Pinapanood nila ang mga masayahin na daldalan ng mga bata kaya hindi mapigilan ni Arianne na tumawa. "Hindi ko inaasahan na magiging sikat ka sa mga bata. Akala ko matatakot sila sayo." Si Mark ay hindi nakasuot na suit ngayon. Nakadamit siya ng puting short-sleeve na sportswear at isang pares ng light violet sunglass. Kung ikukumpara sa kung gaano siya ka-sharp sa kanyang suit at leather na sapatos, mas malumanay siya at mas kaswal ngayon. Siya ay yumuko para dalhin ang isang maliit na batang babae sa paligid ng apat na taong gulang at hiniling kay Brian na kunin kung ano ang nasa puno ng kahoy.Para bang alam ng mga bata kung ano ang lalabas mula sa puno ng kahoy kaya lalo silang sumaya. "Mr. Tremont, nagdala ka ulit ng amin na mga libro at laruan?! At masarap na meryenda! Gusto naming pumunta ka araw-araw. Sinabi ni Madam na hindi pa isang buwan mula nang huli kang dumating kaya hindi ka na agad pupunta. Hindi ako makapaniwalang nandito ka!"Nagulat si Arianne. Hindi niya ina
Ang maliit na bata ay biglang umiyak, siguro ay dahil natakot siya sa banayad na kurot ni Mark.Likas na inakbayan ni Arianne ang bata. “Hush, baby, hush. Sino ang magaling na baby… "Huminto kaagad sa pag-iyak ang maliit na bata, ngunit mayroon pa ring malungkot na pag-pout sa kanyang mukha at namula ang kanyang mga mata.Mahinang nagtanong si Mark sa tainga ni Arianne, "Bakit hindi tayo mag-ampon ng isang bata?"Tumingin sa kanya si Arianne. Hindi ito ang unang pagkakataon na nabanggit niya ito. Nagkunwari siyang hindi siya naririnig. Sinabi niya sa direktor, "Hindi na kailangan ng pasasalamat basta ang maliliit na anghel na ito ay maaalagaan."Matapos gugulin ang buong umaga sa bahay ampunan, magalang na tinanggihan nina Arianne at Mark ang paanyaya ng direktor para sa tanghalian. Sa kanilang paglalakbay pabalik sa Tremont Estate, iniisip ni Arianne ang tungkol sa pakiramdam ng sanggol na lalaki sa kanyang mga bisig. Ang bata ay napakalambot at nakatutuwa na nararamdaman ng kanya
Maya-maya pa ay lumapit sa kanya si Mark mula sa likuran. "Pag-aari lahat ito ng pamilyang Tremont. Tingnan mo kung may gusto ka dito."Nang tumalikod si Arianne, nakita niya ang isang malaking stack ng mga property certificates sa mga kamay ni Mark. Halos bumagsak ang panga niya. “Ah… Ano? Ayoko..."Sumimangot si Mark. "Hindi ba ang mga babae ay gusto ng sigurado sa buhay nila? Naisip ko ito dahil sa mga sinabi ni Brian…"Napanganga si Arianne bago niya ilayo ang kanyang mga mata dahil ito ang kanyang kinagawian. "Seryoso ka? Bakit pakiramdam ko kakaiba kang kumilos nitong mga nakaraang araw? Kalaban mo ako. Hindi ba kakaiba para sayo na bigyan ang iyong mga kaaway ng mga properties? Bukod pa dito, hindi ako nagkukulang ngayon. Mayroon akong mga pagkain at damit sa Tremont Estate at binibigyan mo ako ng pera na pwede kong gastusin. Kuntento na ako dito. Ilayo mo mo sa akin ang mga ito. Ayoko ng anumang mga property."Medyo lumabo ang mga mata ni Mark habang itinapon ang stack ng m
Medyo nahihiya si Arianne kapag iniisip niya ang tungkol sa galit ni Mark. Gayunpaman, hindi siya sumuko. Kung tutuusin, meron pa rin pagkakaiba sa pagitan ng aircon sa isang cafe at pagtamasa ng aircon sa tahimik na opisina ni Mark.Nang dumating si Arianne sa forty sixth floor, sumulong si Ellie para ipaalala kay Arianne, "Madam, may bisita si Mr. Tremont."Isang bisita? Saglit siyang napaisip sa mga sinabi ni Ellie bago siya nagtanong, "Ibig mong sabihin… Hindi ako pwedeng pumasok ngayon?"Umiling si Ellie. "Hindi, pinapaalam ko lang sayo." Hindi siya pinigilan ni Ellie na pumasok pero binigyan siya nito ng paalala? Anong bisita ang nangangailangan ng pormalidad?Hindi mapigilan ni Arianne na hindi mag-alala. Kasabay nito, nahulog ang kanyang tingin sa dibdib ni Ellie. Doon niya napagtanto na si Ellie ay isang totoong magandang babae na may katwan na isang supermodel. Matangkad siya at may mga curve sa lahat ng tamang lugar. Kahit na bihis siyang propesyonal, ang kanyang dibdib
Naturally, hindi na tatanungin pa ni Arianne si Mark tungkol dito dahil mukhang ayaw niya itong pag-usapan.Matapos banggitin ni Ethan ang dinner date, hindi nagtagal ay nagpasya siyang kumain sa bahay nila sa gabi din na iyon.Lumalala ang ekspresyon ni Mark nang matanggap niya ang message na iyon. "Pupunta tasyo sa White Water Bay para mag-hapunan ngayong gabi."Biglang nahulaan ni Arianne na si Ethan ang manlilibre sa kanilang kumain. "Inimbitahan tayo ni Ethan?"Maliwanag na nag-aatubili si Mark, ngunit tumango pa rin siya. Hinila pa niya ang tie niya sa sobrang inis. Lalong nagtaka si Arianne sa kilos niya na ito. Bakit ba siya kumikilos na para bang binabantaas siya ng isang tao? Alam niya kung anong klaseng tao si Mark. Kung ayaw niya, sigurado na walang makapipilit sa kanya na gumawa ng kahit ano.Naging mas maayos ang ekspresyon ng mukha ni Mark nang mapagtanto na nakatitig ito sa kanya. "Sobrang busy ako pero kailangan ko pa rin siyang harapin. Nakakainis..."Nanatili
Hinawakan ni Tiffany ang laylayan ng shirt niya sa ilalim ng mesa gamit ang isang kamay niya. Para bang nilalamon siya ng isang hindi nakikitang stress, at pinagbawalan siyang tumingin kay Jackson.Ang katahimikan ay tumagal ng ilang segundo, ngunit parang walang-hanggan ito para sa kanya. Tiningnan ni Jackson si Tiffany bago kinuha ang baso ng red wine mula kay Ethan. "Oo naman."Napapansin ni Arianne na parang may mali kahit hindi niya masyadong maintindihan ang tungkol sa ugnayan ng mga lalaki at babae. Tumingala siya at pinagmasdan ang mga ekspresyon ng mukha ng mga lalaking naroroon. Makikita pa rin si Mark na malamig at malayo. Sa kabilang banda, parehong magalang sina Jackson at Ethan sa bawat isa. Wala talaga siyang makita na kakaiba dito.Sa wakas ay guminhawa ang pakiramdam ni Tiffany matapos umalis si Jackson. Hindi pa siya nakakain ng husto, ngunit pakiramdam niya ay nabusog na siya. Inilapag niya ang tinidor at kutsara. "Busog na ako ngayon. Kumain muna kayo diyan. Aali
Pagkatapos ng hapunan, si Mark at Arianne ay direktang bumalik sa Tremont Estate.Nang pauwiin ni Ethan si Tiffany, inilabas niya ulit ang singsing. "Tiffie, pwede mo ba akong bigyan ng sagot ngayon?"Medyo nasasakal si Tiffany. "Ethan... Pasensya na, wala pa akong desisyon sa ngayon."Nakasimangot si Ethan at itinabi ang singsing. "Sinabi mo sa akin na bibigyan mo ako ng sagot kapag nakalabas na ako sa ospital. Kahit na may pag-ibig sa pagitan natin o wala. Napakahirap bang magdesisyon tungkol dito? Na-in love ka na ba sa ibang tao noong magkalayo tayo?"Inikot ni Tiffany ang bintana ng sasakyan at huminga ng malalim para mapabuti ang kanyang pakiramdam. "Hindi... Ah... Nag-aalala lang ako na baka magalit ang nanay ko. Alam mo kung ano ang ugali niya. Hindi siya makakapagpigil sa sandaling magalit siya..." Sa oras na ito, maaari lamang niyang gamitin ang kanyang nanay bilang isang dahilan. Kahit na gusto niya ang matatamis na salita ni Ethan, ang simpleng pagtanggap ng kanyang pro
Naturally, hindi aaminin ni Ethan na siya ang anak sa labas ng pamilyang Tremont. Tinago niya ang lamig sa kanyang mga mata at binigyan siya ng pinaka perpektong ngiti. "Hindi alam ng marami ang tungkol dito. Kung hindi ka naniniwala sa akin, maaari mong tanungin si Tiffie o tawagan mo mismo ang aking kapatid. Siya nga pala, nagdala ako ng agreement sa paglipat para sa piraso ng lupa. Pwede mong patunayan ang authenticity nito.” Kinuha ni Ethan ang agreement.Sinuri ito ni Lillian at pinaniwalaan lamang siya matapos niyang mapatunayan na ito ay talagang isang tunay na dokumento. "Nabanggit mo... ang isang bagay tungkol kay Tiffie ngayon lang? Nagkikita ulit kayong dalawa?"Tumango si Ethan. "Oo, naaksidente ako sa sasakyan ilang araw na ang nakakalipas at si Tiffie ang nag-alaga sa akin. May sarili akong mga dahilan sa pakikipaghiwalay sa kanya noon. Ngayong maayos na ang lahat, gusto kong pakasalan si Tiffie. Pero, hindi siya nakapagbigay ng sagot sa akin dahil nag-aalala siya na ba