Huminga ng malalim si Jackson. “Gusto mo bang hatiin din natin ang hotel bill? Hindi ko kailangan ang tulong mo para makatipid ng pera ko, bakit kailangan mo pang i-calculate ang mga flight ticket ko? May oras pa ako para sunduin ka sa bahay mo pero hindi ko ito ginawa, pero hindi ka nagalit sa akin. Hindi mo rin ako tinanong tungkol dito. Sa palagay ko, ipinapakita ng mga bagay na ito na wala ka talagang pakialam." Siya ang apathetic na tao sa isang relasyon kaya ito ay pamilyar sa kanya. Ngunit sa pagkakataon na ito ay nagkabaliktad sila ng role ni Tiffany, kaya hindi niya alam kung ano ang gagawin. Nagpapanic na siya.Ang mabagal na utak ni Tiffany ay unti-unting gumana. Sa wakas ay nalaman niya ngayon na hindi ganito ang kilos si Jackson dahil pagod na siya sa kanya o pinagsisisihan niya na naging sila ni Tiffany. Sa wakas ay nakahinga na ng maayos si Tiffany. "Hindi sa... wala akong pakialam. Ayoko lang gastusin mo ang pera mo bago pa tayo magpatuloy sa relasyon natin. Natatakot
Napahinto si Tiffany at sinabi, "Hindi ko masasabi na away ito, ano lang... madalas lang na hindi pareho ang pananaw namin sa ibang mga bagay... Magkakaiba ang mga prinsipyo namin. Halimbawa, ayaw kong gastusin ng sobra ang pera niya kapag magde-date kami kami at hindi ako nagtatampo dahil hindi niya ako masundo. Akala niya na wala akong pakialam sa kanya at hindi ko na siya mahal dahil lang ganito ang ginagawa ko. Naisip ko kasi na mas maigi nang maghati kami sa mga ginagastos namin para wala kaming utang sa isa’t isa kapag naghiwalay kami. Bakit naman ako magtatampo dahil lang sa hindi niya ako sinundo? Hindi ba tama lang na hindi ako magtampo kungabala siya siya? Iyon ang dahilan bakit nangyari ito sa amin... maliit na problema lang ito pero masyado itong magulo. Nakakapagod talaga."Ang 'gulo' na ito ay wala lang kay Arianne. "Kapag ang dalawang tao ay magkasama, ang pinakamahalaga sa lahat ay ang masaya silang magkasama. Dapat may isa sa inyo na mag-compromise. Kung gusto mong si
Hindi agad sumagot si Mark at dahan-dahan siyang tumayo.Magulo ang isip ngayon ni Arianne, iniisip niya na gusto niyang hilahin pabalik si Jackson at suntukin ito sa mukha. Inayos niya ang kanyang sarili at mahinahon na sinabi, “Hindi na kailangang gawin iyon. Bye."Biglang hinawakan ni Mark ang pulso niya, "Ako na ang maghahatid sayo."Sumimangot siya. "Hindi mo kailangang gawin iyon.""Sinabi ko sayo na ihahatid na kita," sabi niya.Sumuko na lang si Arianne sa huli. Sumakay siya sa kotse ni Mark ngunit umupo siya sa backseat.Malaki ang pinagkaiba ng malamig na hangin sa kotse sa mainit na panahon sa labas. Napatingin si Arianne sa bintana sa mga gusaling dumadaan. Blangko ang kanyang isipan. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi siya naging matatag sa kanyang desisyon kanina. Bakit siya sumakay sa kotse ni Mark? Hindi niya makakasama si Mark kung hindi siya pumayag na samahan si Tiffany na kumain ng tanghalian. Biglang sinira ni Mark ang katahimikan at sinabing, “Noong
Nilinis niya ang ilang murang at simpleng mga vase at inayos ang mga bulaklak sa loob ng mga ito. Kailangan niya ng apat na vases para ilagay ang lahat ng mga rosas. Dahil dito, binigyan ang shop ng isang touch of glamor.Sobrang nainggit si Tanya. "Kanino galing ito? Napakaganda nila at ang dami pa. Malamang mahal ang mga ito. Ang isang maliit na bouquet ay nagkakahalaga ng hindi bababa sa $15. Ang mga bulaklak na ito ay mula sa pinakamalaking flower shop dito at franchise pa ang shop na iyon. Malamang mahal ito."Ginanahan si Arianne salamat sa mga bulaklak. Inamoy niya ang mga bilaklak at sinabi. "Sinong may pake?"...Kasalukuyan sa hotel.Nakahiga si Tiffany sa kama at mahimbing at tulog niya. Si Jackson ay nasa tabi niya habang kinakalikot ang kanyang cellphone. Masama ang titig nito sa kanya paminsan-minsan. Nagreklamo si Tiffany na kailangan niyang matulog nang makauwi sila mula sa tanghalian at talagang natulog siya pagkatapos nito. Ilang araw silang hindi nagkita at nag-
Kasalukuyan na busy ang shop kaya't wala oras si Arianne na kahit tingnan si Tiffany. “Bakit nasa kusina ka? Hindi mo alam kung paano gumawa ng mga desserts. Tulungan mo na lang si Tanya sa mga inumin."Napalingon si Tiffany. "Ihahanda ko ang mga ingredients para sayo. Hindi naman masyadong abala si Tanya."Doon napalingon si Arianne kanya. "Anong problema?""Parang... parang gusto ko na lang makipaghiwalay."Nabigla si Arianne. "Ano? Bakit? May nagawa bang mali si Jackson? Kasama niya pa ba ang mga babae niya dati?"Namula ang mga mata ni Tiffany. "Hindi, okay naman siya at magaling siya. Perpekto siya at mabait siya sa akin. Dahil dito ay nararamdaman kong hindi ako ang para sa kanya. Bakit ang bait niya sa akin? Wala akong kahit ano, kahit na... kahit ang katawan ko ay hindi na malinis. Parang mas okay ako kung masama o wala siyang konsiderasyon sa akin. Bakit niya ako tinatrato na parang kayamanan? Hindi ako matalino at hindi ako sanay dito. Kahit na ikasal kami, tulad lang a
Pagkatapos ng hapunan, umalis sila Tiffany at Jackson para mag-shopping. Si Tiffany ang nag-suggest na gawin nila ito. Wala siyang gustong bilhin at gusto lang niyang maglakad kasama si Jackson…Pumasok sila sa mall nang makaramdam sila ng init. Maraming mga tao ang gumagala sa mall. Nang dumaan sila sa isang watch boutique, nakuha ang atensyon ni Jackson ng isang relo na para sa babae. Hindi na niya inalam ang presyo nito at sinabi niya agad sa sales assistant na ilabas ito. “Ang ganda ng relo na ito. Gusto mo ba?"Tiningnan ni Tiffany ang relo. Maganda ang taste ni Jackson pagdating sa mga ganitong bagay. Maganda ang relo na ito ngunit hindi rin ito mura. "Ayoko."Umagos ang emosyon sa mga mata ni Jackson. "Okay, ayaw namin ito." Alam niya na ayaw ni Tiffany na gastusin ang pera niya.Nang tumalikod si Tiffany, mabilis na sinabihan ni Jackson ang sales assistant na ibalot ang relo at mabilis niyang binigay ang kanyang card bago siya sumunod kay Tiffany habang itinatago ang regalo
Sumabay sa pakikipag-inuman si Arianne. "Alam ko ito. Nakapag-desisyon ka na at masama ang loob mo ngayon. Hindi pa huli ang lahat. Hindi natin alam kung malulungkot ka buong buhay mo... noong bata pa tayo, naisip natin na makakalampas tayo sa kahit anong problema hangga't mahal natin ang bawat isa at hindi tayo natatakot sa kahit anong hirap o balakid. Pero habang tumatanda tayo, nagkaroon tayo ng malawak na pananaw sa mga bagay. Pero kahit pa ganoon Tiffie, ako ang may utang na loob sayo. Kung hindi nangyari ang mga bagay na iyon, siguro hindi naging mahirap ang relasyon niyo ni Jackson. "Ito ang katotohanan, pero hindi pa rin sinisi ni Tiffany si Arianne. “Paanong naging kasalanan mo ito? Kung magtuturo tayo ng mga daliri, dapat kong sisihin sila Aery at Ethan dahil dito. Bukod pa dito, itinadhana na ito para sa atin. Sinong nakakaalam na mangyayari ito? Siguro kung hindi ko kilala si Ethan, hindi magiging ganito ang mga bagay? Noong naging kami ni Jackson dati, naisip ko na magig
Kinagabihan, naninigarilyo si Jackson nang mag-scroll siya at nakita niya ang number ni Tiffany sa kanyang cellphone. Tinitigan niya ito ng matagal ngunit hindi niya pinindot ang dial. Naisip niya na nasa capital na si Tiffany ngayon. Ito ang unang pagkakataon na hindi siya makatulog dahil sa isang babae.Biglang nag-ring ang kanyang cellphone nang tumalikod siya para i-flick ang abo ng sigarilyo. Hindi niya inaasahan na may tatawag sa kanya sa kalagitnaan ng gabi. Manhid si Jackson at medyo nainis pa siya bago niya makita ang tumatawag. Nabigla siya nang makita niyang si Tiffany iyon. Matapos bumalik sa tamang pag-iisip, maingat niyang pinindot ang answer button. Namamaos ang kanyang boses dahil sa kanyang paninigarilyo, “Hello? Nasa bahay ka ba?"Magulo ang pananalita ni Tiffany sa kabilang dulo ng linya. “Jackson… Nasaan ka? Gusto kitang makita…"Sumigaw si Jackson. "Umiinom ka ba? Hindi ka ba bumalik sa capital? Nasaan ka?!"Parang hindi narinig ni Tiffany ang kanyang mga sinab