Kapag sinira ng maliwanag na kalangitan ang buwan? Bakit magkakaroon ng buwan sa gitna ng maliwanag na kalangitan? At bakit dadaloy ang tubig sa kabilang direksyon? Kakaiba para kay Gerlad ang unang dalawang linya, ngunit makabuluhan naman ang huling linya para sa kanya. Nangangahulugan ito na may mamamatay kapag nahulog ang gintong bulaklak sa lupa. “…Baka ako ang tinutukoy ng sulat...?” bulong ni Gerald sa kanyang sarili. "Mukhang mahirap matukoy ang level of training ng nagpadala nito. Kung sino man ito, mukhang malalim ang pagkakaintindi nila sa lahat... Totoo bang napaka-makapangyarihan ng taong ito?" hindi makapaniwala si Daryl nang sabihin niya ito. “…Ano na lang ang mangyayari kay Gerald, pa? May isang misteryoso at makapangyarihan na taong nagpadala nito kay Gerald, kaya hindi ba pinapahiwatig nito na ang prophecy ng imahe ng araw ay magkakatotoo? Ano kayang ibig sabihin ng lahat ng ito?" nag-aalalang tinanong ni Dylan. “Hmm… Wala na tayong ibang choice para harapi
Sasakay na sana si Gerald sa helicopter nang makita niya si Welson na dahan-dahan at paika-ika na pumunta sa kanya. “…Welson?” sabi ni Gerald. Halatang may mali sa itsura ng matanda. Kahit sa malayo, nakikita ng lahat ang walang buhay at madilim na mga mata ni Welson, napansin ng lahat na medyo mala-zombie din siyang naglalakad. Ito ay kakaiba para sa lahat ng nakakakita nito. Habang nakakunot ang noo ni Gerald, napagdesisyunan niyang huwag munang kumilos nang hindi nag-iisip sa ngayon. Sumigaw si Dylan kay Welson dahil naisip niyang halos malapit ang kanilang edad, "Perfect timing, Welson... Malapit nang umalis si Gerald, kaya tatawagin ko siya para magpaalam sayo." Gayunpaman, parang hindi narinig ni Welson ang sinabi ni Dylan at nagpatuloy lamang siyang paika-ikang naglakad habang dahan-dahan siyang pumunta sa kanila. “…Welson…?” sabi ni Dylan. "Umalis ka diyan, Dylan!" biglang sumigaw si Daryl habang ang kanyang mga mata ay naging mapagbantay. “Welson, okay ka lang?
Sa pagtatapos ng kanyang pangungusap, dumaan ang malakas na bugso ng hangin ang dumaan sa katawan ng matanda kaya ang damit ng matanda ay sumunod sa simoy ng hangin. “Kung ‘yan ang gusto mo, sige. Para lang alam mo, matagal ko nang alam na aalis ka sa seklusyon. Matagal ko nang inaabangan ang laban na ito!" sabi ni Daryl sabay tawa ng malakas. Patuloy na nanonood ang iba habang dahan-dahang lumapit ang dalawa sa isa't isa... at bigla naman silang tumalon ng mataas sa ere! Nakatayo sa gilid si Gerald haang pinagmamasdan niya ang kanilang lakas at husay sa kanilang mga atake. Ito pala ang isang labanan sa pagitan ng mga great masters... Makapangyarihan. Tunay na napaka-makapangyarihan...! Gayunpaman, ang mas ikinagulat ni Gerald na hindi nahihirapan si Christopher kahit na isa na lamang ang kanyang braso. Pagkatapos ng halos dalawang daang suntok sa bawat isa, wala sa dalawang matandang lalaki ang nakakuha ng anumang uri ng kalamangan sa isa't isa. "Mukhang tahimik kang naghi
"Ang pagpapala ng dragon?" Sabi ni Christopher nang bigla siyang napaatras ng ilang hakbang, kumibot ang mga talukap ng kanyang mata sa takot. Sumigaw si Daryl nang makita niyang napaatras ito, “Gerald! Umalis ka na diyan!" Nakuha ng pilot ang cue na agad niyang paandarin ang helicopter. Nag-aatubili si Gerald na umalis, ngunit alam niyang ginamit ng kanyang lolo ang lahat ng kanyang lakas para sa kanyang kapakanan. Kung mananatili pa siya dito, mapupunta sa wala ang mga pagsisikap ng kanyang lolo. Dahil dito, agad siyang umugod papunta sa helicopter. Sinubukan ni Christopher na habulin ang binata, kaya agad na kumapit si Daryl sa kanya at pinigilan ang matanda na magpatuloy pa. “Tinawag mo akong malupit kanina, pero hindi ba mas malupit ka? Hindi ko inasahan na gagamitin mo ang iyong mga pagpapala ng dragon para malabanan ang kapangyarihan ng aking misteryosong salamin! Alam kong hindi kita kayang patayin, pero alam ko na masasaktan ka pa rin nang husto! May tatlong buwan
Hindi ito mukhang mainit noong una niya itong nakita. Ngunit nagbago ito nang biglang sumigaw si Christopher nang masaktan siya sa nakakapasong init ng dagger. Sa sandaling iyon, mabilis na bumalik sa kamay ni Gerald ang maliit na dagger. "Isa... Isa itong magic artifact?!" gulat na gulat na sinabi ni Christopher. Makalipas ang ilang sandali, naging mabangis ang kanyang tingin at bumulong siya sa kanyang sarili, "Hindi lang pala ang imahe ng araw ang magic artifact ng pamilyang Crawford... Nakakagulat ito... Kung makukuha ko ang dagger na iyon at matutunan kung paano ito kontrolin, paniguradong magiging doble ang kapangyarihan ko! Magiging invincible ako! Kapag nakuha ko na ito, maipapakita ko ng buo ang aking kahusayan at talento sa panahon ng pledge of the holy water!" Nakita ni Gerald na parang nababaliw ang matanda kaya dahan-dahan siyang umatras ng ilang hakbang. “Biniyayaan talaga ako ng langit sa pagkakataong ito… Nasa akin na ang mahiwagang salamin, makukuha ko na rin
Masyadong natuwa si Gerald sa kanyang bagong natuklasan kaya kaya nagsanay siya ng ilang araw upang makabisado ang lahat ng apat na techniques na ginawa ng itim na figure. Hindi niya inakala sa isang linggo na pala ang lumipas. Muli niyang inihagis ang maikling dagger at hindi nagtagal ay narinig ang isang pagsabog dahil biglang gumuho ang isang malaking bato na tinamaan nito. Habang nasa ere pa ang dagger, ginamit ni Gerald ang kanyang isip para utusan ang Dawnbreaker na bumalik sa kanyang kamay. Pagkatapos nito ay naisip si Gerald sa kanyang sarili, 'Malakas ang mga atake ng Dawnbreaker... Masasabi ko na kasing lakas ito ng isang great master! Isa lamang akong semi-great master, pero sa malamang ay makakayanan kong makalaban kay Christopher dahil alam ko na ngayon kung paano gamitin ng tama ang maikling dagger!' Sa loob ng buong linggo, sinanay rin ni Gerald ang kanyang sarili na matutunan ang tatlong iba pang mga techniques. Gayunpaman, hindi siya nag-abalang sanayin ang sar
Pagkasabi niya ito, tatalikod na sana si Gerald at aalis nang bigla niyang narinig ang sinabi ng isa sa mga babae, “Aray! Ang paa ko!” Lumingon siya at nakita niya ang na kasalukuyang nakahawak sa ankle ang babaeng sumigaw. Malamang ay nasaktan siya noong nagpumilit siyang palayain ang kanyang sarili kanina. "Okay ka lang?" sabay na tinanong ni Gerald at ng isa pang babae habang naka-squat silang dalawa. Nabigla silang dalawa dahil pareho ang kanilang reaksyon habang ang babaeng nasaktan naman ay biglang sumagot, "Masakit ang ankle ko... Parang hindi ako makakalakad!" "Hmm... Susuportahan na lang kita!" sabi ng karismatikong babae na nakasalamin. Kahit na tinutulungan siya ng kanyang kaibigan, masyadong masakit ang binti ng babae para makalakad siya nang higit sa ilang hakbang. Pinanood ni Gerald ang dalawa na huminto ng ilang beses para magpahinga at sinabi na lang niya, “...Matatagalan kayo kung gagawin niyo pa ito... Patingin nga ako!” "Sige! Pero... Hindi ba mas mabut
"Iniligtas kami ng lalaking ito, Mr. Lockhart!" sabi ni Giya habang dahan-dahan siyang bumaba mula sa likuran ni Gerald. “Paulit-ulit kong sinabi sayo na huwag mo akong tawagin ng ganyan, Giya... Tawagin mo na lang akong Wynn... Parang weird kasi na tawagin mo akong Mr. Lockhart!” sagot ni Wynn. Hindi sumagot si Giya sa kanya at pagkatapos ay lumingon na lang siya kay Gerald bago niya sinabing, “…Anyway, hindi pa namin alam ang pangalan mo… ano nga pala ito?” Naramdaman ni Giya na parang pamilyang ang lalaking ito sa unang pagkakataon na nagkita sila. Hindi rin niya masabi kung bakit ganito ang nararamdaman niya. Parang malapit siya sa kanya kahit na ngayon lang sila nagkita. Matagal na panahon na mula nang huli niyang naramdaman ang ganoong pakiramadam sa sinumang lalaki. Kung magiging eksakto lang siya sa kanyang mga salita, ang pakiramdam na ito ang katulad ng pakikipagkita niya muli sa isang matagal nang nawawalang kamag-anak. "Oo nga, hindi pa namin alam ang pangalan mo!