Inunat ni Mark ang kanyang kamay sa harap ni Arianne at pinalapit siya. "Halika dito." Masunurin siyang sinunod siya ni Arianne. Ito ay parang lahat ng mga hadlang sa pagitan nila ay nawala.Hinila siya nito sa kanya, pinatong sa kanyang kandungan bago niya isinandal ang kanyang baba sa kanyang mga balikat. Naamoy ni Arianne ang amoy nito, pinapayagan itong aliwin ang kaguluhan sa kanyang isipan. "Ari, gusto mo ba talaga akong iwanan?"Ito ang kauna-unahang pagkakataon na narinig ni Arianne na tinutukoy siya bilang Ari habang siya ay matino. Kinabahan siya dahil dito sa ilang kadahilanan. Nagsimulang mabasa ng pawis ang kanyang mga palad at naninigas ang kanyang katawan. Nauutal siyang nagsalita, “Ba-bakit mo ako tinatanong ng ganito ngayon? K-kakaiba talaga ang kilos mo ngayon!"Tumugon siya sa pamamagitan ng paghigpit ng mga braso sa kanya, halos parang nag-aalala siyang tatakas si Arianne. "Gusto kong malaman."Inulit-ulit ni Arianne ang tanong sa kanyang ulo. Noon pa niya gusto
Naging magulo ang isip ni Arianne hindi dahil nahihirapan siya sa kanyang pagpipilian pero dahil sa pananaw ni Mark sa bagay na ito. Nagdalawang isip si Arianne sa kanyang sarili at nagtataka siya kung nasobrahan ba siya sa kanyang sinabi. Pwede maging maayos ang relasyon nila Ethan at Tiffany? Mayroon bang mga magagandang dahilan para tumingin sa ibang paraan kay Ethan?Sa huli, ito ay isang pribadong bagay sa pagitan nina Tiffany at Ethan; ayaw ni Arianne na makipag-away kay Mark sa ngayon."Okay, pag-iisipan ko," sabi ni Arianne, bago niya dinagdag, "Alam mo, kung ito ay matatapos sa ganitong paraan, kung gayon hindi mo dapat sinabi sa akin ang una mong sinabi. Ibig kong sabihin, paano mo ako aasahan na magpanggap na wala akong alam ngayon? Sus! Gumagabi na at gusto ko nang umuwi. Sasama ka ba?"Si Mark ay hindi kailanman magpalipas ng gabi sa kanyang opisina at ngayong personal nang lumapit si Arianne sa kanya kaya hindi na niya ito gagawin pa. "Tayo na."Samantala, sa loob ng
Nilabas ni Lilian ang title deed para makita ng kanyang anak na babae. "Ito, ito mismo, ay tumutukoy sa isang lupa na pagmamay-ari ng lolo mo. Napakahalaga nito ngayon at hulaan kung sino ang gusto nito? Walang iba kundi si Mark Tremont mismo, at darating siya para pirmahan ang kontrata ngayon! Bakit hindi ako magiging masaya? Salamat sa diyos nakalimutan natin ang tungkol sa piraso ng lupa, na ligal pa rin sa iyong lolo, at hindi namin ito nilista bilang isa sa aming mga assets nang idineklara namin ang bankruptcy. Kaya, excuse me - kailangan ni Mommy asikasuhin ang maraming bagay. Tata!"Nataranta si Tiffany. Sa isang sandali, hindi niya makolekta ang kanyang sarili sa pag-iisip na si Mark ay may pinaplano na makuha ang pagmamay-ari ng kanyang pamilya. Tulad ito ng isang panaginip na natupad, lalo na kung maaari itong maging kanilang tiket para makawala sa kahirapan!Pagkatapos maligo ni Tiffany, tinawagan siya ni Ethan para ipaalam sa kanya na pauwi na siya mula sa ospital. Na-lat
"Mary, papunta ako sa opisina," sabi ni Arianne at umalis agad siya. Mababaliw na siya kung tumagal pa siya sa bahay. Nang marinig ni Mary na pupunta siya sa opisina, ang una niyang naisip na si Arianne ay pupunta sa kumpanya ni Eric. "Napakainit at ang iniisip mo lang ay lumabas para kumita ng pera? Ang kuripot ba ni sir sayo? Hindi pwede! "Walang magawa na sinabi ni Arianne, "Pupuntahan ko si Mark Tremont, ang iyong master! Hindi ako magtatrabaho. Tsaka wala akong balak bumalik sa kumpanya ni Eric." May naisip siyang ibang bagay na gawin. Nakaramdam siya ng inip dahil sa pagta-trabaho niya sa design industry nang mahabang panahon.Nang marinig ito, sa wakas ay sumuko si Mary. "Okay, ihahatid ka ni Henry. Masyadong mainit ang panahon."…Hinatid ni Henry si Arianne sa Tremont Tower, at nakarating siya sa forty sicth floor nang walang paghihirap. Alam ni Ellie na hindi niya gusto ang pagsunod sa mga patakaran ni Mark na palitan ang kanyang sapatos kaya hindi niya inalok si Arianne
"Hindi ko inaasahan na mabilis ka pala. Para sa nakabubuti ito. Pwede akong mag-propose kay Tiffany sa lalong madaling panahon."Si Mark ay hindi interesado kung si Ethan ay magpapakasal o hindi. “Pirmahan mo na ang transfer agreement ngayon. Wala akong oras para makipag usap sayo."Malinaw na pinirmahan ni Ethan ang kanyang pangalan sa dokumento at tumingala habang nagtanong siya, "Kung ikakasal ako, bilang kuya ko, pupunta ka, di ba?""Huwag kang lumagpas sa limitasyon mo!" Patay na nakatitig sa kanya si Mark.Nagkibit balikat si Ethan habang nakangiti. "Ako ba? Hiniling ko sayo na ibigay sa akin ang lahat ng meron ang mga Tremonts, pero dahil nag-aatubili ka, ayaw rin naman kitang pilitin. Kaya kong makuha ang lahat kung aasa ako sa sarili ko. Pero, hindi rin masama para sa akin kung sasabihin ko sa lahat na Tremont din ako. Sa katunayan, makikinabang ito sa akin. Hindi ka papayag, tama? Kung sabagay, nasabi mo kay Arianne ang lahat ng nagawa ko. Walang kinalaman sa akin kung pa
Pinapanood nila ang mga masayahin na daldalan ng mga bata kaya hindi mapigilan ni Arianne na tumawa. "Hindi ko inaasahan na magiging sikat ka sa mga bata. Akala ko matatakot sila sayo." Si Mark ay hindi nakasuot na suit ngayon. Nakadamit siya ng puting short-sleeve na sportswear at isang pares ng light violet sunglass. Kung ikukumpara sa kung gaano siya ka-sharp sa kanyang suit at leather na sapatos, mas malumanay siya at mas kaswal ngayon. Siya ay yumuko para dalhin ang isang maliit na batang babae sa paligid ng apat na taong gulang at hiniling kay Brian na kunin kung ano ang nasa puno ng kahoy.Para bang alam ng mga bata kung ano ang lalabas mula sa puno ng kahoy kaya lalo silang sumaya. "Mr. Tremont, nagdala ka ulit ng amin na mga libro at laruan?! At masarap na meryenda! Gusto naming pumunta ka araw-araw. Sinabi ni Madam na hindi pa isang buwan mula nang huli kang dumating kaya hindi ka na agad pupunta. Hindi ako makapaniwalang nandito ka!"Nagulat si Arianne. Hindi niya ina
Ang maliit na bata ay biglang umiyak, siguro ay dahil natakot siya sa banayad na kurot ni Mark.Likas na inakbayan ni Arianne ang bata. “Hush, baby, hush. Sino ang magaling na baby… "Huminto kaagad sa pag-iyak ang maliit na bata, ngunit mayroon pa ring malungkot na pag-pout sa kanyang mukha at namula ang kanyang mga mata.Mahinang nagtanong si Mark sa tainga ni Arianne, "Bakit hindi tayo mag-ampon ng isang bata?"Tumingin sa kanya si Arianne. Hindi ito ang unang pagkakataon na nabanggit niya ito. Nagkunwari siyang hindi siya naririnig. Sinabi niya sa direktor, "Hindi na kailangan ng pasasalamat basta ang maliliit na anghel na ito ay maaalagaan."Matapos gugulin ang buong umaga sa bahay ampunan, magalang na tinanggihan nina Arianne at Mark ang paanyaya ng direktor para sa tanghalian. Sa kanilang paglalakbay pabalik sa Tremont Estate, iniisip ni Arianne ang tungkol sa pakiramdam ng sanggol na lalaki sa kanyang mga bisig. Ang bata ay napakalambot at nakatutuwa na nararamdaman ng kanya
Maya-maya pa ay lumapit sa kanya si Mark mula sa likuran. "Pag-aari lahat ito ng pamilyang Tremont. Tingnan mo kung may gusto ka dito."Nang tumalikod si Arianne, nakita niya ang isang malaking stack ng mga property certificates sa mga kamay ni Mark. Halos bumagsak ang panga niya. “Ah… Ano? Ayoko..."Sumimangot si Mark. "Hindi ba ang mga babae ay gusto ng sigurado sa buhay nila? Naisip ko ito dahil sa mga sinabi ni Brian…"Napanganga si Arianne bago niya ilayo ang kanyang mga mata dahil ito ang kanyang kinagawian. "Seryoso ka? Bakit pakiramdam ko kakaiba kang kumilos nitong mga nakaraang araw? Kalaban mo ako. Hindi ba kakaiba para sayo na bigyan ang iyong mga kaaway ng mga properties? Bukod pa dito, hindi ako nagkukulang ngayon. Mayroon akong mga pagkain at damit sa Tremont Estate at binibigyan mo ako ng pera na pwede kong gastusin. Kuntento na ako dito. Ilayo mo mo sa akin ang mga ito. Ayoko ng anumang mga property."Medyo lumabo ang mga mata ni Mark habang itinapon ang stack ng m