Nag-aalangan siyang tumingin sa co-driver’s seat, "Hindi ko sinasadyang babaan ka. Marami kasi akong ginagawa."Sinuri ni Mark ang mukha nita, "Anong kinakaabalahan mo na hindi mo magawang makatulog? Kausapin mo ako, anong ibig mong sabihin noong sinabi mong wala ka nang oras?"Ngayon naintindihan na niya, nandito si Mark dahil naging pabaya siya sa pagpapaalam sa lalaking ito...Ipinaliwanag ni Arianne ang buong sitwasyon tungkol sa matandang babae na iniwan sa kanya. Nagulat din si Mark at namangha sa pangyayari na ito, "Nag-imbestiga na ako noon at matagal ko nang alam na meron kang lola at isang tita na hindi mo kadugo. Akala ko hindi nila ibubunyag ang kanilang mga sarili sayo, dahil hindi sila nagpakita noon sayo kaya't hindi ko pinlano na sabihin ito sayo. Nagulat ako na pumunta sila dito para makita ka. Anong plano mo? Mag-aalaga ka ba ng isang matandang babae nang mag-isa?"Kilala pala talaga ni Mark ang kanyang lola at tita! Naging masama ang tingin ni Mark sa kanya, "Bak
Pagkarating niya sa condo, nakatanggap siya ng isang bolster na itinapon sa kanyang mukha. Ang matandang babae ay nakaupo sa sopa at pinapagalitan siya, "Kung hindi mo ako kayang alagaan, bakit mo ako hinayaan na manatili dito?"Ang titig ni Mark ay dumilimhabang binibigkas niya ang isang mantra: 'Anuman ang mangyari, siya pa rin ang lola ni Arianne.'Kailangan niyang tawagin siya bilang "lola". Lalo niyang kailangan na pigilan ang kanyang galit...Kinuha niya ang bolster at naglakad patungo sa sopa, "Tutulungan kita papunta sa banyo."Kaswal na ikinandado ng matandang babae ang mga braso sa leeg niya at isinabit ang kanyang katawan, “Matigas ang katawan mo, bata. Akala ko naghiwalay na kayo ni Arianne? Bakit mo pa din sinusubukang makuha ang puso niya?"Napa-isip si Mark, "Hindi kami naghiwalay… Asawa ko pa rin siya. May ginawa akong hindi maganda, kaya galit siya sa akin."Binigyan siya ng matandang babae ng isang nanggagalit na titig, "Anong ginawa mo? Nagkaroon ka ba ng kabit
Hindi na nakatiis si Tiffany kaya hinugot niya ang kanyang eye-mask, “Lakasan mo pa. Hindi kita naririnig. Dala ko ang isang bag na nagkakahalaga ng higit sa $10,000, tama? May karapatan ka bang pag-usapan ito dahil naiinggit ka lang? Ang iyong sweldo ay hindi masyadong malaki, pero kaya mo namang bumili nito kung nag-ipon ka ng dalawang taon, tama ba? Hindi mo kailangang mainggit. Nga pala, binili ko ang bag na ito nang mag-isa. Hindi ito regalo mula sa ilang lalaki. Mayroon akong isang malaking bundok ng mga handbag na binili ko ilang taon na ang nakalipas. Sa kabuuan, nagkakahalaga sila ng sapat para sa ilang taon ng sweldo mo. Walang silbi kung maiingit ka. Tumigil ka muna saglit. Kung hindi, paano ako magiging runner mo kung pagod na pagod ako?"Mapangasar na sumagot si Henrietta, "Eh, kung mayaman naman pala ang pamilya niyo, bakit hindi ka na lang manatili sa bahay at mag-enjoy sa luxurious mong buhay? Bakit gusto mong maging runner? Hindi mo rin magawa ng tama ang mga gawain m
Huminga ng malalim si Jackson. Ang kanyang minamahal na girlfriend ay naghihirap sa ilalim ng kamay ng ibang tao hanggang sa umabot ang punto na umiyak na ito. Bukod sa sakit na nararamdaman niya sa kanyang puso, hindi niya rin maiwasan na makaramdam ng galit, “Sige, sige. Huwag ka nang umiyak. Nasaan ka? Pupunta ako at susunduin ka ngayon. Manatili ka muna diyan at huwag kang umalis, okay? Anong klaseng kumpanya ba ito? Huwag kang magagalit, hayaan mo na sila!"Ngumuso si Tiffany at sinabi niya kay Jackson kung nasaan siya, kaya hinintay niya ito sa gilid ng kalsada. Unti-unting lumalamig ang panahon at nawala ang init ng panahon. Madalas na dumadaan ang banayad na simoy ng hangin at kahit papaano ay pinapagaan nito ang kanyang emosyon.Hindi nagtagal, ang luxurious na sports car ni Jackson ay huminto sa gilid ng kalsada. Sumakay siya sa sasakyan at nakita niya si Jackson, doon siya muling umiyak. Sumandal siya sa balikat nito at humagulgol, "Pakiramdam ko na parang wala akong silbi
Inaantok na sumagot si Tiffany at tinapos ang video call. Iritable namang itinapon ni Arianne ang cellphone pagkatapos nito.Pasado eight o’clock ng gabi, tinawagan ng matandang babae si Arianne. Batay sa kanyang tono, tila nasa mabuting kalagayan siya, "Nasa Tremont Estate ako, at napakaganda ng lugar na ito. Mas mahusay ito kaysa sa bird cage mo na iyon, halos kasing laki ‘yan ng dati naming bahay. Komportable ako na tumira dito. Hindi mo kailangang mag-alala sa akin. Andito naman si Mark."Pagkatapos nito ay tinapos niya ang tawag. Ginawa niya ito ng maayos at napakabilis.Gumapang ang kilabot sa puso ni Arianne. Ang matandang babae ay hindi madaling pakitunguhan. Paano nagawa ni Mark na maging komportable sa kanya ang matandang babae sa loob ng maikling panahon at nagawa niya pa itong akitin na bumalik sa capital? Parang may mali…Hindi pa nakikita ni Mark ang matandang babae bago mangyari ito. Sinuri ni Arianne ang kanyang call records at nalaman niya na ang matandang babae ay
Sinadya ni Jackson na dumaan sa kanyang ang desk at pagkatapos ay tinapik niya ito at sinabing, "Newbie, galingan mo."Pinigilan ni TIffany na tumawa ng malakas, tumango lamang siya at yumuko, "Opo, Mr. West. Gagawin ko ang makakaya ko!"Ang mga sulok ng labi ni Jackson ay unti-unting tumaas at pagkatapos ay naglakad siya papasok sa kanyang opisina. Wala pang dalawang minuto, nakatanggap si Tiffany ang isang text message mula sa kanya: ‘Bakit mo ko tinawag na “Mr. West"?’Sumagot siya na may isang "mapaglarong itsura" na emoji at inilagay ang kanyang cellphone sa kanyang bag. Nasa kalagitnaan siya ng mga oras ng trabaho ngayon at hindi maganda para sa kanya na kinakalikot ang kanyang cellphone habang nasa trabaho siya.Malaki ang pinagkaiba ng malaking kumpanya na ito sa dati niyang pinapasukan na mas maliit na kumpanya. Bukod sa fast-paced ang working environment na ito, wala mga nagaganap na away o gulo dito.Hindi niya namalayan na pumasok ang human resource manager sa opisina
Napakamot sa buhok si Tiffany at hindi itop masyadong pinansin. Kung tutuusin, hindi kailanman nagreklamo si Jackson tuwing siya ay nakatayo sa harap niya o kung sumasakay sa elevator ng kasama niya. "Naiintindihan ko, salamat..." wala siyang naisip na ibang masasagot.Nagsimula nang makaramdam ng antok si Tiffany bandang 3PM. Sa isang saglit, narinig niya ang boses ni Summer, "Tiffie, nagtatrabaho ka na sa amin ngayon? Nabanggit ni Jackson na nagdadalawang isip ka raw. Mukhang ito na ang desisyon mo. Tulad ng sinabi ko sayo, kaninong teritoryo pa ang mas kapaki-pakinabang kaysa sa amin? Kailan ka nagsimula dito? Gusto mo bang gawin ko…"Bago pa siya matapos, tumalon si Tiffany at tinakpan ang kanyang bibig.Parehong nagulat ang dalawang babae. Binalot si Tiffany sa malamig na pawis. Anong ginawa niya? Tinakpan niya ng kanyang kamay ang lipstick-lined na labi ng kanyang biyenan! Ramdam na ramdam niya ang kolorete sa kanyang kamay, na malamang ay pulang-pula na ngayon. Patay na siya
Makikita ang dahan-dahan na nabubuong ngiti sa labi ni Summer. "Alam kong nagmamalasakit ka pa rin sa akin, at dapat lang dahil hinakot ko ang sarili kong mga paa para lang maging mabuting lalaki ka ngayon. Ito ang dahilan kung bakit gusto kong may gawin ka para sa akin," taos-puso niyang sinabi. "Pwede bang huwag mong ipakita ang galit mo sa tatay mo? Emosyonal sita tulad, alam mo ba 'yun? Sabagay! Para naman sa engagement mo kay Tiffany, kung kailangan mo ng tulong ko, magtanong ka lang. Alam mo naman na wala akong masyadong ginagawa araw-araw."Tumango si Jackson nang maintindihan niya ito at tumugon gamit ang kanyang sariling payo, "Kapag nakita mo si Tiffie, siguraduhin mo na hindi mo ipapakita sa kanya na alam mo ang ginawa ko, okay? Papatayin niya ako kung malaman niya ang tungkol sa ginawa ko."Nagbigay si Summer ng okay na gesture at umalis na. Dumaan siya sa mga cubicle at binati niya si Tiffany tulad ng dati niyang ginagawa, "Aalis na ako. Galingan mo sa mga ginagawa mo."