Pagkaalis ng lahat, naglakad si Will patungo sa lounge. "Ari."Tumayo si Arianne at nginitian siya. "Coincidence nga naman, hindi ko alam na pupunta ka rin sa meeting. Sumama ako kay Mark dito kasi mawala ang pagkabagot ko… Kumusta ang iyong paa?"Hindi na pinansin ni Will ang kanyang pagkabalisa ngunit ngumiti na lamang at sinabi. “Okay lang. Medyo nakakatawa lang ito kapag naglalakad ako, pero magiging okay na ito sa susunod. Nakikita kong mabuti ang pakikitungo sayo ni Mark. Umaasa ako na hindi siya nagpapanggap para sa iba."Hindi natuloy ni Arianne ang pag-uusap at sa halip ay binago ang topic nila. “Um… May gusto ka bang inumin? Pwede akong gumawa ng kape."Nagisip siya ng sandali pagkatapos ay sinabi, "Oo naman, pasensya na sa abala."Ngumiti sa kanya si Arianne saka pumasok sa opisina ni Mark para gumawa ng dalawang tasa ng kape dahil ang kanyang opisina ay mas maraming laman kaysa sa pantry. Dalawang minuto pagkatapos niyang bumalik sa lounge na may dalang kape, bumukas a
Akala ni Arianne ay tumatakbo siya ng kasing bilis ng hangin, ngunit hindi niya inaasahan na nahuli siya ni Mark bago pa siya tumakbo palabas ng lobby sa ground floor. "Oh, parang lumalakas ang loob mo para tapakan mo ang paa ko. Ayos. Sisiguraduhin kong tuturuan kita ng leksyon mamaya."Sumuko si Arianne at pinayagan ang kanyang sarili na hilahin siya pabalik sa sasakyan habang nalulungkot. Napansin ni Brian na pareho silang humihingal na parang kakatapos lang nilang mag-exercise at hindi mapigilan ang kanyang sarili na magreklamo. "Anong nangyayari dito? Kakatapos niyo lang bang tumakbo ng one hundred meter sprint?"Parang good mood si Mark at sumagot siya sa tanong ni Brian. "Siguro, pero natapos na ang takbuhan bago pa kami umabot ng isang daang metro. Pumunta tayo sa White Water Bay Café."Sa White Water Bay Café ...Naalala ni Arianne ang kanyang huling pagbisita kay Mark sa cafe na iyon, pero syempre, hindi ito maituturing na isang magandang memorya. Hindi niya maintindihan
Hinarap ni Mark ang kanyang ulo at tiningnan siya na may komplikadong emosyon na tumatakbo sa kanyang mga mata. "Paano kung sinabi ko sayo na hindi na mahalaga sa akin ang nakaraan? Hindi talaga ako... ” Bago pa niya matapos ang kanyang sinasabo, nagambala siya ni Aery at ng kanyang pamilya. Hindi lang ang kanyang ina ang kasama, ngunit maging ang kanyang tatay na si Jean Kinsey ay nandito.“Mark dear, coincidence! Hindi ko inaasahan na makikita kita dito. Ang tagal din natin hindi nagkita, kumusta ka? " Nagpanggap si Aery na para bang walang nangyari at kinausap si Mark sa kanyang karaniwang cute na boses.Si Mark ay medyo naiinis dahil magambala siya, kaya natural, ang kanyang damdamin ay makikita sa kanyang mukha. "Oo nga," maikling sagot niya.Alam ni Aery kung paano obserbahan ang sitwasyon, kaya tumabi siya at tumigil sa pagsasalita ngunit nagpatuloy sa pagbibigay ng masamang tingin kay Arianne. Sina Jean at Helen ay parehong nagpanggap na mabait sa paligid ni Mark. Kung paguu
Tumigil si Mark at humarap sa kanya. "Ano 'yon?"Hindi alam ni Aery kung paano siya magsasalita. Mahigpit niyang hinawakan ang laylayan ng kanyang damit dahil sa kaba. "May... may sasabihin ako sayo..."Kalmado siyang tiningnan ni Mark. “Kung may sasabihin ka, sabihin mo dito. Kailangan kong samahan si Ari pabalik. Wala akong oras para dito."Niliitan ni Arianne ang maganda niyang mga mata habang malamig na nakatingin kay Aery. Nagtitiwala siya na tutuparin ni Mark ang kanyang mga sinabi, kaya hindi siya magaalala tungkol kay Aery."Hindi maganda na magusap tayo dito, pwede ba tayong mag-usap doon? Bigyan mo lang ako ng limang minuto...” Sinubukan pa ring lumaban ni Aery.Nang makita ito ni Helen, hindi siya lumapit at pigilan siya. Gayunpaman, nakatingin siya kay Arianne na may komplikadong nararamdaman. Bagaman siya ang nagluwal sa kanya, hindi na siya makita ni Helen tulad ng dati...Si Mark ay patuloy na tumatanggi. "Kung hindi ito mahalaga, aalis na kami ngayon."Nagsimula
Si Helen ay nanahimik pagkatapos siyang punahin ni Arianne. Natapos na din sina Aery at Mark sa kanilang pag-uusap. Naglakad ang dalawa nang mukhang naiinis at hinila ni Mark si Arianne para umalis. Bumalik sila sa kotse at manhid niyang sinabi, "Bumalik na tayo sa Tremont Estate."Hindi maintindihan ni Brian kung bakit naging malala ang paligid dahil napaka-friendly nila habang papunta sa restaurant. Nag-hum si Brian bilang pagsunod at hindi nangahas na magsalita pa.Hindi nakonsensya si Arianne kaya diretsong nagtanong, "Anong sinabi sayo ni Aery? Masyado kang malungkot na para bang uulan."Hindi sinagot ni Mark ang tanong niya ngunit bahagyang ibinaba ang kanyang ulo na para bang nalulungkot siya. Pagkalipas ng ilang oras, nagsalita siya, "Noong araw ng aksidente noong nalaglagan ka, ano ang ginagawa niyo ni Will sa kotse?"Ayaw alalahanin ni Arianne ang aksidente kaya medyo mabigat ang kanyang puso. "Nalulungkot si Will noong araw na iyon dahil nakuha mo ang kanyang kumpanya,
Ang boses ni Arianne ay nanginginig habang nagsasalita, pero nagpatuloy siyang magsalita hanggang sa puntong ito. Kailangan niyang manalo sa oras na ito, hindi muna siya susuko!"Mm... not bad..." Si Mark ay hindi nagpapakumbaba pero nag-isip siya. Parang may mali...Napalunok si Arianne. "Uh... hindi ba aalis na si Nina? Kailan siya aalis? Ilibre natin siyang kumain. Babae siya, maghanap ka ng tutulong sa kanya na lumipat."Matagumpay na iniba ni Arianne ang atensyon niya kaya sumagot si Mark, "Alam ko. Pupunta ako kayla Jackson at Eric mamaya. Hindi ako uuwi para maghapunan. Magpahinga ka nang mas maaga pagkatapos mong kumain.”Nang makarating ang kotse sa gate ng Tremont Estate, nanginginig na bumaba si Arianne sa sasakyan, pakiramdam niya ay nanginginig ang kanyang mga binti. Si Mark ay hindi pumasok, sinabihan niya si Brian na puntahan si Jackson sa White Waters Bay. Biglang napatanong si Mark kay Brian, "Brian, nakikipag-away ba siya sa akin kanina?"Napalunok si Brian. "Sa
Umiling si Eric. "Hindi ko alam. Pwede mong sabihin ito sa ibang tao at lokohin sila, pero magsisinungaling ka sayong mga tropa? Hindi ba namin alam kung sino ka? Maliban sa pagiging isang babaero, wala kang kahinaan. Ang mga babaeng nasa paligid mo ay ang iyong kamag-anak o ang mga lovers mo."Ngumiti si Jackson at walang sinabi. Nabigla siya nang marinig niya ang basag ng baso sa kusina. "Mag-usap muna kayo, titingnan ko ang nangyari."Pagkaalis ni Jackson, bumulong si Eric kay Mark, “Gusto ba nating ipaalam kay hipag? Siya ang bestfriend niya. Ano sa tingin mo?"Tahimik lang si Mark, pinapakita na wala siyang interes sa bagay na ito. Ayaw ni Eric sumuko kaya kumuha siya ng sigarilyo sa isang magandang kahon ng sigarilyo at pinasa ito. "Gusto mo ng isa?"Sa pagtingin sa sigarilyong inalok sa kanya, nag-atubili muna si Mark ng isang segundo bago tinanggihan si Eric. "Hindi ako naninigarilyo."Inasar siya ni Eric. "Oh ho ho, tumigil ka na ba talaga? Akala mo maniniwala ako diyan.
Halos pagdudahan ni Eric ang kanyang sarili pagkatapos ng sinabi ni Tiffany. "Ikaw... Sige na! Iyon lang ang sasabihin ko. Gawin mo ang anumang gusto mo. Nagbibigay lang ako ng paalala sayo. Hindi ka pwedeng makipaglaro sa ilang mga tao, at hindi mo rin ito kayang bayaran sa huli. Ito ay para mapigilan ang mga bagay na maging mahirap kapag nakilala namin si Arianne sa hinaharap. Hindi mapilit sa ibang tao si Jackson. Kung nagdadalawang isip ka, walang mangyayari sa pagitan ninyong dalawa. Yin lang, isipin mo ito ng maigi."Inikot ni Tiffany ang nga mata niya. “O sige, sige. Salamat sa paalala mo. Ngayon, umalis ka na, huwag harangan ang ilaw ko!"…Pagkalipas ng forty minutes, ibinaba ni Brian si Arianne sa White Waters Bay. Ang pinto sa bahay ni Jackson ay nakabukas, pero kumatok pa rin siya muna.Nang marinig ito ni Tiffany, kumaripas siya ng takbo upang hilahin ang pinto na parang isang bugso ng hangin. "Ari!"Nagulat si Arianne. "Tiffie, bakit nandito ka?"Hinila ni Tiffany s