Nanliit ang mga mata ni Arianne at sinuri niya si Mark. Noong nakaraan, sinisigawan siya ng lalaking ito kapag meron siyang inuutos sa kanya ngunit ngayon, bumaliktad na ang kanilang sitwasyon. Bigla niyang naramdaman ang pagnanasa na pahirapan siya, "Oo naman. Tandaan mo na magdagdag ng asin. Ang asin ay mas pinong, ang asukal ay mas magaspang. Huwag kang malito. At saka, kailangan mong hugasan ng maigi ang mga gulay."Kaawa-awa ang itsura ni Mark. "Minsan lang ako nagkakamali." Nakalimutan niya yata na ang mangkok ng noodles na ginawa niya sa condo niya ay isang malaking pagkabigo. Siguro ay mas madali ito dahil pinagdaanan na niya ito. Malaki ang tsansa na maging maayos ang kanyang performance sa pagkakataon na ito.Sa oras na ihain niya ang mga noodles sa mesa, napansin ni Arianne na mabango ang amoy nito ngunit naisip niya na baka nagugutom lang siya kaya mabango ito para sa kanya. Napakasarap din ng lasa.Hindi niya mapigilan ni Mark na magtanong nang makita niyang seryoso s
Kinakabahan si Arianne habang hinahawakan siya ni Mark mula sa kanyang likuran. Sumuko siya para agad siyang makalayo mula sa partikular na posisyon na ito. "Sige."Ngumiti si Mark at pinakawalan ang mga braso niya mula sa paligid ng baywang ni Arianne.Bumalik sila sa kwarto at magkatabi silang nakahiga ngunit tila hindi sila makatulog. Karaniwan na nakakatulog si Arianne kahit kailan niya gusto, gabi man ito o umaga. Hindi siya pagod ngayon habang si Mark naman ay hindi makatulog dahil nasa tabi niya si Arianne."Gusto mo ba ng lalaki o babae?" biglang tinanong ni Mark sa ilalim ng kadiliman."Wala naman itong pinagkaiba," agad na sumagot si Arianne, "Hangga't ligtas na ipinanganak ang bata, wala akong pakialam kung siya ay lalaki o babae. Hindi ako pwedeng mamili dahil siya lang ang nag-iisang anak na kaya kong dalhin sa buhay na ito." Huminto siya ng sandali at pagkatapos ay tinanong, "Ikaw?"Humarap si Mark sa gilid kung saan nakahiga si Arianne at pagkatapos ay maingat niyang
Nabigla si Mary at makikita ang makahulugang ngiti sa kanyang mukha, "Tama ka nga naman. Hindi maikukumpara sa mga pinagdaanan mo ang simpleng pagluluto ni Mr. Tremont sayo. Kumikilos na siya na tulad ng totoong lalaki ngayon. Siya nga pala, sinabihan ka ni Mr. Tremont na umiwas ka muna sa paglalakad sa garden ngayon, dahil malaki ang tsansa na mag-snow. Natatakot siya na baka magkasakit ka. Kailangan mong umiwas sa sakit lalo na't buntis ka, hindi ka pa naman pwedeng uminom ng gamot ngayon. Kumpleto na ang pamilya mo dahil nasayo na si Mr. Tremont at ang maliit na baby sa loob ing tiyan mo, kumpleto na ang iyong pamilya. Matagal na kaming umaasa sa araw na ito."Nanatiling tahimik si Arianne habang nakatingin sa natutuwang mukha ni Mary. Natatakot siyang magsalita at baka masira niya ang pag-asa ni Mary.Mukha lang maayos ang relasyon nila ni Mark sa ibabaw. Ngunit ang distansya sa pagitan nila ay kasing lawak ng Great Rift Valley. Kahit na bumalik man ang dati nilang relasyon, may
Ibinaba ni Arianne ang kanyang ulo at nanatiling tahimik. Hindi siya sang-ayon sa payo ng matandang babae. Hindi niya nararamdaman na swerte siya sa nararamdaman ni Mark para sa kanya, nararamdaman niya na ito ay isang malas sa kanyang buhay. Sinasabi lamang ito ng matandang babae dahil hindi niya alam ang nangyari sa nakaraan. Kung alam niya lang ito, malamang ay hindi niya papayuhan si Arianne na magpatuloy pa sa kanyang relasyon sa lalaking ito. Si Mark ang nasa likod ng kanyang kalungkutan. Paano siya magiging swerte sa lalaking ito?Bigla na lamang umiling ang sasakyan at agad na sumiklab ang galit ng matandang babae, "Hoy, driver, ayusin mo ang maneho mo! Huwag mo kaming patayin sa walang ingat mong pagmamaneho! Anong ginagawa mo? Hindi ka magaling na driver!"Ang isang bodyguard ng pamilyang Tremont ang nasa likod ng gulong. Paulit-ulit siyang humingi ng paumanhin matapos siyang mapagalitan ni Tabitha, "Pasensya ka na, magiging mas maingat ako...""Okay lang ‘yun," maingat na
Si Zoey at ang kanyang asawa ay naging napaka-maasikaso. Ang isa ay mabilis na tinulungan si Tabitha habang ang isa binitbit ang kanyang mga bag. Pinanood ni Zoey ang pag-alis ni Arianne at hindi niya maiwasang magtanong, “Ma, pinapunta ka ba ni Arianne dito? Bakit hindi siya pumasok sa loob at maupo ng saglit? Nagalit ba siya sa atin dahil nakatira tayo sa isang maliit na bahay?”Nakasimangot ang matandang babae habang sinasagot siya, "Oo, ito ay masyadong nakakahiya sa kanya. Ayokong hindi ako pansinin, kahit na mabuti ang hangarin mo. Huwag mo akong ipahiya."Naramdaman ng asawa ni Zoey na parang may mali, "Ma, pamilya tayong lahat at hindi naman pwede na hindi tayo mag-usap. Saan galing ang pinagsasabi mo? Malapit nang mag-bagong taon. Magsisimula kami ng negosyo sa capital, kaya plano naming manatili dito ng pansamantala. Malapit na ang winter vacation ng mga bata, kaya mabubuo na ang pamilya natin dito. Pwede tayong mag-bagong taon sa malaking mansion ni pamangkin.”Sumang-ayo
Galit na galit ang matandang babae na ang kanyang mukha ay naging maputla, "Ilang taon nang patay ang kapatid mo, peor ginagamit mo pa rin siya. Gusto mo ba talagang nanggagamit ng tao para lang humigit ka? Tao ka pa ba? Kung nalaman ko ang tungkol dito, sana pinili ko na lang na magkaroon ng isang anak sa buong buhay ko, kaysa kumuha pa ng walang puso na anak na tulad mo! Sana aso na lang ang pinalaki ko!"Walang nakitang mali si Zoey sa kanyang kilos. Sa kanyang pananaw, siya ang nakaranas ng pinakamaraming kawalan ng katarungan sa buhay niya at dahil dito ay naluha siya, "Sa wakas ay nasabi mo na rin. Hindi mo talaga ako tinuring na tulad ng iyong sariling anak. Kinupkop mo lang ako para may mag-aalaga ng bangkay mo para sayo, hindi ba? Iyon ay isang business deal at hindi ito pag-ibig! Iniisip mo na wala akong puso, na malupit ako. Ngunit ikaw ang pinakamasamang matandang babae sa buong mundo! Inaamin kong aalagaan kita ng buong buhay ko kung walang anak ang kapatid ko, pero mayro
Tumawa ng malakas si Tiffany sa malungkot na balita na ito, aakalain mong nagkaroon siya ng isang seizure. "Oh my god! Grabe na ito! Nawala na pala ang personal agency mo ngayon? C’mon, ikaw nga ang maswerteng nagka-anak diyan eh! Ikaw ang boss ngayon, hindi siya! Pwede mong bugbugin si Mark hanggang sa mamatay siya at hindi pa rin niya masasaktan ang kahit isang buhok sa iyong ulo bilang pagtatanggol sayo, naiintindihan mo ba? Kailangan mong maging rebelde, kailangan mo talaga itong gawin ngayon dahil hindi mo nakuha ang pagkakataong iyon. Hindi mo ba alam na ang isang babae ay nasa makapangyarihan sa panahon ng kanyang pagbubuntis? Kaya oo, maging malupit ka, sis! Kapag ipinanganak ang batang iyon, hindi mo na maibabalik ang kapangyarihang iyon!” paalala niya. "Ngayon, kung ‘pumayag’ siya, sabihin mo agad sa akin at tatawagan ko si Tanya. Kakain tayo ng hotpot na ngayong gabi! Kakain kami ng maanghang at hindi-maanghang na sabaw naman ang kakainin mo. Ibig kong sabihin, narinig ko na
Sa huli, inaprubahan ni Mark ang kahilingan ni Arianne na kumain ng hotpot sa isang restaurant ngunit kailangan niyang isama si Mark. Hindi siya mahilig sa hotpot ngunit sumama siya para bantayan si Arianne.Sa kasamaang palad, kasama pa nila ang isang bodyguard kaya naramdaman ni Arianne na parang may nakapalupot na isang tali sa leeg niya at natural lamang na unti-unting nawala ang excitement niya. Nang makarating sila sa kanilang destinasyon, biglang sumigla si Arianne nang makita niya si Tiffany na sumasalamin sa kanyang ekspresyon dahil tinanggal rin sa kanya ang karapatang malaya na magsaya sapagkat kasama niya rin si Jackson.Sa wakas, kumpleto na ang kanilang grupo dahil dinala rin ni Tanya si Eric, na naghahanap siguro ng isang lugar upang gugulin ang kanyang libreng oras.Mula nang sila ay bumaba, ang kamay ni Mark ay hindi kailanman nawala sa protective position nito sa baywang ni Arianne. Mapapaisip ka na lang kung kaya niyang itago ang babae gamit ang kanyang isang ka