Tumulo ang luha sa kanyang mga mata, ngunit pinagsikapan ni Tiffany na hindi ito mahulog. "Hmm, masasabi ko na ang Sasha na ito ay katulad ko. Isa lang kaming stepping stone para sayo. Kaysa magalit ako, dapat akong makiramay sa kanya. Ang iyong mga mata ay malamig tulad ng malupit na hangin ng taglamig. Ganyan ang tingin mo sa akin mula noon, masyadong akong nahilig na magpakasawa sa sarili kong mga pantasya. Hindi mo na kailangang bayaran ang pera. Dahil kusang-loob kong ginastos ang lahat ng iyon para sayo, wala akong karapatang hilingin pa na ibalik mo ito. Salamat dahil may tinuro ka sa akin. Salamat sa pagbigay mo ako ng isang matinding dagok habang ang buong mundo ko ay gumuguho. Napaka dugyot mong tao!" Pagkasabi ni Tiffany nito, tumalikod na siya at umalis mula sa lugar na iyon. Doon lang tuluyan nang bumuhos ang luha sa kanyang mukha. Naintindihan niya ang lahat sa oras na lumabas si Ethan mula sa banyo. Ang unang bagay na inisip ni Ethan ay hindi ang katotohanan na basa
Tinanggap ni Butler Henry ang kanyang mga bilin at pagkatapos ay umalis sa ospital kasama ang iba pang mga bodyguard. Sa wakas ay bumagsak si Arianne sa upuan. "Tiffie ... Sumasakit ang tiyan ko..." Pinunasan ni Tiffany ang kanyang luha at sumigaw para sa isang doktor. Binigyan ng doktor si Arianne ng paunang pagsusuri pagkatapos ay sinabi, "Nakakaranas ka ng ilang sintomas ng miscarriage. Mas mainam kung magpahinga ka. Masusuri lamang namin ang higit pa pagkalipas ng hindi bababa sa isang linggo. Masyadong mahina ang kalusugan mo." Nagulat si Tiffany. "Buntis ka? Kaninong anak ito?" Bumuntong hininga si Arianne. "Sa tingin mo kanino ito?" "Hindi ito kaya… kay Will?" Mahinang sabi ni Tiffany. Lalong nalulungkot si Arianne. "Tiffie, hindi ko maaring gawin ang ganoong klaseng bagay. Anak ito ni Mark. Pwede bang i-sikreto lang natin ang pagbubuntis ko. Hindi niya alam ang tungkol dito." "Ano? Hindi niya alam? Bakit hindi mo sinabi sa kanya? Siguro mas magiging siya sayo kung
Masama ang loob ni Aery, ngunit kinailangan niyang panatilihin ang ngiti sa kanyang mukha sa harap ni Mark. "Parang bad mood ka, big sis. Hindi kaya buong gabi kang may kasamang tao na hindi mo dapat kinikita?" Sumulyap si Arianne kay Mark, na nakaupo sa sofa na may malumanay na ekspresyon sa mukha. Pagkatapos ay umakyat siya ng tahimik, hindi siya naghanap ng paliwanag mula sa kanya. Nakita niya ang mga dokumento sa mesa ng kape. Dahil personal na dumating si Helen, sigiro ay tungkol sa negosyo ang kanilang pinag-uusapan. Gayunpaman, ayaw pa rin niyang makita ang dalawang babaeng kinamumuhian niya. Dahil masama ang pakiramdam ni Arianne, humiga na siya sa kama at hindi makatulog ng maayos. Pakiramdam niya ay nahiga lamang siya ng sandali nang tinawag siya ni Mary para kumain. Gayunpaman, nang siya ay bumangon at tiningnan ang oras, nakita niya na tanghali na pala. Maingat na itinaas ni Arianne ang kanyang mga paa nang makalabas na siya ng kama. Ayaw niyang gulatin ang sanggol na
Hindi nagsalita si Arianne. Maingat siyang naglakad pababa ng hagdan at papasok sa dining room. Tiningnan siya ng masama ni Mark. “Kailangan ka pa bang imbitahan na kumain? Hindi ba tinuro ko sayo ang mga patakaran ko?" Umupo siya at nagsimulang kumain ng mag-isa dahil nagugutom na rin siya. Bukod pa dito, natitiyak niya na walang gagawin sa kanya si Mark sa harap ni Helen. Mayroon pa ring perpektong imaheng si Mark para mapanatili sa harap ng iba. Ang galit na mukha ni Mark ang kaya niya lang gawin sa oras na ito. Tumingin si Helen kay Arianne na parang nakatingin ang isang ina sa kanyang anak. "Mark, sobra akong nagpapasalamat sa lahat ng pangangalaga na ibinigay mo kay Ari sa nagdaang mga taon. Bilang isang ina, hindi ko maiwasang mahiya dahil dito." Hindi na kaya ni Aery na panoorin ang sitwasyon na ito. Bago pa magsalita si Mark, biglang sumabad si Aery, "Mark mahal, napakabuti mong tao. Para maisip na pwede mong kunin ang anak na babae ng isang kaaway at pakainin siya ng il
"Arianne, aalis na ako," maingat siyang tinawag ni Helen. "Pumunta ka sa doktor kung hindi pa maayos ang pakiramdam mo. 'Wag mo itong palalain." Hindi napigilan ni Arianne ang kanyang pagkasuklam. "Hindi mo lugar para mag-alala sa akin, Mrs Kinsey," masiglang sagot niya. "Dapat kang maging higit na mag-alala sa mga miyembro ng pamilyang Kinsey." Nanigas ang katawan ni Helen. Nakaramdam siya ng kaunting hiya. Hinatak ni Aery si Helen. "Mommy, 'wag mong ibigay ang iyong sarili sa mga taong walang pakialam sayo. Siguro gusto mong kilalanin siya bilang anak mo, pero hindi ka niya kinikilala bilang kanyang ina."Bumuntong hininga si Helen at tahimik na naglakad pababa para umalis. Lubos na naiinis si Aery. Noong una, siya lamang ang nag-iisang anak na babae sa paningin ni Helen. Gayunpaman, biglang nagpakita si Arianne, at kasama niya pa ang lalaking mahal ni Aery. Galit na galit si Aery habang iniisip niya ito! Hindi nagtagal, ang lahat ay tumahimik sa labas. Bumangon si Arianne
Natakot si Arianne na baka hindi sinasadyang sabihin ni Tiffany ang mga bagay na dapat sikreto lang kaya mabilis siyang sumagot. "Okay lang ako. Hindi ako titigil sa pag-aalala kung hindi din kita tutulungan." Ngumiti si Will. "Hintayin mo ako. Kailangan kong pumunta sa banyo." Hinawakan ni Tiffany ang kamay ni Arianne pagkalabas ni Will. “Sobrang lamig ng mga kamay mo. Sinabi sayo ng doktor kahapon na magpahinga ka sa loob ng isang linggo, pero kung saan saan ka pa rin pumupunta. Pwede naman akong tulungan ni Will. Bakit hindi ka pa umuwi?" Dahil nandito na rin si Arianne, syempre, hindi siya aalis ngayon. "Ayos lang. 'Wag magsabi ng kalokohan sa harap ni Will. Ok lang ako." Sa kabilang dulo, dumating na si Will sa pintuan ng banyo nang siya ay huminto sa kanyang mga yapak. Ang kanyang titig ay sinalubong ng isang pares ng malamig na mga mata. Matapos ang isang maikling katahimikan, nagsalita siya, "Huwag mong sabihin sa akin na sinundan mo si Ari hanggang dito?" Nagdilim an
Tumingin si Will kay Arianne ngunit hindi niya sinabi ang bagay na may kinalaman kay Mark. "Wala yun. Gabi na, umuwi na tayoi. Tiffie, dapat umuwi ka na at samahan ang nanay mo." Bumuntong hininga si Tiffany. "Alam mo naman ang nanay ko. Ngayon na wala na ang tatay ko, siguro hindi siya makakahinga ng maayos ng ilang taon."Tumango si Arianne, "Aalis na ako. Tawagan mo ako kung may kailangan ka." Habang nagsasalita siya, napansin niya ang isang itim na Rolls-Royce na nakaparada sa hindi masyadong malayo. Naalala niya ng mabuti ang plate number ng kotse — kotse ito ni Mark… Lumipas ang ilang saglit nang biglang bumaba si Brian mula sa kotse, lumakad siya papunta kay Arianne at kinuha ang kanyang handbag. "Tara na, Madam." Hindi inaasahan ni Arianne na makikita niya si Mark dito. Tumingin siya kina Will at Tiffany saka sinundan si Brian sa sasakyan nang tahimik. Ang ekspresyon ni Mark sa kotse ay mahirap basahin. "Anong ginagawa mo dito?" tanong niya. Napatingin si Mark sa mg
Hiniling ni Mark na ihanda ang mga ito kahapon. Nagkataon na binisita din sila Helen at Aery kanina. Hindi siya sigurado kung hinanda niya ito para kay Aery, ngunit huli na dumating ang mga sangkap at hindi makapaghintay si Aery hanggang sa hapunan, kaya't siya na lang kumain. Mahirap makakuha ng mga high grade prawn sa panahon na ito. Tiyak na nahirapan si Mark mapalipad ito papunta sa kanila. Kakapasok lang niya ito sa kanyang bibig, at ang kalahati nito ay nakabitin, nang dumating si Mark sa hapag-kainan. Nang makita niya ang iritableng mukha ni Mark, naisip niyang naiinis ito sa kanya dahil sa pagsisimula ng pagkain nang walang respeto. Nag-aalangan siya kung ilalabas o hindi ang pagkain mula sa kanyang bibig, itinulak ni Mark ang buong plato ng mga prawns sa harap niya at sinabing, "Walang kang tamang asal sa lamesa." Bigla namang naalala ni Arianne na hindi kumakain ng mga prawn si Mark Tremont. Mukhang magiging panakip butas talaga si Arianne. Kahit na ang kanyang tono