Pagkatapos ng ilang pag-iisip, napagtanto ni Tiffany na imposible para sa kanya na magkaroon siya ng isang lihim na engagement. Kung tutuusin, ang pamilyang West ay isang mayamang pamilya. Buhay pa rin ang mga magulang ni Jackson. Kung ang mga magulang ni Mark ay buhay pa, hindi sila magkakaroon ng tahimik na kasal. Ang mga elite ay nangangailangan ng dignidad. Hindi siya maaaring maging makasarili, "O sige na... Pasensya na. Hindi sumagi sa isip ko iyon. Gawin mo na lang ang gusto mo. Kailangan kong umuwi pagkatapos ng hapunan at kailangan kong bumangon ng maaga para sa trabaho bukas. Hindi ako katulad mo, hindi ko kayang makatulog kahit kailan ko gusto. Sa sobrang abala ko, parte na ng lupa ang mga paa ko. Hay...”Nagdamdam si Jackson, "Napag-usapan na natin ang tungkol living arrangements natin... Mukhang hindi na natin ito pag-uusapan? Stepping stone lang ba ako sayo? Makakapagtrabaho ka pa rin naman kung nakatira ka sa bahay ko. Pwede pa kitang ihatid papunta sa trabaho tuwing um
Bago pa siya mag-shower, nagulat si Arianne nang mapansin niya ang isang ekstrang sipilyo sa tasa na nakapatong sa kanyang lababo. Ginamit na ito ni Mark dati. Pagkatapos ng ilang pag-iisip, nagdesisyon siya na huwag itong itapon. Wala namang problema kung mananatili ito sa kanya. Hindi niya inaamin sa kanyang sarili ang posibilidad na hinayaaan niyang manatili si Mark sa kanyang bahay sa hinaharap. Iyon ang dahilan kung bakit hindi niya ginalaw ang toothbrush...Sinuri niya ang kanyang cellphone nang lumabas siya sa banyo at na meron siyang missed calls sa hindi kilalang number. Maaaring ito ay isang spam call kung isang beses lamang ito tumawag, ngunit tumawag ang number na ito ng pitong beses. Hindi niya ito narinig dahil nasa loob siya ng banyo sa mga oras na iyon.Nagtaka siya sinubukan niya itong tawagan ulit at hindi nagtagal ay sinagot ito. May isang pamilyar na boses ng middle-aged na lalaki ang nagsalita mula sa tatanggap, "Miss Wynn, bakit ang tagal mong sagutin ang tawag
Dahil sa tanong ni Arianne, ang babaeng nasa edad na nag-angkin na siya ay tiyahin ay nagsimulang ibahagi ang kanyang mapait na pighati, “Dumating na tayo sa punto na kailangan nating pag-usapan kung bakit kami bumisita dito. Lumapit ako sayo dahil wala na akong ibang pagpipilian. Siya ang lola mo, okay? Wala na ang tatay mo, kaya kailangan mong magbigay ng suporta. Hindi lang ako ang mag-aalaga sa kanya, di ba? Napaka bata mo pa noon, kaya hindi ka namin pinayagan na buhatin ang pasanin na iyon. Pero ngayon, kasal ka na at sa pamilyang Tremont ka pa kinasal! Hindi ba dapat magkaroon ng bahagi ang lola mo sa lahat ng meron ka ngayon?"Ang lola mo ay nakipag-away sa tatay mo dahil nagalit ito sa kanya sa hindi pagtupad sa kanyang inaasahan. Pinilit niyang pakasalan si Helen Cameran. Ang away niya ay walang kinalaman sa yo. Inalagaan ko siya sa loob ng maraming taon at ang lola mo kamakailan ay nasangkot sa isang maliit na aksidente. Sa kanyang edad, hindi na siya dapat nahihirapan. Hin
Dahil sa tanong ni Arianne, ang babaeng nasa edad na nag-angkin na siya ay tiyahin ay nagsimulang ibahagi ang kanyang mapait na pighati, “Dumating na tayo sa punto na kailangan nating pag-usapan kung bakit kami bumisita dito. Lumapit ako sayo dahil wala na akong ibang pagpipilian. Siya ang lola mo, okay? Wala na ang tatay mo, kaya kailangan mong magbigay ng suporta. Hindi lang ako ang mag-aalaga sa kanya, di ba? Napaka bata mo pa noon, kaya hindi ka namin pinayagan na buhatin ang pasanin na iyon. Pero ngayon, kasal ka na at sa pamilyang Tremont ka pa kinasal! Hindi ba dapat magkaroon ng bahagi ang lola mo sa lahat ng meron ka ngayon?"Ang lola mo ay nakipag-away sa tatay mo dahil nagalit ito sa kanya sa hindi pagtupad sa kanyang inaasahan. Pinilit niyang pakasalan si Helen Cameran. Ang away niya ay walang kinalaman sa yo. Inalagaan ko siya sa loob ng maraming taon at ang lola mo kamakailan ay nasangkot sa isang maliit na aksidente. Sa kanyang edad, hindi na siya dapat nahihirapan. Hin
Tulad ng inaasahan, ang tinaguriang tiyahin ay nagsinungaling sa kanya. Alam nila ang tungkol sa pagbagsak ng eroplano at pinlano na niyang ilayo si Arianne.Ang bagay na ito ay mapapatawad pa rin kahit papaano. Matindi ang mga dinulot ng aksidente na iyon.Ayaw nang manisi pa ni Arianne at naiintindihan niya ang matands, "Sa totoo lang, hindi pinlano ng tatay ko ang pagbagsak ng eroplano. Inosente ang tatay ko. Hindi niya sinaktan ang sinuman sa pamilyang Tremont. Ayaw kong sabihin sayo ang mga detalye pero gusto ko lang na malaman mong inosente ang aking tatay. Iniwan ko ang pamilyang Tremont at nagsimula ako ng isang dessert café. Hindi naman ako kulang sa cash, pero meron akong sapat para sa ating dalawa. Maghahanap ako ng mas malaking lugar at kukuha ng isang nursemaid na mag-aalaga sayo. Kailangan kong lumabas tuwing umaga at gabi ako umuuwi. Pasensya na dahil hindi kita maalagaan nang personal."Ang matandang babae ay hindi na nagtanong pa tungkol sa pagbagsak ng eroplano, ma
Nag-aalangan siyang tumingin sa co-driver’s seat, "Hindi ko sinasadyang babaan ka. Marami kasi akong ginagawa."Sinuri ni Mark ang mukha nita, "Anong kinakaabalahan mo na hindi mo magawang makatulog? Kausapin mo ako, anong ibig mong sabihin noong sinabi mong wala ka nang oras?"Ngayon naintindihan na niya, nandito si Mark dahil naging pabaya siya sa pagpapaalam sa lalaking ito...Ipinaliwanag ni Arianne ang buong sitwasyon tungkol sa matandang babae na iniwan sa kanya. Nagulat din si Mark at namangha sa pangyayari na ito, "Nag-imbestiga na ako noon at matagal ko nang alam na meron kang lola at isang tita na hindi mo kadugo. Akala ko hindi nila ibubunyag ang kanilang mga sarili sayo, dahil hindi sila nagpakita noon sayo kaya't hindi ko pinlano na sabihin ito sayo. Nagulat ako na pumunta sila dito para makita ka. Anong plano mo? Mag-aalaga ka ba ng isang matandang babae nang mag-isa?"Kilala pala talaga ni Mark ang kanyang lola at tita! Naging masama ang tingin ni Mark sa kanya, "Bak
Pagkarating niya sa condo, nakatanggap siya ng isang bolster na itinapon sa kanyang mukha. Ang matandang babae ay nakaupo sa sopa at pinapagalitan siya, "Kung hindi mo ako kayang alagaan, bakit mo ako hinayaan na manatili dito?"Ang titig ni Mark ay dumilimhabang binibigkas niya ang isang mantra: 'Anuman ang mangyari, siya pa rin ang lola ni Arianne.'Kailangan niyang tawagin siya bilang "lola". Lalo niyang kailangan na pigilan ang kanyang galit...Kinuha niya ang bolster at naglakad patungo sa sopa, "Tutulungan kita papunta sa banyo."Kaswal na ikinandado ng matandang babae ang mga braso sa leeg niya at isinabit ang kanyang katawan, “Matigas ang katawan mo, bata. Akala ko naghiwalay na kayo ni Arianne? Bakit mo pa din sinusubukang makuha ang puso niya?"Napa-isip si Mark, "Hindi kami naghiwalay… Asawa ko pa rin siya. May ginawa akong hindi maganda, kaya galit siya sa akin."Binigyan siya ng matandang babae ng isang nanggagalit na titig, "Anong ginawa mo? Nagkaroon ka ba ng kabit
Hindi na nakatiis si Tiffany kaya hinugot niya ang kanyang eye-mask, “Lakasan mo pa. Hindi kita naririnig. Dala ko ang isang bag na nagkakahalaga ng higit sa $10,000, tama? May karapatan ka bang pag-usapan ito dahil naiinggit ka lang? Ang iyong sweldo ay hindi masyadong malaki, pero kaya mo namang bumili nito kung nag-ipon ka ng dalawang taon, tama ba? Hindi mo kailangang mainggit. Nga pala, binili ko ang bag na ito nang mag-isa. Hindi ito regalo mula sa ilang lalaki. Mayroon akong isang malaking bundok ng mga handbag na binili ko ilang taon na ang nakalipas. Sa kabuuan, nagkakahalaga sila ng sapat para sa ilang taon ng sweldo mo. Walang silbi kung maiingit ka. Tumigil ka muna saglit. Kung hindi, paano ako magiging runner mo kung pagod na pagod ako?"Mapangasar na sumagot si Henrietta, "Eh, kung mayaman naman pala ang pamilya niyo, bakit hindi ka na lang manatili sa bahay at mag-enjoy sa luxurious mong buhay? Bakit gusto mong maging runner? Hindi mo rin magawa ng tama ang mga gawain m