Biglang nag-ring ang cellphone ni Arianne na nakalagay sa coffee table.Tumakbo siya para sagutin ito at nakita niya na si Tiffany ang tumatawag. “Hello, Ari! Kamusta ka nitong mga nakaraang araw? Sanay ka na bang wala ako sa paligid?"Nagpanggap si Arianne na nalulungkot siya. "Hindi, hindi ako sanay at natatakot pa rin ako na mabuhay ng mag-isa! Alam mo bang hindi ako naglalakad dahil tumatakbo ako papunta café pabalik sa bahay kada gabi? Pero inisip ko ito ng maigi at napagtanto ko na wala akong dapat ipag-alala. Matatakutin lang talaga ako. Kamusta ka naman nitong mga nagdaang araw? Okay naman kayo ni Jackson?"Ngayon ay isa sa mga araw na hindi pwedeng magpalipas ng gabi si Tiffany kasama si Jackson dahil sa pagkakataon na ito, may isang tao na dumalaw sa kanya. "Oh, okay lang naman kami sa tingin ko… Magiging totoo na ako sayo, hindi talaga ako sigurado okay? Marami akong nabasa na mga articles tungkol sa mga relasyon at pag-ibig sa internet, nabasa ko na ang isang lalaki na t
Pumunta doon si Tita Deborah na may misyon at ito ang ipag-match si Tiffany at ang kanyang pamangkin. Mayayari siya kung hindi niya naibenta ang kanyang pamangkin kay Tiffany habang ipinapakita ang isang nakakasilaw na ngiti. "Aww, sana hindi mo masamain ang sinasabi ko. Alam ng lahat na ang pamilya mo ay nagmamay-ari ng napakahalagang lupa na malaki ang halaga kapag naibenta ito! Sa nakikita ko, perfect match kayo sa bawat isa kaya bakit mo siya hinuhusgahan kahit na hindi mo pa siya nakikilala? Oo nga pala, may hinanda akong date niyo ngayon!"Tahimik lang si Lillian. Inaamin niya na gustong-gusto niyang ipakasal ang kanyang anak na babae sa lalong madaling panahon sa nakaraan, pero nagawa niya lamang ito dahil biglang naging mahirap ang buhay niya at gusto niyang makawala sa buhay na ito sa lalong madaling panahon. Ngunit ngayon, ang pananaw niya ay nagbago.Mabuting mga bagay ang dumarating sa mga marunong maghintay. Hindi na desperado si Lillian dahil meron pa siyang kaunting pe
Nilabas ni Arianne ang business suit ni Mark nang handa na ang dessert. Gusto niyang ibalik ito kay Mark ngayon at si Ellie ay ang perpektong delivery woman. "Pwede mo ba akong tulungan na ibalik ito?" tanong niya.Ang underwear ni Mark ay nasa loob ng suit bago niya ito nilagay sa isang bag. Naisip ni Arianne na hindi ito makikita kaya't hindi siya nag-abala na balaan si Ellie (masyadong nahihiya na gawin iyon).Mukhang nagulat si Ellie sa suit na binigay ni Arianne. "Ito ba... Ito ba ay kay Mr. Tremont?"Tumango si Arianne. “Mm-hmm. Sa kanya ito."Nanahimik na lamang si Ellie at dinala niya ang takeout ni Mark at ang suit sa opisina. Nagpaliwanag si Ellie nang ilagay niya ang mga dalahin niya sa mesa ni Mark, "Mr. Tremont, sinabi sa akin ng asawa mo na ibalik ko sayo ang iyong damit."Unti-unting dumilim ang mga mata ni Mark. "Itabi mo ang mga 'yan. Pwede mong ipatong ito kahit saan."Nakita ni Ellie ang tahimik ngunit madilim na ulap na umiikot sa mien ni Mark at agad siyang n
Nakita ni Naya ang naging reaksyon ni Arianne kaya pinigilan niya ang kanyang dila.Hindi nagtagal ay tumigil ang kotse ni Mark sa labas ng café. Bumaba si Brian mula sa kanyang driver's seat at naglakad papunta sa pasukan at sinabi, "Dalawa sa mga recommended dessert ng café at dalawang amerikano."Dalawang set ng mga pagkain para kayla Mark at Ellie.Napakunot si Arianne. "Gee, sinong mag-aakala na magiging cheap siya para bumili ng dalawang set ng mga pagkain para sa tatlong tao?" Nagreklamo si Arianne at maririnig ang bakas ng selos na gumagapang sa tono ng kanyang pananalita.Iniwas ni Brian ang tingin niya at tahimik siyang tumango.Napansin ni Mark ang kakaibang reaksyon ni Brian. Madalas siyang tinatawag ni Brian bilang "Madam" o "Miss" bago pa siya kinasal, ngunit siya ay naglalagay ng isang malawak na distansya sa pagitan nila. Parang tinuturing niya na stranger sa kanya si Arianne.Siguro mas mainam nang ituring siya bilang stranger ng Tremont Estate. Hindi lang inasah
Nakita din ni Naya ang balita. Nasa headline ito kung tutuusin kaya kahit sino ay makikita ito. "Ari... Hindi naman ako pakialamera pero... nakita na ito ng lahat. Anong iniisip mo?"Walang pakialam na pinatay ang kanyang cellphone ni Arianne. "Wala akong iniisip tungkol dito. Wala akong pakialam. Wala naman kwenta ang kasal namin."Walang pakialam? Hindi ito sinabi ni Naya kay Arianne pero kitang-kita ang 'I care very much' sa kanyang mukha!Nagkaroon ng kakaibang atmosphere ang pumalibot sa dessert shop buong umaga. Walang sinuman ang nangahas na magbiro kay Arianne tulad ng dati. Kahit na sinubukan niya ang kanyang makakaya para magpanggap na wala siyang pakialam at alam ng lahat na nagpapanggap siya. Kung tutuusin, magaling si Arianne sa pagpapanatiling kalmado kahit na bumagsak pa ang langit.Isang magandang babae ang biglang pumasok sa shop pagsapit hapon at ang unang reaksiyon ni Tanya ay ang lumapit at kinakabahan na sinabi, "Ubos na ang mga dessert namin! Wala na!"Tuming
Yumuko si Arianne. "Anong pinaparating mo? Dahil gusto mong makasama siya, umaasa ka na maghihiwalay na agad kami para hindi ka na maging kabit. Sa totoo lang, sisirain ng ginagawa niyo ang iyong reputasyon. Kapag nangyari iyon, isang win-win situation ito para sa ating dalawa, tama ba? Isa pa, akala ko kasal ka na? Divorced na ba kayo?"Sa sandaling ito, nainis na si Ellie. Pinakita niya talaga ang kanyang tungkulin bilang girlfriend ni Mark sa panahong ito. Binanggit ni Arianne ang kanyang kasal kaya naramdaman niya na parang pinapakita ni Arianne ang kanyang mga pagkukulang. "Personal na bagay iyon. Pwede mo akong kausapin kung hindi ka masaya tungkol dito."Ngumiti si Arianne. "Huwag na lang."Napangisi si Ellie. "Sana huwag mong hayaan na umaasa pa siya sayo dahil totoo naman na hindi ka na in love sa kanya at pinili mong iwan siya. Hindi ba mas maganda kung maghiwalay na lang kayo ng maayos? Kapag nangyari iyon, hindi niyo na kailangang sayangin ang oras ng bawat isa at pwede
Sisigaw na sana siya nang marinig niya ang lock ng pinto, ngunit may isang malaking kamay na nakatakip sa kanyang bibig. Nahulog ang kanyang cellphone sa lupa. Bigla siyang napahinto dahil sa takot. Nakapatay ang mga ilaw kaya hindi niya makita ang mukha ng lalaki. Napapanood niya noon sa balita ang tungkol sa mga break-in at hindi naging maayos ang kinahinatnan ng mga pangyayari na ito. Naalala niya na hindi malaki ang pera na dala niya. Mayroon siyang ilang libong dolyar sa kanyang credit card ngunit ayaw niyang ibigay ito. Magagalit ba ang taong ito at papatayin siya kung tumanggi siyang ibigay ang kanyang pera?Itinapon siya ng lalaki patungo sa couch sa sala. Naaamoy niya ang baho ng alak sa kanyang katawan. Takot niyang hinawakan ang likod ng sopa para patatagin ang kanyang katawan at gamitin ang pagkakatao na ito na kagatin sa braso ang lalaki. Nasaktan ang lalaki kaya napilitan si Arianne na buksan ang kanyang bibig at sumigaw, "Wala akong pera! Pakawalan mo ako! Pwede kitang
Sigurado na hindi siya magpapalipas ng gabi kasama ang isang lasing. Hindi niya alam kung susubukan muli ni Mark ang ginawa niya kanina! Matapos itong pag-isipan ng saglit, nagdesisyon siya na tawagan si Brian. "Sunduin mo siya ngayon o itatapon ko siya sa kalye. Mapapahiya ang mga Tremont kapag may nakakuha ng picture niya."Binaba niya agad ang tawag at gumapang siya para suriin si Mark. Atleast, nakasuot siya ng underwear. Sa ganoong paraan, hindi niya mararamdaman na awkward at hindi mahihiya si Brian kapag dumating siya.Hindi nagtagal, narinig niya ang katok sa kanyang pinto. Napatingin siya kay Brian na nakatayo sa may pintuan at masungit niyang sinabi, "Sa susunod, huwag mo siyang paalisin sa paningin mo kapag lasing siya."Si Brian ay mukhang nahihiya. Ibinaba niya ang kanyang ulo at ipinaliwanag, "Hindi ko naman makokontrol kung saan pupunta si Mr. Tremont..."Tama siya. Hindi na masyadong pinahirapan ni Arianne si Brian at tumayo na lang siya sa pintuan habang naghihinta