Masyadong natuwa si Gerald sa kanyang bagong natuklasan kaya kaya nagsanay siya ng ilang araw upang makabisado ang lahat ng apat na techniques na ginawa ng itim na figure. Hindi niya inakala sa isang linggo na pala ang lumipas. Muli niyang inihagis ang maikling dagger at hindi nagtagal ay narinig ang isang pagsabog dahil biglang gumuho ang isang malaking bato na tinamaan nito. Habang nasa ere pa ang dagger, ginamit ni Gerald ang kanyang isip para utusan ang Dawnbreaker na bumalik sa kanyang kamay. Pagkatapos nito ay naisip si Gerald sa kanyang sarili, 'Malakas ang mga atake ng Dawnbreaker... Masasabi ko na kasing lakas ito ng isang great master! Isa lamang akong semi-great master, pero sa malamang ay makakayanan kong makalaban kay Christopher dahil alam ko na ngayon kung paano gamitin ng tama ang maikling dagger!' Sa loob ng buong linggo, sinanay rin ni Gerald ang kanyang sarili na matutunan ang tatlong iba pang mga techniques. Gayunpaman, hindi siya nag-abalang sanayin ang sar
Pagkasabi niya ito, tatalikod na sana si Gerald at aalis nang bigla niyang narinig ang sinabi ng isa sa mga babae, “Aray! Ang paa ko!” Lumingon siya at nakita niya ang na kasalukuyang nakahawak sa ankle ang babaeng sumigaw. Malamang ay nasaktan siya noong nagpumilit siyang palayain ang kanyang sarili kanina. "Okay ka lang?" sabay na tinanong ni Gerald at ng isa pang babae habang naka-squat silang dalawa. Nabigla silang dalawa dahil pareho ang kanilang reaksyon habang ang babaeng nasaktan naman ay biglang sumagot, "Masakit ang ankle ko... Parang hindi ako makakalakad!" "Hmm... Susuportahan na lang kita!" sabi ng karismatikong babae na nakasalamin. Kahit na tinutulungan siya ng kanyang kaibigan, masyadong masakit ang binti ng babae para makalakad siya nang higit sa ilang hakbang. Pinanood ni Gerald ang dalawa na huminto ng ilang beses para magpahinga at sinabi na lang niya, “...Matatagalan kayo kung gagawin niyo pa ito... Patingin nga ako!” "Sige! Pero... Hindi ba mas mabut
"Iniligtas kami ng lalaking ito, Mr. Lockhart!" sabi ni Giya habang dahan-dahan siyang bumaba mula sa likuran ni Gerald. “Paulit-ulit kong sinabi sayo na huwag mo akong tawagin ng ganyan, Giya... Tawagin mo na lang akong Wynn... Parang weird kasi na tawagin mo akong Mr. Lockhart!” sagot ni Wynn. Hindi sumagot si Giya sa kanya at pagkatapos ay lumingon na lang siya kay Gerald bago niya sinabing, “…Anyway, hindi pa namin alam ang pangalan mo… ano nga pala ito?” Naramdaman ni Giya na parang pamilyang ang lalaking ito sa unang pagkakataon na nagkita sila. Hindi rin niya masabi kung bakit ganito ang nararamdaman niya. Parang malapit siya sa kanya kahit na ngayon lang sila nagkita. Matagal na panahon na mula nang huli niyang naramdaman ang ganoong pakiramadam sa sinumang lalaki. Kung magiging eksakto lang siya sa kanyang mga salita, ang pakiramdam na ito ang katulad ng pakikipagkita niya muli sa isang matagal nang nawawalang kamag-anak. "Oo nga, hindi pa namin alam ang pangalan mo!
Nang handa na ang lahat, sinimulan silang pangunahan ng matandang lalaki sa disyerto. Lumabas lamang si Gerald nang makalayo na sila. Hindi niya inaasahan na makakasalubong niya si Giya dito pagkatapos ng isang buong taon. Napansin niya rin na nagsimula na siyang magtrabaho at mukhang maganda rin ang kanyang buhay. Noong una ay natukso si Gerald na ibunyag ang kanyang pagkatao kay Giya lalo na't nalaman niyang hindi pa rin siya nakakalimutan nito kahit na isang taon na ang nakalipas. Alam ni Gerald na masama ang trato niya kay Giya noon at alam niyang imposible na magkasama sila, kaya nagpasya si Gerald na huwag nang sirain ang pag-move on ng babaeng ito sa kanya. Sabagay, napansin ni Gerald na napakabait ni Wynn kay Giya kanina. Hindi siya gusto Wynn, pero nagtitiwala siya na gusto lang ni Wynn ang best para kay Giya. Iyon ang dahilan kung bakit hindi na bumalik si Gerald para gamutin ang kanyang nasugatan na ankle noon. Nakita niya na may taong tutulong na kay Giya. Umil
Kahit na matagal at mainit ang paglalakbay sa disyerto, naging maayos ang kalagayan ng mga researchers at ang mga turista sa tulong ng Master of the Desert. Pagkatapos ng dalawang araw na paglalakbay, dumating ang grupo sa sentro ng disyerto. Tulad ng inaasahan, walang ibang tao o hayop ang makikita sa loob ng mabuhanging lupain. Sa oras na iyon, malapit nang dumilim kaya nagpasya silang huminto sa isang shelter na sira-sira. Mabuti na lang at naging sapat na ito para makatulog sila nh maayos sa gabing iyon. "Ano na kaya ang nangyari sa lalaking iyon... Sa tingin mo ba ay bumalik na sjya sa bayan...?" Tanong ni Giya habang nakaupo siya sa tabi ng fireplace, patuloy niyang iniisip ang lalaking nagligtas sa kanya. “Parang hindi. Mukhang hindi siya ganoong klase ng lalaki! Siya ay mukhang reliable at mature! Teka lang... Bakit mo pa rin siya iniisip? Diba sabi mo mahal mo si Gerald... Hindi kaya nagkakagusto ka sa kanya dahil kamukha at naaalala mo si Gerald sa kanya…?” masungit n
“Medyo gabi na noon... katulad ng oras na ito! Lumubog ang araw noon at lalong dumilim ang kalangitan... Tumawid kami noon sa isang ilog at sinabi sa akin ng tatay ko na doon kami magtatayo ng camp. Pagkatapos naming maisaayos ang lahat, pumunta kami sa ilog para kumuha ng tubig para sa susunod na araw... Pagkarating namin sa ilog, doon namin siya nakita!” Nakatitig ang lahat sa Master of the Desert habang nagpapatuloy siya, "Si Capra Nanny ay umiinom ng tubig sa tabi ng ilog at kahit na hindi ko makita ng maayos ang kanyang mukha sa ilalim ng liwanag ng buwan, naaalala ko na siya ay may mahabang dila at ang kanyang buhok ay mahaba at magulo.” "Napahinto kami at itinaas ng matandang babae ang kanyang ulo at nakipag-eye contact sa amin. Saglit lang iyon, pero nakita kong berde ang mga mata niya! Sa kabutihang palad, mabuti na lang at natangay ako ang tatay ko sa tamang oras habang sumisigaw siya, 'Huwag kang tumingin sa kanya, Billy! Tumalikod ka!’” “Pagkasabi niya nito ay agad na
Nagulat ang lahat nang marinig nila kaya nagsimula silang magtipon sa paligid ng mga sumisigaw na babae, "Ano ang nangyari?!" Gayunpaman, nalinaw ang katanungan na iyon nang tumingin sila sa direksyon kung saan nakatingin ang mga sumisigaw na babe. Nakahiga sa dune ang dalawang bangkay! Sa ilalim ng liwanag ng buwan, ang mga bangkay ay parang sinipsip ang kanilang mga dugo hanggang sa matuyo ang katawan nila na ang kanilang mga balat ay nakakakapit ng mahigpit sa kanilang mga buto. "Sila... Sila Minnie at Juan!" sigaw ng isang tao mula sa loob ng search party nang makilala nito ang damit na suot ng mga bangkay. "Paano nangyari ito...? Kalahating oras pa lang ang nakalipas!" sabi ni Professor Yale. Maraming mga karanasan si Professor Yale kaya hindi siya makapaniwala sa lahat ng mga nangyayari. Tumaas ang mga balahibo niya nang makita niya ang dalawang bangkay! "... Si... Si Capra Nanny... Nandito na siya!" nauutal na sinabi ng Master of the Desert nang mapalunok siya sa tak
Tulang ng unang sinabi ng Master of the Desert, ang halimaw ay halos bulletproof dahil matigas ang balat na ito. "Ano?!" natulala si Wynn nang makita niya ito. Kahit na hindi ito nasaktan ng bala, nagalit pa rin ang halimaw sa atake ni Wynn! Mabilis itong lumapit sa kanya at tumayo sa kanyang bago nito hinawakan si Wynn sa kanyang kwelyo at inihagis siya sa hangin! Sa isang saglit, bumagsak ang katawan ni Wynn sa buhangin. Pagkaraan ng ilang sandali, bigla na lamang siyang sumuka ng dugo! “Na-napakalakas!” nauutal na sinabi ni Propesor Yale nang bigla siyang namutla sa takot habang inaakay ang kanyang grupo ng mga researcher patungo sa likuran. Bumagsak na si Wynn kaya humarap muli ang halimaw kay Gerald, siya nga naman ang unang target ng halimaw. Tumingin ito sa kanya at naramdaman niya kung gaano kalakas at kabangis si Gerald. Nang sumugod ito sa kanya, pinalipad siya ni Gerald gamit ang isang malakas na sipa! Makapal ang balat ng halimaw ngunit si Gerald ay isang semi-