad siyang tumayo para dumungaw sa bintana ng helicopter. Gaya nga ng sinabi ng bodyguard, makikitang nakatayo sa bukana ng isla ang kanyang lolo at marami pang iba. Gayunpaman, tila may kausap silang babae na hindi niya kilala, kahit na m
"…Hindi pwede. Masyadong nagkataon ito! Hindi ako sigurado kung anong uri ng mga panlilinlang ang ginagawa ni Alice ngayon, ngunit ang natatandaan ko lang ay binigyan ko siya ng ilang daang libong dolyar para hayaan siyang mamuhay sa buhay na gusto niya!" bulong ni Gerald sa sarili habang bahagyang nakasimangot. Sa totoo lang, kakaiba sa kanya ang pangyayaring ito. Itinuon niya ang halos lahat ng kanyang buhay sa pagsasanay para kaharapin ang pamilyang Moldell, kaya bihira siyang masangkot sa kanyang city life. Ngunit bigla na lamang dumating ang pangyayaring iyon sa sandaling bumalik siya sa kanyang nakaraang buhay... Mahirap para sa kanya na tanggapin ang katotohanang mayroon na siyang anak na babae, pero mas mahirap paniwalaan na ang ina ay si Alice! Naramdaman ni Gerald na parang nakorner siya sa mahirap na sitwasyon nang malaman agad ito nila Giya at Lyra. ‘…Bah! Walang silbi kung iisipin ko pa ito! Hihintayin ko na lang ang resulta ng paternity test!' Pagkatapos nit, pu