Sumagot naman si Arianne, “Ayoko, hindi pa rin ako kuntento. May mga bagay na pwede tayong kalimutan, pero may ilang bagay na hindi mo pwedeng kalimutan. Ayaw kitang kausapin hangga’t hindi mo ito nalulutas. Ayaw rin kitang makita. Hindi ba sabi mo okay ka lang kahit ano pa ang mangyari sa akin? Kaya mo naman alagaan ang sanggol. Bakit? Hindi mo na siya kaya pagkatapos mo siyang alagaan ng isang araw? Inalagaan ko ang sanggol araw-araw pagkatapos kong manganak. Sobra ka bang miserable ngayon? Ilang buwan ko na itong nararanasan."Mukhang nagalit si Mark kaya umiling siya, “Anong inirereklamo mo? Ikaw ang may gusto ng anak!" Pinagsisihan niya ang kanyang mga sinabi nang lumabas ang mga iyon sa kanyang bibig.Hindi naman nagalit si Arianne. Sa katunayan, ang kanyang katahimikan ay masyadong nakakatakot. “Ang sinasabi mo ba ay dapat lang akong maging miserable dahil ginusto kong magkaroon ng anak? Sinasabi mo bang wala akong karapatang ituloy ang buhay na gusto ko dahil lang doon? Ako a
Medyo nawala ang sama ng loob niya nang humingi ng tawad si Mark dahil nagwala siya sa pagkikita nila ni Alejandro. Gayunpaman, imposibleng mawala kaagad ang galit niya. Naalala pa niya ang mga masasakit na sinabi nito sa kanya. Pinilit niyang ipanganak ang bata? Paano niya nasasabi ang mga ganoong bagay?“Gusto kong matulog,” sabi ni Arianne, “Samahan mo muna si Smore. Dito ako matutulog ngayong gabi."Tinitigan siya ni Mark habang nakahandusay siya sa kama at hindi siya gumagalaw kahit isang pulgada. Magulo ang buhok niya at nakalawit ang kanyang isang braso sa gilid ng kama. Napakabuti ng kanyang itsura. Pagkatapos nito ay tinapik-tapik niya ang katawan ni Arianne. “Huwag na huwag mo ulit kami pababayaan ni Smore. Hindi ko siya kakayanin kung wala ka. Magpahinga ka na. Mananatili ako kasama si Smore. Malapit na siyang magising."Walang lakas si Arianne na sagutin siya. Iwinagayway niya kanyang kamay bilang pahiwatig ng kanyang pagsang-ayon. Naligo siya at hindi nagtagal ay nakat
Nanatiling kalmado si Alejandro. "Salamat." Pagkatapos nito ay agad niyang binaba ang tawag.Nakaupo siya sa tabi ng mga French windows sa kanyang kwarto habang nakatingin sa fountain sculpture na nasa garden ng Smith Estate. Maya-maya pa ay pinadala niya kay Tiffany ang address niya. Ayaw niyang magpakasal at wala siyang pakialam dito. Ang tanging bagay na gusto niyang gawin ay hilahin si Tiffany sa kanyang pagkakayakap at hindi na niya muli itong pakakawalan. Sa kasamaang palad, hindi makukuha ng kanyang puso ang kanyang inaasam kahit pa gumamit siya ng iba’t ibang personalidad.Bigla siyang nakarinig ng tunog ng pagbukas ng pinto mula sa likuran niya. Inikot niya ang kanyang wheelchair at tumingin sa pintuan. Nakita niya na nandoon si Melanie Lark, ang anak ng pamilyang Lark, at pumasok ito sa kanyang kwarto kasama ang butler ng pamilyang Smith. Naaawa siya kay Alejandro dahil isa siyang paralisado. Itinaas niya ang kanyang ulo habang nakatingin sa kanya ng may pag-aalinlangan at
Nanatiling kalmado si Alejandro. "Salamat." Pagkatapos nito ay agad niyang binaba ang tawag.Nakaupo siya sa tabi ng mga French windows sa kanyang kwarto habang nakatingin sa fountain sculpture na nasa garden ng Smith Estate. Maya-maya pa ay pinadala niya kay Tiffany ang address niya. Ayaw niyang magpakasal at wala siyang pakialam dito. Ang tanging bagay na gusto niyang gawin ay hilahin si Tiffany sa kanyang pagkakayakap at hindi na niya muli itong pakakawalan. Sa kasamaang palad, hindi makukuha ng kanyang puso ang kanyang inaasam kahit pa gumamit siya ng iba’t ibang personalidad.Bigla siyang nakarinig ng tunog ng pagbukas ng pinto mula sa likuran niya. Inikot niya ang kanyang wheelchair at tumingin sa pintuan. Nakita niya na nandoon si Melanie Lark, ang anak ng pamilyang Lark, at pumasok ito sa kanyang kwarto kasama ang butler ng pamilyang Smith. Naaawa siya kay Alejandro dahil isa siyang paralisado. Itinaas niya ang kanyang ulo habang nakatingin sa kanya ng may pag-aalinlangan at
Naglakad siya palapit sa kanya at nanatiling tahimik. Pagkatapos nito ay yumuko siya at hinawakan ang baba nito sa pagitan ng kanyang mga daliri. “Ikakasal naman na tayo, kaya dapat walang sikreto sa pagitan natin. Nagpapanggap lang ako. Itatago mo ba ang sikreto ko para sa akin? Huwag mo itong sabihin kahit kanino... okay?"Hinawakan ni Melanie ang duvet sa ilalim niya, naligaw siya sa napakalalim na mga mata ni Alejandro at hindi na siya makatakas. Nakasimangot siyang tumango sa harapan ng lalaki. "Sige…"Nagdikit ang kanilang mga labi sa sumunod na segundo. Si Melanie ang nag-iisang anak na babae sa kanyang pamilya. Siya ay may dalawang kapatid na lalaki at noon pa man ay ito na ang kanyang kapalaran. Ang pamilyang Lark ang pangalawa sa pinakamayamang pamilya sa Ayashe. Siya ay nakatakdang magpakasal sa isang miyembro ng pamilyang Smith. Siya ay pinagbawalan na makipag-ugnayan sa mga miyembro ng opposite sex mula pa sa murang edad. Samakatuwid, wala siyang alam pagdating sa pag-ib
Desidido si Melanie. "Paniguradong hindi ako magkakamali. Masaya ako na makasama siya. Mag-stay ako mamayang gabi at uuwi ako bukas para maghanda sa kasal. Mama, umuwi ka na kasama si papa at ang iba pa mamaya. Huwag kang mag-alala sa akin. Kailangan kong pangalagaan ang relasyon ko kay Alejandro."Tumango si Mrs. Lark nang marinig niya ang sinabi ng kanyang anak. “Sige. Tandaan mo na huwag mong ibigay ang lahat mo kay Alejandro. Isa kang Lark. Kailangan mong manatiling alerto at maging maingat sa lahat ng oras. Kung maghiwalay man kayo, pwede kang bumalik sa amin."Ayaw ni Melanie na marinig ang mga ganitong klaseng salita. Naramdaman niya na tinuturing lamang itong business transaction. Mukhang nakalimutan na niya ang nasa isip niya kanina kaya napakunot siya. "Alam ko... Huwag ka nang magsalita."...Sa Tremont Estate.Nakita ni Mark ang balita tungkol sa pamilyang Smith habang nakatingin siya sa kanyang cellphone. Lumapit si Arianne sa kanya habang buhat niya si Aristotle. “I
Galit na galit si Tiffany kanina, ngunit bigla siyang natahimik ngayon.Hindi inasahan ni Jackson na tatawagan siya ni Lynn dahil ito ay mula sa isang anonymous number. Pagkatapos nito ay malamig siyang sumagot, "May ginagawa ako ngayon.” bigla niyang ibinaba ang tawag.Napangiti si Tiffany at nagtanong, “Hindi ba sinabi mo na tumigil ka na pakikipag-usap sa mga babae mo pagkatapos mong makipaghiwalay sa kanila? Ganyan ba ang ibig sabihin mo doon? Mukhang kinakain mo ang mga salita mo. Masarap ba ito sa pakiramdam? Tinawag ka pa niyang Jack. Sobrang lapit niyo naman sa bawat isa! Kahit ako hindi ganyan ang trato ko sayo."Hindi na alam ni Jackson ang gagawin niya. “Wag mo itong bigyan ng malisya, okay? Hindi ko siya kinontak at siya ang biglang tumawag sa akin. Hindi ba ako tumanggi na makipagkita sa kanya? Huwag na nating pag-usapan ang mga nakakainis na bagay. Pagkatapos mong ipadala kay Alejandro ang regalo sa kasal, ayoko nang magkaroon pa kayo ng kahit anong interaksyon. Hindi
Napaawang ang labi ni Jackson at hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Naiintindihan na niya ngayon kung ano ang sinusubukang sabihin Tiffany nang sabihin niyang hindi siya makakakuha ng kapayapaan kung nalaman ito ng ibang tao.Narinig ni Tiffany ang sinabi ni Summer. Nakita niyang hindi sumagot si Jackson, kya itinaas niya ang kanyang paa para sipain ang gilid ng kanyang baywang para senyasan siya na sumagot kaagad. Nagdadalawang isip siyang lumipat sa West family residence at manatili doon hanggang sa maipanganak niya ang sanggol. Malaki na ang kanyang tiyan kapag nangyari iyon. Bukod pa dito, ayaw niyang isuko ang kanyang trabaho at gusto niya itong ipagpatuloy.Nag-isip ng sandali si Jackson at sinabing, “Ma, hindi mo na kailangang gawin iyan. Aalagaan kong mabuti si Tiffie. Gusto ko lang sabihin sayo na buntis siya. Kailangan ko rin ang tulong mo sa pagplano ng wedding dahil wala na akong sapat na oras para doon. Bukod pa dito, gusto niyang ipagpatuloy ang kanyang trabaho at p