Naturally, hindi na tatanungin pa ni Arianne si Mark tungkol dito dahil mukhang ayaw niya itong pag-usapan.Matapos banggitin ni Ethan ang dinner date, hindi nagtagal ay nagpasya siyang kumain sa bahay nila sa gabi din na iyon.Lumalala ang ekspresyon ni Mark nang matanggap niya ang message na iyon. "Pupunta tasyo sa White Water Bay para mag-hapunan ngayong gabi."Biglang nahulaan ni Arianne na si Ethan ang manlilibre sa kanilang kumain. "Inimbitahan tayo ni Ethan?"Maliwanag na nag-aatubili si Mark, ngunit tumango pa rin siya. Hinila pa niya ang tie niya sa sobrang inis. Lalong nagtaka si Arianne sa kilos niya na ito. Bakit ba siya kumikilos na para bang binabantaas siya ng isang tao? Alam niya kung anong klaseng tao si Mark. Kung ayaw niya, sigurado na walang makapipilit sa kanya na gumawa ng kahit ano.Naging mas maayos ang ekspresyon ng mukha ni Mark nang mapagtanto na nakatitig ito sa kanya. "Sobrang busy ako pero kailangan ko pa rin siyang harapin. Nakakainis..."Nanatili
Hinawakan ni Tiffany ang laylayan ng shirt niya sa ilalim ng mesa gamit ang isang kamay niya. Para bang nilalamon siya ng isang hindi nakikitang stress, at pinagbawalan siyang tumingin kay Jackson.Ang katahimikan ay tumagal ng ilang segundo, ngunit parang walang-hanggan ito para sa kanya. Tiningnan ni Jackson si Tiffany bago kinuha ang baso ng red wine mula kay Ethan. "Oo naman."Napapansin ni Arianne na parang may mali kahit hindi niya masyadong maintindihan ang tungkol sa ugnayan ng mga lalaki at babae. Tumingala siya at pinagmasdan ang mga ekspresyon ng mukha ng mga lalaking naroroon. Makikita pa rin si Mark na malamig at malayo. Sa kabilang banda, parehong magalang sina Jackson at Ethan sa bawat isa. Wala talaga siyang makita na kakaiba dito.Sa wakas ay guminhawa ang pakiramdam ni Tiffany matapos umalis si Jackson. Hindi pa siya nakakain ng husto, ngunit pakiramdam niya ay nabusog na siya. Inilapag niya ang tinidor at kutsara. "Busog na ako ngayon. Kumain muna kayo diyan. Aali
Pagkatapos ng hapunan, si Mark at Arianne ay direktang bumalik sa Tremont Estate.Nang pauwiin ni Ethan si Tiffany, inilabas niya ulit ang singsing. "Tiffie, pwede mo ba akong bigyan ng sagot ngayon?"Medyo nasasakal si Tiffany. "Ethan... Pasensya na, wala pa akong desisyon sa ngayon."Nakasimangot si Ethan at itinabi ang singsing. "Sinabi mo sa akin na bibigyan mo ako ng sagot kapag nakalabas na ako sa ospital. Kahit na may pag-ibig sa pagitan natin o wala. Napakahirap bang magdesisyon tungkol dito? Na-in love ka na ba sa ibang tao noong magkalayo tayo?"Inikot ni Tiffany ang bintana ng sasakyan at huminga ng malalim para mapabuti ang kanyang pakiramdam. "Hindi... Ah... Nag-aalala lang ako na baka magalit ang nanay ko. Alam mo kung ano ang ugali niya. Hindi siya makakapagpigil sa sandaling magalit siya..." Sa oras na ito, maaari lamang niyang gamitin ang kanyang nanay bilang isang dahilan. Kahit na gusto niya ang matatamis na salita ni Ethan, ang simpleng pagtanggap ng kanyang pro
Naturally, hindi aaminin ni Ethan na siya ang anak sa labas ng pamilyang Tremont. Tinago niya ang lamig sa kanyang mga mata at binigyan siya ng pinaka perpektong ngiti. "Hindi alam ng marami ang tungkol dito. Kung hindi ka naniniwala sa akin, maaari mong tanungin si Tiffie o tawagan mo mismo ang aking kapatid. Siya nga pala, nagdala ako ng agreement sa paglipat para sa piraso ng lupa. Pwede mong patunayan ang authenticity nito.” Kinuha ni Ethan ang agreement.Sinuri ito ni Lillian at pinaniwalaan lamang siya matapos niyang mapatunayan na ito ay talagang isang tunay na dokumento. "Nabanggit mo... ang isang bagay tungkol kay Tiffie ngayon lang? Nagkikita ulit kayong dalawa?"Tumango si Ethan. "Oo, naaksidente ako sa sasakyan ilang araw na ang nakakalipas at si Tiffie ang nag-alaga sa akin. May sarili akong mga dahilan sa pakikipaghiwalay sa kanya noon. Ngayong maayos na ang lahat, gusto kong pakasalan si Tiffie. Pero, hindi siya nakapagbigay ng sagot sa akin dahil nag-aalala siya na ba
Nawala ang ngiti sa mukha ni Tiffany. Bakit pinili ni Ethan ang White Water Bay Café kahit na maraming ibang restaurant sa city? O pinili niya ito dahil kay Jackson? Talagang gusto niyang ipaliwanag kay Ethan na walang anumang pagitan sa kanila ni Jackson, hindi niya lamang maiwasan na sabihin ito sa tuwing umaabot ang mga salita sa kanyang mga labi.Bukod sa paggastos ng walang kwenta na pera, marunong din si Lillian na basahin ang isang sitwasyon. Alam niya na may higit na kadahilanan si Ethan na pumili ng White Water Bay Café kaysa sa nakikita sa ibabaw. "Gusto ko ito, mukhang disenteng lugar ito."Nang umalis si Lillian at iniwan silang dalawa para magpalit ng damit, sa wakas ay hindi na napigilan ni Tiffany ang kanyang sarili. "Ethan, hindi mo kailangan gawin iyon. Wala talagang kahit ano sa pagitan namin ni Jackson."Ang titig ni Ethan ay naging matigas. "Kung ganoon, walang problema na kumain tayo doon, tama ba? Dapat kang maging komportable at patunayan sa akin na wala talag
Huminto siya sa kanyang paglalakad at humarap siya kay Jackson. "Hm?""Sigurado ka ba? Posible bang magbalikan ang dating nagmamahalan? Pwede mo ba talagang magustuhan ang isang tao tulad ng bago kayo maghiwalay?"Si Jackson ay umiwas sa pakikipag usap kay Tiffany tungkol sa mga private na mga bagay noong nakaraan kaya't medyo nagulat si Tiffany sa mga tanong na ito. Pinag-isipan niya ang tanong ni Jackson, ngunit ang sagot lamang niya ay hindi talaga isang sagot. "Sa totoo lang, tatlong taon kaming nasa isang relasyon at binuhos ko dito ang puso at kaluluwa ko. Kung gusto pa rin namin ang isa't isa, kung gayon, natural sa amin na magsama. Dahil napagpasyahan kong makipagbalikan, kailangan kong seryosohin ito."Sa wakas ay ngumiti si Jackson. "Hindi ka eksaktong star performer sa opisina kaya ang pagbitiw mo ay hindi kawalan sa akin. Huwag kang mag-alala, masaya kong pipirmahan ang letter mo."Tiningnan niya ng masama si Jackson. "Dapat ba akong maging masaya para sayo dahil sa wak
Agad na namula si Tiffany. Sa halip na pagalitan siya, kinakabahan niyang inubos ang isang basong alak. "Ang sungit mo talaga..."Natulala si Jackson ng dalawang segundo sa reaksyon ni Tiffany. Sa tuwing nagbibiro sila ng ganito dati, gaganti siya sa halip na mamula...Bigla nalang nag ring ang phone niya sa bag niya. Sinagot ni Tiffany ang tawag sa harapan ni Jackson ng walang pag aalangan. “Ethan? Kumakain ako sa labas. Bakit? Wala naman, kasama ko ang isang kaibigan. Ano? Magkita? Late na kapag natapos ako dito, pwede bang bukas na lang? Nga pala, nag-resign na ako. Magkakaroon ako ng maraming oras bukas. O sige, ibababa ko na 'to ngayon."Pagkatapos ibaba ni Tiffany ang tawag, nagpatuloy siya sa pagkain at hindi napansin ang malamig na ekspresyon ng mukha ni Jackson. Matapos ang ilang baso ng red wine, ang pamumula sa kanyang mukha ay hindi nagpakita ng mga palatandaan ng pagkalasing. Malakas ang alcohol tolerance niya ngunit hindi na ngayon dahil matagal na noong huli siyang um
Hindi nagduda si Arianne sa intensyon ni Mary kaya't masunurin niyang dinala ang kanyang libro sa itaas. "Oo naman. Madilim dito, mag-ingat ka sa pagpatay ng mga ilaw."Ngumisi si Mary sa tuwa. Halos hindi bumalik ng maaga si Mark. Hindi niya papayagang sayangin ni Arianne sa pagkakataong ito.Nang bumalik si Mark sa kwarto , naupo siya sa harap ng French window hawak ang isang libro. Ang mga librong binasa niya ay iba sa binabasa ni Arianne. Lahat ng mga ito ay may foreign language. Si Arianne ay hindi magaling sa mga foreign language at sasakit ang ulo niya kapag sinubukan niyang intindihin ito. Dahil nine o’clock pa lang ng gabi, humiga siya sa kama at nagpatuloy sa pagbabasa. Bago pa man niya matapos ang pagbabasa ng isang pangungusap, pinagalitan siya ni Mark, "Sinong nagturo sayo na magbasa ng nakahiga? Plano mo bang sirain ang mga mata mo? Umupo ka at basahin ito kung gusto mo, kung hindi, matulog ka na lang.”Ang kanyang tono ay tulad ng isang magulang na nagtuturo sa kanya