Sinubukan ni Arianne na agawin ang pendant mula kay Smore, ngunit ang kamay ng sanggol ay kasing tigas ng lobster's claw at ayaw niya itong bitawan kahit anong pilit niyang buksan ito. Dahil sa takot na masaktan siya, sumuko si Arianne at hinayaan na lang ito. “Sige. Hindi ko ito makukuha hangga't hindi siya nagsasawa dito. Oh, oo nga pala... Uh, kamusta si Aery?"Kung mapagpipilian, mas gugustuhin ni Arianne na hindi na banggitin si Aery, pero wala na siyang maisip na topic na pwede nilang pag-usapan. Hindi naman sila pwedeng mag-staring contest, hindi ba?Hindi inasahan ni Helen na babanggitin niya si Aery. Sumagot siya pagkatapos niyang mabigla, “Nag-aaral siya abroad. Medyo guminhawa ang loob ko na maayos na ang kanyang kalagayan. Nahanapan ko siya ng isang host family kung saan siya makakakuha ng malapit na koneksyon para masubaybayan ko ang bawat galaw niya mula dito. Hangga’t kaya niyang ayusin ang kanyang buhay, hindi naman pwedeng sumuko ang ina sa kanyang anak, hindi ba? Sy
Kumibot ang gilid ng labi ni Mark ngunit ang kanyang mga mata ay mabagsik. Ang ngiti ay nagsisilbi lamang bilang isang maskara."Sinasabi mo ba na maghanap ako ng parehong lupa?" sabi niya. "Ang sinumang may functional na utak ay makakapag-isip ng 'solusyon' na kasing simple ng sinabi mo! Isinagawa ko ang meeting na dahil gusto ko ng results at developments. Pero binato mo sa akin ang suggestion na ito… na parang humihingi ka ng pahintulot sa akin. Seryoso ka ba? Hindi mo ba kayang magkaroon ng tamang pag-iisip para gawin ito ng sarili mo?! Ang gagaling talaga. Mukhang malapit nang masira ang kumpanya ko kung ganyan kayong lahat!"Mabilis namang inimpake ng young executive member ang kanyang document folder na para bang lalabas na siya ng kwarto. “Tama, tama! Gagawin ko kaagad ito, Sir! Nangangako ako na magbibigay ako ng magandang solusyon sa susunod!"Minasahe ni Mark ang kanyang noo. "Jusko naman. Pwede bang magtrabaho na lang ang mga matatanda kapag nakahanap na kayo ng solusyon
Umiling si Jett. “Bah, wag kang mag-alala. Magandang lugar pa rin ito para tuluyan. Kita mo? Mayroon itong dalawang kwarto at iba pa. Isa para sa ating dalawa. Baka pumunta pa ako dito kapag may libreng oras ako,” sabi ni Jett. “Hindi mo naman kailangang maghanap ng trabaho. Sapat na para sa ating dalawa ang trabaho ko, at least bago lumabas ang batang iyon. Pero para sa ibang pagkakataon ang katanungan na iyan. Walang tayo pero sa akin pa rin ang bata, kaya huwag masyadong mag-alala at sundin ang mga sasabihin ko. Kung iisipin natin na hindi magiging tayo, magagawa natin ng maayos ang husband and wife thing na ito.”Isang kirot ang bumalot sa dibdib ni Tanya na para bang gumuho at bumagsak ang isang pader na sumasara sa kanyang puso. Sa unang pagkakataon, inisip niya ng mabuti si Jett... at nalaman niyang nabawasan ang naramdaman niya para kay Jackson.Inaasam niya na totoo ang relasyon nila ni Jett. Gusto niyang magkaroon ng sariling pamilya, ngunit malayo sa katotohanan ang lahat
Inilagay ni Jett ang card sa kanyang bulsa at nag-alangan. "Kung gagawa tayo ng masyadong maraming moves, maghihinala na si Master Don dito."Napangiti si Alejandro nang marinig niya ito. "Aww, bakit niya kailangang maghinala? Naghihinala ba siya na hindi talaga ako ang mahal niyang apo na si Alejandro Smith? Ito ba ang hinala ni Master Don na tinutukoy mo? Ano ang mangyayari kung sabihin ko sayo na hindi ako si Alejandro?"Lalong yumuko si Jett habang ang kanyang boses ay naging monotonous. “Para sa akin, si Mr. Smith ay palaging magiging si Mr. Smith. Wala nang ibang posibilidad maliban dito, kahit pa gumagawa ka ng maraming mga kahina-hinalang bagay.”Mukhang mabuti ang mood ni Alejandro. “Ito ang dahilan kung bakit gusto kita at gusto kong manatili ka sa tabi ko. Alam mo... hindi masyadong matalino si Tanya, pero maganda siya. Pag-isipan mo kung gusto mong magtagal kayo.""Ang isang taong tulad ko ay hindi kailanman magkakaroon ng isang ligtas na buhay," kalmadong sinabi ni Jet
Naninikip ang puso at nanginig ang katawan niya sa takot."Kahit anong gawin mo, ‘wag kang uuwi. Magtago ka at huwag ipaalam sa kanila na nandoon ka. Ipadala mo sa akin ang address mo at pupunta ako diyan na may mga reinforcement!" Nanginginig na sumagot si Arianne. Agad siyang pumasok sa kwarto pagkatapos ng tawag. Nakahubad si Mark habang nasa loob siya ng bathtub at ngumiti siya nang makita niya si Arianne. “Anong ginagawa mo? Okay lang sa akin na mag-s*x tayo dito kung gusto mo…”Wala nang nararamdaman na kahihiyan si Arianne sa puntong ito. “Hindi yun. May nangyari kay Harvey. Pumunta ang mga kidnapper sa hotel na tinutuluyan niya. Baka may mangyaring masama sa kanya at kailangan mong sumama sa akin para dalhin ang mga reinforcements mo. Natatakot ako na baka may masamang mangyari sa kanya! Hindi ba sinusubukan natin alamin kung si Ethan ang nasa likod ng lahat ng ito? Bilisan mo at lumabas ka sa bathtub!"Napawi ang ngiti ni Mark. Sumimangot siya at nag-aatubili na lumabas ng
Dismayado si Arianne nang marinig niya ito. Inaasahan niya na makikita niya kung sino ang mga kidnapper para makahanap siya ng mga clues tungkol kay Ethan. Ngunit sa kasamaang palad, huli na ang lahat.Dinala nila ang lahat sa itaas at nakita nilang nakabukas ang pinto ng kwarto nina Zoey at Mr. Harris. Magulo ang lahat sa loob. Kinakalkula ng lady boss ng hotel ang kanilang bayarin at pinapagalitan sila habang humihingi siya ng kabayaran para sa mga pinsala. Gulat pa rin ang mag-asawa kaya hindi sila makasagot. Tinanggap lang nila ang pambabatikos ng lady boss. Maayos naman ang kalagayan ni Zoey, pero ang kanyang asawa ay hindi dahil siya ay kasalukuyang bugbog sarado.Lumapit si Arianne at pinigilan ang lady boss. "Tama na yan. Ako na ang sasagot ng bayarin. Henry, sumama ka sa kanya sa baba at at i-calculate ang losses. Bayaran mo siya kung ano ang halaga na dapat niyang bayaran."Nakita ng lady boss ang dami ng mga tao na dinala ni Arianne at natakot siya. Sa halip, sumunod lama
Nawala ang ngiti ni Brian. "Opo, sir. May dahilan kung bakit hindi ako nagka-girlfriend. Wala akong oras para sa ganoong bagay dahil sa trabaho ko…”"Gusto mo ba ng mahabang bakasyon?" tanong ni Mark ng malambing ang kanyang boses. "O baka gusto mong mag-retire in twenty to thirty years?"Umiling si Brian. “No no no, masaya ako na pagsilbihan ka. Kaya pa kitang ipag-drive ng ten years kahit after ng retirement ko kung kakayanin ko."…Kasalukuyan sa West residence.Si Summer ay nanatili sa kanyang kama mula nang masakal si Tanya at madalas siyang nilalagnat. Sinabi ng doktor na ito ay resulta ng schock at magiging maayos ang kanyang kalagayan pagkatapos niyang magkaroon ng magandang pahinga.Si Jackson ay madalas na bumisita sa West family residence dahil dito, karamihan dahil sa guilt at dahil naawa siya sa kanyang nanay. Medyo nagbago ang kanyang impresyon kay Atticus matapos makita ang pangangalaga at pagmamalasakit na ibinigay niya kay Summer. Hindi niya pa rin ito binabati p
Wala pang kalahating buwan ang lumipas, ang lagay ng panahon sa Capital ay masyadong mainit. Napakainit kaya gusto lang ng mga tao na manatili sa loob ng bahay. Walang sinuman ang gustong gumalaw.Malapit nang magkasakit sina Arianne at Aristotle dahil sa humidity. Napakababa ng resistensya ni Aristotle dahil sa init at natakot si Arianne na baka ma-heatstroke siya kapag inilabas siya ng bahay. Bihira niya itong dinala sa garden nitong mga nakaraang araw at naglalakad lamang siya sa lugar na iyon sa paglubog ng araw. Gaano man kalaki ang Tremont Estate, para bang mas maliit ito sa ganitong panahon. Medyo boring na manatili sa loob ng bahay buong araw.Kamakailan lamang, naging abala si Mark na halos hindi na nila ito nakikita. Umalis na siya bago pa man magising si Arianne at nakakauwi siya kapag tulog na sila sa gabi. Iniisip tuloy ni Arianne kung makakalimutan na ni Aristotle ang kanyang daddy kung magpapatuloy ito. Nanatili sila sa isang bahay pero hindi sila nagkikita. Hindi masy