"…Hindi pwede. Masyadong nagkataon ito! Hindi ako sigurado kung anong uri ng mga panlilinlang ang ginagawa ni Alice ngayon, ngunit ang natatandaan ko lang ay binigyan ko siya ng ilang daang libong dolyar para hayaan siyang mamuhay sa buhay na gusto niya!" bulong ni Gerald sa sarili habang bahagyang nakasimangot. Sa totoo lang, kakaiba sa kanya ang pangyayaring ito. Itinuon niya ang halos lahat ng kanyang buhay sa pagsasanay para kaharapin ang pamilyang Moldell, kaya bihira siyang masangkot sa kanyang city life. Ngunit bigla na lamang dumating ang pangyayaring iyon sa sandaling bumalik siya sa kanyang nakaraang buhay... Mahirap para sa kanya na tanggapin ang katotohanang mayroon na siyang anak na babae, pero mas mahirap paniwalaan na ang ina ay si Alice! Naramdaman ni Gerald na parang nakorner siya sa mahirap na sitwasyon nang malaman agad ito nila Giya at Lyra. ‘…Bah! Walang silbi kung iisipin ko pa ito! Hihintayin ko na lang ang resulta ng paternity test!' Pagkatapos nit, pu
“Ayaw mo pa rin magsabi ng totoo? Hindi ko alam kung paano mo binago ang mga resulta ng paternity test machine, pero alam kong hindi ikaw ang nanay ng bata na iyon. Magiging mabait ako dahil ex-classmates tayo, willing ako na pakawalan ko kung sasabihin mo ang totoo,” walang emosyon na sinabi ni Gerald. Nabigla si Alice nang marinig niya iyon, makikita ang takot sa kanyang mga mata habang iniisip niya, 'Kailan pa naging ganito kalakas si Gerald...?' "Iniisip ko kung meron kang isang uri ng motibo kaya ginagawa mo ang lahat ng ito?" tanong ni Gerald. Naging maingat si Gerald dahil iniisip niya ang tungkol sa death prophecy habang pauwi siya. “Wala... wala akong alam sa sinasabi mo! Pakawalan mo ako!” tanggi ni Alice. “Nagdadalawang isip ka pa rin na sabihin ang totoo, ha? Sige! Ituturing ko na anak ang batang ito at ako ang magpapalaki sa kanya... Pero itatapon kita sa dagat para pakainin ang mga isda!" deklara ni Gerald nang bigla niyang binuhat ang babae. Takot na takot si
“…Lyra? Ah…” medyo awkward na sabi nina Daryl at Dylan. Kakaiba ang kinikilos ni Daryl ngayon at may rason naman kung bakit. Kung tutuusin, masuwerte siyang nakilala ang kanyang apo sa tuhod bago siya lumahok sa pledge of the holy water. Isang kaganapan na alam niyang hindi na siya makakabalik nang buhay. Dahil sinagot ng Diyos ang kanyang mga panalangin para sa pagkakataong makilala si Mable, masasabi na abot langit ang kasabikan ni Daryl nang malaman niyang apo niya sa tuhod ang sanggol. Ngunit ngayon na nandito si Lyra, naramdaman niya na parang nahihiya siya. Kung tutuusin, si Lyra ang legal na manugang ng pamilyang Crawford. Mula sa kanyang narinig, si Lyra ang nag-iisang tao na namamahala sa lahat ng mga gawain ng pamilyang Crawford, maliit man ito o malaki, sa loob ng maraming taon. “…Ah! Hindi rin ako sigurado... Naisip ko lang na ang cute talaga ng batang ito kaya dinala ko siya!" Awkward na sinabi ni Daryl. Nang marinig iyon, tahimik na tumango si Lyra. Habang ini
“S-Sasabihin ko ito sayo basta't mangangako ka na hahayaan mo akong manatili dito!” sabi ni Alice habang nakahawak siya sa braso ni Gerald. “Sabihin mo na sa akin!” sagot ni Gerald habang tinutulak niya palayo ang mga kamay niya. Pinunasan ni Alice ang kanyang mga luha at pagkatapos ay nagsimula siyang magpaliwanag, "...Nagsimula ang lahat noong gabi na nasa seaside hotel kami..." Matapos makinig sa kanyang paliwanag nang kaunti, nagsimula nang maintindihan ni Gerald ang buong storya. Nilagyan siya ng droga ni Alice nang gabing iyon dahil gusto niya na may mangyari sa pagitan nila para mabuntis siya. Gusto niyang mabuntis siya sa anak ni Gerald para maging bahagi siya ng isang mayaman at prestihiyosong pamilya. Sa kasamaang palad, dumating ang period niya kaya naudlot agad ang mga plano niya! Sa oras na iyon, galit na galit si Alice sa kanyang sarili na gusto niyang sampalin ang kanyang sariling mukha! Gayunpaman, pinahiran niya ng kaunting dugo ang bedsheets dahil nagkukunw
Noong una niyang makita ang mural sa Divine Tomb, nalaman ni Gerald na naging inspirasyon ng matandang pulubi ang babaeng nakaputi na ihiwalay ang kabaong ng deity. Gayunpaman, walang nakakaalam kung nasaan ang libingan ng babaeng nakaputi. Naisip ni Gerald na may koneksyon doon ang babaeng nakaputi dahil binanggit ito ni Alice. Dinala ba ang babaeng nakaputi sa kabaong sa southern sea pagkatapos ng kanilang paghihiwalay? Nakalibing ba ito sa libingan ng hari ng karagatan? "...Saan matatagpuan ang libingan ng hari ng karagatan?" tanong ni Gerald matapos itong pag-isipan ng saglit. Bilang tugon, sinabi sa kanya ni Alice ang lahat ng nalalaman niya. Binigay ni Gerald ang buong atensyon niya sa lahat ng sinabi nito. Kung tutuusin, naramdaman niyang kailangan niyang pumunta doon para imbestigahan ito ng sarili niya. Base sa lahat ng natutunan niya, ang babaeng nakaputi ay posibleng mailibing sa loob ng libingan ng hari ng karagatan. Natandaan ni Gerald na sinabi ni Lyra na nakita
Ganito na ang ugali niya noon pa man. Kung tutuusin, karaniwan para sa mga mag-aaral sa Mayberry University na makipag-date sa ibang mga mag-aaral doon, ngunit iba ito pagdating kay Yasmeen. Nakipag-date siya noon sa isang divorced na presidente ng isa sa mga kumpanya sa Mayberry. Dahil sa kanilang relasyon, naghanda ng fireworks ang president sa bawat sulok ng unibersidad sa kaarawan ni Yasmeen. Nang gabing iyon, ang buong unibersidad ay naiilawan ng magagandang fireworks at ito ang dahilan para humanga at mainggit sa kanya ang ibang mga babae. Gayunpaman, hindi iyon ang pinakanaalala ni Gerald sa nakaraang insidente. Ang pinakanaaalala niya sa pangyayaring iyon ay noong sinabihan siya ni Yasmeen na linisin ang lahat ng mga dumi mula sa paputok sa paligid ng university para sa halagang fifteen dollars. Malaki na ang halagang iyon para sa kanya noon. Nang makuha na niya ang pera, agad niyang nilibre si Xavia sa KFC. Naalala pa niya na nagdagdag pa siya ng seven dollars para magin
Kahit na medyo gabi na, nakita pa rin ni Gerald ang duguan na katawan ng middle-aged na lalaki na kasalukuyang tinutugis ng mahigit sampung mga tao na may hawak ng baril na nakasakay sa limang speedboat. Papunta rin sila sa direksyon ni Gerald.Mabilis na tumakbo ang mga taong nakakita sa kanila sa may dalampasigan, masyado silang abala na makatakas mula sa lugar na iyon na wala man lang nag-abala na tumawag sa pulis! Mabilis na nawalan ng mga tao ang kaninang buhay na buhay na dalampasigan, ngunit si Gerald ay nanatili pa rin doon. Sumimangot si Gerald nang makita niya ang mga humahabol. Kung tutuusin, medyo naiinis siya na pinutol ni Yasmeen ang kanyang train of thought kanina. Hindi nagtagal ay dumating sa pampang ang duguang middle-aged na lalaki. Nakita ng lalaki na wala na siyang matatakbuhay kaya tumakbo na lamang siya papunta kay Gerald, ang tanging taong nakikita niya! Kinaway niya ang kanyang mga kamay habang tumatakbo at sumisigaw, “I-ibigay mo sa akin ang cellphone mo!
Mapanuya na sumugod si Gerald sa kanila. Narinig ang mga tunog ng mga nabaling mga buto mula sa mga kalalakihan nang umatake siya. Ilang segundo lang ang lumipas nang mabali ang mga binti at kamay ng kaninang mga kalalakihan. Ang kanilang mga ngipin ay nabasag at mga paa'y nabali habang sila ay nakahiga sa lupa, silang lahat ay nanghihina dahil sa matinding sakit. Sa kabila ng nararamdaman nila, silang lahat ay nakatitig pa rin kay Gerald na parang nakatingin sila sa isang halimaw. 'Anong klaseng tao siya...? Paano natin makakalaban ang ganoong klase ng tao...?' Makikita kay Gerald ngayon na wala siyang pakialam sa mga taong nasa lupa. Pinapalakpak niya ang buhangin sa kanyang mga kamay at nagpatuloy siya sa kanyang paglalakad na parang walang nangyari. Bago pa siya makalayo, sinundan niya ng kaninang middle-aged na lalaki na puno ng dugo aang katawan, “Ma-maraming salamat sa pagligtas mo sa akin, mister! Ako ay isang lokal ng Halimark City at ang pangalan ko ay Wagner Yarne! A