Ang sikat ng araw ay sumikat sa mga dingding ng hotel at ito ang nagsilbing liwanag ng lahat. Unti-unting tumataas ang temperatura dahil sa tag-araw ngayon, ngunit nawala ang init na iyon pagdating nila sa madilim na lobby.Bumahing si Aristotle nang pumasok sila sa elevator at nilapit siya ni Arianne sa katawan niya. “Medyo malamig sa hotel na ito.”Nag-react agad si Mark. “Sa atin ang hotel na ito. Sasabihin ko sa kanila na ayusin ang temperature."‘Sa atin ito?’ Nagulat si Arianne. Masyadong prestigious ang itsura ng hotel na ito at masasabi niya na ito ay isang five star hotel... Nagkaroon ng maraming business ventures ang pamilyang Tremont at sa pangkalahatan ay sakop nila ang bawat industriya. Kailangan niyang masanay dito.Tumigil siya sa paglalakad nang makalabas sila ng elevator. “Totoo bang bumalik na si Ethan? Sinubukan mo siyang patayin kaya paniguradong hindi niya tayo tatantanan. Kailan ito matatapos? Iba na ang sitwasyon natin ngayon dahil may anak na tayo. Ayokong m
‘Di naman importante yun.”Nawala ang pagiging tense ni Mark nang marinig niya ang mga salita ni Arianne. Ang kailangan niya lang naman ay ang mapatawad siya ng kanyang asawa. Wala nang ibang mas mahalaga pa. Ang gusto niya lang ay ang opinyon nito at sapat nang marinig ang mga salitang iyon mula sa kanya."Hindi naman sa wala kaming konsensya," pabulong na sinabi ni Zoey. “Sinabi lang kasi ng kidnapper na... namatay ang lola mo pagkatapos siyang dalawin ni Mark at sinabi niya na siya ang may pakana nito. Kahit ako ay nagtataka dahil pneumonia lamang iyon at hindi dapat iyon ang magiging dahilan ng kanyang kamatayan. At saka, nagkataon lang... Bakit namatay si lola noong nandoon siya... pero wala akong sinusubukang sabihin. Kung tutuusin, hindi ako sigurado kung ano ang eksaktong nangyari. Inaamin ko na ang tanga kong asawa ang dahilan kung bakit nagkasakit si lola. Noon pa man ay gusto ko na siyang hiwalayan, pero hindi ko ito magawa... May nanguha sa anak ko kaya wala akong choice.
Maingat na tinitigan ng asawa ni Zoey si Mark at naglakas ng loob siyang magsalita, “Opinyon ko lang ito, pero hindi ba dapat may bahagi ang tita mo sa Wynn Mansion? Hindi ba parang hindi tama sa inyo na kunin ang lahat ng ito? At saka, nasa iyo na ang lahat ng gusto mo. Maaari kang magkaroon ng kalahati ng kapital sa isang pitik ng iyong kamay. Iba ito para sa amin, dahil kami ay mahirap. Dala rin ng tita mo ang apelyiding Wynn. Hindi ka dapat maging masyadong malupit."Alam niyang mangyayari ito. Binuhat ni Arianne si Aristotle at umupo sa couch. Kinusot niya ang kanyang magagandang mata at kalmadong tinitigan ang pamilya sa kanyang harapan. "Tama ka, nasa akin na ang lahat ng kailangan ko. Pero ang Wynn Mansion ay espesyal. Ito ay priceless para sa akin. Totoo na dala ni tita ang pamilyang Wynn, pero iniwan sa akin ni lola ang mansyon. Bakit ko ito ibabahagi sayo? Pero... bakit hindi mo tanungin ang lola para makuha mo ang approval niya?"Namula ang mukha ni Zoey sa takot nang mar
Lalong nagalit si Mr. Harris. "Bakit? Kami ang nag-aalaga ng matanda mula pa noon. Pero may binigay ba siya sa amin? Nakita mo ba ang pagmumukha ni Arianne? Itinakwil niya kami bilang mga kamag-anak dahil lang sa mahirap kami. Ang pamilyang Tremont ay may higit sa sapat na pera, pero hinahabol pa rin niyo si Wynn Mansion. Sino ang nakakaalam kung ano ang iniisip niya? Babae siya at may asawa na siya. Kaya sa palagay ko ay kailangan nating baguhin ang pangalan ng Wynn Mansion sa susunod. Dapat kay Harvey ang mansion na iyon. Ibinigay ang Wynn mansion sa pumatay sa kanyang tatay. Magandang idea ito!"Lalong nainis si Harvey sa kanyang mga magulang nang marinig niya ang lahat ng ito. “Hindi ka ba titigil sa pagsasalita? Lahat ng nasa pamilyang Wynn ay pagmamay-ari pa rin dapat niya. Isantabi na natin ang katotohanang inalagaan natin si lola ng ilang taon. Kung tama ang pagkakaalala ko, nakakuha ka ng maraming pera kay bayaw, tama ba? May nakuha kang ilang daang libo? Wala kaming nakuha n
Hindi nag-iisa si Henry nang pumasok siya sa bahay dahil makikita na nasa likuran niya si Helen. Hindi planado ni Helen ang surprise appearance na ito dahil nakasalubong niya lang si Henry sa may gate.Lumapit si Arianne para salubungin siya habang hawak niya si Aristotle. "Anak ko, kamustahin mo si lola."Makikita ang puno ng pagmamahal na tingin ni Helen kay Smore, ngunit hindi niya binanggit ang pagnanais na yakapin o hawakan ang sanggol dahil natatakot siya na hindi ito magustuhan ni Arianne. “Ang gwapo naman ni baby! Kamukha mo siya pero yung mga ekspresyon niya ay tulad ni Mark."Napangiti si Arianne. “Maupo ka. Ngayon ka lang nagkaroon ng free time?"Umupo si Helen sa sopa sa sala at nagpasalamat siya kay Mary nang bigyan siya nito ng isang basong tubig. "Nagkataon lang dahil may inaasikaso akong errand dito. Saka ko naalala na baka nasa bahay ka ngayon, kaya naisipan kong bumisita.”"Inaasikaso? "Imposible na nagkataong ‘dumaan’ lang siya sa Tremont Estate dahil ang lokasy
Sinubukan ni Arianne na agawin ang pendant mula kay Smore, ngunit ang kamay ng sanggol ay kasing tigas ng lobster's claw at ayaw niya itong bitawan kahit anong pilit niyang buksan ito. Dahil sa takot na masaktan siya, sumuko si Arianne at hinayaan na lang ito. “Sige. Hindi ko ito makukuha hangga't hindi siya nagsasawa dito. Oh, oo nga pala... Uh, kamusta si Aery?"Kung mapagpipilian, mas gugustuhin ni Arianne na hindi na banggitin si Aery, pero wala na siyang maisip na topic na pwede nilang pag-usapan. Hindi naman sila pwedeng mag-staring contest, hindi ba?Hindi inasahan ni Helen na babanggitin niya si Aery. Sumagot siya pagkatapos niyang mabigla, “Nag-aaral siya abroad. Medyo guminhawa ang loob ko na maayos na ang kanyang kalagayan. Nahanapan ko siya ng isang host family kung saan siya makakakuha ng malapit na koneksyon para masubaybayan ko ang bawat galaw niya mula dito. Hangga’t kaya niyang ayusin ang kanyang buhay, hindi naman pwedeng sumuko ang ina sa kanyang anak, hindi ba? Sy
Kumibot ang gilid ng labi ni Mark ngunit ang kanyang mga mata ay mabagsik. Ang ngiti ay nagsisilbi lamang bilang isang maskara."Sinasabi mo ba na maghanap ako ng parehong lupa?" sabi niya. "Ang sinumang may functional na utak ay makakapag-isip ng 'solusyon' na kasing simple ng sinabi mo! Isinagawa ko ang meeting na dahil gusto ko ng results at developments. Pero binato mo sa akin ang suggestion na ito… na parang humihingi ka ng pahintulot sa akin. Seryoso ka ba? Hindi mo ba kayang magkaroon ng tamang pag-iisip para gawin ito ng sarili mo?! Ang gagaling talaga. Mukhang malapit nang masira ang kumpanya ko kung ganyan kayong lahat!"Mabilis namang inimpake ng young executive member ang kanyang document folder na para bang lalabas na siya ng kwarto. “Tama, tama! Gagawin ko kaagad ito, Sir! Nangangako ako na magbibigay ako ng magandang solusyon sa susunod!"Minasahe ni Mark ang kanyang noo. "Jusko naman. Pwede bang magtrabaho na lang ang mga matatanda kapag nakahanap na kayo ng solusyon
Umiling si Jett. “Bah, wag kang mag-alala. Magandang lugar pa rin ito para tuluyan. Kita mo? Mayroon itong dalawang kwarto at iba pa. Isa para sa ating dalawa. Baka pumunta pa ako dito kapag may libreng oras ako,” sabi ni Jett. “Hindi mo naman kailangang maghanap ng trabaho. Sapat na para sa ating dalawa ang trabaho ko, at least bago lumabas ang batang iyon. Pero para sa ibang pagkakataon ang katanungan na iyan. Walang tayo pero sa akin pa rin ang bata, kaya huwag masyadong mag-alala at sundin ang mga sasabihin ko. Kung iisipin natin na hindi magiging tayo, magagawa natin ng maayos ang husband and wife thing na ito.”Isang kirot ang bumalot sa dibdib ni Tanya na para bang gumuho at bumagsak ang isang pader na sumasara sa kanyang puso. Sa unang pagkakataon, inisip niya ng mabuti si Jett... at nalaman niyang nabawasan ang naramdaman niya para kay Jackson.Inaasam niya na totoo ang relasyon nila ni Jett. Gusto niyang magkaroon ng sariling pamilya, ngunit malayo sa katotohanan ang lahat