Si Helen ay nanahimik pagkatapos siyang punahin ni Arianne. Natapos na din sina Aery at Mark sa kanilang pag-uusap. Naglakad ang dalawa nang mukhang naiinis at hinila ni Mark si Arianne para umalis. Bumalik sila sa kotse at manhid niyang sinabi, "Bumalik na tayo sa Tremont Estate."Hindi maintindihan ni Brian kung bakit naging malala ang paligid dahil napaka-friendly nila habang papunta sa restaurant. Nag-hum si Brian bilang pagsunod at hindi nangahas na magsalita pa.Hindi nakonsensya si Arianne kaya diretsong nagtanong, "Anong sinabi sayo ni Aery? Masyado kang malungkot na para bang uulan."Hindi sinagot ni Mark ang tanong niya ngunit bahagyang ibinaba ang kanyang ulo na para bang nalulungkot siya. Pagkalipas ng ilang oras, nagsalita siya, "Noong araw ng aksidente noong nalaglagan ka, ano ang ginagawa niyo ni Will sa kotse?"Ayaw alalahanin ni Arianne ang aksidente kaya medyo mabigat ang kanyang puso. "Nalulungkot si Will noong araw na iyon dahil nakuha mo ang kanyang kumpanya,
Ang boses ni Arianne ay nanginginig habang nagsasalita, pero nagpatuloy siyang magsalita hanggang sa puntong ito. Kailangan niyang manalo sa oras na ito, hindi muna siya susuko!"Mm... not bad..." Si Mark ay hindi nagpapakumbaba pero nag-isip siya. Parang may mali...Napalunok si Arianne. "Uh... hindi ba aalis na si Nina? Kailan siya aalis? Ilibre natin siyang kumain. Babae siya, maghanap ka ng tutulong sa kanya na lumipat."Matagumpay na iniba ni Arianne ang atensyon niya kaya sumagot si Mark, "Alam ko. Pupunta ako kayla Jackson at Eric mamaya. Hindi ako uuwi para maghapunan. Magpahinga ka nang mas maaga pagkatapos mong kumain.”Nang makarating ang kotse sa gate ng Tremont Estate, nanginginig na bumaba si Arianne sa sasakyan, pakiramdam niya ay nanginginig ang kanyang mga binti. Si Mark ay hindi pumasok, sinabihan niya si Brian na puntahan si Jackson sa White Waters Bay. Biglang napatanong si Mark kay Brian, "Brian, nakikipag-away ba siya sa akin kanina?"Napalunok si Brian. "Sa
Umiling si Eric. "Hindi ko alam. Pwede mong sabihin ito sa ibang tao at lokohin sila, pero magsisinungaling ka sayong mga tropa? Hindi ba namin alam kung sino ka? Maliban sa pagiging isang babaero, wala kang kahinaan. Ang mga babaeng nasa paligid mo ay ang iyong kamag-anak o ang mga lovers mo."Ngumiti si Jackson at walang sinabi. Nabigla siya nang marinig niya ang basag ng baso sa kusina. "Mag-usap muna kayo, titingnan ko ang nangyari."Pagkaalis ni Jackson, bumulong si Eric kay Mark, “Gusto ba nating ipaalam kay hipag? Siya ang bestfriend niya. Ano sa tingin mo?"Tahimik lang si Mark, pinapakita na wala siyang interes sa bagay na ito. Ayaw ni Eric sumuko kaya kumuha siya ng sigarilyo sa isang magandang kahon ng sigarilyo at pinasa ito. "Gusto mo ng isa?"Sa pagtingin sa sigarilyong inalok sa kanya, nag-atubili muna si Mark ng isang segundo bago tinanggihan si Eric. "Hindi ako naninigarilyo."Inasar siya ni Eric. "Oh ho ho, tumigil ka na ba talaga? Akala mo maniniwala ako diyan.
Halos pagdudahan ni Eric ang kanyang sarili pagkatapos ng sinabi ni Tiffany. "Ikaw... Sige na! Iyon lang ang sasabihin ko. Gawin mo ang anumang gusto mo. Nagbibigay lang ako ng paalala sayo. Hindi ka pwedeng makipaglaro sa ilang mga tao, at hindi mo rin ito kayang bayaran sa huli. Ito ay para mapigilan ang mga bagay na maging mahirap kapag nakilala namin si Arianne sa hinaharap. Hindi mapilit sa ibang tao si Jackson. Kung nagdadalawang isip ka, walang mangyayari sa pagitan ninyong dalawa. Yin lang, isipin mo ito ng maigi."Inikot ni Tiffany ang nga mata niya. “O sige, sige. Salamat sa paalala mo. Ngayon, umalis ka na, huwag harangan ang ilaw ko!"…Pagkalipas ng forty minutes, ibinaba ni Brian si Arianne sa White Waters Bay. Ang pinto sa bahay ni Jackson ay nakabukas, pero kumatok pa rin siya muna.Nang marinig ito ni Tiffany, kumaripas siya ng takbo upang hilahin ang pinto na parang isang bugso ng hangin. "Ari!"Nagulat si Arianne. "Tiffie, bakit nandito ka?"Hinila ni Tiffany s
Sa totoo lang, kakaunting babae lang ang kayang pigilan ang kanilang sarili sa isang lalaking tulad ni Jackson.Kahit na alam mong playboy siya, maiisip mo pa rin na siya ay matikas at kaakit-akit. Ang mga hindi sinasadyang mga detalye ng kanyang mga galaw ay nagpapakita ng maginoo na pag-uugali at ng kanyang maalalahanin na pagkatao. Ang mahalaga pa doon, meron siyang mga assets ng isang playboy. Mayaman siya at gwapo. Kahit na ang diyablo na si Tiffany ay naramdaman ang mga paru-paro sa kanyang tiyan nang ilang sandali.…Pasado ten o'clock na ng gabi nang umalis sina Mark at Arianne sa villa ni Jackson. Ang bawat isa ay may uminom ng alak noong hapunan, kasama na dito si Arianne, pero konti lang ang nainom niya.Nararamdaman niya ang pag-init ng pisngi niya ngunit malinaw pa rin ang isip niya.Matagal nang naghihintay si Brian sa labas. Nang makasakay na sila sa sasakyan, tiningnan ni Arianne ang villa na nakabukas sa takipsilim at biglang nagtanong, "May asawa na ba si Jackson
"Bigyan mo ako ng dahilan. Huwag mong sabihin sa akin na ang isang taong sa edad mo ay natatakot pa ring matulog ng mag-isa. Takot ka ba sa dilim?" Pabirong tanong sa kanya ni Tiffany."Parang ganun na rin. Isipin mo ng maigi." Bumangon si Jackson at binuhusan ang sarili ng isang basong alak saka ininom ang kalahati nito nang mabilis.Naisip ito ni Tiffany, ngunit tumanggi pa rin siya sa huli. "Darating na ang taxi na pinapunta ko. At saka... hindi natin pwedeng gawin ito. Narinig ko mula kay Eric na ang iyong kasal ay nakahanda na, nangangahulugang mayroon ka nang fiancé. Bakit mo ako hinihiling na gawin ito kaysa ang fiancé mo? Ayokong mapuna ng iba. Tama na 'yan, hindi nakakatakot na matulog mag-isa. Huwag kang mag alala."Ngumiti si Jackson, pinagtatawanan niya ang kanyang sarili. "Ang aking mapapangasawa? Hindi mo ba siya nakita sa restaurant noon? Hindi siya katulad mo."Biglang walang nasabi si Tiffany. Ano ang ibig niyang sabihin doon? Iniinsulto ba siya nito? Nagdalawang
"Sinadya mong gawin ito, di ba?" Binigyan niya si Jackson ng isang mapambintang na hitsura."Hindi, hindi. Nasa armrest ang baso ng alak noong umalis ako. Hindi ko alam kung paano ito nabuhos. " Inosente na nagkibit balikat si Jackson."Sinasadya mo akong pahirapan, hindi ba? Alam mo naman na pagod ako mula sa paglilinis at gumawa ka pa ng gulo kanina! Paano ko lilinisin ang sofa na ito?" Si Tiffany ay mukhang iiyak na dahil wala siyang karanasan sa paglilinis ng isang may mantsa na sofa.Tumawa si Jackson nang tuluyan. Akala niya ay aakusahan siya ni Tiffany na sinadya niyang mantsahan ang sofa para sumunod si Tiffany sa kanya. Hindi niya inaasahan na ang isip ni Tiffany ay magiging inosente. Ang utak niya ay hindi gumagana na tulad ng isang normal na tao.Hatinggabi na at tuluyang tinanggap ni Tiffany ang katotohanan na hindi siya uuwi ngayong gabi. Gayunpaman, pinilit pa rin niya na hindi maki-share ng parehong kumot ni Jackson. Kahit papaano, mas ligtas siya sa ganitong paraan.
Matapos ang isang malakas na bagyo, tuluyan na ring bumangon si Mark at pumasok sa banyo. "Ihahatid ko si Nina mamaya. Dapat matulog ka pa pagkatapos mong makakuha ng pagkain. "Namula si Arianne at nagtago sa mga kumot, humihingal pa rin ng konti. Ang lalaki ay mukhang kasing lamig muli ng isang iceberg pagkalabas ng kama, pero mas madalas na silang naguusap ngayon. Noong nakaraan, hindi siya kakausapin ni Arianne maliban kung kinakailangan.Sa White Water Bay Villa, nagising si Tiffany na sa sobrang lamig. Maliban sa init sa kanyang likuran, naramdaman niyang may malamig na parte sa kanyang katawan. Hindi niya alam kung paano ang dalawang kumot ay nahulog sa lupa. Si Jackson at siya ay matutulog na dapat sa dalawang panig ng kama, ngunit nakayakap na sila ngayon! Hindi, sa madaling salita, magkayakap pa sila! Papatayin niya sana si Jackson kung hindi lang dahil sa katotohanan na nakahawak siya sa baywang ni Tiffany at hindi mas mataas kaysa doon.Ngayon lamang niya naintindihan ku