Bago pa siya makapaglakad, biglang nagsalita di Mark, "Ibalik mo ang mga pangit na sketch na ito at sabihin mo kay Eric Nathaniel na gumuhit ng bago para sa akin." Kumibot ang mga sulok ng kanyang bibig. Ang bilis ng pagbabago ng expression sa mukha ni Mark Tremont... "Talaga bang… pangit ang mga 'yan?" tanong niya, nagtataka siya sa sinabi nito.Tiningan siya ni Mark Tremont. "Ano, sa palagay mo mayroon akong ekstrang oras para sadyang pahirapan ka sa mga bagay na iyo?" "Tatlong araw na lang magbabagong taon na," nanghihina niyang sinabi, "Hindi namin ito matatapos sa tamang oras, kahit na ang buong departamento ay magtatrabaho ng buong gabi..." "Problema mo 'yan," sagot ni Mark nang walang pakialam.Hindi na tumutol si Arianne. Nangako si Mark Tremont na magiging mabait siya sa pamilyang Lane. Pinaramdam nito kay Arianne na parang ang madilim na ulap sa kalangitan ay nawala at ang araw ay nagniningning muli. Bakit magkakaroon siya ng lakas ng loob na kalabanin pa si Mark? "
Nang makabalik si Arianne sa Tremont Estate, tahimik siyang naligo sa banyo sa baba. Pagkalabas niya, si Maria ay nagluto ng isang mangkok ng pansit para sa kanya. “Ari, halika kumain ka. Siguradong pagod ka na sa kakatrabahor ng gabi.” Medyo naantig si Arianne. "Mary... Magtatrabaho ako ng obertaym sa susunod na mga araw. Gabi na ngayon, huwag mo akong hintaying bumalik sa susunod. Hindi ako magugutom."Ngumiti si Mary sa kanya. "Utos ito ni sir. Hindi niya ito sinabi ng maayos, kaya hindi ko na sasabihin sayo ang mga detalye. Pero ang punto ko ay nagmamalasakit siya sayo. Halika kumain at magpahinga ka nang maaga pagkatapos mong kumain." Alam ni Arianne ang sinabi ni Mark kahig hindi niya hinulaan. Siguro ang mga sinabi niya ay kung paano niya kakailanganin gumastos ng pera para gamutin siya kung siya ay sobrang pagod dahil sa kakatrabaho, o nag-aalala siyang sasabihin ng iba na inaabuso niya si Arianne...Pagkatapos kainin ni Arianne ang kanyang pansit, umakyat siya sa itaas n
Kasalukuyan sa Glide Design.Si Arianne ay abala sa trabaho ng biglang lumapit sa kanya si Eric at inilagay ang kanyang phone sa harap niya. "Alam mo ba tungkol dito?" Tumingin si Arianne sa screen ng phone at agad siyang napahinto. Isang newsflash na may headline na "Ibinunyag ni CEO Mark Tremont na lihim niyang pinakasalan si Arianne Wynn three years ago, siya ang bata na inampon niya noon!" ang makikita sa screen.Hindi siya nasaktan sa balita. Wala ring naglakas-loob na banggitin ang aksidente na ginawa ng kanyang ama noon. Nakatutok lamang balita sa kasal nila ni Mark. Wedding photo nila ang nakalagay sa artikulo. Masasabi na photoshopped ito dahil hindi siya dumaan sa anumang pagkuha ng litrato na kasama si Mark. Inayos ni Mark Tremont ang lahat ng ito nang mag-isa. Malinaw na ang larawan ay sadyang nai-photoshop ng isang tao. Sa oras na ito, parang si Mark na mismo ang nagbunyag ng impormasyon...Biglang nalito si Arianne. Siya ay naging Mrs. Tremont sa loob ng tatlong taon
Ang mga salita ni Helen Cameran ay kinabahala ni Arianne, pero pinili niyang huwag maabala sa kanila at bumalik na lang siya sa kanyang upuan. Kitang kita pa rin niya si Helen na nakatago sa gilid ng kanyang mata. Nainis at hindi siya nakapagtrabaho dahil dito. Matapos ang ilang oras, hindi pa rin siya umuunlad sa kanyang sketch ng wedding dress design. Sa gabi, wala siyang nagawa kundi tumingin sa iba't ibang mga disenyo para makakuha ng inspirasyon. Ang kanyang isipan ay abala pa rin sa pag-anunsyo ni Mark na kasal na sila. Ang bawat isang empleyado sa kumpanya ay nagsimulang tumingin sa kanya nang kakaiba. Maingat na nakatingin sa kanya ang mga mata na puno ng galit at inis. Kahit papaano, wala nang naglakas-loob na kalabanin pa siya.Isang ideya ang biglang sumagi sa kanyang isipan. Anong uri ng wedding dress ang gusto ni Mark? Dapat mapahanga niya si Mark Tremont sa huling draft na gagawin niya, kaya dapat niya gawin ito ayon sa kanyang kagustuhan! Kahit na sinira niya ang ka
Bahagyang tumango si Lily. "Aalis na po ako ngayon kung wala nang problema."Pagbalik niya sa opisina, lahat sa department of design ay pumalibot sa kanya. "Kamusta, Miss Pierre? Naaprubahan ba niya ito?" Dumiretso si Lily sa tanggapan ng CEO at nagsalita lamang nang makita niya si Eric. "Naaprubahan na, Mr. Nathaniel." Tila hindi naman nagulat si Eric. “O sige, tawagin mo ang janitor para linisin ang opisina. Pwede na kayong umuwi ng maaga ngayon." Ang buong design department ay nagsaya kaagad sa paglabas ng balita. Lahat maliban kay Arianne, na nakaupo pa rin sa kanyang mesa. Tahimik niyang inayos ang mga gamit niya at nagtungo sa banyo. Sa harap ng salamin, muling nilapat niya ang kanyang lipstick para takpan ang kanyang maputlang labi. Ayaw niyang magalit si Mark kapag nakita siya nito sa bahay.Biglang may narinig siyang nagsasalita sa loob ng isa sa mga cubicle ng banyo. "Sa palagay ko si Arianne ang pumuwersa kay Mark Tremont na isapubliko ang kanilang kasal. Palagi ni
Si Mark ay medyo nabigla ngunit pagkatapos ay curious niyang hinigop ng kaunti ang milk tea. Agad na sumabog sa kanyang bibig ang mayaman na tamis ng milk tea, dahilan upang lalo siyang mapakunot. Para sa isang tulad niya na hindi mahilig sa mga matamis mula noong bata siya, ito ay purong pagpapahirap. Biglang bumalik sa tamang isip si Arianne. Anong ginawa niya? Bakit niya binigyan ng milk tea si Mark Tremont na ininuman noya? Ininom niya ba talaga ito?! Nabigla si Arianne nang makita ang marka ng lipstick niya na naiwan sa straw. Hinawakan niya ang tasa malapit sa kanyang dibdib at tumingin sa bintana. Bagaman nagpanggap siya na walang nangyari, nagpapanic na talaga siya sa loob. Dapat pa ba inumin ang natitirang milk tea?Hindi alam ni Mark kung ano ang nangyayari sa isipan ni Arianne ngayon, ngunit naaliw siya sa mahigpit na paghawak niya sa kanyang inumin. Siya ay humigop lang ng kaunti, bakit ang puso ng babaeng ito ay parang nasaktan nang labis dahil lang sa isang inumin?
Mabilis na lumapit si Mary, inilabas ang sapatos ni Mark Tremont at inilapag itp nang maayos. "Huwag kang mag alala, sisiguraduhin kong kakain si Mrs. Tremont sa sandaling magising siya." Hindi na sumagot si Mark Tremont, sa halip ay sinara niya lang ang kanyang labi. Habang ang kanyang sasakyan ay nagmamaneho palayo sa Tremont Estate, mahinahon na nagising si Arianne. Inilabas niya ang kanyang phone at tiningnan ang oras. "Mary ... Bakit hindi mo ako ginising?" Bulong niya. "Sinabi sa akin ni Mr. Tremont na 'wag kang gisingin,” sabi ni Mary, sabay ngiti. "Gusto niyang magpahinga ka pa. Pinagod mo ang sarili mo sa nakaraang mga araw. Pinainit ko ang pagkain mo at dinala ko dito. Dapat kang kumain bago matulog, gaano man kapagod. Oo nga pala, kakaalis lang ni Mr. Tremont. " "Mm," sagot ni Arianne na inaantok pa. Bumangon siya at umupo sa hapag kainan bago niya napansin na naiwan ni Mark ang kanyang cellphone. Ayaw niyang pakialaman ito, ngunit bigla itong tumunog. Bukod pa dito,
"Susunduin kita. Ibigay mo sa akin ang address mo, makakarating agad ako diyan, "sabi ni Ethan. Makalipas ang kalahating oras, ang kotse ni Ethan ay dumating sa labas ng pintuan ng Tremont Estate. Mahigpit na binalot ni Arianne ang kanyang coat at mabilis na sumandal sa sasakyan. Nagyeyelo ang temperatura ngayong malalim na gabi. Napansin ng security guard na night shift sa gate na pumasok si Arianne sa isang kotse na hindi pagmamay-ari ni Mark at maingat na isinulat ang plate number ng kotse. Wala sa mood si Arianne na maghanap ng lugar na labis ang kalayuan, kaya sinabi niya kay Ethan na huminto ka sa intersection. "Mag-usap tayo sa sasakyan. Masyado nang gabi."Mukhang pagod na pagod si Ethan. "Pagod na pagod ako ngayon. Pumunta tayo sa hotel ko. Tatawag ako ng taxi para sayo kapag natapos na natin ang usapan. Marami mga detalye na kailangang pag-usapan, at ayaw kong matapon lang sa wala kapag ginawa ko ito. Ikaw lang ang matalik na kaibigan ni Tiffie, at hindi ko alam kung s