Hindi namalayan ni Arianne na parang bata siya na nagpapakitang-gilas, ngunit kitang-kita ito ni Tiffany. "Oh, oh, oh, tingnan mo ikaw! At sinabi mo pa sa akin noon na gusto mong mag-divorce kayo, pero hindi mo rin naman matiis... Masyado kang lovey-dovey ngayon, hindi ba? Sa palagay ko imposible na mag-divorce kayo dahil makasama kayo ng maraming taon. Meron pa ring family love sa pagitan niyo kahit na hindi ito romantic love. Talagang naiinggit ako sa inyong dahil dumiretso na kayo sa familial love kahit na walang romance sa pagitan niyo. Hindi mahalaga kung magtalunan kayo, magkakasundo rin kayo sa isang iglap. Ang ibang mga tao ay napakadaling maghiwalay at mag-divorce.”Lalong makikita ang pahiwatig ng isang ngiti sa mga sulok ng labi ni Arianne. "Itigil mo yan! Dapat may oras ka na sa hapon dahil hindi ka na nagtatrabaho. Gusto mong lumabas tayo para mag-tsaa? Pwede na rin akong lumabas nang malaya ngayon. Mamamatay ako sa sobran boring dito!"Hindi makapaghintay si Tiffany han
"Ay, oo nga pala, ang pera at pag-aari na binigay mo sa akin, ayoko nang kunin ang mga ito. Hindi ko ito dala ngayon. Ibabalik ko ang mga ito sayo sa susunod," mahinahon na sinabi ni Arianne, inilalayo ang kanyang sarili kay Helen.Napahinto ang ngiti ni Helen. "Napakatagal na nito. Dapat tanggapin mo lang ang mga binigay ko. Sa totoo lang, si Aery ay freeloader sa bahay ko ngayon. Anuman ang meron siya ay galing sa akin, humihingi din siya ng mga allowance sa akin. Kung ibabalik mo sa akin ang bahay at pera, kukunin niya ang mga ito. Nagbigay ako ng higit sa sapat para sa kanya, kaya nga may ugali siyang humingi ng mga bagay. Wala na akong ibibigay sa kanya, itago mo na lang ang mga ito. "Hindi inakala ni Arianne na si Aery ay magiging isang linta. Matanda na siya, ngunit kumikilos siya tulad ng isang malaking sanggol na nanatili sa bahay ng divorced niyang nanay. Hindi niya mapigilan ang pakiramdam na bias si Helen. Ngayon na nalugi ang mga Kinsey, hindi dapat mag-freeload si Aer
Kumuha si Mark ng malaking puff ng kanyang sigarilyo bago niya agad itong inilabas. "Okay... okay lang ... Gumawa ka ng tsaa, at gawin mo itong malasa..." Hindi niya maintindihan kung bakit nananatili pa rin sa kanyang bibig ang kakaibang lasa? Kahit na nag-sigarilyo na siya ay hindi pa rin maalis ang lasa nito. Sana matatanggal ng tsaa ang lasa sa kanyang dila.Nagmadaling umakyat si Arianne sa taas at binigay ang itim na tsaa kay Mark, hinipan niya ito nang walang ingat bago uminom ng malaking gulp. Ito ay hindi isang matalinong move para kay Mark. Hindi niya malilimutan ang kombinasyon ng tsaa at ng kakaibang lasa sa kanyang bibig. Wala siyang hapunan nang gabing iyon dahil kailangan niyang pumunta sa banyo ng 18 na beses. Hindi niya ito matiis at tuluyang pumunta sa ospital kinaumagahan.Si Arianne na naging abala sa buong hapon kaya mahimbing siyang natutulog, walang kamalayan sa pagpapahirap na pinagdaanan ni Mark. Napansin lamang niya na madalas siyang bumangon mula sa kama sa
Bihirang gumawa ng pagkusa si Arianne na kausapin siya, ngunit parati silang nakikipag-usap kamakailan kumpara sa higit sa unang kalahati ng kanilang buhay. Sinagot ni Mark ang tanong niya sa abot ng kanyang makakaya, "Si Jackson. May mga picture siya sa nightclub at nai-post ang mga ito online. Hindi naman ito seryoso."Nanlaki ang mga mata ni Arianne. “Masyado bang revealing ang mga picture? Hindi magkasama kayo nila Jackson at Eric sa mga lugar na iyon noon? May nanguha ba ng mga picture niyo noon?”Pinandilatan siya ni Mark at sinabi na walang imik, "Pumunta ako doon para sa ambiance. Pumunta sila doon para magsaya. Hindi ito magkapareho. Kahit na kunan nila ako ng litrato, hindi ito magiging interesting para sa mga tao."Pagkatapos kumain, bumalik si Mark sa kwarto at tinext si Ethan. "Ikaw yan, di ba?"Mabilis siyang nakakuha ng sagot. "Sabihin mo sa akin ‘yan kapag mayroon kang patunay."Ang usapin ay hindi naging malubha kaya't hindi kinakailangan na ituloy ito. Gayunpaman
"Huwag... Itigil mo ‘yan..."Ang kanyang pagtanggi ay mahinahon at hindi ito agresibo kaya hindi ito pinansin ni Mark. Sa pamamagitan ng isang simpleng pitik ng kanilang mga katawan, siya ay nakulong sa ilalim ni Mark at hinawakan nito ang mga nagpupumilit niyang mga braso. Manipis ang pulso niya, ang parehong mga kamay niya ay kasya sa isang kamay ni Mark.Napagtanto ni Arianne kung ano ang malapit nang mangyari akay nag-panic siya. "Mark! Huwag na!" Hindi niya namamalayang tinaboy ang kamay ni Mark at may isang hindi mailalarawan na pakiramdam na umaangat sa puso niya.Nawala si Mark sa init ng sandali, paulit-ulit niyang hinalikan ang kanyang labi at tinanong, "Bakit?"Bakit? Hindi alam ni Arianne kung bakit. Paano niya ito sasagutin? Ligal na ikinasal sila, mag-asawa sila. Isang bagay na tulad nito ay normal, ngunit hindi niya namamalayan na lumaban pala siya. Kaya bakit?Naisip niya na ang nakaraan kasama si Aery at ang kanyang tatlong mga sanggol, wala sa kanila ang nakakita
Hindi tinanggap ni Tiffany ang sinabi niya, "Hindi ako nag-aalala. Pangangasar lang ito, okay? Isang pangangasar lang! Oo nga pala, ano ang nangyari sa desserts na ginawa mo? Narinig ko na halos mawalan ng buhay si Mark matapos itong kainin. At kailangan pa niyang pumunta sa ospital para sa isang IV drip?"Si Arianne ay nalungkot nang banggitin ang bagay na ito, "Hindi ko nagawang ayusin ang ginagawa ko. Kung kaya kong gawing maganda ang disenyo ng dessert, iyon ay magiging isang achievement para sa akin, pero hindi ito masarap. Kahit si Rice Ball ay ayaw kainin ito. Ngayon, tuwing nakikita ako ng sinumang nasa bahay na nasa kusina ako, nanginginig sila sa takot. Kaya nag-aalala ako."Tumawa si Tiffany ngunit hindi sumobra sa pang-aasar sa kanya. Huminto siya sa tamang oras, “Ari, gusto mo bang sumama na maghanap ng bahay kasama ko? Gusto na ng nanay ko na lumipat, at natatakot ako na baka mamili pa siya. Halika at tulungan akong kumbinsihin siya para makapili na lang tayo pagkatapos
Dumating sila sa isang milk tea shop malapit sa shopping mall. Natutunaw si Arianne mula sa init at nagawa nitong mapalamig ang katawan nita matapos umupo, nang tumunog ang cellphone ni Tiffany.Una nilang naisip na ito ay isang tawag mula kay Lillian. Hindi plano ni Tiffany na sagutin ito noong una. Gayunpaman, tumingin siya sa screen na may call notification at nalaman na si Ethan iyon.Karaniwan nang nasa opisina si Ethan sa ngayon at hindi siya makikipag-ugnay sa kanya. Pinindot niya ang button na pagsagot sa tawag, “Hello? Ano 'yon?"“Pumasok ka sa shopping mall. Meron akong sorpresa para sayo," mahiwaga ang tunog ni Ethan sa kabilang dulo.Katabi lang ng shopping mall. Naghintay ang pares para sa kanilang milk tea bago dahan-dahang lumakad. Isang dagat ng mga rosas na lobo ang nakita mula sa sandaling pumasok sila sa shopping mall. Nagpakawala si Arianne ng isang girlish giggle, "Anong nangyayari sa mall ngayon? Tingnan ang lahat ng mga lobo na ito; ang ganda nila!"Ang circ
Matapos ihatid si Arianne sa Tremont Estate, sa wakas ay sinabi ni Tiffany ang kanyang iniisip, "Ethan, dapat mong malaman na pumayag lang ako sa proposal mo para iligtas ka mula sa kahihiyan ng publiko. Ayokong mag-asawa ng ganito kabilis. Nabanggit ko ito noong una pa lang."Si Ethan ay tila hindi masyadong nagulat sa kanyang sinabu, ngunit hindi niya inaasahan na magsalita siya kaagad, "Ano naman?"Inalis niya ang singsing sa kanyang daliri, "Puwede ba nating pag-usapan ito pagkatapos kong magpasya na magpakasal? Hindi talaga ito ang gusto ko ngayon."Kumulot ang mga labi ni Ethan sa isang mapangutya na ngiti, para bang inaasar niya ang kanyang sarili, "Dati mo akong pinilit na magpakasal, at ngayon kabaligtaran na ang nangyayari? Anong nagbago? Mahal na mahal kita nang higit pa kaysa sa dati, pero unti-unti nawala ang nararamdaman mo para sa akin. Inaamin ko na ang lahat ng ito ay dahil sa akin, at sinusubukan ko ang aking makakaya para ayusin ito. Pero natatakot ako na maaaring