Kahit papaano ay nakahinga ng maluwag si Mark nang makuntento siya sa kanyang narinig.Humithit muna ng sigarilyo si Alejandro bago nagpatuloy. "Sa totoo lang, bukod sa pagiging ambisyosong lalaki, si Seaton ay nakatutok sa Tremont Estate dahil intensyon ng asawa niya na hiwalayan siya. Hanggang doon lang ang abot ng magkakaintindi ko. Pinapatagal pa ni Seaton ang divorce na ito sa kabila ng tagal ng panahon na lumipas. Sa kabilang banda, ang asawa ni Seaton ay nagmamay-ari ng isang bahagi ng shares ng kanyang kumpanya at paniguradong mahihirapan siya sa sandaling nag-divorce sila at ang kanyang asawa ay nakakuha ng isa pang bahagi ng kanyang mga share, at iyon ang dahilan kung bakit target niya ang Tremont Enterprise. Hindi niya kailangang mag-alala tungkol sa bankruptcy kapag nakuha niya ang iyong kumpanya. Naapektuhan ang kumpanya ni Seaton nang magkaroon siya ng problema; ibinenta pa sa amin ng kanyang asawa ang kanyang shares nang walang pag-aalinlangan nang makuha namin ang kump
Napabuntong-hininga si Summer. “Base sa sitwasyon mo ngayon, sa tingin ko ay magiging okay ka lang, pero kinabahan talaga ako sayo. Bakit mo sinabi kay Tiffany na itago sa amin ang katotohanan? Hindi ba sinaksak ka lang naman? Wala namang vital organs na natamaan, pero ito ako nag-aalala dahil tinago mo ito sa akin. Hindi na talaga kaya ng puso ko ang ganitong pressure."Saksak lang...?Lalong naghinala si Jackson sa tunay niyang pagktao. Sasabihin ba talaga ng isang ina ang ganitong mga bagay sa kanyang anak? Kung hindi niya alam ang ugali ni Summer, sa tingin niya ay dapat lang na nagpa-DNA test na siya!Umalis si Summer sa ospital kasama si Tiffany matapos ipilit ni Jackson na umalis sila. Nakipagkita ang dalawa kay Atticus, na babalik na sana sa ward nang paalis na sila, at malungkot na nagtanong si Summer, “Saan ka nanggaling? Ganito ka ba talaga bumisita sa isang pasyente sa ospital? Bakit umalis ka paglipas lang ng dalawang minuto? Nainis si Jackson sa ugali mo kanina.”Nagu
Sa kabila nito, walang intensyon si Arianne na ibalik si Aery sa kanyang buhay dahil walang alinlangang sinusubukan niya lang bumalik para bumalik siya kay Mark. Nanganganib din si Smore na malagay sa panganib kung hindi siya naging maingat. Matapos timbangin ang mga pros and cons, nagpasya si Arianne na huwag pansinin si Aery. Hindi magbabalak ng masama si Seaton kay Aery kung alam niya ang pangit nilang relasyon ni Arianne. Natuwa siya na hindi siya malambot na tao at nagawa niyang balewalain si Aery nang hindi nakokonsensya. Hindi kasing-santo si Arianne gaya ng iniisip ng iba.Ipinaalam ni Arianne kay Helen ang tungkol sa pagbabalik ni Aery at laking gulat niya nang malaman na walang alam si Helen tungkol dito. Nakatakas na si Aery nang makita niyang abala si Helen sa ilalim ng trabaho. Hindi sinundo ni Helen si Aery dahil na rin sa kanyang trabaho.Ipinaliwanag ni Arianne kay Helen ang kay Seaton at nilinaw niya na hindi siya mananagot kung may mangyari kay Aery.Nangako si Hel
Nagpapanic si Arianne. Kasunod nito ay binigay niya ang cellphone kay Mark.Tinawagan ni Mark ang number, ngunit binabaan siya ng tawag sa kabilang linya. Hindi nagtagal, nagpadala ng message ang number: ‘Alam kong hinahanap niyo ako, pero give me a break. Nakakapagod magtago sa inyong lahat. Kung patuloy akong hahanapin ng mga tauhan mo bukas, puputulin ko ang mga kamay ni Aery Kinsey. Napakagandang dalaga, sayang naman kung mawalan siya ng kamay. Bigyan mo ako ng kaunting kapayapaan at katahimikan sa loob ng dalawang araw habang inihahanda mo ang iyong sarili na makipag-usap sa akin tungkol sa negosyo. Hintayin mong kontakin kita. Mula ngayon ay kokontakin natin ang bawat isa.’Para kumpirmahin na hawak niya si Aery, nagpadala si Seaton ng picture ni Aery Kinsey na nakatali sa isang madilim na kwarto. Naka-tape ang bibig ni Aery habang napakalaki ng kanyang mga mata sa sobrang takot. Hindi ito mukhang isang acting. Napakahirap magpanggap na takot tulad ng itsura niya sa litrato.M
Gaano man karami ang kasalanan na nagawa ni Aery, si Helen ay parating nasa tabi niya, na kinukunsinti siya hangga't kaya niya. Gayunpaman, si Arianne ay hindi kailanman gumawa ng kahit anong pagkakamali ngunit siya ang iniwan sa huli. Sinasabi ng mga tao na ang mga batang umiiyak ang binibigyan ng mas maraming pagmamahal. Totoo ba talaga ito?Nanatiling tahimik si Arianne, at nagsimulang humagulgol si Helen. “I’m sorry... hindi ko sinasadyang sabihin iyon. Please, tulungan mo ako, okay? Iligtas mo si Aery.”"Paano mo gustong tulungan kita?" Tanong ni Arianne habang nakatitig sa kanyang mukha. “Ipalit ang buhay ng iba para sa isang buhay? Pinutol ni Seaton ang lahat ng kanyang kontak sa akin, at ang magagawa lang natin ay hintayin na siya ang kumontak sa atin para tanungin kung ano ang gusto niya. Pero malamang ang magiging sagot niya ay buhay para sa isang buhay. Walang ibang bagay na mas mahalaga sa kanya ngayon. Patay na dapat si Seaton ngayon, siya ay naka-blacklist. Hindi na siy
Naramdaman ni Aristotle ang kanyang emosyon at inosenteng nagtanong, "Mama, malungkot ka ba dahil kay Wowa?"Napangiti si Arianne sa kanya. “Hindi naman. Hindi mo alam kung gaano karaming problema ang meron ako. Huwag mo na isipin ito; hindi mo kailangang mag-alala tungkol sa mga ganitong bagay. Masyadong maraming problema ang mga matatanda…”Sinubukan ni Aristotle na hawakan ang kanyang ulo, ginaya ang ginawa ni Mark. Maliit lang siya kaya kinailangan siyang tulungan ni Arianne kaya yumuko siya.Uminit ang puso ni Arianne nang makita ito. “Smore, masaya ako na nandito ka sa akin; walang bagay na hindi ko kayang lampasan. Malaki ang tiwala ko sayo.”Biglang tinulak ni Mark ang pinto at pumasok sa kwarto. “Nag-away ba kayo ng mama mo? Na-kidnap si Aery, kaya dapat nag-aalala siya. Huwag mo na lang pansinin ang sinabi niya.”Napakagat labi si Arianne. “Sinisisi niya ako kung dahil hindi ko pinansin si Aery noong tumawag siya. Ako ba talaga dapat ang sisihin dito? Bakit magiging alal
Nang halos matapos na siya sa kanyang pagkain, tumingin si Seaton sa kanya at inilagay ang ekstrang fast food sa harapan niya sa lupa. “Tatanggalin ko ang tape sa bibig mo at bibitawan ko muna ang mga tape sa kamay mo para makakain at makainom ka. Kung lalagpas ka sa linya, papatayin kita. Naiintindihan?”Tumango sa kanya si Aery. Ang gusto lang niyang gawin ngayon ay kumain ng masarap.Hindi nag-aalala si Seaton na baka bigla siyang sumigaw ng malakas. Napakakaunti ng mga residente sa paligid na ito ay parang isang inabandunang maliit na village. Napakaraming pagsisikap ang kanyang pinagdaanan para mahanap ang lugar na ito. Ang bahay na ito ay original na pag-aari ng isang bachelor. Ang bachelor ay sobrang hirap na ang bahay ay walang iba kundi mga dingding lamang. Bukod sa kahoy na kama, may hindi pantay na upuan at bulok na mesa dito. Ang pamaypay lang ang binili niya dahil hindi na niya kaya ang init.Binigyan niya ang bachelor ng pera bilang upa sa loob ng ilang araw at sinabih
Natakot si Aery. “Sasama ka sa akin? Hindi ba parang hindi komportable ‘yon?"Walang nang pasensya sa kanya si Seaton. "Pwede ka namang hindi gumamit ng kubeta, umihi ka na lang diyan kapag nawalan ka ng kontrol."Ayaw ni Aery na madumihan ang kanyang sarili, kaya wala siyang ibang pagpipilian kundi ang palakasin ang kanyang loob para hayaan siya ni Seaton na gumamit ng banyo sa may garden gamit ang isang lubid. Ang kubeta na ito ay mabaho at napakarumi. Kinailangan niyang hawakan ang kanyang ilong at magsuka bago siya pumasok dito."Huwag kang mag-alala, hindi mawawala sa pang-amoy mo itong kubeta pagkatapos ng ilang araw mong manatili sa ganitong klaseng kapaligiran," mapanuyang sinabi ni Seaton nang makita niya ang hitsura ni Aery. “Walang kwenta kung maiinis ka pa. Masanay ka na lang."Nag-aatubili talaga si Aery na pumasok sa loob, ngunit hindi na niya ito napigilan. Pinilit niya ang kanyang sarili at inilabas ang kanyang lakas ng loob, habang pinipilit niya ang kanyang sarili