Suminghal si Seaton. “Malalaman ko kung gaano ka kahalaga sa kanya pagdating ng panahon. Pwedeng hindi ka mahalaga sa kanya, pero importante sa akin na kapatid mo siya. Sigurado akong pipilitin ni Helen si Arianne na iligtas ka."....Kinabukasan, absent si Arianne sa trabaho dahil abala siya sa pagsama kay Helen sa bahay. Napailing na lang si Helen at hindi siya kayang maiwan ni Arianne.Mas maasikaso pa si Helen kaysa kay Arianne sa mga dumarating na tawag. Hindi mahalaga kung sino ito, hangga't nagri-ring ang telepono ni Arianne, biglang tumatalon si Helen at iisipin na si Seaton iyon. Gayunpaman, lumipas ang isang buong araw ngunit wala silang natanggap na anumang update kay Seaton.Napakahirap para sa kanya na bulag na naghihintay sa paligid. Hindi man lang makakain at makatulog ng maayos si Helen sa bawat gabi na lumipas.Lagpas 9PM na nang sa wakas ay may dumating na tawag mula sa number ni Aery.Kinuha ni Helen ang cellphone mula sa mga kamay ni Arianne bago pa siya makas
Mabilis na tumigil si Arianne sa kanyang kinatatayuan. “Anong gusto mong gawin ko? Makipaglaban gaya ng ginagawa mo ngayon at hayaang magdusa ang isang inosenteng bata? Si Aery ang dahilan kung bakit nangyayari ito sa kanya. Hinding-hindi ito mangyayari kung hindi siya bumalik dito na may masamang intensyon sa pamilya ko. Ano ang gusto mong gawin ko ngayon? Ipagpalit ang sarili ko sa kanya? Bakit ko ito gagawin? Anong karapatan mo para hilingin ito sa akin? Naiintindihan ko na ikaw ay nagpapanic at nag-aalala, pero huwag mong ilabas ang disappointment mo sa akin. Wala kang karapatan!"Pagkasabi nito ay binuhat ni Arianne si Smore at tumakbo papunta sa kwarto niya, agad niyang sinara ang pintuan sa kanyang likuran.Inakala noon ni Arianne na tinalikuran na niya ang nakaraan at napatawad na niya si Helen. Ngunit nang mangyari ito, napagtanto ni Arianne na hindi na niya kailangan patawarin ni Helen, at hindi siya karapat-dapat sa kanyang kapatawaran. Sa huli, si Arianne ay isang bata pa
Pinunasan ni Mark ang glabella niya para pigilan ang sakit ng ulo niya. “Pwede bang huminahon ka? Hindi ko sinabihan ang mga tauhan ko na itigil ang paghahanap. Nag-ayos kami ni Alejandro ng isang bagong grupo ng mga tao na maghahanap sa kanya, dahil masyado nang matagal ang pagma-manipula ni Seaton sa akin. Sa tingin mo ba ay hindi ko pa naiisip ang lahat ng nararamdaman mo? Importante ang oras ngayon; Naiinis na ako ngayon, kaya ‘wag mo nang palalain ang sitwasyon. Hindi mangyayari ang lahat ng ito kung hindi gagawa ng gulo si Aery. At saka, paano siya naging isang bata at hangal? Bata pa ba siya? Hindi nakakapagtaka kung bakit naging spoiled si Aery, dahil sa tinatrato mo sa kanya. Mabuti na lang at hindi mo pinalaki si Arianne!"Nang matapos siya, umakyat si Mark at inutusan ang mga guard na huwag paalisin si Helen sa bahay. Lalong magiging seryoso ang kanilang sitwasyon kung may gawing kalokohan si Helen.Mayroon na lamang silang 10 hours na natitira bago sumikat ang araw, at an
Samantala, natagpuan ni Alejandro, kasama ng kanyang mga tauhan, ang isang village na matatagpuan sa isang rural area. Walang makikitang mga headlight sa daan at malubak ang mga kalsada, kaya kailangan ng mga lalaki na ipagpatuloy ang natitirang bahagi ng paglalakbay sa pamamagitan ng paglalakad. Kung talagang nandoon si Seaton, mae-expose sila kapag narinig ang mga tunog ng kanilang sasakyan.Ang buong village ay binabalot ng kadiliman kahit sa ilalim ng liwanag ng buwan, at kahit isang bahay ay hindi makikitaan ng liwanag, na para bang isa itong haunted village. Maliban sa tunog ng tahol ng mga asong gala, walang ibang ingay na nagmumula sa village, kaya napakalakas ng tunog ng mga yabag nila habang naglalakad papasok sa nayon.Inutusan ni Alejandro ang lahat ng kanyang mga tauhan na magkahiwalay na kumilos para maiwasan na marinig ang mga yabag nila. Sa ganoong paraan, makakagalaw sila nang mas maingat. Ayon sa mga tauhan ni Alejandro, pumunta si Seaton sa nasabing village, ngunit
Base sa mga detalyeng ibinigay ng lasenggo, paniguradong si Seaton iyon.Nainis si Alejandro nang mapansin niyang hindi tumitigil sa pagbulong ang lasenggo, at dahil dito ay pinilit niya itong ituro ang daan. Wala sa mood si Alejandro na mag-aksaya ng oras sa pakikipag-usap sa lasenggo.Napansin ng lasenggo ang baril sa mga kamay ni Alejandro at lalo pang nag-sway ang kanyang katawan dahil sa takot.Sabay silang naglakad sa makipot na kalye na puno ng mga butas. Si Alejandro ay isang mapagbantay na tao. Napagtanto niyang may mali pagkatapos ng ilang minutong paglalakad. Hindi masyadong malaki ang village, pero mukhang hindi maalala ng lasing kung nasaan ang kanyang bahay at paikot-ikot lamang siya.Nang magtatanong na sana siya ay biglang bumangga ang lasing sa kalapit na bahay na may bulok na pinto at agad siyang nawala sa kadiliman.Nang mapagtanto ni Alejandro na tumatakas ang lasenggo, nagmura siya at binuksan ang ilaw sa kanyang cellphone sa pinakamataas na liwanag bago sinun
Kinaladkad ni Seaton si Aery habang tumatakbo. Isa itong karera laban sa oras upang mabuhay. Ang hindi mapagkakatiwalaang bachelor na iyon ay hindi makakatulong sa kanila para makakuha ng mas maraming oras. Nakalkula na niya ang lahat sa simula pa lang. Gayunpaman, hindi niya akalain na ganoon kabilis ang pagdating ni Alejandro. Nakarating na siya bago pa siya makapagpalit sa ibang hideout.Ngayon lang naranasan ni Aery ang ganitong klase ng paghihirap. Hindi siya nakatulog o nakakain ng maayos mula nang kidnapin siya, kaya hindi niya talaga kayang makipagsabayan. Bigla siyang nawalan ng malay bago tumakbo ng napakalayo at hinayaan niya na lamang na hilahin siya ni Seaton kasama ng isang lubid sa kanyang mga pulso. Gayunpaman, hindi na siya makatakbo ngayon at tuluyan siyang bumagsak sa lupa. “Hindi ko na kaya, hindi na ako makatakbo. Tumakbo ka kung gusto mo. Ang kaligtasan ay pinakamahalaga ngayon. Huwag mo na ako gamitin bilang threat sa kanila…”Pilit siyang kinaladkad ni Seaton
Inalalayan ni Helen ang kanyang sarili sa mga dingding ng hallway at naupo. Nakakatakot ang pamumutla ng kanyang mukha. "Paano ito nangyari? Hindi pa magaling ang kanyang ankle. Bakit napakarami ng paghihirap na dinanas niy a? Wala siyang kinalaman sa kaguluhang ito... Bakit nagdusa siya ng sobra dahil sa pangyayaring ito?”Hindi na ito pinakinggan pa ni Arianne. Tumalikod siya at pumunta sa pinakamalapit na upuan para umupo. Ipinahihiwatig ba ni Helen na hindi dapat nagdusa si Aery, at dapat siya ang nagdusa dahil sa pangyayaring ito? Naiintindihan niya ang nararamdaman ni Helen, ngunit hindi niya maintindihan ang pagiging selfish niya. Sino siya kay Helen pagkatapos ng napakaraming taon na lumipas?Pagkaraan ng ilang sandali, bumukas ang pinto sa operating theater. Kasunod nito ay sumimangot si Helen. “Doktor, kumusta ang anak ko? Okay lang ba siya?”"Paano siya magiging okay pagkatapos mahulog mula sa napakataas na lugar?" matigas na sumagot ang doktor. "Ang ulo niya ay dumanas n
Bandang tanghali, maingat na nagtanong si Arianne kay Helen, “Gusto mo bang kumain? O ng inumin? Kukuha ako nito para say."Tiningnan siya ni Helen ng malamig at malayong titig at sinabing, “May puso ako, hindi tulad mo. Hindi ako pwedeng kumain o uminom habang nangyayari ito."Ang huling ugat ni Arianne ay malapit nang maputol. “Pwede bang itigil mo ang pagiging masungit mo? Kasalanan ni Seaton kung bakit naging ganito si Aery, hindi namin ito kasalanan ni Mark. Kung may sasabihin ka sa amin, sabihin mo na lang!"Lalong nagalit si Helen. “Sabihin ko na lang? Okay, sasabihin ko na lang. Bakit hinayaan nila Mark at Alejandro na masaktan si Aery sa paghahanap nila kay Seaton? Napakaraming tao ang nakapalibot sa kanila, ngunit nakahanap pa rin ng pagkakataon si Seaton na saktan si Aery. Hindi nila ginawa ng maayos ang trabaho nila. Walang kinalaman dito si Aery; ikaw ang gustong makuha ni Seaton. Si Aery ang nagdusa para sayo, at kahit na hindi ka nagsisisi sa mga nangyari, hindi ka da