Pinilit ni Tanya ang sarili niya at hinampas ng pamalo ang balikat ni Jett. “Galos lang ba ang kaya mo?” sabi ni Jett. “Sa tingin mo ba madali lang makipaglaban kay Jackson? Sirain mo ang mga buto ko. Hindi kita ililigtas ng wala akong galos sa katawan! Gawin mo na ngayon din!"Alam ni Tanya na mamamatay si Jett kapag hindi nila ito naitago ng maayos. Ang mga baling buto ay walang kwenta kung ikukumpara ito sa kamatayan. Nilakasan ni Tanya ang loob niya at buong lakas niyang sinampal si Jett. Sinadya niyang iwasan ang kanyang ulo. “Pwede na ba ‘yan? Masakit ba?" sabi ni Tanya habang nakahawak siya sa kanyang masakit na abdomen.Hindi sumagot sa kanya si Jett. Hinawakan niya ang maliit na alkansya sa bedside table niya at binasag ito sa kanyang ulo hanggang sa nagkapira-piraso ang porselana. Agad na dumugo ang noo ni Jett. Nanlaki ang mata ni Tanya sa gulat at tinakpan niya ang kanyang bibig nang makita niya ito.“Umalis ka na!”Nanginginig si Tanya sa malakas na sigaw ni Jett. Naka
Hindi siya pinigilan ni Jackson dahil nasa kanya na ngayon ang hustisya. Hindi mahalaga kung saan pupunta si Tanya. Tinanong lang niya ito kung may nagpilit sa kanya na gawin ito dahil pakiramdam niya ay mahirap para sa kanya na gawin ito ng kanyang sarili. Dahil tumanggi siyang ibunyag kung sino ang ama, ayaw na niya itong tanungin pa. Biglang gumaan ang pakiramdam niya matapos itong marinig...Masyadong natatakot si Tanya na umuwi. Nagtagal siya sa labas bago gumawa ng desisyon at ang kanyang gagawin ay kusang loob na puntahan si Alejandro. Alam niyang hindi sila mabubuhay ni Jett kung hindi niya ito haharapin. Kaya naman hindi niya inilantad si Alejandro kay Jackson. Kinailangan niyang iwanan ang sarili sa isang lose thread para mabuhay, kung hindi ay kamatayan lamang ang maghihintay sa kanya.Nanginginig ang mga kamay niya habang tinatawagan niya si Alejandro. Ang malamig at malademonyong boses nito ang sumagot sa kanya. “Heh, nakakagulat naman. Kusang loob mo akong tinawagan."
Nanlaki ang mata ni Tanya dahil nagulat siya sa kanyang nakita. Hindi ba’t paralisado si Alejandro? Peke lang pala ang lahat!Ang matangkad na katawan ni Alejandro ay nagbigay ng kadiliman sa buong kwarto. Naglakad siya papunta kay Jett at nag-squat. “Nakikita mo yun? Isang mahinang babae ang lumapit sa akin para sayo. Anong pakiramdam mo? Hindi kaya meron na kayong nararamdaman sa bawat isa? Tatlong beses mo itong ginawa. Halos tatlong taon rin bago ako nahulog kay Tiffany.”Bumuntong-hininga si Jett at maamoy ang kanyang mga dugo. "Nagkamali ako... Sir..."Tinapik ni Alejandro ang mukha ni Jett na may bahid ng dugo. “Mabuting magsisi ka kapag na-realize mo ang iyong mga pagkakamali. Huwag kang mag-alala. Itinanim ka ng matanda sa akin para maging mata niya. Mahihirapan ako kung papatayin kita. Hindi niya hahayaang wala siyang mga mata sa akin. Isa itong leksyon para sayo na paniguradong hindi mo malilimutan. Magsalita ka, ano ang kailangan mo sa akin? Bakit ako maniniwala na wala
Hindi naniniwala si Arianne na masaya si Tiffany. “Hindi ba may nagsabi na gusto niyang makipag-ayos kay Jackson? Hindi lang naman ito natuloy pagkatapos ng ginawa ni Tanya. Nalaman mo na ang totoo ngayon, kaya bakit hindi mo sinasamantala ang pagkakataon na ito? Hihintayin mo ba na may ibang babae na sasabit na naman sa kanya? Mayroon na akong anak, pero wala ka pa rin na kahit ano. Umaasa ako na bibilisan mo at magkaroon na kayo ng anak ni Jackson para maging in-laws na tayo.”Ngumiti si Tiffany at sumagot, “Tumigil ka nga. Kayong mga Tremont ay napaka-influential. Gusto mo bang mag-social climb ako? Walang guarantee dito. Sabihin mo sa iyong anak na kailangan niyang maghintay! Nagmamadali ako at kailangan ko pang pumasok. Mas rational na ako ngayon. Kailan ko pa sinabi sayo na gusto kong makipagbalikan kay Jackson? Kailangan kong maging mas reserved ngayon dahil babae pa rin ako. Okay, ayoko nang patagalin pa ito. Bibigyan ako ng trabaho ngayon ng director. Kailangan kong mag-overt
Ang tunog ng pagtalsik ng tubig sa shower ang gumambala kay Arianne na matulog muli. Inayos niya ang kanyang upo at kinalikot ang phone niya. Mahimbing na natutulog si Aristotle na nasa tabi niya. Ilang beses siyang gumalaw habang natutulog kaya marami siyang nakuha na space sa kama.Lumabas si Mark mula sa shower at nakita siyang nakaupo sa kama. “Anong problema? Hindi ka makatulog?" tanong niya.Tumingin siya sa'kin at nagpatuloy sa paglalaro ng phone niya. “Mm, babalik ulit ako sa kama mamaya. Maaga kaming natulog ni Aristotle kaya hindi ako masyadong pagod ngayon. Mukhang kailangan ko nang pakainin si Smore. Hindi siya makakatulog buong gabi kung matutulog siya ng masyadong maaga. Oo nga pala, anong nangyari kayla Tanya at Jackson? Paano ginawa ni Tanya ang napakasamang bagay? Nabuntis pa siya. Sino ang tatay ng anak niya?"Umiling si Mark. "Hindi ako sigurado kung sino. Tinanong ni Jackson pero hindi sumagot si Tanya. Hindi mahalaga kung kaninong sanggol ito, basta hindi ito an
Sumuko si Arianne habang palapit sila ng palapit sa bawat isa. Ang kanyang anak ay lalaki na balang araw at hindi na magtatagal bago tuluyan nang humiwalay ang kanilang anak sa kanilang kama. Ayaw niyang mawala ang pagkakataong ito kung saan malapit siya kay Aristotle. Kung tumanggi siya, ibabalik siya ni Mark sa nursery room.Sa susunod na umaga.Ginising nina Mark at Aristotle si Arianne. Sinasabihan siya ni Mark na maghanda na para umalis at ang isa naman ay gutom na nakatitig sa kanya, patuloy na nanghihingi ng gatas.Antok na antok pa siya nang pinakain niya ang kanyang anak. Kinuha siya ni Mary pagkatapos niya itong pakainin ng umaga at sa wakas ay ginanahan siyang maligo.Hindi masyadong lasing si Mark kagabi at hindi rin naman siya masyadong pagod, kaya bakit mas pagod siya kaysa kay Mark? Napabuntong-hininga siya nang makita kung gaano kasigla ang itsura ni Mark.Naglagay siya ng light makeup para hindi makita ang kanyang pagkapagod niya. Kababalik lang ng kanyang normal
Ang sikat ng araw ay sumikat sa mga dingding ng hotel at ito ang nagsilbing liwanag ng lahat. Unti-unting tumataas ang temperatura dahil sa tag-araw ngayon, ngunit nawala ang init na iyon pagdating nila sa madilim na lobby.Bumahing si Aristotle nang pumasok sila sa elevator at nilapit siya ni Arianne sa katawan niya. “Medyo malamig sa hotel na ito.”Nag-react agad si Mark. “Sa atin ang hotel na ito. Sasabihin ko sa kanila na ayusin ang temperature."‘Sa atin ito?’ Nagulat si Arianne. Masyadong prestigious ang itsura ng hotel na ito at masasabi niya na ito ay isang five star hotel... Nagkaroon ng maraming business ventures ang pamilyang Tremont at sa pangkalahatan ay sakop nila ang bawat industriya. Kailangan niyang masanay dito.Tumigil siya sa paglalakad nang makalabas sila ng elevator. “Totoo bang bumalik na si Ethan? Sinubukan mo siyang patayin kaya paniguradong hindi niya tayo tatantanan. Kailan ito matatapos? Iba na ang sitwasyon natin ngayon dahil may anak na tayo. Ayokong m
‘Di naman importante yun.”Nawala ang pagiging tense ni Mark nang marinig niya ang mga salita ni Arianne. Ang kailangan niya lang naman ay ang mapatawad siya ng kanyang asawa. Wala nang ibang mas mahalaga pa. Ang gusto niya lang ay ang opinyon nito at sapat nang marinig ang mga salitang iyon mula sa kanya."Hindi naman sa wala kaming konsensya," pabulong na sinabi ni Zoey. “Sinabi lang kasi ng kidnapper na... namatay ang lola mo pagkatapos siyang dalawin ni Mark at sinabi niya na siya ang may pakana nito. Kahit ako ay nagtataka dahil pneumonia lamang iyon at hindi dapat iyon ang magiging dahilan ng kanyang kamatayan. At saka, nagkataon lang... Bakit namatay si lola noong nandoon siya... pero wala akong sinusubukang sabihin. Kung tutuusin, hindi ako sigurado kung ano ang eksaktong nangyari. Inaamin ko na ang tanga kong asawa ang dahilan kung bakit nagkasakit si lola. Noon pa man ay gusto ko na siyang hiwalayan, pero hindi ko ito magawa... May nanguha sa anak ko kaya wala akong choice.