Tumigil si Mary, pagkatapos ay nagsalita siya, "Pwede mo siyang tawagan at tanungin kung babalik siya para mag-hapunan. Ang mag-asawa ay dapat na makipag-usap sa isa't isa, hindi ka pwede magpatuloy na mabuhay ng ganito. Alam kong pareho kayong nagpakasal dahil sa isang kadahilanan... kung magiging prangka ako, batay sa personalidad ni sir, ang katotohanan na kakalimutan niya ang nakaraan at pinakasalan ka pa rin niya ay nangangahulugang mahal ka niya talaga. Hindi ka umasta na parang wala kang pakialam sa kanya. Alam mo naman ugali niya, kaya bakit hindi mo lang siya pakinggan? Hangga't ang dalawang tao ay maaaring mabuhay nang magkasama, mahalaga ba kung sino ang unang magpapakumbaba?" Nararamdaman ni Arianne na para bang narinig niya ang pinaka walang kwentang payo. “Binibiro mo ba ako, Mary? Mahal niya ako? Eight years old pa lang ako nang pumasok ako sa pamilyang Tremont, at siya ay eighteen na. Siguro nga baka may na girlfriend na siya noon. Bata pa ako. Paano siya posibleng na
Biglang napaisip si Mary. "Ari, kailan ka huling nagkaroon ng regla?" Saglit na nag-isip si Arianne. "Hindi ako regular na nagpapahinga, kaya na-delay ang regla ko. Halos isang buwan na ang huli, pero nakakakuha ako ng mga sintomas kamakailan, kaya dapat darating na ito kaagad. Sa palagay ko magiging maayos ako pagkatapos ng pagbisita sa doktor kapag malaya akong kumuha ng ilang mga gamot para maiayos ito." Sinubukan ni Mary na pag-isipan ito nh mabuti. "Sa palagay mo ba buntis ka?" Nagbago ang mukha ni Arianne at mabilis niya itong tinanggi. "Imposible!" Bukod sa kauna-unahan niyang pakikipagtalik kay Mark, minsan lamang niya ito nagawa mula noon. Kaya naramdaman niya na malamang na hindi ito posible. Nakikita ni Mary kung gaano ka-taas ang kumpiyansa ni Arianne na tanggihan ang posibilidad na iyon, kaya lalo pang nag-alala si Mary. “Kung ganon, malamang may problema. Huwag maghintay hanggang magkaroon ka ng bakanteng oras. Dapat kang magmadali at mapa-check ito sa ospital."
Kinuha ni Mark Tremont ang isang card mula sa kanyang pitaka at itinapon sa coffee table. Hindi niya pinansin ang presensya ni Arianne at pumili ng isang magazine na babasahin. Kinuha ni Arianne ang card, nagpasalamat sa kanya, saka tumalikod at umakyat. Partikular niyang ipinaalam kay Mary na hindi siya kakain ng hapunan. Sa ngayon, ang gusto lang niyang matulog. Labis na mabigat ang pakiramdam ng kanyang mga mata, na para bang may humihila sa kanila. Sa oras na inihain ang pagkain sa mesa, medyo nainis si Mark nang malaman na wala si Arianne sa kanyang paningin. "Nasaan siya?" "Hindi maganda ang pakiramdam niya at ipinaalam niya sa akin na hindi siya kakain ng hapunan. Sir, naduwal si madam kani-kanina lang. At… late... late na ang regla niya. Sinabihan ko siyang pumunta para magpatingin sa ospital,” sagot ni Mary. Ang mga pupils ni Mark ay biglang lumaki. "Ano ang sinabi mo?" Inisip ulit ni Mary ang kanyang mga sinabi. Matapos matiyak na wala siyang sinabing mali, nagpatul
Pagkalabas ng consultation room, sinubukan ni Arianne na makatakas. "Sa tingin ko okay lang ako ngayon, Brian. Bumalik na tayo sa bahay." Naisip ni Brian na natatakot lang siya na ma-inject kaya pinakalma niya ito. "Magiging okay lang ang lahat. Ito ay isang blood test lamang. Matatapos agad ito bago mo pa malaman." Hindi makapagsalita si Arianne. Naglakad sila papasok sa phlebotomy department. Napatingin siya sa nurse at pinanood niya na pinapasok ang karayom sa kanyang ugat. Halos dalawang test tubes ang napuno ng kanyang maliwanag na pulang dugo. Hindi mapigilan ni Brian na kausapin ang kanyang sarili. Mukhang hindi natakot si Arianne... ngunit bakit siya hindi mapakali kanina? Ang resulta sa blood test ay mabilis na lumabas. Hindi mahulaan ni Arianne ng kung ano ang ibig sabihin ng mga numero sa papel. Nang bumalik sila sa consultation room hawak ang slip, biglang nag-ring ang cellphone ni Brian. "Madam, aalis muna ako para sagutin ang tawag." Tumingin ang doktor sa
Hindi makapaniwala si Eric. "Ano ang kailangan mong isipin? Kung babalik ka, kakalimutan ko ang tungkol sa iyong resignation at isasaalang-alang ang pahinga mo bilang isang paid vacation leave. Okay ba? Hayaan mong linawin ko muna sa iyo, hindi kita binabantayan para kay Mark. Kailangan ko lang ng isang may talento na designer na tulad mo na nagtatrabaho sa akin." Sa katotohanan, si Arianne ay bahagyang sumalungat. Upang makatanggap ng suweldo sa panahon na hindi siya nagtrabaho ay tiyak na isang kaakit-akit na alok. Gayunpaman, hindi niya matanggal ang pakiramdam na may iba pang itinatago sa kanya si Eric. Malinaw na alam ni Eric ang kanyang kakayahan. Tiyak na hindi nagkulang si Eric sa mga empleyado na tulad niya. "Sabihin mo sa akin ang totoo... Ginagawa mo ba ito dahil mayroon kang ibang motibo?" Napahinto si Eric sa tanong niya. "Anong motibo ang meron ako? Naging kaibigan ko si Mark ng ilang dekada, hindi ko naman liligawan ang asawa niya. Iniimbitahan lang kita na bumali
Marahil ay abala lang si Tiffany, kaya hindi ito inisip ng husto ni Arianne. Bigla niyang narinig ang boses ni Butler Henry na nagmula sa baba. Mukhang bumalik na si Mark... Mukhang hindi niya balak pumunta sa ibang lugar ngayong gabi. Naligo siya at nagpalit ng damit pagkabalik niya. Kahit sino sa kanila ay hindi nagsalita sa mesa sa hapunan. Medyo tense ang kapaligiran. Inihain ni Mary ang ulam at soup. "Madam, mula noong nagkasakit ka nitong mga nagdaang araw, sinabihan ko ang mga tauhan sa kusina na maghanda ng nutritious soup para sayo. Kahit na medyo malansa ito, mabuti ito para sa tiyan mo. Sana kainin mo ito kahit kaunti lang.” Nag-aalala si Arianne na baka maduwal siya, kaya mabilis niyang tinakpan ang kanyang ilong. "Ayoko talaga… Mary, sinabi ko sayo na 'wag ka maghanda ng kahit anong may amoy na malansa. Hindi ko ito kayang kainin." Inilagay ni Mary sa kanyang harapan ang isang maliit na mangkok ng soup. “Takpan mo na lang ang ilong mo at inumin mo. Magiging okay
Si John Lane ay namatay sa operating table. Naisip ni Tiffany na makakakuha man lang siya ng pahinga pagkatapos magkaroon ng sapat na pera para maisagawa ang operasyon. Hangga't mabubuhay si John, ang bawat ulap sitwasyon ay magkakaroon ng solusyon. Hindi niya inaasahan na susundan ng masamang balita ang pagkakataon na ito nang hindi siya binibigyan ng pagkakataong huminga man lang ng normal. Ilang sandali pa ay lumabas na si Lillian na pula ang mga mata. "Tiffie... Pumasok ka at makita ang tatay mo sa huling pagkakataon..." Dahan-dahang umiling si Tiffany. "Ayoko… Ma, aayusin ko ang kanyang libing bukas ng madaling araw. Pwede ka nang umuwi at magpahinga." Hindi gumalaw si Lillian ngunit lalo pa siyang umiyak ng mas malungkot sa kinatatayuan niya. Ang kanyang mahina na katawan ay yumanig tulad ng isang dahon, at mukhang babagsak siya sa susunod na sandali. Ang pag-iisip na bumalik sa isang malagim at masikip na paupahang bahay na mukhang nasa ghetto ang kinakatakutan niya. Bil
Umubo si Summer West, saka mahinahong pumatong sa kinauupuan niya. "Hindi na, umalis na tayo." Habang ang kotse ay mabilis na nawala sa kasagsagan ng ulan, nakaramdam si Jackson ng kaunting kalungkutan. Nawala ang bilang niya sa kung ilang beses siyang pinabayaan ng kanyang ina na tulad nito, anuman ang sitwasyon na naroon siya. Minsan pa nga ay naghinala siya kung siya ba talaga ang kanyang anak sa... "My condolences, pwede mawala ang namatay ngayon pero dapat kang magpatuloy sa pamumuhay nang maayos. Bakit mo ito ginagawa sayong sarili?" Nabigo si Jackson na itago nang buong-buo ang kanyang pagkadismaya na maiwan habang inaaliw ang Tiffany. "Mr. West, mukhang wala pang namatay sa pamilya niyo, tama ba ako?" Inirapan siya ni Tiffany, saka dumiretso sa ulan. Nakahinga na ng maluwag si Jackson, alam niya na nakabawi na si Tiffany mula sa mga masamang salita na itinapon niya kay Tiffany noon. Ayaw nang balikan ni Tiffany ang lahat ng mga negatibong damdamin na naramdaman niya